Kabanata 13
Hello! Sorry I couldn't update. Nagkasakit po ako after MIBF. Salamat pa rin po sa mga nakapunta! Hanggang sa susunod! And thank you for your patience.
To read more of my stories you can pledge $3/month to my Patreon creator page Rej Martinez or join my Facebook VIP group for 150 PHP monthly. Kindly message me on my Facebook account Rej Martinez. Thank you!
Kabanata 13
Negros
I actually became independent while studying abroad. I had my own apartment and I cooked and did things for myself alone. Ako lang mag-isa at nakakasama ko lang din si Tita Susanna when she visits me, too. Nabisita rin ako roon ng Papa kasama sina Tita Christine, na kababalik lang din ngayon ng bansa dahil ilang taon din silang dalawa ni Karmen na nanatili sa Amerika for Karmen's heart surgery and treatment. Halos sabay lang din kaming bumalik ngunit nauna na sila sa aking umuwi ng Hacienda Karmen while I stayed here in Manila for a while... Tumutulong pa rin ako kay Kuya Joaquin sa family business. My brother taught me a lot of things with our businesses, too. He said he also saw potential in me and he knows that I can do things for our family business as well. It just added more confidence in me. And I thanked my brother. I thanked my family, everyone who have helped me be who I am today...
"Nakakapagod," halos pabagsak akong naupo sa sofa ng office ni Kuya Joaquin. "Ang dami nilang tanong..." I sighed. Galing lang kami sa isang meeting with the company's board.
Ngumiti lang si kuya. "And you have answered and attended to all their questions." he said, matter of fact.
I nodded and smiled a bit for myself. Pagkatapos ay nakaramdam din ako ng konting lungkot. "Iniisip pa rin kasi siguro nila na... anak pa rin ako ng Papa out of wedlock..." nasabi ko. "So they can't trust me yet."
"I've been working so hard for the past years since I started just to prove myself to them and so that they could give their full trust to me with our father's businesses, a lot of times more than if I'm a legitimate child."
Nag-angat ako ng tingin kay kuya sa sinabi niya.
"Hindi lang naman ikaw ang anak sa labas dito, Steph." kuya smiled na parang wala nalang din iyon sa kaniya.
Napangiti na rin ako. "But they like you now because they know they can trust their money and effort to you." I said.
Kuya Joaquin nodded. "Yeah, doesn't matter anyway kung ano pa man ang tingin sa atin ng ibang tao. What matters is we're doing things for our family. At pantay naman ang pagmamahal at atensyon sa atin ng Papa." he said.
I nodded and agreed. "Si... Ate Beatrice pala?" I asked for our eldest sister na siyang panganay din ng Papa sa aming lahat na magkakapatid.
Kuya Joaquin turned to me from the papers he's signing. "You haven't meet her yet, right?"
I shook my head. He nodded. "She's Tita Agatha's daughter. She's okay, she's civil. While her mother doesn't acknowledge us," he shrugged.
Napatango na lang din ako. Hindi ko pa nakikilala ang unang asawa at panganay ng Papa. May sariling pamilya na rin si Tita Beatrice. May asawa at mga anak na siya.
"Nga pala, about the farmlands," Kuya Joaquin reminded.
Tumango naman ako. "Yes, pupuntahan ko pagbalik ng hacienda..."
He nodded. "You should. Binigay na iyon sa 'yo ng Mama kaya ikaw na'ng bahala." Kuya Joaquin smiled.
"Ang sabihin mo pinabigay mo na sa 'kin dahil wala ka na ring panahon talaga para asikasuhin 'yon." I said.
Tumango naman siya na nakangiti pa rin. Tita Susanna decided na ibigay na lang sa akin iyong farm nila na para rin sana kay Kuya Joaquin, nang nakitaan rin nila ako ng interes doon. Kuya's too busy already with our businesses. Mabuti nga at understanding din na asawa si Ate Angelica. Tama lang talaga na sa isa't isa sila kinasal. They stayed in Manila, too. And settled there.
Papa also called na pinapauwi na rin muna talaga kami sa hacienda dahil mag-e-eighteenth birthday na rin ang kambal. Miss ko na rin ang mga kapatid ko lalo na si Karmela dahil nakikita ko rin noon si Karmen sa States while she stayed at our hacienda with Papa. Hindi rin kasi puwedeng matagal na walang naroon para sa asukarera. Bago umuwi sa hacienda ay dinalaw ko muna ang puntod ni Mami at pupuntahan na rin ang mga dati ko na ring naging mga kaibigan sa club...
Everything that had happened in the past was still a part of me now. I'm not proud of the other things but I think I can't just turn my back at it. At iyon na lang din ang mga tangi kong alaala sa namayapa kong ina. "Mami..." marahan kong inalis ang ilang tuyong dahon na pumatong na sa lapida niya. "Miss na po kita..." I smiled a bit. It was a peaceful afternoon at the cemetery. "Marami na po akong kuwento sa inyo. Pasensya na po at ngayon lang ako nakadalaw sa inyo. Nag-aral po kasi ako sa ibang bansa." I smiled. "Pinag-aral po ako roon ng Papa. Binigyan niya po ako ng magandang buhay. Ilang beses na rin po akong nakasakay ng eroplano at nakapunta sa iba't ibang lugar sa ibang bansa... Sana po ay narito rin kayo ngayon... Hindi na po tayo maghihirap..." I started to get emotional remembering my mother who gave me all that she could give. At ang mga paghihirap namin noon.
"Gusto ko pong magpasalamat sa 'yo, Mami. Nagpapasalamat po talaga ako sa lahat lahat. Sa pagpapalaki, pagsasakripisyo at pagmamahal n'yo sa akin. Hindi ko po kayo makakalimutan kahit na kailan. Palagi lang po kayong nasa puso ko."
Pagkatapos ay nagtungo naman ako sa club ni Madam Gigi. I was with a driver/bodyguard with me. Hindi pa rin ako masyadong marunong mag-drive ng sasakyan at hindi rin ako pamilyar sa ilang lugar dito sa Manila. Maaga pa kaya hindi pa rin bukas ang night club. Pero naalala ko pa kung saan puwede ka rin pumasok sa loob dito noon at dadaan lang sa likod. Sa pagkakaalala ko ay nasa loob lang din naman sila. Nagbakasakali lang ako. Nakasunod lang din sa akin si Manong Noel. "Madam Gigi," saktong nakasalubong ko pa ito na palabas din ng club niya. Natigilan din ito at tiningnan ako. Ilang taon na rin pero nakatayo pa rin itong club niya. May mga koneksyon din kasi siya at malaki rin ang naipon niyang pera noon sa pagtatrabaho sa Japan kaya nga rin nakapagtayo ng club pagbalik dito ng Pilipinas.
"Stephanie?" parang nagdadalawang-isip pa siya kung ako nga itong nasa harap niya. "Anak ni Ingrid? Flores, Ingrid Flores." paniniguro niya.
Tumango ako. "Ako po ito, Madam Gigi." sabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya. "Oo, ikaw nga si Stephanie! Ang ganda, ganda mo na lalo! Tapos," bahagya pa ako nitong inamoy. "ang bango bango mo pa! Kumusta ka na at ano na ang nangyari sa 'yo? At sino 'tong kasama mo?"
"Driver ko po, si Manong Noel. Ah, Madam, kukumustahin ko lang po sana sina Angelina, nasa loob po ba sila?"
Umiling ito. "Wala na rito si Angelina. Si Sasha na lang ang nandito, teka, tatawagin ko. Pasok ka muna." pinapasok kami nito sa close pang club.
Pumasok ako at sumunod sa akin si Manong Noel na kinindatan pa kanina ni Madam Gigi. Pormal lang naman si Manong na nakabantay din sa akin. "Sasha..." tawag ko nang makita ang dating kaibigan.
Nanlalaki ang mga mata nito. "S-Stephanie?" unti-unti siyang lumapit sa kinatatayuan ko. Ngumiti ako sa kaniya. "Stephanie!" tili na niya at niyakap ako.
Napatawa ako at niyakap na rin ang kaibigan. Mas matatanda sila nina Angelina at Melisa ng ilang taon sa akin. Sila na rin ang nakalakhan ko noon dito sa club. "Kumusta ka na? Ang ganda ganda mo at ang ang bango-bango! Nagkita na siguro kayo ng ama mo?" nakangiti siyang nakatingin sa akin. Alam nila na noong umalis ako ay pupuntahan ko ang Papa ko.
Nag-usap pa kami ni Sasha. "Siya nga pala, naalala mo pa ba iyong lalaki noon na nakakuha ng virginity mo?" natanong niya. Bahagya naman akong nailang. Unti-unti na lang akong tumango. "Ay, 'day! Bumalik 'yon dito at hinanap ka! Kaya lang ay wala ka na. Ewan, gusto pa yatang makaisa sa 'yo!"
Bahagya na lang akong napangiwi. Pero... Pinuntahan nga ako rito noon ni Rad dito sa club pero bumibiyahe na siguro ako noon patungong Negros.
"Wala na rin nga pala rito sina Angelina at Melisa..." nagbuntong-hininga si Sasha. "Si Angelina sinuwerte at may lalaking nag-alis sa kaniya rito sa club at inasawa siya. Ngayon ay may sarili na rin silang pamilya. Bibigyan kita ng address niya kung pupuntahan mo rin. Ako naman ito okay lang." ngumisi siya. "Walang nagseryo sa 'kin. Lahat inanakan lang ako kaya nga ngayon nandito pa rin ako sa club at kumakayod para may pambuhay sa tatlo kong mga anak. Mabuti na lang at mababait naman ang mga anak ko kaya hindi na rin ako nagsisisi." ngumiti si Sasha. Kaya napangiti na rin ako.
Pagkatapos ay nagbuntonghininga siya. "Si Melisa itong labis na minalas... Noong huling umuwi siya roon sa kanila hindi na nakabalik dito ang gaga. Nagalit pa nga sa kaniya si Madam Gigi at may utang pa siya rito sa club. Nalaman na lang namin ni Angelina na nakapag-asawa na pala roon kaya hindi na nakabalik. Noong huling contact nga niya sa amin... umiiyak, hindi na raw niya kaya ang pananakit sa kaniya ng asawa niya. Hindi lang niya maiwan dahil may mga anak na rin sila."
Agad akong nag-alala para sa kaibigan. "Sa Negros, hindi ba?" I asked when I remembered.
Tumango si Sasha. "Oo, pero hindi nga lang namin natanong ni Angelina noon kung saan talaga siya sa Negros. Hindi na rin kasi namin siya na-contact uli..." bahagyang napangiwi si Sasha.
Tumango ako, 'tapos ay nag-iwan ng calling card ko kay Sasha. "Kapag sakaling nalaman n'yo kung nasaan siya eksakto sa Negros, tawagan n'yo agad ako at susubukan kong puntahan siya." bilin ko.
Tumango si Sasha at hinawakan nang mabuti ang calling card ko. Binuksan ko rin muli ang bag para kumuha ng pera. Pagkatapos ay inabot ko 'yon sa kaniya. "Nako, Stephanie, hindi naman kailangan-" tanggi pa sana niya, but I insisted.
"Ayos lang, Sasha. Naalala kong tinutulungan n'yo rin kami noon ni Mami." ngumiti ako sa kaniya. Ngumiti na rin siya at marahang tinanggap ang pera. "Para na rin sa mga anak mo. Huwag ka rin magdadalawang-isip na kontakin ako sakaling mangailangan ka rin ng tulong." sabi ko sa kaniya.
"Salamat, Stephanie." ngumiti siya at muli pa akong niyakap.
The more reason na bumalik na nga ako ng Negros. Sana talaga ay malaman na rin namin kung nasaan din si Melisa. Nag-aalala rin ako sa kaibigan kong 'yon...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro