Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

Kabanata 1

First

"Ano ba 'yang puke mo, ginto?!" sigaw sa akin ng retokadang si Gigi. Ang may-ari nitong club.

Sasagot na sana ako nang dumating si Mami. Agad itong pumagitna. "Madam, ano po'ng nangyayari?"

"Itong anak mo!" duro sa akin ni Gigi kahit halos natatakpan na ako ni mami sa likod niya. "Nanampal na naman ng customer!"

"Madam, Madam," hinawakan na ito ni mami at pinapakalma. "Pasensya na-"

"Aba, Ingrid, ubos na ang pasensya ko diyan sa anak mo!-"

Tumangutango naman si mami. "Alam ko, alam ko po. Kaya ako na uli ang humihingi ng pasensya. Ako na po ang kakausap sa anak ko. Pagsasabihan ko po siya."

"Kung hindi lang ako kumikita rin sa iyo, Ingrid, naku! Kausapin mo 'yang anak mo!" at nagmartsa na ito paalis.

Naiwan kaming dalawa ni mami doon. Nagbuntong-hininga ito at ako naman ang hinarap. "Ano na naman ba ang ginawa mo, Stephanie Ingrid, ha?" Mukha siyang pagod na sa akin.

"Mami, bastos kasi 'yong matandang 'yon, e! Manyak! Malapit na akong mahawakan sa ano ko." sumbong ko.

Umiling-iling siya. Pagkatapos ay nagbuntong-hininga. "Kaya nga sabi ko sa 'yo, hindi ba, na sa bahay ka na lang-"

"Hindi puwede, Mami. Tutulong ako sa 'yo sa pag-iipon para sa pang-aral ko."

Nakatingin kami sa isa't isa. Muli siyang nagbuntong-hininga at tumango nalang.

Maganda si Mami at sa kaniya ako nagmana. Nga lang sabi naman niya ay sa Daddy ko raw na ni minsan ay hindi ko pa naman nakikita ako nagmana. Wala nga akong alam masyado tungkol sa ama ko. Basta ang sabi lang ni Mami ay naging customer niya raw ito noon. At pagkatapos ng ilang gabing pagbuo sa akin ay hindi na sila nagkita pang muli.

At dahil nga maganda ako ay ganoon na lang ang kagustuhan ni Madam Gigi na igaya na rin ako sa iba pang mga kasama namin dito. Alam niyang kikita siya sa akin. Mukhang perang feeling maganda. Pero hindi pumapayag si mami. At ayaw ko rin. Ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend. Ang gusto ko pa lang talaga sa ngayon ay makapagtapos ng pag-aaral para rin kay mami.

Gusto kong ialis na si mami sa trabaho niya rito sa club. Alam ko naman ang ginagawa niya para mabuhay kami. Hindi naman na rin ako ganoon ka-inosente. Halos dito na rin ako lumaki. Ito na ang buhay na kinalakhan ko.

"Mami, ano ba talaga ang pangalan ng Daddy ko? Saan siya nakatira? Baka pwede nating puntahan."

Tumingin sa akin si mami at nagbuntong-hininga. Pareho kaming nakahiga na ngayon sa maliit naming kama at magkatabi. Tabi talaga kaming matulog mula pagkabata ko pa. Maliit lang din ang inuupahan naming apartment. Kapag talaga nakapagtapos na ako at may maayos na trabaho bibilhan ko ng maganda at malaking bahay si mami. Hindi na niya kailangang magtrabaho sa club ni Madam Gigi.

Hinaplos ni mami ang pisngi ko. "Huwag mo na siyang hanapin, Stephanie. Mayaman 'yon. At siguradong may pamilya na. Baka 'pag nagpakilala ka ay apihin ka lang nila. Ayaw ko ng ganoon."

"Mayaman si Daddy?" Nanlaki ang mga mata ko. "Kung ganoon mas dapat na makilala niya ako. Kung mayaman siya, Mami, ibig sabihin mapapag-aral niya ako!"

Ngunit umiling lang si mami at niyakap ako. Hinalikan sa noo at pinikit na ang mga mata. Ngumuso na lang ako.

Pero hindi ko pa man naabot iyong mga pangarap ko para sa amin ni mami ay nawala na siya. Sa edad na labing-walo ay iniwan na niya ako. Masyadong naabuso ang katawan niya. Nagkasakit siya na napilitan na akong magtrabaho sa club hindi na lang bilang waitress. Katulad na sa ginagawa ni mami. Umiyak ako pero naubos na ang ipon namin. Kailangan ng gamot ni mami at nasa ospital na rin ito. Nang mga panahong iyon ay hindi na mahalaga sa akin ang dignidad ko. Mas mahalaga si mami. Gusto ko pa siyang makasama at marami pa akong pangarap at gustong gawin sa buhay namin kasama siya. Siya lang ang mayroon ako.

"Suwerte mo, girl! Guwapo ng customer mo at halatang daks!" nagtitili ang haliparot na si Sasha na sinabayan pa ng dalawa pa naming kasamahan.

"Oo nga, 'day! Mukhang big time pa!" si Angelina naman matapos akong kurutin sa hita ko. "Hindi na masama para sa first time mo!"

"Ay, 'day, pero sa laking tao noon siguradong wasak ka!" si Melisa. At naghagikhikan sila.

Samantalang kinakabahan naman ako at gustung-gustong umatras. Pero inisip ko na lang si mami. Nasa ospital siya ngayon at binilin ko lang sa mabait naman na nurse doon. Wala kasi talaga kaming kamag-anak na kilala ko. Lumaki akong kaming dalawa lang talaga ni mami.

Napalunok ako ng laway bago pinihit ang doorknob ng pribadong kuwarto matapos akong itulak nina Sasha at iniwan din doon. Nag-iinit na naman sa luha ang mga mata ko. Kanina ay umiyak ako matapos magsayaw nang halos hubad sa harap ng maraming lalaki na mukhang tuwang-tuwa sa nakikita sa stage. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling luha. Wala nang atrasan ito. Nakabayad na raw at mamaya pagkatapos ay ibibigay sa akin ni Madam Gigi ang pera at didiretso na ako sa ospital para balikan doon si mami.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin at sumalubong sa akin ang titig ng isang lalaki... Teka... Bakit parang sobrang guwapo naman yata nito? Sa ilang taon na namin ni mami dito sa club ngayon pa lang yata ako nakakita ng ganito ka guwapo na napadpad rito... In fairness naman... 'Di na rin ako lugi. Pakiramdam ko ay nag-atrasan ang mga luha ko. Pero alam ko rin namang mali pa rin ito.

Tahimik na lang akong nagpakawala ng hininga at unti-unti nang lumapit sa kama kung saan siya nakasandal sa headboard. Nakatitig lang siya sa akin. Parang ang intense pa ng mga mata niya. Grabe parang ang dilim niya tingnan na nakaka-excite? Hay! Ano ba 'tong pinag-iisip ko.

Mukha siyang lasing na lalo kong nakumpirma nang malapit na ako sa kanya at naamoy ko nang kaonti ang alak.

Bigla siyang gumalaw kaya nabigla naman ako at napaatras. Nagkalas siya ng butones ng kanyang pang-itaas. Saan kaya siya galing? Trabaho? Bakit siya nandito?

"Strip." parang utos iyon. Tumayo na siya at umalis sandali sa kama para magkalas ng belt naman niya ngayon kasunod na binaba ang pantalon at tanging boxers na lang ang natira. Napalunok na naman ako na hindi naalis ang tingin sa kanya. Tama nga si Melisa na ang laking tao nito. Grabe ang muscles niya sa katawan parang ang tigas. Kahit ang boses niya ay lalaking-lalaki rin.

"What?" parang suplado niyang sita sa akin.

Halos mapatid naman ako sa kinatatayuan sa lalim ng boses niya. "Ah, e," Ano ba 'yong sabi niya kanina? Strip? Hubad?

Saglit kong nakagat ang pang-ibabang labi at unti-unti na ngang ginawa ang gusto niya. Okay lang 'to, Stephanie. Pagkatapos naman nito may panggastos ka na sa ospital para sa mami mo. Tiningnan ko siya. Hindi na rin ako lugi. Grabe ngayon pa lang yata talaga ako nakakita ng ganito kaguwapong lalaki. Crush ko na ba siya? Ang bilis naman. Pero malay ko ba kasi wala pa naman yata talaga akong nagiging crush noon.

Nanatili ang mga mata niya sa nakalantad ko nang dibdib. 'Di ko na tinakpan. Sexy din naman ako at sakto naman 'yong laki ng boobs ko kaya sige tingnan niya lang.

Nagkatinginan kami. Nagtaas siya ng isang kilay. Hindi na ba siya lasing? Parang hindi na...

"Ah, oo..." unti-unti ko na rin hinubad 'yong panty ko nang maintindihan siya.

Ganoon na lang ang singhap ko at halos mapatakip ang palad sa bibig nang bigla niya lang binaba ang boxers niya at bumungad sa akin ang...

"What?" muli niyang tanong nang makita ang reaksiyon ko. Nangunot ang noo na lalo lang yata nakapagpa-guwapo pa sa kanya. Okay lang pala kung suplado nga talaga siya. Parang bagay lang din naman sa kaniya.

Umiling ako. "W-Wala... Ngayon lang kasi ako nakakita ng..." tinuro ko ang ibabang parte ng katawan niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Naririnig ko naman kanila Melisa ang itsura nito. Pero iba pa rin kapag nakita mo na talaga sa totoong buhay.

Ngumisi siya. Hala! Ang guwapo lalo. "Really..." anang boses niyang lalaking lalaki talaga. "Come here."

Pakiramdam ko ay pinanayuan ako ng mga balahibo sa katawan. Unti-unti akong lumapit sa kanya. Pero halos mapaatras din nang biglang kainin ng malaking hakbang niya ang pagitan namin. At agad inatake ang mga labi ko. Grabe? Kapag first kiss ba may dila na agad na kasali?

"Kiss me properly." utos niya na naman nang saglit na tumigil sa paghalik sa akin.

Inayos ko nga ang halik ko rin sa kanya. Ginaya ko na lang 'yong galaw ng mga labi niya. Hanggang sa napapikit na rin ako...

Binuhat niya ako at dinala sa kama. Akala ko pahihigain niya ako doon pero, "Suck it." aniya.

Sandali naman akong natigilan. "Ha?" napaisip pa ako. "Ah, blowjob?" tanong ko pa.

Naririnig ko ang mga ganitong bagay kanila Sasha. Bahagya pang nanginig ang kamay ko nang unti-unti kong nilapit sa kanya at hinawakan siya.

"Go on. It won't bite." aniyang nangingisi na.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Unti-unti niyang giniya at ginalaw ang mga kamay namin hanggang sa hinayaan na niya ako. Ah, madali lang pala.

"Suck it now..." aniyang parang nahihirapan...

Tumango naman ako at yumuko na nga sa kanya. Gaya ng narinig ko noon kanila Angelina... Sana lang ay tama ang ginagawa ko...

"Aw," daing niya. "your teeth..."

Pinatigil na lang niya ako at sa wakas ay pinahiga na doon sa kama...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro