Kabanata 11
Hello, Wattpadders! To read more chapters of my other ongoing story A Week Of Romance (Villa Martinez Series #5) kindly message me on Facebook Rej Martinez to join VIP group for 150/month. You can also pledge $3 to my Patreon creator page. You can download the Patreon app. Thank you very much!
Kabanata 11
Sasama
"Stephanie," unti-unting lumapit sa akin si Tita Christine. Ginamitan na nila ng susi ang pinto ng silid ko. Kasunod niya ang Papa na hindi ko na matingnan.
Bumuhos pa ang mga luha ko. "Sorry, po... Sorry... Nagdala lang ako ng kahihiyan sa inyo-"
"Shhh," maagap akong niyakap ni Tita Christine. "Tama na. Wala kang ginawa... Wala kang kinalaman sa nangyari. Huwag mong sisihin ang sarili mo." alo nito sa akin.
At parang unti-unti rin akong naalo. Yumakap na rin ako kay Tita Christine habang umiiyak. Patuloy niya lang akong pinatahan at hindi niya iniwan ang tabi ko sa kama ko. "Kailangang may managot sa nangyaring ito, Stefano. Kanino ba galing ang mga litratong iyon?"
Hindi nagsalita ang Papa. Nang lakas-loob ko siyang silipin ay nag-iigting ang panga niya at mukhang galit sa kung sino man ang may pakana nitong nangyari sa party ko. "Ako na ang bahala." anang Papa at lumabas na sa silid ko.
Patuloy akong umiyak sa loob ng yakap ni Tita Christine habang patuloy din siya sa pagpapatahan sa akin. Sa huli ay tinawag niya si Cecil para tulungan akong makapagbihis na galing pa sa gown ko at makapagpahinga na muna. "Huwag mo na munang masyadong isipin ang nangyari. Kami na ng Papa mo ang bahala. Kung gusto mong dito ka lang muna sa loob ng kuwarto mo ay ayos lang. Padadalhan kita rito ng pagkain kanila Manang Lucia. Nag-aalala na rin sa 'yo ang mga kapatid mo." Hinaplos ni Tita Christine ang buhok ko habang nakabihis na ng pantulog at nakahiga na rin ako sa kama ko.
Pagkatapos ay iniwan na rin muna niya ako. Nanatili naman sa loob ng silid ko si Cecil para bantayan ako. Doon na rin siya nakatulog sa may sofa ng kuwarto. Habang matagal naman akong dinalaw ng antok. Pero dahil sa pagod din sa mga nangyari ay nakatulog pa rin ako nang gabing iyon.
Kinabukasan ay maingat akong pinasok ng kambal sa kuwarto ko. "Ate..." unang lumapit sa akin si Karmen at marahan akong niyakap. Nanatili ako sa kama kaya sumampa na rin silang dalawa ni Karmela roon. "Pagbabayarin ng Papa ang gumawa noon sa party mo." matapang na ani Karmela.
Napangiti na lang ako sa kapatid ko at inabot din siya para mayakap. Sapat na sa akin na hindi nila ako kinakahiya sa kabila ng nangyari. Doon na rin silang dalawa nag-agahan sa kuwarto ko. Hinatdan lang kami ng pagkain doon nina Manang Lucy na ngumiti rin sa akin. Tipid na lang din akong ngumiti pabalik. Nakakaramdam pa rin ng hiya sa nangyari kagabi.
"Ate, maagang maaga ka pa nga palang pinuntahan ni Attorney dito kanina." pagpapaalam ni Karmen matapos uminom sa baso niya ng gatas. May mga fruit juice din kami doon. Marami nga itong mga pagkain para lang sa agahan gayong wala rin akong masyadong ganang kumain kung hindi lang dahil nandito ang kambal.
Natigilan ako sa pagnguya ng pagkain. Si Rad... "Hindi pa handa ang ate na kumausap ng kahit na sino bukod sa atin. Kaya sa susunod na bumalik dito si Attorney ay sabihan mong umalis na lang muna siya, Karmen. At ayaw pa siyang harapin ni Ate Stephanie. Hindi ba, ate?" ani Karmela.
Tumango na lang ako sa kapatid ko. Parang matapang siyang siya na ang nagdedesisyon ngayon para sa akin. Siguro ay dahil na rin nakikita niya ang panghihina ko ngayon. Nakikita ko na noon pa na matapang talaga si Karmela na iba sa kakambal niyang si Karmen na mahinhin naman at malambing lang na bata. "Sige..." ani Karmen na tumingin din sa akin. Ngumiti lang ako sa mga kapatid ko at hinaplos din ang mga buhok nilang mahahaba at makintab.
Nang muli akong napag-isa sa silid ko, hindi pa ako lumalabas. Naisip ko muli si Rad. Ang mga nangyari sa amin. May duda na ngayon sa loob ko sa tunay na intensyon niya sa akin... Ang sabi niya ay gusto niya raw ako. Paano bang gusto? Gusto dahil anak din ako ng matalik na kaibigan ng kaniyang Papa? Kaya rin ba naging mabuti ang tungo niya sa akin ay dahil isa pala akong heredera rin ng mga Aguirrezabal? Naalala ko iyong trato niya sa akin noong unang interaksyon namin noon sa club. Marahas siya sa akin noon at naging marahan lang nang malaman niya rin nang gabing iyon na unang beses ko iyon at umiyak ako habang nagtatalik kami. Ngayon ko lang naisip na parang bigla na lang pala siyang bumait sa akin nang muli kaming nagkita rito sa Hacienda Karmen.
O kung sinsero nga rin talaga ang pagkakagusto niya sa akin... Maaring... Naalala ko iyong sinabi sa akin ni Tita Christine kamakailan lang. Siguro nagustuhan na rin ako ni Rad dahil nagagandahan na rin siya sa akin...? Siguro ay naging attracted na rin siya dahil lamang sa hitsura ko. Siguro ay ganoon lang 'yon. Maglalaho rin dahil hindi malalim tulad ng pagtingin na mayroon siya kay Sarita. Niyaya niya na pala itong magpakasal noon. Nakita na niya itong maging asawa at ina na rin ng magiging mga anak nila... Tama rin si Sari, posibleng sumama nga lang ang loob ni Rad sa kaniya at maaayos pa silang dalawa.
Nagbuntong-hininga ako. Inabot ko ang lock ng kuwintas na bigay sa akin ni Rad sa leeg ko. Hinubad ko ito. Dapat ko na lang sigurong kalimutan ang mga nangyari sa amin... Parang wala na rin itong patutunguhan... Hindi ko sigurado ang talagang nararamdaman ni Rad para sa akin. At sa nangyari sa party ko kung saan naroon din ang mga magulang niya na naging mabuti rin sa akin, hindi ko alam kung ano na ang tingin nila ngayon sa akin. Isang bayarang bababe, isang puta. Maaring ganoon na nga. Kahit pa sabihing anak na ako ngayon ni Stefano Aguirrezabal. Hindi ko alam kung mahaharap ko pa ba sila. Sana... Sana ay maging maayos na lang sila ni Rad at Sarita... Alam kong minahal niya ito ng tunay... Tiningnan ko ang kuwintas na bigay sa akin ni Rad. Naisip kong personal na ibalik na lang ito sa kaniya. Ngunit parang ayaw ko na rin siyang makita... Siguro kakalimutan ko na lang na nangyari ang lahat ng ito. Gusto ko na lang makalimot... Gusto kong lumayo...
"Pinaalis mo na ba siya?"
"Oo, pero, Karmela..."
Naririnig ko na ang boses ng kambal na mukhang dito na naman ang tungo sa kuwarto ko.
"Tumigil ka nga, Karmen. Hindi siya makakabuti ngayon sa kapatid natin."
"Paano mo naman nasasabi iyan, Karmela? Ilang araw nang pabalik-balik dito si Attorney Rad at naghihintay lang na makausap ang Ate Stephanie. Tingin ko-"
"Tingin ko dapat tumigil ka na. Kakabasa mo ng fairytale iniisip mo na rin na parang prinsipe at prinsesa rin sila ni Attorney at Ate Stephanie na magkakaroon ng happy ending gaya sa libro. Hindi totoo 'yan, Karmen. Ang katotohanan ay kailangang bumangon muna ngayon ng ate para sa sarili niya. Masyado siyang napahiya sa nangyari sa sarili niyang party. Kung sino man ang may pakana noon ipagdadasal ko siya sa demonyo na sana ay mamatay na siya."
Umawang ang labi ko sa narinig galing kay Karmela.
"Karmela, huwag ka ngang nagsasalita ng ganiyan..." marahang saway ni Karmen sa kambal niya. Tuluyan na rin silang pumasok sa silid ko at agad ngumiti si Karmela nang makitang gising ako. "Ate," agad siyang lumapit sa akin at hinagkan ako.
Inubos ko ang nalalabing oras kasama ang mga kapatid ko. Nakausap ko na rin sina Kuya Joaquin. "Sensitibo ang pagbubuntis ni Angelica so we're thinking of moving abroad for a while, while she's pregnant with our child... Puwede naming isama sa amin si Stephanie, Papa." mula sa akin ay bumaling si kuya sa Papa. "And don't worry about the business, I can also work through my laptop... May ilan na rin tayong pinagkakatiwalaang mga tao sa kompanya. It won't also take me that long to come back." dagdag ni Kuya Joaquin na inaassure din si Papa sa mga negosyo namin.
Tumango ang Papa sa pag-iintindi at tumingin din sa akin. Napayuko naman ako. "Joaquin might be right, Stefano. Tingin ko rin ay kailangan ni Stephanie..." tumingin na rin sa akin si Tita Christine na naroon din. Magaang ngumiti rin sa akin si Ate Angelica. Mabilis din siyang nagbuntis. Sabagay wala pa ang kasal nila noon ay palagi na rin silang magkasama ni kuya... Minsang nahuli ko pa nga sila noong mainit na naghahalikan sa isang bahagi nitong mansyon na tahimik. Masaya naman ako para sa kanila lalo at magkakaanak na rin sila ni Kuya Joaquin.
Tumango na ang Papa. Nakausap ko rin ang Papa nang mapag-isa na kami. Umupo siya sa tabi ko at marahan ang mga sumunod niyang sinabi, tila nag-iingat din. "Kuwentuhan mo nga ako sa naging buhay ninyo noon ni Ingrid..." kalmadong simula niya.
Napalunok ako at sinubukan na rin magkuwento na hindi umiiyak sa pag-alala kay Mami. "Sa club po kung saan nagtatrabaho noon si Mami ay halos doon na rin ako lumaki. Ayaw niya sanang sinasama ako roon at gusto niyang mag-aral lang ako kahit pa nga nahihirapan din siya. Noong nagkasakit na siya ay..." lumunok muli ako. Siya pa rin naman ang Papa ko kahit ngayon lang din halos kami nagkita at gusto kong maging honest sa kaniya. "Napilitan akong pumasok na rin sa club... Nagsasayaw ako doon..." tumulo ang luha ko at nagbaba ng tingin sa mga kamay ko sa aking kandungan na bahagya rin nanginginig.
Tahimik lang ang Papa at nang makaraang tingnan ko siya ay nakitang kong namumula na rin ang mga mata niya sa galit o luha... Nang bumaling na rin siya sa akin ay nakita ko ang guilt niya at pagsisisi. "Patawarin mo ang iyong Papa, anak..." nahihirapang aniya.
Nanlaki naman ang mga mata ko at agad na umiling. "Wala po kayong kasalanan, Papa. Hindi n'yo naman po alam..." nasasaktan din ako ngayong nakikita siyang bigo sa harap ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito dahil palagi ko siyang nakikita bilang matapang at ma otoridad na tao. "Huwag n'yo pong sisihin ang sarili ninyo..."
Niyakap ako ng Papa. Iyon din yata ang unang beses na nayakap niya ako. Napapikit ako sa yakap niya. "Pangako ko sa 'yong magmula ngayon ay ibibigay ko ang lahat ng nararapat sa iyo. Nandito na ang iyong Papa kaya wala nang puwedeng manakit sa iyo. Poprotektahan ko kayong mga anak ko habang ako'y nabubuhay." madamdaming anang Papa.
Masarap sa pakiramdam ang mga pangakong iyon na narinig ko galing mismo sa aking ama. Niyakap ko pa siya pabalik at nanatili lang kaming ganoon. Hinagkan din ng Papa ang aking noo at nakatulog na rin ako sa bisig niya sa pisikal at emosyonal na pagod. Nagising na lang ako kinabukasan na nasa kama ko na ako at ang sabi pa ni Cecil ay ang Papa raw ang bumuhat sa akin patungo rito at inayos pa ako sa kama at ilang sandaling pinagmasdan habang ako ay natutulog matapos naming mag-usap sa veranda ng kuwarto ko kagabi. Ngayon ko lang lubos na naramdaman ang pagmamahal din sa akin ng Papa. Gusto ko pa muling maranasan ang ganoon na alam kong palagi na ring ipapadama sa akin ng Papa ang pagmamahal niya sa akin.
Hinahanda na rin nina Manang Lucy at ng mga katulong ang mga gamit ko para sa pag-alis namin ngayong araw din. Sasama ako kanila Kuya Joaquin patungong Amerika at doon na muna kami mananatili habang nagbubuntis din si Ate Angelica sa anak nila.
"Kailangan n'yo na pong maghanda, Senyorita." paalala sa akin ni Cecil. Tumango ako at bumangon na rin para makapaghanda na sa pag-alis.
Huminga ako matapos tingnan sa huling beses ang kuwintas at nilagay na iyon para iwan lang dito sa drawer ng bedside table ko. Pagkatapos ay bumaling na rin ako kay Cecil na naghihintay sa akin.
"Mamimiss po kita, Senyorita Stephanie." ani Cecil na parang maaiyak na.
Lumambot ang puso ko sa tinuring ko na rin kaibigan magmula nang dumating ako rito sa mansyon. "Babalik pa naman ako, Cecil. Sana sa pagbalik ko ay narito ko pa rin." sabi ko sa kaniya at ngumiti.
Tumango siya, mukhang maiiyak na talaga. "Dito lang po ako, Senyorita."
Ngumiti pa ako at nilapitan siya para mayakap. Yumakap din sa akin si Cecil. "Hanggang sa muli nating pagkikita, Cecil." sabi ko at tinapik na ang likod niya.
Lumabas na rin kami ng kuwarto ko at sumunod siya sa akin dala ang iba ko pang gamit. Naroon na rin sa baba naghihintay sina Papa. Yumakap ako sa kambal na tuluyan pang umiyak si Karmen habang nagpipigil naman ng mga luha niya si Karmela. Mahigpit din ang yakap nilang dalawa sa akin. Sunod ko rin niyakap si Tita Christine at huli si Papa. Pagkatapos ay hinatid na rin nila kami sa sasakyan. Kumaway pa ako sa mga maiiwan nang nasa loob na ng sasakyan at binaba lang sandali ang bintana nito. Huminga ako at tumuon na sa harap. Umandar na rin ang sasakyan paalis.
Tiningnan ko pa ang mga nadadaanan namin. Naalala ko iyong unang dating at tapak ko rin dito sa Hacienda Karmen. Sa susunod na pagbalik ko rito ay mananatili pa rin sa akin ang mga kabutihang narito na sa akin. May mga madadagdag lang na kaalaman at pagbabago para sa ikabubuti ko pa. Alam kong may plano ang Diyos para sa akin at tutulungan ko rin ang sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro