Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

Kabanata 14

Farm

Umuwi na rin ng Hacienda Karmen ang panganay ni Papa kasama rin ang sarili nitong pamilya. Even Papa's first wife, Agatha Valiente came. Kasama rin nina Kuya Joaquin na dumating si Tita Susanna. I can only think how awkward this was for Papa... Pero pormal naman ang lahat. Nagsama-sama lang din kaming lahat para sa malaking occasion na birthday nga ng kambal. Pinakilala na rin sa amin ang unang mga apo ng Papa na mga pamangkin ko rin. Mababait din naman ang parehong anak na babae at lalaki ni Ate Beatrice. Kaedad lang din ng mga ito sina Karmela at Karmen.

"Matagal na panahon na rin since I last visited the hacienda." si Tita Agatha na makikitaan ng karangyaan ang ayos. Parang siya iyong mga kontrabidang Madam sa mga teleserye. Maganda rin naman siya. "So, this is your wife?" baling nito sa kay Tita Christine na tahimik lang naman.

Hindi rin nagkakalayo ang edad ni Tita Christine at ni Ate Beatrice.

"Agatha..." parang pigil na iyon ng Papa sa dating asawa.

Bumaling na lang din si Tita Agatha sa ibang bagay sa loob ng mansion. "Marami rin ang pagbabago..." komento lang niya.

"You have a good taste, Christina." ngumiti naman si Tita Susanna na tinukoy ang mga bagong muwebles sa mansyon, kay Tita Christine na tipid lang din ngumiti.

Nahuli ko pa ang pag-irap ni Tita Agatha sa dalawang babae.

Pagkatapos ay nagpaalam nang aakyat na muna sa mga silid namin. Nagpaalam na rin akong aakyat din muna sa kuwarto ko matapos humalik sa pisngi ng Papa. Sinalubong din ako ni Cecil. "Senyorita,"

Ngumiti ako nang malapad. "Cecil," at niyakap na rin ito. "Halika, sumunod ka sa akin sa kuwarto ko at may mga pasalubong din ako para sa inyo nina Manang."

"Nag-abala pa po kayo pero maraming salamat, Senyorita." nakangiting ani Cecil.

Ngumiti lang din ako sa dati nang katulong dito sa mansyon. May napansin din akong mga bago at mga nadagdag na maids. Si Karmela lang ang sumalubong sa akin kanina at sandali ko rin nakausap dahil may pupuntahan pa rin ang kapatid ko. Samantalang nasa mga Ledesma naman si Karmen at nandoon sila sa mansyon din ng pamilya ng boyfriend niyang si Elian Ledesma. Naging long distance relationship din ang dalawang iyon at mukhang mapapaaga pa nga ang pagpapakasal ng kapatid ko. Karmen has a congenital heart disease, and despite all the surgery and treatments hindi pa rin ganoon kalakas ang puso niya ngayon... Kaya parang sinusulit na rin nila ang panahon... Nalulungkot din ako para sa kapatid ko. But I know that miracles do happen and God truly listens to our prayers.

Binuksan ko ang pinto ng dati ko na rin kuwarto rito sa mansyon at pumasok na. Napangiti ako nang nakita ang loob. Halos wala rin pagbabago bukod sa konting-konting renovation na ginawa para rin ma-maintain. I missed my bedroom, too. I missed my four poster bed. At ang tokador ko.

"Na-miss po kita, Senyorita." ngumiti si Cecil sa repleksyon niya sa salamin ng tokador. Parang gaya lang din noon. Napangiti lang ako. "Lalo lang po kayong gumanda." aniya pa.

"Na-miss ko rin kayo, Cecil." muli ko siyang binalingan. "Na-miss ko itong mansyon at itong kuwarto ko." ngiti ko.

Ngumiti rin siya at tinulungan na rin ako sa mga maleta ko. Babalik pa siguro ako ng Manila. I also have a condo there. I like working for our company, too. I like to help my brother. Pero alam na rin ni kuya na hindi ako sasabay sa kanila pabalik. Mananatili pa ako rito para sa farm na binilin niya lang daw muna sa isang kakilala. Nag-usap na rin kami tungkol doon.

"Magtatagal po ba kayo rito, Senyorita, at dito na muli mananatili o babalik din po kayo sa Maynila gaya ng kapatid n'yo?" tanong ni Cecil.

"Baka babalik din, Cecil. Pero matatagalan pa dahil may titingnan pa rin akong farm." sabi ko.

Ngumiti na si Cecil. Nagpatuloy na kami sa pag-u-unpack ng mga gamit ko at paglalagay noon sa closet. Pagkatapos ay muli rin akong bumaba pagkatapos lang magpahinga sandali para sa maagang hapunan ng pamilya. Nakabalik na rin si Karmen at kasama niya pa rin si Elian. Mukhang hindi na sila mahiwalay sa isa't isa, ah. Napangiti na lang ako at masaya rin para sa kapatid. "Karmen," salubong ko.

Her eyes widened a fraction upon seeing me. "Ate Stephanie!" she welcomed me with a tight hug.

"Karmen," I gently rubbed her back. She was wearing a beautiful dress. Bagay na bagay sa kaniya at mukha pa rin talaga siyang anghel. May scarf din na ginawang parang ribbon sa makapal at itim niyang buhok. "Elian," binati ko na rin si Elian na kasunod ng kapatid ko.

"Ate," bahagyang tumango at ngumiti rin si Elian sa akin.

Tinawag na rin kami ni Tita Christine patungo sa dining area. Sumunod na rin kami. Nandoon na rin ang lahat at tahimik at parang may tensyon pa sa hapagkainan. Tahimik na lang din kaming sumalo doon. "Nasaan naman ang iyong Mama, hija? Para kumpleto na kami rito." bahagya pang tumawa si Tita Agatha sa mukhang biro niya.

"My mother died when I was still seventeen, tita." I answered politely.

"Oh, I'm sorry." aniya lang at bumaling na sa ibang bagay.

Pareho lang naman tahimik na kumakain din sina Tita Susanna at Tita Christine. While Papa and Kuya Joaquin were talking about business. Sinasali rin nila ang husband ni Ate Beatrice na tahimik lang din at nakikinig sa usapan sa hapag. Sumasagot lang kapag binabalingan din siya ng asawa. Their kids looked like their father, pero may hawig din sa mga Aguirrezabal si Maurice, ang pangalawa at bunso nilang anak. Babae naman ang panganay na si Shantina. Maganda rin ito.

Naghahanda na rin kami para sa magaganap na party sa mansion para sa kambal. I remember my party before, too... I can still remember what happened then. At naalala ko rin iyong sinabi sa akin ni Kuya Joaquin. "You know, people tend to forget what they saw or hear, too. Lalo kung matagal na rin namang nangyari." he said. He knew that I was still a bit hesitant to go back here dahil na rin sa nangyari noon.

The twins were really beautiful in their gowns. Years have passed pero mukha pa rin snob at suplada si Karmela. Kabaliktaran talaga sa kakambal niyang si Karmen na nakangiti naman sa mga guests. Napailing na lang ako sa kapatid.

Nasa party rin ang parents ni Rad... Pero wala siya at ang kaniyang Mama at Papa lang ang dumalo. Nakita rin ako nina Attorney Via Lizares and they went to me with Rad's Papa. "Hija," salubong nito sa akin. Nahihiya rin ako sa kanila sa nangyari noon. Inisip ko rin kung ano na ang naging tingin nila sa akin... "How are you? You look lovely." ngumiti sa akin ang Mama ni Rad. "Rad already told us everything... About what happened, how you two first met. And we understand, hija." tango nito. Tumango rin si Attorney Conrad Lizares sa tabi ng asawa.

Unti-unti naman akong tumango. "Maayos naman po ako, tita...tito. Kayo po?" I politely asked Rad's parents.

Ngumiti na si Tita Via habang nakatingin sa akin. We talked for a while bago tinawag na rin ako ng Papa. I excused myself politely before I left them. Tumango lang naman sila sa akin at hinayaan na akong umalis sa tabi nila.

Kuya Joaquin was also talking to some politicians beside him was his wife, Ate Angelica. Ang kanilang anak ay na kay Papa naman at na-miss rin nito ang apo. Sa tabi ay may nakabantay lang na yaya. Abala rin sina Tita Susanna sa iba pang mga guests. Halos napuno na naman ang mansyon sa mga bisita. And the night ended with Elian Ledesma on one bended knee proposing to Karmen for my sister's hand in marriage. Nakangiting natutuwa rin ako para sa kapatid at pumalakpak na rin nang naiyak pa ng kaunti na tinanggap ni Karmen ang marriage proposal sa kaniya ni Elian at tumayo na rin ito matapos isuot sa kapatid ko ang singsing at yumakap na silang dalawa sa isa't isa.

"I can't believe that you're getting married soon, Mildred." napapunas si Tita Christine ng kaunting luha nang nagkausap na rin silang mag-ina nang nakauwi na ang mga bisita at tapos na rin ang engrandeng naganap na party. Tita Christine calls her children by their second names, Karmen Mildred and Karmela Maureen.

Niyakap ni Karmen ang kaniyang Mama. Nakangiti lang naman ako habang pinapanood sila. Binati rin nina Shantina at Maurice ang kanilang tiyahin na halos kaedad lang din nila.

The next day I prepared myself for the farm. Isasama ko na rin sa akin si Cecil para sa iba ko pang mga kailangan. At para makalabas na rin siya. Kasama rin namin ang isang driver na pinayungan ako paglabas ng sasakyan. Nakasunod din sa akin si Cecil.

"Senyorita," medyo nagulat pa ako nang makita ang pamilyar na mga taong sumalubong sa akin. Malaki ang ngiti nito sa akin.

"Aling Fe?"

Ngumiti pa ito. "Senyorita Stephanie, kumusta po kayo? Matagal na rin mula noong huli tayong nagkita. Lalo lang kayong gumanda."

"Maayos naman po ako, salamat... Nandito po kayo?" Hindi naman ako nagkakamali at wala naman ako sa farm nina Rad. Nandito ako sa farm nina Tita Susanna.

"Ay, opo, harvest kasi ng ilang pananim kaya nandito na rin kami para tumulong."

Tumango-tango ako. "Ah, nandito rin po ba ang pinagbilinan ni Kuya Joaquin ng farm?"

Tumango ito. "Opo, nandito si Attorney."

My eyes widened a fraction. "Attorney?"

Ngumiti si Aling Fe. "Opo, si Attorney Rad Lizares." ngiti nito.

My heart pounded. Agad akong nagpaalam para tawagan ang kapatid ko. Kuya Joaquin didn't tell me! Kay Rad niya pala iniwan itong farm nila? At bakit hindi niya sinabi sa akin?! "Kuya!" agad kong bungad nang sagutin nito ang tawag. Nakabalik na rin sila ng Manila at hindi puwedeng iwan ng matagal ang business. While Ate Beatrice's son, Maurice, stayed at the hacienda. Nakaalis na rin silang lahat right after the twins' 18th birthday.

"Steph,"

"Kuya, bakit hindi mo sinabi sa akin?" I promptly asked my brother.

"What is it?" aniya sa kabilang linya.

"Rad!" I was starting to get frustrated. Hindi ko napaghandaan ito. Alam ko naman ang possibility na puwede pa rin kaming magkita ni Rad dito lalo noong birthday nina Karmen at siguradong imbitado rin naman ang pamilya niya. Pero wala siya so I already concluded na baka nasa Manila rin siya at abala pa sa cases niya since he's an Attorney there, too.

"Oh, that," si kuya. "Hindi ka naman nagtanong."

What?

"Kay Rad ko iniwan ang farm at kailangan mo rin siya."

"Ano?!"

My brother chuckled. Nag-sorry din agad ako sa pagtataas ko ng boses sa nakatatandang kapatid. "Chill, Steph. He's just there to help. Nagmagandang loob na rin siya. We should thank Rad."

"At paano ang trabaho niya sa Manila?" I asked.

"He's not working here in Manila anymore. Diyan na lang siya sa province. Mas nag-f-focus na rin siya sa pagpapatakbo ng farm nila." he said.

I sighed. Wala na rin akong masabi.

"You need guidance and advice from someone who's an expert with the farmlands, Steph. Wala rin akong matutulong sa 'yo dahil wala pa akong experience riyan. And Rad can definitely help you out." he added.

Tumango na lang ako kahit hindi rin naman nakikita ni kuya at nagpaalam na. Binaba ko na rin ang tawag. Humarap na muli ako kanila Aling Fe. "N-Nasaan po siya..." tukoy ko kay Rad.

Tumango si Aling Fe at pinasunod na ako sa kaniya. I breathed. I was nervous. I'm really seeing Rad today... After years...

"Attorney," tawag ni Aling Fe at nakita na rin namin ang likod nito na nakaharap sa isang truck na pinagkakargahan ng mga bagong aning mga pinya.

My nervousness just doubled at halos mapayuko na lang ako but I fought myself. Just act... civil...

Humarap na sa amin si Rad and I was welcomed by his gorgeous face and body. Mukhang hindi rin siya pinatanda ng edad na niya ngayon. Although I can see that he looked more matured and authoritative now... Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang makita ako. Mula sa kalmado ay parang nahaluan na ng galit? Hindi ako sigurado dahil parang hindi rin naman ganoon. Parang ang tapang lang ng mukha niya at ang mga mata niya ay nakatingin at natuon na lang sa akin.

Tinanggal ko ang pagkakakagat sa labi nang namalayan. Inayos ko pa ang sarili at pormal nang bumati sa kaniya. "A-Attorney," I just stuttered! Shit.

Bumaling lang muli siya sa mga tao ng farm and gave more instructions. Pagkatapos ay muli na rin siyang bumaling sa kinatatayuan ko. "Sa opisina na raw po kayo ni Attorney, Senyorita." parang gising pa sa akin ni Aling Fe dahil parang saglit din akong nawawala sa sarili.

"Ah, o-opo!" Pagkatapos ay maagap na rin akong sumunod kay Rad na deretso lang ang lakad patungo kung saan at hindi na ako nilingon pa. I bit my lip again.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro