Kabanata 10
Kabanata 10
Iyak
"Senyorita, may naghahanap po sa inyo, kaibigan n'yo raw." si Cecil na pumasok sa kuwarto ko habang inaayusan ako.
Ang naisip ko pa lang nang sabihing kaibigan ay sina Angelina, Melisa o Sasha na mga dati kong nakasama sa club. Tumango ako. "Ah, sige, Cecil, papasukin mo na lang siguro rito?" hindi rin kasi ako makaalis dahil inaayusan pa at ayaw ko rin paghintayin kung sino man iyong naghahanap sa akin.
Tumango si Cecil. "Masusunod, Senyorita." anito at lumabas nang muli ng silid.
Medyo maaga pa sa oras ng party na nasa invitation. Kailangan din dahil aayusan pa naman ako. Natapos na rin kaya nang dumating ang tinutukoy ni Cecil ay umalis na rin muna iyong mga nag-ayos sa 'kin para bigyan kami ng privacy. "Sari Medel?" binati pa noong isang nag-ayos sa akin ang babaeng dumating. Mukhang magkakilala sila at nag-picture pa saglit. Mukhang kilala rin itong ex-girlfriend ni Rad. Siguro nga ay talagang model o kaya naman artista. Hindi na rin kasi ako masyadong nakakapanood ng TV kaya hindi ko na nasusundan ang news sa kung sino na ang mga sumisikat.
Napatayo ako at sinalubong siya. Nakaalis na rin ang mga nag-ayos sa akin. Abala rin ang mga tao sa mansyon at wala pa sina Papa at Tita Christine dahil may inasikaso pa. Kalmado siyang humarap sa akin. "You're Stephanie, right?" tanong niya.
Marahan akong tumango. "Ano... ang kailangan mo?"
"It's your birthday today, happy birthday." bati niya. Hindi siya ngumiti o ano. "I'm just here to talk to you about Rad." deretso niyang sinabi.
"Ano ang tungkol kay Rad?"
Lumapit pa siya sa akin. Mas matangkad din siya sa 'kin. "You look young and you're beautiful." aniyang nakatingin sa akin. "May iba ka pang makikilala at hindi lang ang boyfriend ko-"
"Ang sabi sa akin ni Rad ay ex-girlfriend ka na niya." hindi ko napigilan ang sarili.
Huminga siya. "Rad was actually my fiance. He proposed to me. Tinanggihan ko lang dahil akala ko ay hindi pa ako handa noon. You see I was still so focused with my career. And after months of thinking about it all, I realized that I'm ready to accept Rad's proposal. I know Rad loves me. Dahil kung hindi, hindi niya maiisipang pakasalan ako at maging asawa niya and the mother of his future children. Kaya, Stephanie, sasabihin ko sa 'yo ito ngayon, you're just Rad's rebound."
Hindi ako nakapagsalita. Nagpatuloy siya. "Kailangan lang naming mag-usap at ayusin ang sa amin. Alam kong nagtatampo o siguro nagkaroon na rin siya ng konting galit sa akin, ganoon kasi si Rad mabilis magtampo, dahil sa pagtanggi ko sa alok niyang kasal. But I'm here now and I'm ready." confident na aniya.
"Bakit dito ka sa akin nagsasabi ng mga iyan? Bakit hindi kay Rad." nasabi ko.
Bahagya siyang napangisi. Nilibot niya ang tingin sa kuwarto ko. "Your family is rich, and close to Rad's family, too. Kung sinusuwerte nga naman ang tao, ano? Saan ka lang naman ba galing noon? Tapos isa ka nang heredera ngayon..." parang may nalalaman siya sa akin.
Bahagya akong kinabahan. "Ano'ng..."
Ngumiti pa siya sa akin. "I will tell you, hindi ako makakapayag na mapunta si Rad sa iba. We've been together for five years. I was there during his law school, when he took the bar exam. I was with him. Kaya kung mayroon man nararapat para sa kaniya ay ako lang iyon." umiling siya. "At hindi isang kagaya mo na," tumigil pa siya para nakaka-insulto akong pasadahan ng tingin. "Totoo mang anak ng isang mayaman sa bayang ito ay hindi pa rin mapagtatakpan ang nakaraan mong isa ka lamang puta noon." deretso niyang sinabi sa harap ko.
Napalunok ako. Pakiramdam ko ay nanginig din ako habang nakatingin sa kaniya. "C-Cecil!" sinubukan kong tawagin si Cecil.
Mabuti at mabilis naman itong tumugon at mukhang papunta na rin sa silid ko na nagmadali nang tawagin. "Senyorita,"
"Paalisin mo na siya, please." pakiusap ko.
"No need." iwas ni Sarita kay Cecil. "Aalis na rin naman ako." Ngumiti pa siya sa akin bago tumalikod at tuluyang nakaalis.
Parang nanghina akong napaupo na lamang sa kama ko. Maagap naman akong dinaluhan ni Cecil. "Ayos ka lang po ba, Senyorita?" nag-aalalang hinawakan ako ni Cecil upang maalalayan. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang mga mata ko sa nagbabadyang luha.
Pero pinigilan ko ang sarili ko at umayos. Kaarawan ko pa rin ngayon at ayaw kong masayang ang effort nina Tita Christine at Papa sa paghahanda para sa party ko. "Ayos lang ako, Cecil." Tumayo na ako. Nakaalalay pa rin sa akin si Cecil.
Nagsimula ang party kinagabihan at pinakilala na rin ako ni Papa sa lahat. Sa Hacienda Karmen din ginanap ang party at pinasalamatan ko ang Papa at niyakap. Ganoon din kay Tita Christine. "Happy birthday, hija." bati sa akin ng Papa. Yumakap pa ako sa kaniya at tuluyan nang bumuhos ang konting luha.
"You're welcome, Stephanie. Happy birthday." bati rin sa akin ni Tita Christine. Ngumiti ako at niyakap din ang mabait na asawa ng Papa.
"Happy birthday, Ate Stephanie!" binati na rin ako ng kambal.
"Thank you." niyakap ko rin sila pareho.
"Ang ganda ganda mo, po!" sabi sa akin ni Karmen na nakangiti. Tumango rin si Karmela at sumang-ayon sa sinabi ng kambal niya. Napangiti naman ako sa mga kapatid ko.
Naroon na rin sina Kuya Joaquin at ang asawa niya. Nandoon din sa party ang mga Ledesma, sina Governor at ang pamilya niya. At ang mga Lizares, si Rad. Umiwas ako ng tingin sa kaniya nang magtagpo ang mga mata naman. Pero hindi na rin ako naka-iwas nang nilapitan na niya ako para sa sayaw. Tumango lang ako at sumama na sa kaniya. "Are you okay? It's your birthday, you should be happy. You're too beautiful not to smile, Stephanie." puna niya.
Bahagya na lang din akong napangiti habang nagsasayaw kami ni Rad. "Okay lang ako..." ngumiti pa ako sa kaniya.
Pero naging seryoso na rin siya habang nakatingin sa mukha ko, sa mga mata ko. Umiwas naman ako. Biglang natuon ang atensyon namin sa harap nang biglang na-project doon ang mga litrato kong pamilyar na kuha sa CCTVs ng club ni Madam Gigi noon. Nanlaki ang mga mata ko at agad bumuhos ang luha at nanginig nang nakita ang sarili ko sa mga larawan na pinapakita sa lahat na halos hubad nang nagsasayaw sa club sa harap ng maraming mga lalaki roon. Iyan ang mga panahong nagkakasakit na si Mami noon at napilitan na akong sumayaw sa club kapalit ng perang pampagamot kay Mami noon sa ospital.
Bumaling ako kay Rad. Nakatingin din siya sa harap habang hawak pa rin ako. Nag-igting ang panga niya habang matalim na ang tingin doon. Tumingin ako sa paligid. Nagsimula ang bulung-bulungan at sa akin na nakatuon ang atensyon ng lahat matapos nakita ang mga litrato. Kumawala ako kay Rad at mabilis nang tumakbo palayo at iniwan ang sarili kong party. Hawak ko ang gown ko para maangat ang lalayan nito at makatakbo pa ako. Biglang gusto ko na lang mawala at nanliliit sa kahihiyang natamo. Sinundan pa ako ni Rad pero mabilis na rin akong nakaakyat sa kuwarto ko at ni-locked kaagad ang pinto. Napasandal ako doon at napaupo sa sahig at umiyak para sa lahat ng mga nangyari sa akin simula noong una pa lang.
"Stephanie," kinakatok pa ako ni Rad pero wala na akong ginawa kung 'di ang umiyak. Hanggang sa mukhang nawala na rin siya doon sa labas ng kuwarto ko matapos kong marinig ang iba pang mga boses na nina Kuya Joaquin. Hindi ko rin alam kung gaano katagal na ang lumipas basta natahimik sa labas at wala na rin ang mga pagkatok. Nagpatuloy lang ang iyak ko. Humagulgol ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro