21- OPERATION GUARD WIFE
Enjoy reading!
Jaime
My heart is racing, I could practically hear it from my eardrums! Never in my wildest dream to hear such a-a confession! Let alone from Thunder!
"I want you, wife,-" He said.
Napalunok ako. Pakiramdam ko tuyong tuyo na ang lalamunan ko. Still trapped between his arms, i murmured, "You want me? As in, gusto mo ako?!"
Nangunot ang noo nito. Nasabi ko na bang ang cute niya kapag nagkukunot noo? Yes, he is! "Yes I do-"
"Gusto mo ako-" Kagat-kagat ang labi na tumingin ako sa kanya, para pigilan ang tili na gustong lumabas sa labi ko. Parang may maliliit na paro-paro ang nagkakagulo sa tiyan ko. Should I say 'I like you too'? Nananaginip ba ako? Am I dreaming?
He hissed, kanina pa pala siya naka-usog palayo. Bigla akong napamulat ng mga mata. Kaya pala hindi ko na naaamoy ang mabangong hininga niya. "Let me finish will you?" He brushed his hand through his hair.
Tumango ako.
"I want you...................to come with me in a ball."
I felt like someone just splash a cold bucket of water to me. Nalaglag ang balikat ko. Maang na napatitig ako dito. Heat crept from my neck to my face. Kung totoo man si Grim reaper, pakiusap, isama mo na ko huhu. Nakakahiya!
"What? Don't tell me you're expecting me to say, something like 'i like you' intimately? Assuming."
Sa likod ng utak ko, mistulang walang kapaguran ang pagpeplay ng kanta ni Kazuo, ang bagong bersyon niya para sa kanta ni Justine Bieber: Despacito;
Paasa, paasa, sinong mga umasa?~
bespa-asa~
"H-hindi no! Tabi nga diyan. Haharang-harang ka sa daan. Sino bang nagsabi sayo na pumikit pa ako para maghintay ng halik sayo, sino ha? Tabi, matutulog na ko." Tumikhim-tikhim ako. Naiinis na umayos ako ng upo sa sofa, at inayos ang konting gusot dito para matulog na. "Tsaka sa ball-ball na yan, bahala ka sa buhay mo!.... May palike you- like you wife pang nalalaman." Bubulong bulong ko at binigyan siya ng nakamamatay na irap. Paasa!
"May sinasabi ka?"
"May narinig ka?"
"Wala. Teka galit ka ba?" He chuckled making me flush.
"Hindi! Wala naman pala."
Natahimik ang paligid. Nagngi-ngitngit pa rin ako dahil kanina. Hindi ko alam kung bakit disappointed at naiinis dahil sa-Ugh!
"Come here. Dito ka na sa kama matulog. We are already married. You can sleep beside me. After all nakakapagod ding ilipat ka dito sa kalagitnaan ng gabi. Ang likot mo pa naman. I won't risk my babies, come on." he paused. "But first go use some alcohol."
"Ikaw ang naglilipat sakin sa kama? Kaya pala. Akala ko nag s-sleepwalk ako haha." Konti na lang iisipin kong may something sa kanya at ang alcohol obession niya. Natawa ako. A sleepy yawn escape my lips. "I'm sleepy." biglang natunaw ang inis na nararamdaman ko kanina dahil sa sinabi niya.
His face soften. "Sleep, now." Binuhat niya ako. Hindi na ako nakapagprotesta. My back once again colided with the soft cushion of a bed. "Sweet dreams, wife." A cold thing pressed againts my forehead.
I woke up with a smile plastered on my lips, feeling light. Mabuti na lang hindi ko pinoproblema ang pagbubuntis. If there is one thing I'm thankful about, yung hindi ko na nararanasan ang epekto ng morning sickness. The first and second month is hell though.
Come to think about it, hindi naman pala nakakatakot makausap si Thunder pagkatapos ng kasal hindi tulad ng inaakala ko.
Tinungo ko agad ang kusina para magluto ng agahan. Inuna ko munang magsaing. Nagluto lang ako ng kaunnting bacon at ininit ang natirang ulam kagabi. Nagsalang din ako ng ilang piraso ng slice bread sa oven, nilagyan ko ito ng kaunting mayonnaise, pagkatapos ay nilagyan ng ilang piraso ng hiniwang strawberry.
Pagkatapos kong magluto inayos ko na ito sa lamesa. I made my hair into a loose bun.
"You don't cook for me?"
I spun around just in time a hot body walk past my back. Napasinghap ako.
"Thunder? Akala ko umalis ka na? Hindi ba may trabaho ka pa?"
"I'm the boss. I can work here."
Kunot noong kumuha ito ng baso at nagsalin ng malamig na tubig dito. "Don't tell me you don't want me here?" Matiim ang matang umupo ito sa kabisera ng mesa hawak ang isang malinis na plato at sumandok ng kanin.
May tumutulong pang tubig galing sa buhok nito. Waring galing ito sa paliligo. Akala ko talaga umalis na ito, tulad ng nakagawian.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito. "Hindi naman sa ganon, sanay lang akong hindi ka naaabutan dito sa umaga."
"Then get used to it."
Ipinagkibit balikat ko na lang ito at nagsimulang kumain. Wala ng umimik sa amin hanggang sa matapos kumain. Napansin kong masama ang tingin niya sa slice bread na may strawberry at sa adobong linagyan ko din ng prutas.
Maybe he wants some?
I smiled. Iniumang ko sa kanya ang isang piraso ng slice bread. He glanced at it like it was the most disgusting food to see,then to my face. He glared at me.
Or maybe not? I frowned.
He tsked, sininop ang kanyang plato at inilagay sa lababo. He marched his way papunta sa kwartong katabi ng tinutulugan namin. Minsan lang ako pumasok dun para maglinis. That room serves as his library. Doon nakatambak ang libo-libong papel at iilang libro at nobela.
Kibit balikat na inaayos ko ang mesa. Maya-maya lang darating na si Kazuo. Nakasanayan ko na ang paghihintay sa kanya sa hardin. Ngayon namin napagusapang ang may kalakihan namang fountain ang pagandahin. Excited na kasi akong makakita ng fountain na totoong gumagana. Sa mansyon kasi nila Ama, bawal akong punta sa fountain, paboritong pasyalan kasi iyon ni Isabella, ayaw niyang may ibang pumupunta doon, kaya ipinagbawal ni Ama ang parteng iyon ng mansyon.
Makalipas ang ilang minuto, pumarada ang motor ni Kazuo. Lumang motor lang ang parating gamit niya kapag pumupunta dito. Ngunit hindi malakas parin ang dating. Kung tutuusin may pagka simple lang mga gamit nito, hindi branded, pero angat pa rin dahil sa taglay nyang katikasan.
"Dahan-dahanin mo lang na hatakin ang dulo, para madaling maalis." Utos ni Kazuo.
Kasalukuyan kong binubunot ang nakapulupot na damo sa paanan ng fountain. Sabi niya kasi'y mas madaling mamatay ang damo kapag nabunot na ang ugat, madali na daw iyong maaalis sa tuktok.
"Ang tigas naman neto, kapit na kapit." Reklamo ko. Namamanhid na ang kamay. Wala akong gamit ng gloves sa kamay, mas gusto kong nahahawakan ito, nakakaginhawa, pakiramdam ko mas napapalapit ako sa kalikasan. Kanina ko pa kasi naalis ang iba, eto lang ang pinakamahirap, may natitra pang iilan.
Tumawa lang ang lalaki at itinuloy ang pagalis ng bara sa labasan ng tubig.
Matagal na pala kasi itong hindi nagagamit kaya ang dami ng 'adorno'. May maliliit na itong crack sa gilid dala ng maliit na ugat ng mga damo at dahil na rin panahon. Pero maganda pa rin naman kahit ganon.
"Nagpapagod kapa, kayo nila babies, kung tutuusin kaya ko naman to." Napapailing-iling ito. "Kung bakit ba naman kasi naisipan mo pang ayusin 'to, Jamy. Pwede namang papalitan na lang. Kahit libre, ako nang magbabayad, may kilala akong magaling gumawa ng ganito. Tutal luma na rin to eh." Iiling-iling na ani nito.
"Naku, sira, gagasto pa, ok pa naman ah, atsaka hindi ko naman to pagmamay-ari. Nakakahiya din kay Thunder. Atsaka, nage-enjoy naman ako dito, wala akong magawa dun sa loob. Dito mas nakakagaan ng pakiramdam kapag nakikita mo ang mga bulaklak diba?" May butil-butil ng pawis na tumutulo galing sa noo ko. I wipe it, gamit ang likod ng palad ko. Nangingiting ipinagpatuloy ko ang ginagawa.
"Kung wala ka lang dito, hindi ako maghihirap para kumpunuin to." Ngingisi-ngisi ito.
What he says made me smile.
My forehead creased. Naninindig ang mga balahibo ko sa batok. Indikasyon na may nanonood sa ginagawa ko. Sino? Nag-angat ako ng tingin kay Kazuo, nakafocus ito sa pag aayos ng fountain. Gumawi ang tingin ko sa bintana sa ikalawang palapag ng bahay. Mas lumalim ang gatla sa noo ko, may nakadungaw sa bintana, si Thunder? Kumurap-kurap ako para mabistahan ito, but he's gone, maybe it was just a product of my imagination.
"Pa'no ba yan, bukas ulit?" Tumango-tango ako. I tiptoed and placed my cheek againts his. Ngumiti lang ito bago ginulo ang buhok ko, matapos mag alis ng gwantes sa kamay. "Alam mo, kapag makita talaga ni kups ang ginagawa mong 'to, pag umaalis ako, baka mapatay ako nun haha"
Pabiro ko itong inirapan. "Ikaw, Jamy baby, tumataray ka araw-araw ah."
Buong araw ang iginugol namin sa garden. At sa wakas, next week magagamit na ito. Inaayos na yung maliliit na cracks at nilagyan ng bong kulay ang fountain. All thanks to Kazuos sense of art.
"Sira ka kasi hahaha." Nagpaalam na ito. Nauna na akong tumalikod papasok sa bahay.
Nakakatatlong hakbang palang ako ng mapansin ko si Thunder. Nakasandal siya sa pintuan habang nakasuksok ang kamay sa bulsa ng pantalon niya. He has this grim expression on his eyes but his face is calm and collected.
"Apply some alcohol."
Awkward na nginitian ko ito. He just stare at me, like i have done something terrible. Ngayon lang siya lumabas ng bahay. Nilampasan ko ito. But my foot haltered when i heard his baritone voice.
"Kazuo we need to talk."
Very demanding!
Nakaisip ako ng ideya. Naghanap ako ng pwedeng taguan, sa likod ng malaking halaman. Pinagkasya ko ang sarili ko dito at sumilip sa kanila. Nakatagilid sila pareho.
Ano kayang paguusapan nila? Curiousity is eating me up.
Thunder broke the silence.
"Tell me, are you seriously thinking of fathering my child?"
Thunder gritted his teeth. Namimilog ang mga matang napatitig ako sa dalawang naguusap, seryoso ang mukha ni Thunder, habang parang wala lang si Kazuo.
"Why not? Sexy naman si Jaime mabait, sweet, malalahanin, maganda. Gwapito naman ako. Di na masama, bagay kami. We could make a perfect couple." Napatampal ako sa noo. He won't take this seriously. I know. Not when there is a grin playing on his lips. Ngali-ngaling lumabas ako sa pinagtataguan ko para batukan siya, buti na lang napigilan ko. Remind to hang him, tomorrow!
Kazuo shrugged.
"What can you do for the woman you love? Ah, Never mind, wala ka namang puso, how can you love? Silly me. At besides, tulad nga ng sinabi mo dati, you are not sure if the child is yours. I can have them. Rest assured, I will have the responsibility."
Thunder lowly chuckled. His fist collided with Kazuo's jaw. Pumaling sa kaliwa ang ulo nito. I frozed. Hindi man lang natinag sa pagkakatayo si Kazuo. Wala na ang mapaglarong ngiti sa labi nito. Hinilot-hilot ni Kazuo ang panga nito.
"Nonesense.... I got her first, she's my wife." Napatalikod ako ng bumaling sa pwesto ko si Thunder.
Did he saw me? Silence. Muli akong sumilip pero wala na sila. Asan na yun?
"What are you doing?" Ang baritonong boses ni Thunder ang sumalubong sakin. Nakataas ang kaliwang kilay nito nito at masamang nakatingin sakin. Gahibla lang ang pagitan ng mga mukha namin. Once again, I frozed and my heart goes frenzy.
Ginawa ang bagay na alam kong makakaligtas sakin. Kumaripas ako ng takbo papasok sa silid namin at inilock ang pinto. Sumandal ako sa likod nito at piping nagdasal.
"Dear God, please don't let my Husband kill me."
....
Thank you for Reading!
Hope you enjoyed it. Lab you guys. Na wala si Caspen, pansin niyo? Ikinasal na kasi kami haha
Don't forget to vote and comment.
Pashout out sa mga nagbo-votes, especially dun sa mga nagco-comments.
PS. Thunder with Jaime at the top
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro