29: AND THEN SHE'S GONE
Enjoy reading!
PS; Chapter 28 was revised and edited. I advise you to read it para DI kayo maguluhan haha.
....
29: AND THEN SHE'S GONE
Jaime
Tatlong lingo na ang lumipas mula ng mangyari ang gabing yon. Hanggang ngayon ay hindi man lamang nagpapakita sa bahay si Thunder. Tila ba isang panagip lamang ang nangyari. At ako lamang ang tanging nakakaalam noon.
Napabuntong hininga ako.
Sabi nila ang buhay ng tao ay maikukumpara sa isang gulong. Ngunit bakit pakiramdam ko ay nabubuhay ako sa agos ng dagat. Hindi ko alam kung san ako tatangayin o baka nama'y tuluyan na akong malunod.
Suot ang kulay puting maternity dress, nag-umpisa akong maglinis ng bahay. Linagyan ko ng mga bagong pitas na bulaklak ang mga bakanteng vases na nakadisplay mula sa sala maging sa kusina.
Alas singko pa lamang ng umaga. Di tulad ng mga nagdaang araw ay maaga akong nagising.
Si Manang at Iska naman ay maagang umalis para mamalengke. Kaya tanging ako lamang ang naiwan.
Muntik ko nang mabitawan ang ilang punpon ng rosas na nasa aking kamay sa pagtunog ng telepono. Napangiwi ako ng patuloy itong tumutunog.
I sighed and picked up the telephone call.
"Hello? Sino po sila?"
Nangunot ang noo ko ng walang nagsalita sa kabilang linya. Sino kaya ang tumatawag bg ganito kaaga?
"Sino po ito?"
Ilang segundo ang lumipas. Ibaba ko na sana ang telepono ng isang garalgal na boses ng babae ang magsalita. " I'm sorry... Pinilit nila 'ko... Hi-"
Her voice was familiar...."Raine?"
*toot *toot
Kakaibang kaba ang lumukob sa aking dibdib. Anong nangyayari?
Why is she apologizing? Did she think that I'm Thunder? Maybe this is a prank.
Nailing na ibinaba ko ang telepono.
Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalagay ng bulaklak ng may kumatok sa pintuan. Muling nangunot ang aking noo.
"Saglit lang!"
I made my way up to the front door. Napatigil ako. Why do I feel like something bad is going to happen?
I'm being a paranoid. Napailing-iling ako.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Unang bumungad sa akin ang matapang na amoy ng babaeng pabango. My brows immediately scrunched up.
"Jaime? Pumasok ka bilis!"
Nanlalaki ang mga mata ko ng dire-diretsong pumasok ang babae. Nakasuot ito ng itim na damit at may itim na salamin habang nakaitim din itong balabal. Hindi ko mabistahang mabuti ang kanyang mukha.
Ngunit pamilyar ang postura ng knyang katawan. And her voice...
"Isabella?" Gulat na napatitig ako dito.
Mahigpit ang hawak niya sa aking palapulsuhan. "Pasok! Sinong kasama mo dito?!"
"Wala akong kasama. Teka, anong ginagawa mo dito, Isabella? Huminahon ka muna."
Napakahigpit ng kanyang kapit habang halos makaladkad na ako nito papasok sa salas. Tiyak na namumula na ang aking palapulsuhan at natitiyak kong magkakapasa ito.
"Bakit wala kang kasama?! Kailangan na nating umalis dito!" Aligaga itong pumasok sa mga kwarto hanggang sa kwarto ni Thunder. Dire-diretso ito at nanghalungkat ng mga gamit.
"Aalis? Anong- bakit?" Malakas ang tibok ng puso ko. Pati ako ay natataranta dahil sa kanyang ikinikilos. Ilang buwan din kaming di nagkita. Kaya'y hindi ko maintindihan king bkit siya narito at kung papaanong nalaman niyang nandito kami. "Anong hinahanap mo?
"Susi. Susi ng sasakyan meron ka ba?"
"Walang susi ng sasakyan dito. Huminahon ka, ipaliwanag mo-"
"Hindi mo naiintindihan. Kailangan na nating umalis dahil papunta na sila dito! Kukunin ka nila Jaime. Alam na nila Papa na nandito ka! Hindi ka na ligtas dito!"
Parang bombang sumabog saking pandinig ang mga katagang kanyang binitawan. Saglit na nablangko ang aking isip.
Paano?!
Hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isip ang natanggap kong misteryosong tawag kani-kanina lang.
' I'm sorry... Pinilit nila 'ko.'
Takot at pagkabahala ang sumalakay sa dibdib. Nanginginig ang mga kalamnan ko na tumingin sa kanya.
Parang nakakaunawang napasabunot sa kanyang buhok si Isabella. "Hindi. Hindi ako ang nagturo sa inyo. Hindi ko rin alam kung paanong nalaman nilang nandito kayo."
"You knew..." Ibig bang sabihin nito ay alam niya matagal na? Kung ganon ay bakit hindi niya sinabi? Hindi ba galit siya sa akin?
"You are my only sister. Gaano man ako kagalit sayo. I will never want to harm you. Minsan na akong nagkamali sayo kaya gusto kong bumawi. Pero kulang pa rin pala ang ginawa namin ni Margus-" Parang hinaplos ng mainit na kamay ang kaba sa aking puso. Hindi ko lubos akalain na gagawin ito ni Isabella para sa akin. Si Margus? Ibig bang sabihin nito ay tinutulungan niya si Isabella?
"Ako yung dahilan kung bakit ka nagkakaganito eh. Sinira ko yung buhay mo. Pasensya na. Dahil sa kaartehan ko, kagagahan at katangahan ko nagkanda letse-letse ang buhay mo. 'Di sana ayos pa ang lahat eh. Hindi magagalit si Papa, hindi ka sana mabubuntis ng ganito. Nadamay pa ang magiging pamangkin ko... Sorry, Ate" I never knew her sacrifices for me. Mahigpit kong niyakap si Isabella. Naluluhang napangiti ako. Kay tagal na panahon na nanv huling beses niya akong tinawag na Ate. Yumuyogyog ang kanyang mga balikat sa sobrang pagiyak.
"Tahan na kahit kailan hindi kita sinisi. Bagkos ay nagpapasalamat ako dahil naranasan kong maging nanay kahit ganito." Dahan-dahan kong kinuha ang kanyang kamay at ipinatong ito sa aking tiyan. "Kambal ang magiging pamangkin mo..."
"Ate.. Twins..." Nanlalaki ang mapupulang mat ni Isabella. Kanina la naalis ang kanyang salamin. Gulo-gulo na din ang kanyang buhok dala ng kanyang pag-iyak. Namumula ang kanyang ilong at namamaga ang mga mata. "They kicked, ohmygod."
Napangiti ako. Para siyang bata na manghang mangha sa bagong laryan na natanggap. "They like you."
*clang
Kapwa nanigas kaming dalawa. Nanggaling ang ingay sa harapan ng bahay. Nagkasalubong kami ng tingin.
Sumenyas ako kay Isabella at marahan siyang hinila papunta sa backdoor na nasa kusina. Papunta ito sa likod ng bahay. Muling dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Kapwa na rin namamawis ang aming mga palad. Ramdam ko rin ang paminsan minsang panginginig ng aking binti.
Kabadong tinahak namin ang kusina. Dahan-dahan naming nilapitan ang pintuan at sumilip. Ng makitang walang tao ay maingat na pinihit ko ang seradura ng pinto.
Tinanguan ko si Isabella at naunang lumabas habang hawak ko ang kanyang nanginginig na kamay.
"Ah- Bitawan mo ko!"
The hand I was holding was not there anymore. Gilalas na nalipat ang atensyon ko kay Isabella. Buhat-buhat siya ng maskuladong lalaki. Nahaharangan ng itim na bonet ang mukha nito. Kitang-kita ang lamumula ng mukha ni Isabella habang walang tigil sa pagpupumiglas.
Napaatras ako ng ilang hakbang. Out of the corner of my eyes, I saw a few pot of plants. Walang alinlangan na kinuha ko ito at malakas na ipinalo sa likod ng lalaki. Nanginginig na napatulala ako.
I actually hit him!
He groaned in pain and stumbled a few steps before falling with a thud on the ground. Lumuwang ang pagkakahawak niya kay Isabella. She take the opportunity to immediately sent a kick on his stomach and grasp my arm. "Bwisit ka! Tara-"
"Mukhang nahuli ka ng dating binibini..."
An acute pain hit my neck, then everything turns dark.
Christ is this my end?
.....
Thunder
Ilang araw na akong naglalagi dito sa opisina. Maraming kailangang tapusin na mga papeles para sa kumpanyang pinamamahalaan ko.
This sure is killing the damnation out of me.
"Kazuo!" Iritadong Napasandal ako sa swivel chair. Kanina pa ako hindi mapakali. I don't know why but I'm feeling so restless lately. Maybe I was over working?
Maya-maya lamang ay pumasok si Kazuo suot ang kanyang nakakairitang ngiti. "Yes boss? May maitutulong ba ako sa iyo? Dahilan para iyong sambitin ang aking poging pangalan?"
"Where's the damn file that I ask you to look for?"
"Nasa pangatlong folder sa mesa mo, yang blue." Turo ni Kazuo sa bughaw na folder sa gilid. "Maiba nga tayo, Kulog. Anong plano mo, diba malapit na ang birthday ni Jaime? Wag mong sabihing wala ka man lang gagawin?" Tumaas baba ang magkabilaang kilay ni Kazuo. As if sugggesting something. Ngingi-ngising bumulong ito ng, "...malay mo maka triplets ka."
Iritang binato ko ito fountain pen. "Stop with your nonsense and just mind your own business!"
Tatawa-tawang lumabas ang tukmol.
I shook my head helplessly. Sometimes I want to complain why I have a friend like him.
My gaze shifted to a small velvet box in the corner. Inside lies a ring with intricate patterns. I rolled it on my fingers a little. My little Bee, your birthday was fast approaching. I smirked.
Magugustuhan mo kaya ito?
....
Salamat sa pagbabasa!
Don't forget to vote and comment
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro