Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

Kabanata 15

Visit

Narealized ko rin na parang nagpadalos-dalos din pala ako noon... Wala namang sinabi sa akin si Rad... Ang sinabi lang naman niya sa akin noon ay ex-girlfriend na lang niya si Sarita at naka-moved na rin siya sa babae. At hinalikan na niya ako noon... Pero natakot ako... Natakot din ako para sa sarili ko. I remembered what Tita Susanna said... I only thought of myself. I became a coward, too. Kaya wala pa ngang sinasabi si Rad, hindi ko na siya pinakinggan o kinausap noon bago ako umalis, ay inunahan ko na siya. I didn't wanna hurt myself so I chose to leave... At paano kung si Rad naman pala ang nasaktan ko? Umiling ako. Imposible rin naman... Hindi pa naman siguro ganoon kalalim iyong sa amin noon... I sighed.

Nakasunod lang ako kay Rad. Sumunod din sa amin sina Cecil at ang driver. Patungo na siya sa naghihintay niyang bagong sasakyan. Iba na ito sa dati niya rin gamit. "Uh, may dala rin kaming sasakyan, saan ba pupunta? Susunod na lang siguro kami sa 'yo..."

Rad stopped to look at me. Nasa harap na rin siya ng sasakyan niya. He opened the car's door for me. "Get in." aniya.

"Uh," bumaling na lang ako kanila Cecil. "Sumunod na lang siguro kayo sa amin." I instructed them.

Tumango naman si Cecil at ang driver at pumunta na rin sila sa sasakyan naming naka-parked din doon. Bumaling nang muli ako kay Rad na naghihintay sa akin at tahimik na rin akong pumasok sa sasakyan niya. "S-Salamat," sabi ko sa pagbubukas niya ng pinto ng sasakyan para sa akin.

Hindi siya umimik at mabilis na rin pumasok sa driver seat. Pagkatapos ay nagsimula na rin siyang tahimik din na nagmaneho. Pasulyap-sulyap naman ako sa kaniya habang nasa daan lang naman ang mga mata niya. Hanggang makarating kami sa isang parte ng malawak na farmlands. Bakit nga ba hindi ko rin naisip na magkadikit na rin pala ang farm nila sa lupa nina Kuya Joaquin. Parang ginawa na nga rin isa ang mga farms at lalo pa itong lumapad. Nasa medyo babang parte na rin kami kung saan ngayon ko lang nakita na may structures na at mga offices. Naalala ko iyong plano noon ni Rad dito sa farm nila na sinabi niya rin sa akin. Mukhang natupad na nga niya...

Nauna siyang lumabas pagkatapos ng maikli lang din namang tahimik naming biyahe patungo rito. Naghintay na lang ako at muli niya rin pinagbuksan ng pinto ng sasakyan para makalabas na ako. "Salamat uli..." sabi ko sa maliit na boses na hindi pa rin halos makatingin ng deretso sa matapang niyang mukha. "May mga nabago..." sambit ko.

He nodded. "The farmlands is also processing products now." aniya.

Tumango rin ako. "Gaya rin ng plano mo noon sa farm n'yo." bumaling ako sa kaniya at ngumiti.

Nagkatinginan kami. Unti-unti ko ring tinanggal ang ngiti ko sa naramdamang awkwardness sa pagitan namin. "Let's go inside." ani Rad at sumunod muli ako sa kaniya.

Pumasok kami sa isang mukhang office niya. Malinis iyon at maayos. Hinarap akong muli ni Rad nang malapit na siya sa mesa niya. "U-Uh, ang sabi sa akin ni Kuya Joaquin ay sa iyo niya raw binilin ang farm..." agad na rin akong nagsalita dahil pakiramdam ko ay ang awkward na rin talaga lalo at kaming dalawa na lang dito sa tahimik niyang office.

Tumango siya. "Yes,"

"Salamat... Thank you for taking care of the farm..." as if I didn't know what to say... Pero pinilit ko pa rin ang sariling magsalita. I had to. "I want to help here, uh, iniiwan na rin sa akin ni Kuya Joaquin ang pangangalaga nito,"

He nodded, still looking at me, as if he was just watching my every reaction.

"P-Paano nga pala ako makakatulong dito?" I was still feeling nervous. "I mean, I want to manage the farm, too..."

He nodded his head again. "You still need to learn. Or do you already have an experience in running a farm? Maybe you learned it abroad..."

Umiling ako. "Wala pa akong experience, iyan nga rin ang sabi sa akin ni kuya... Pero gusto ko talagang mamahala..."

Muli siyang tumango. "Okay." aniya lang at bumaling na sa iilang mga papel sa desk niya roon. Humarap sa akin ang likod niya. Kita ko ang muscles niya sa bahagyang higpit ng shirt na suot niya. I gulped a bit remembering the only obscene memory I had with him...

"Okay? Uh, a-ano pala iyong mga gagawin ko rito?" I asked. Parang nawalan ako ng idea rito bigla.

He turned to me again and our eyes immediately met. "P-Pasensya ka na, wala pa kasi talaga akong idea..." Kahit mayroon naman... But, wala pa naman talaga akong experience. Kaya masasabi kong wala pa nga rin talaga akong kaalaman sa pangangalaga ng farm.

"It's okay." aniya. "You've been stuttering... Are you okay?" his brows arched.

Nabigla naman ako. "Ha? Hindi! Hindi, I mean, I still don't know what to do here..."

He nodded. "Yeah, I said it's okay. Matututunan mo rin naman." he turned to his table again.

"Thank you..." I said, watching his back. Nakatayo lang ako roon.

Binalingan niya akong muli. "Is there anything else?" he asked.

"Huh? U-Uh,"

He sighed. "Let's go outside, I'll introduce you to our workers here." aniya at hinawakan pa ako sa siko nang giniya na palabas ng office niya. Sandali ko na lang nakagat ang labi nang nakita ang hawak niya sa akin.

Pinatawag niya ang mga empleyado ng farm. Ngumiti rin ako sa mga ito. Rad beside me started introducing me to them. Bumati rin naman ako. "Magandang umaga, Senyorita." nakangiti rin bati nila sa akin. I saw some familiar faces na nakilala ko na rin dito noon sa farm nina Rad. At marami rin bago.

Rad also toured me around. Pati sa mga pagawaan ng mga produkto ng farm. Marami na rin pala siyang natutulugang mga tagarito sa pagtatrabaho sa farm. Napangiti ako habang naglilibot kami. "What are you doing?" Rad asked me.

"Hmm?" bumaling ako sa kaniya. "Tinikman ko lang." sabi ko nang nahuli niya akong kumuha ng isang slice ng dried mango sa may mahabang mesang naroon.

He smirked. Kinunutan ko lang naman siya ng noo at bahagya rin akong napanguso.

"Gusto n'yo po ba, Senyorita, mayroon po ritong nakabalot na." ngumiti sa akin iyong isang worker.

"Ay, hala," nahiya naman ako. Tumingin ako kay Rad at tumango lang din siya. "Salamat po." bumaling nang muli ako roon sa babae at ngumiti. Pagkatapos ay binigyan na ako nito ng dried mango. Lumabas na rin kami ni Rad doon.

"How's it?" tanong ni Rad.

"Masarap, matamis." sabi ko at naglagay pa muli ng dried mango sa bibig ko.

I saw a ghost of a smile on his lips. Pinigilan ko lang din ang sarili na mangiti at tumingin na kami pareho sa harap namin.

Gusto ko siyang kumustahin... Kaya iyon nga ang ginawa ko. "Kumusta ka na..." mahina kong sambit. Narinig din naman niya kaya bumaling siyang muli sa akin.

He shrugged. 'Tapos muli lang siyang tumingin sa harap namin, sa dinadaanan namin. "I guess I'm okay..." kibit-balikat niya.

"Mabuti naman..." mahina lang ang boses ko, nag-iingat din.

Ilang sandali kaming natahimik.

"You?" he asked.

Tumingin ako sa kaniya at muli kaming nagkatinginan. "Ayos din naman..." I smiled a bit. Parang ang dami kong gustong ikuwento rin sa kaniya. Ang experiences ko sa ibang bansa... Pero parang hindi pa tama...

He nodded. "Good..."

Pagkatapos noon ay muli na naman kaming natahimik... Hanggang sa malapit na ako sa naghihintay na sina Cecil at sa sasakyan. Bumaling nang muli ako kay Rad para magpaalam. "Salamat, uh, babalik na lang siguro ako bukas... Magsisimula na rin ba ako bukas sa mga gawain dito?" I asked.

He shrugged his shoulders. Namulsa na rin siya. "If you want to,"

Tumango ako. At sinubukan na rin siyang ngitian muli. "Salamat, Rad... Uh, see you tomorrow..."

He nodded. "See you tomorrow."

Pagkatapos noon ay pumasok na rin ako sa sasakyan namin. Tumabi na rin sa akin si Cecil sa tabi ko. Nasa driver seat na rin ang driver sa harap. It was just a short visit. May pupuntahan pa rin kami ng Papa at titingnan din ang asukarera. Medyo tinted din ang sasakyan kaya hindi ako kita sa labas. I watched Rad through the car's closed windows. Pinagmasdan ko siyang nakatingin lang din sa sasakyan namin at hinihintay itong tuluyang makaalis. He changed a bit... I missed him.

I sighed. Bumaling na lang ako sa harap at nakakalayo na rin ang sasakyan matapos magsimulang umandar paalis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro