Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

33: When She Cries

Enjoy reading( ˘ ³˘)❤

PS. Don't kill me just yet (┳Д┳)

...

Third Person's Pov

'I'M SORRY....PINILIT nila 'ko...' Ang pamilyar na boses na iyon na hindi niya matukoy kung kanino ang kanyang pinaghihinalaan na siyang nagturo sa kanyang kinaroroonan. Ang alam niya lamang ay babae ang mayari nito.

Isa sa dahilan niya ay ang kahina-hinalang oras ng pagtawag nito. Strangely, ng maputol ang tawag ay siya ding pagdating ng mga tauhan ng kanyang ama. Maski ang paghingi nito ng tawad, at ngayon ay parang alam na niya kung para saan ito.

Masama ang kanyang kutob para dito. Isang bagay lamang ang kanyang nasisiguro--- hindi ito si Isabella, dahil kilala niya ang boses ng kapatid.

What should I do?

Tulalang nakaupo sa sahig ang dalaga. Ni walang makikitang ekspresyon sa kanyang mukha. She look lost. Her back was pressed againts the cold wall. She was hugging her knees ng napahigpit na para bang sa pamamagitan nito ay walang makakapanakit sa kanya. She only wants to feel safe, kahit konti.

Magulo na ang ayos ng kanyang buhok. Namumula't namamaga ang kanyang mata. Nangingitim ang ilalim ng mga ito.

Marahas na bumukas ang pintuan. Dala ng hangin ang malakas na amoy ng alak. Gulat na napaigtad ang dalaga ng mabasag ang maliit na vase na nakapatong sa isang maliit na lamesita sa gilid ng kanyang kama.

"Jaime mag-usap tayo!"

Her eyes widen in fear. Nanginginig na nag-angat ng tingin ang dalaga. Dumako ang kanyang tingin sa kanyang ama. Their eyes met. At sa kauna-unahang pagkakataon nakita niya ang kakaibang emosyon sa mga mata nito.

"Get rid of that bastards Jaime!"

Namayani ang katahimikan sa silid. Umiwas ng tingin ang kanyang ama. Nakasunod lamang ang kanyang tingin dito hanggang sa umupo ito sa kabilang dulo ng silid. 

"Plano mo talagang isilang ang mga iyan hindi ba?" Natatawang itinuro nito ang kanyang tiyan.

Jaime remained silent.

Sumandal sa pader si Senyor Florencio. "Ilang taon kitang pinalaki sa bahay na ito, pinakain, binihisan. Tapos ng dahil lang dito ay napunta tayo sa ganitong sitwasyon. Sabihin mo Jaime, masama ba akong tao, masama ba akong ama? Itinuring kitang anak, kahit.... Tinanggap kita, tinanggap ko kayo. Alam mo ba yon! "

Malakas na tinabig ng Senyor ang lamparang nasa mesa. Tumama ito sa sahig at nagkapira-piraso. Dahil sa komuyon sa silid ay natatarantang mga yabag ang bumungad sa pintuan. Habol ang hiningang pumasok ang kanyang ina.

"Florencio anong nangyayari dito?!"

Ni hindi man lang nag-angat ng tingin si Jaime sa boses ng kanyang ina. Nakatuon lamang ang kanyang mga mata sa kanyang ama.

Itinuring na anak? Napangiti ng mapakla si Jaime. "Kung itinuring mo 'kong anak bakit mo ginagawa 'to. Bakit mo 'ko sinasaktan." Mahinang usal ng dalaga.

Parang walang narinig ang Senyor. "Tinanggap kita haha tang*na. Tiniis ko lahat ng sinasabi ng iba. Tapos ngayon magdadala ka ng bastardo sa pamilyang ito?! Akala mo ako ang sumira sa pamilayang ito? Dahil sa pag papabuntis mo. Ikaw! Ikaw ang sumira dito!"

"Florencio ano bang pinagsasabi mo?!" Nanginginig na linapitan nito ang kanyang ama. Nawalan ng kulay ang mukha ng kanyang ina ng tabigin ito ng Senyor.

"Tama na." Napahagulgol ng iyak ang dalaga. Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang kanyang puso. Masakit.

"Dati ka pang naghihinala hindi ba? Ngayon makinig ka. Hindi kita anak! Ikaw ang sumira ng pamilyang ito! Mula ng dumating ka nagkandaletse-letse na ang buhay ko! Kung hindi dahil sayo maayos at normal ang pamamahay na 'to! Araw-araw mong ipinapaalala sakin ang kasalanan ng nanay mo!"

Tulalang napaupo sa lapag ang ginang.

Napatutop ng bibig ang dalaga. Halos kapusin na siya ng hininga dahil sa tindi ng pagiyak. Matagal na siyang naghihinala sa kanyang pagkatao, ngunit masakit parin pala kapag sa mismong bibig ng itinuring mong magulang manggagaling na hindi ka niya anak.

"Tama na. Hindi totoo iyan! Kaylan man ay hindi 'ko sinira ang pamilyang ito. Ikaw ang sumisira dito! "

Isang malutong na sampal ang dumako sa pisngi ni Jaime. Namanhid ang kanyang mukha.  Awtomatikong napahawak siya dito at gulat na napatitig sa kanyang ina.

Tila nagulat din ito sa lakas ng kanyang sampal. "J-jaime humingi ka ng tawad sa iyong ama! Hindi kita pinalaking ganito-" Tinangka siyang hawakan nito ngunit umiwas siya dito.

Ito ang kanyang Ina ngunit kahit minsan ay hindi siya totoong ipinagtanggol nito sa harap ng kanyang ama. Ngayon ay alam niya na kung bakit, dahil sa kanilang mga mata isa siyang bunga ng pagkakamali.

"Ina, kayo din?" Maang na napatitig siya dito. "Wala akong ginawang masama, wala akong dapat ihingi ng tawad. " Matigas na kaila ng dalaga habang iniinda ang kirot sa kanyang dibdib.

Nanlilisik ang matang nakatitig pa rin sa kanya ang Senyor. Puno ng poot ang mga mata nito. "Ikaw ang bunga ng pagtataksil niya at ng iyong ama. Dugo't laman ka ng bastardong walang pinagaralan na ipinalit sa akin ng iyong ina-"

"Tama na! Your past mistake has nothing to do with me and my babies! Kayo ang dapat humingi ng tawad! Buong buhay ko itinuring kitang ama. Kahit nananakit ka, hindi ako kaylan man nagtanim ng sama ng loob sa iyo. Ni minsan hindi ako kumibo, hindi ako nagreklamo! Ni minsan wala kayong narinig na sumbat mula sakin, dahil mahal ko ang pamilyang ito! Pero ipinagkait niyo sakin ang tunay kong pagkatao!" Sunod-sunod ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata. Lahat ng hinanakit na kaytagal niyang kinipkip sa loob ay parang kutsilyo ng dumudurog sa kanyang pagkatao.

" Masakit sobrang sakit! Iyong pinaramdam niyo sakin na kahit kaylan ay hindi ako parte ng pamilyang ito. Ano bang ginawa kong mali? Kasalanan ko bang isilang sa mundong ito? Hindi ko naman piniling mabuhay ng ganito! Buong buhay ko, itinatanong ko sa sarili ko kung ano bang kulang sakin, kung bakit parang basahan ninyo akong itrato, ginawa ko naman ang lahat! Ni kahit anong luho walang akong hiningi sa inyo, pinagbuti ko ang pag-aaral ko para kahit papano maipagmalaki niyo naman ako, pero wala!"

Humugot ng malalim na hininga ang dalaga at tinuyo ang kanyang mga luha. Mabigat na mabigat ang kanyang dibdib. Parang may nakadagan dito.

The soft midnight wind blew and caress her cheeks.

Puno ng hinanakit siyang tumitig sa mga mata ng Senyor. "At alam mo ba kung ano ang mas masakit? Yung pinarurusahan mo 'ko sa kasalanang hindi 'ko naman ginawa!"

Unti-unting nawalan ng buhay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kinilala niyang magulang.

"Makakaalis na po kayo."

NATATAKPAN NG MAKAPAL na ulap ang bilog na buwan na siyang dahilan ng pagdilim ng buong paligid. Maski ang mga bituin sa kalangitan ay 'di halos makasilip. Paminsan-minsa'y may mga tunog ng kulilig at mga maliliit na insekto ang maririnig.

The wind was blowing gently causing the leaves to rustle. Mula sa malayo makikita ang mansyon ng mga Vallarde. Tanging ito lamang ang may maliwanag na ilaw sa paligid. Malalayo ang kabahayan  sa parteng ito ng village. Nakapwesto sa dulong bahagi ang malaking mansyon na napapaligiran ng mataas na pader.

Ang loob ng mansyon ay naliliwanagan ng malamlam na ilaw. Sa sulok ay makikita ang iilang mga lalaking nagpapatrolya sa paligid na may hawak-hawak  itong mga maliit na telepono.

Contrary to the dim lights in the mansion, at a particular deepest corner of the house was very dark-- the basement.

Walang kahit na anong ilaw ang mayro'n dito. Sa sulok mapapansin ang isang kwarto.

Mula sa dilim ay may gumalaw na isang pigura. Tahimik nitong binaybay ang silid. Nang mapansing naka-lock ito ay ekspertong kinalikot nito and padlock. The lock issues a silent 'click' sound. Nakahinga ito ng maluwag.

Dahan-dahan niyang itinulak pabukas ang pinto. Hindi pa man tuluyang nabubukas ang pintuan ay isang malakas na suntok ang dumapo sa kanya. Maagap na nasalo niya ito at hinila ang kamao nito saka ikinulong sa kanyang bisig. Ng maramdaman ang lambot ng katawan nito ay alam niyang ito ang dalagang hinahanap niya.

"It's me, little Bell." Bulong niya dito ng mapansin ang panginginig nito.

Ang malamyos na boses nito ang siyang nagpakalma sa dalaga.

Namamaos na bumulong pabalik ang dalaga. "Margus?" Kumalma ang puso ng dalaga ng makilala ito. "Anong ginagawa mo dito?"

Ng maramdaman ni Margus kalmado na ito ay unti-unti niyang pinakawalan ang dalaga. "Ako dapat ang magtanong niyan sayo. Why do you have to meddle in some peoples business?"

Alam ni Isabella na nakakunot ang noo nito kaya napailing-iling siya at napangiti. Minsan ay hindi niya talaga maintindihan ang ugali nito. "It's my business Ate ko 'yon. Atsaka alam ko namang hindi mo 'ko pababayaan eh, see?"

Mas lalong nangunot ang noo ni Margus. He knows that this girl cried base on the sound of her voice, pero nagkukunyari parin itong hindi apektado. He knows she's scared of the darkness, kaya pinuntahan niya ito agad ng malamang ikinulong ito sa basement. 

Ramdam niya ang pagdausdos ng nanlalamig nitong kamay papunta sa kanyang palad. He had the impulse to shake it off but thinking of her fear, he sighed and grip her hands tighter.

"Let's get out of here." Naramdaman niyang tumango ito.

Hinila niya ang dalaga sa madilim na pasilyo. Kapwa alam nila ang pasikot-sikot ng lugar kaya madali nilang naiiwasan ang mga nagpapatrol na gwardya sa paligid. Ilang ikot at liko pa ang kanilang ginawa hanggang sa makarating sila hardin kung saan may maraming halaman at puno ang nakatanim.

Maingat na binaybay nila ang pinakamadilim na parte nito. Alertong nagmasid si Marcus sa paligid. Nang masigurong walang tao ay sinenyasan niya si Isabella at nagtungo sa sekretong backdoor ng mansyon.

Luminga-linga ulit sa paligid ang binata. Ng marinig niya ang mahinang boses ng dalaga. "Margus..." Napalunok ng laway si Isabella na maramdam ang malamig na kutsilyong nakatutok sa kanyang leeg.

"Who the f*ck are you?" Matigas ang boses ng may hawak kay Isabella.

Saglit na natigilan si Margus ng makita ang kutsilyong nakatutok sa dalaga. Ngunit ilang segundo lamang ay muling nanumbalik ang pagiging kalmado ng binata. "I miss you too, Gideon."

Si Gideon naman ang natigilan ng mabistahan ang hitsura ng binata at ng babaeng hawak-hawak niya.

Malakas na hinila ng nakakunot noong si Marcus ang dalaga papunta sa kanyang tabi habang masama ang tingin kay Gideon. Hindi na kababakasan ng nakakalokong boses ang binata at wala ang nakakairitang ngisi nito sa labi na laging nakapaskil sa kanyang mukha.

Mula sa dilim ay lumabas din sina Aster at Kazuo. Kapwang nagulat din ang mga ito ng makita si Margus at Isabella. Habang nalilito namang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa apat. "Sino kayo?"



.....

Thank you for reading!
Don't forget to vote and comment

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro