Kabanata 12
Kabanata 12
Walk Away
"Mama, this is Stephanie." Kuya Joaquin introduced me to his Mama.
The woman smiled at me kindly. Unti-unti na rin akong napangiti noon. I can still remember how I first met Tita Susanna. She's Kuya Joaquin's mother. Ang unang naging girlfriend ng Papa bago pa man siya noon pinakasal sa naging una niya ring asawa. Mabait si Tita Susie. She loved doing things for the charity and she liked travelling the world. Pagkatapos kay Papa ay wala na siyang ibang naging karelasyon. Papa was her first and last, her only. I believe they truly loved each other. Nagkamali nga lang dahil noong nabuo si Kuya Joaquin ay kasal pa noon ang Papa sa dati niyang asawa kaya minabuti ni Tita Susie na umalis ng bansa para rin maprotektahan si Kuya Joaquin, through leaving Papa. After she left him doon na rin nakilala ng Papa si Mami, and they had a short affair that resulted to having me. Bago siya bumalik sa Hacienda Karmen where he finally met Tita Christina.
"Bakit hindi na po kayo nagkausap ng Papa noon, tita?" I remembered asking her. It was one of those times na nagkukuwentuhan lang kami while we travel in different places abroad. Naunang bumalik ng Pilipinas sina Kuya Joaquin months after Ate Angelica gave birth to their son. Nagpaiwan naman ako and decided to continue my studies there. Tita Susie would often visit us because she misses kuya and his family. Doon na rin kami naging malapit sa isa't isa. She's like a mother to me already.
Binaba ni tita ang kaniyang tsaa bago bumaling sa akin. She's beautiful and elegant. She looks younger too than her age. May tipid na ngiti na gumuhit sa kaniyang mga labi. "I was a coward, hija." she let out a gentle sigh at muling nagsalin ng tea. And then she looked at the view in front of us. She brought me with her in Santorini this time. Nalibot ko na rin ang iba't ibang parte ng mundo dahil sa kaniya. Inuubos na lang niya ang panahon sa paglilibot sa mundo at pagtulong sa mga nangangailangan. Since Kuya Joaquin was already old enough and had his own family. "Natakot ako... Ang tapang-tapang ko noong una ngunit sa huli pinili ko rin iwan siya..." tukoy niya kay Papa. "Nang naging mahirap na..." she sighed a heavy sigh this time.
"Pero... nagkausap na rin po kayo noong muli kayong nagkita?" marahan kong tanong.
Tita Susie nodded. "Noong bumalik na kami ng Kuya Joaquin mo and I brought him to his father... May asawa na rin noon si Stefano..."
Natahimik kami.
"I can't blame him... I just left. Iniwan ko siya kaya nararapat lang na nakahanap siya ng isang babaeng hindi siya iniwan at nanatili sa tabi niya. Masaya na rin ako para sa kanila ni Christina. I know she's a good woman unlike Agatha. She was so evil." umiling si tita sa alaala, tinutukoy ang dating wife ng Papa. "Ayaw niyang pakawalan noon si Stefano. I know Stefano tried to love her and had a family with her dahil kasal na nga rin sila. Hindi nasuway noon ni Stefano ang kaniyang mga magulang kaya rin kami naghiwalay. I let him go. He let me, too... We did that... Sa ikalawang pagkakataon nga lang ay ako lang ang bumitiw kahit kumakapit pa siya noon sa akin. Parang... madali lang din naming pakawalan ang isa't isa kaya siguro hindi talaga..." iling niya.
"Agatha cheated on Stefano first. Sa kabila ng pagsusubok ni Stefano na mahalin siya ng tapat. I was there, I comforted him... We both knew it was wrong pero nagpadala pa rin kami. He promised me na makikipaghiwalay na siya kay Agatha para sa aming dalawa. I trusted him but maybe I did not trust him enough... And I got scared too. I was pregnant with Joaquin. Tinakot ako ni Agatha at alam ko ang kayang gawin ng babaeng 'yon sa kasamaan niya. Natakot ako para sa anak ko kaya pinili ko na lang lumayo... For Joaquin's safety. Siya ang pinakamahalaga sa akin. Mabuti na lang at nagawa rin ni Stefano na tuluyang mahiwalay sa babaeng 'yon kahit matagal din bago nangyari. Nagkaubusan na sila halos ng pera. Ngunit mas mayaman ang mga Aguirrezabal sa pamilya ni Agatha. Stefano used all his power and connection. And now... He's free and happy." payapang ngumiti si Tita Susie.
Napangiti na rin ako. Alam kong ang kaligayahan lang din ni Papa ang higit na mas mahalaga sa kaniya. She really did loved him. "Kaya ikaw, hija," baling niya sa akin at ngumiti. "When you love, at sigurado kang mahal na mahal mo ang taong ito, piliin mong ipaglaban siya sa kabila ng takot at pangamba... Para sa huli ay wala kang pagsisihan." she said.
I was looking at her. Maybe she did regret too that she left Papa then...
Sinasama na rin ako ni tita sa mga charity works niya. Kaya nahilig na rin ako doon. "Ano 'yan..." unti-unting nawala ang ngiti ko nang nakita ang nakasulat sa papel ng isang bata sa orphanage na pinuntahan din namin ni Tita Susie. Nasa Pilipinas na kami. I just came back from the States after finishing my studies there. Limang taon din ang pananatili ko sa ibang bansa.
Nag-angat ng tingin sa akin ang batang babae. Bumawi rin ako agad. "Ah, red siguro ito at hindi..." I erased the letter on her paper. I was teaching some of the younger children there to read and write, too. Nag-c-color din kami. At sa tabi ng kinukulayang object ay i-s-spell out kung ano ang kulay nito. Iyon ang nakalagay sa hinandang sample test sheets para sa kanila. Tita Susie was also supporting the education of the children in this orphanage. Parang paghahanda na rin ito ng mga bata para sa pagpasok na nila sa school. "Palitan lang natin ang a ng e..." I turned the word 'Rad' into 'Red'. Nagkamali lang ang bata.
"Okay po, ate." the little girl even thanked me for correcting her. I smiled.
Tumayo na rin ako ng tuwid pagkatapos. And then I sighed.
I also attended a charity gala with Tita Susie. Palagi na talaga kaming magkasama at lagi niya rin akong sinasama sa kaniya kung saan saan man siya magpunta. It also helped me for the past years. I gained new experiences from traveling and doing these things with Tita Susie. Naalala ko pa nga iyong sinabi sa akin ni Kuya Joaquin. "Gusto rin ng Mama na magkaroon ng anak na babae. You just made that dream come true for her." he smiled at me, no jealousy at all. He's been a good brother to me, too.
"This is Joaquin's younger sister, Stephanie Aguirrezabal." pinakilala ako ni Tita Susie sa mga naroon sa gala. "Yes, Stefano Aguirrezabal's daughter." ngumiti si Tita sa mga kausap.
Ngumiti naman ako at nakipagkamay din. I was wearing a sophisticated formal dress for the event just like everyone else in here. Natuto na rin akong makipag-socialize sa ilang tao na rin ang nakasalamuha ko sa mga nagdaang taon. I would smile and politely greet them, too. Lalo iyong mga nakilala na noon at pamilyar na rin sa akin. Marami ring kakilala si Tita Susie. "Oh, yes, Joaquin has been always busy with his father's businesses and his own family now." Tita Susie smiled at the woman. Ngumiti rin ako nang bumaling ito sa akin.
Kanina ay may nahagip din ang tingin ko ritong isa rin pamilyar na babae. Sarita Medel was also here in her evening dress, too. She still looks stunning like the last time I remember her. Just more matured now and also conversing with the other guests. Nahuli ko pa siyang parang nakikipagtitigan sa isang matandang businessman... Kasama rin noong businessman ang asawa nito... Hindi ko na lang gaanong pinagtuunan ng pansin.
I excused myself for the ladies' room. Hinayaan naman ako ni Tita Susie at may mga kausap pa siya. Lumiko ako sa tahimik at walang taong pasilyo. But I was immediately halted on my steps by what I witnessed. I saw Sarita making out with the businessman from earlier on the hotel's quiet hallways. Natigilan at nakita rin nila ako. Hindi pa agad ako nakagalaw. But I promptly turned my back at them after I collected myself. Pero maagap din akong hinabol ni Sari at nahawakan ako sa siko. Mabilis ko siyang hinarap. "Don't touch me." binawi ko ang braso sa hawak niya.
Ilang sandali pang nakatingin lang siya sa akin. "Stephanie... You look great! Wow," parang sincere ang pagkakasabi niya no'n. 'Tapos nagbago ang reaksyon niya. "Stephanie, please, don't tell anyone what you saw." she begged.
Medyo kinagulat ko pa iyon kaya rin hindi ako nakapagsalita agad.
"For... For what happened years ago, I'm really so sorry. I was crazy then, and stupid." she started explaining. "Rad confronted me. Lalo lang siyang nagalit sa akin." umiling siya. "Hindi rin kami nagkabalikan. I'm so sorry kung napahiya kita sa party mo noon..." she guiltily confessed. So, siya pala talaga ang may gawa noon. "Agad din akong umalis noon sa hacienda n'yo sa takot na rin sa pamilya mo. I-I hope you can still forgive me for what I've done." she bit her lip, lubusan siya ngayong nagpapakababa sa harap ko.
She tried to reach for me again but I didn't let her and I took steps back. Tumigil din siya. "Please, Stephanie, I know you're mad at me, pero ginagawa ko lang naman ito para sa anak ko. I have a baby daughter now. I need to do something para mabuhay kami dahil hindi rin kami pinanagutan ng Daddy niya..."
"Is it Rad's?" I can't help but ask.
She shook her head. "No, Rad's not the father of my daughter."
"Please, Stephanie, don't tell anyone... It would be a big scandal kapag nalaman ni Mrs. Del Real na may relasyon kami ng asawa niya..." nanghina siya.
"I won't." I said.
Natuwa naman siya sa sinabi ko. "Thank you, Stephanie! Thank you at hindi mo naiisipang paghigantihan ako."
Umiling ako. "Don't thank me. I'm not doing this for you. I don't want to involve myself with you or the people I don't know of either. Konsensya n'yo na lang iyan. Sana ay nakakatulog ka pa rin ng mahimbing sa gabi." May ibang paraan pa naman na puwede niyang gawin para mabuhay sila ng anak niya at hindi ang kumabit. She can work to have money. And wasn't she a model? "At paghihiganti? I'm not like that, Miss Sarita Medel. Alam ko rin kusang napaparusahan ang mga may ginagawang masama sa kapwa nila."
She wasn't able to say anything. I saw tears threatening to fall from the corners of her eyes. I turned my back at her and walked away.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro