Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18- NEVER A FAIRYTALE

Enjoy reading

Salamat sa mga nag pa-flood VOTES HEHE


Jaime

Buong byaheng lutang ang diwa ko. Hindi ko alam kung seryoso ba ang sagot niya kanina. Gusto kong magtanong, pero pinigilan ko ang sarili. I bit my lips to prevent my self from asking.

Ikakasal ako-kami. My wedding. My first and probably my last.

Nagsasaya dapat ako, ngunit bakit hindi ko magawa? Hindi ko magawang maging masaya. Kung tutuusin maswerte pa nga ako, dahil kahit napipilitan pakakasalan pa rin ako ng taong, ama ng mga magiging anak ko. I can give my unborn children a family, a complete one. Pero kahit anong maisip kong rason para maging masaya, hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko.

Kahit dayain ko pa ang sarili ko, mahirap. Dahil ikakasal kami, hindi dahil sa nagmamahalan kami, malayo sa pagmamahal. Wala naman sigurong gugustuhin na ikasal sa taong hindi mo mahal hindi ba?

Malamlam ang matang sumulyap ako sa kanya. "Thunder, hindi mo kailangang pakasalan ako. Sapat na matanggap mo ang mga magiging anak ko-natin." I don't want to be selfish. Paano kung may nobya siya? Ayaw kong maging dahilan kung bakit magkaroon ng lamat ang relasyon nila.

Sa isiping yon, parang may maliliit na karayom ang tumutusok sa puso ko. Hindi siya umimik. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Kahit papano nais kong marinig ang kanyang sagot. Still i waited for his answer, but i got none.

Tumigil ang kotse sa harap ng isang mataas na gusali. Tahimik na lumabas ito ng kotse ng hindi man lang nagtatapon ng tingin sa gawi ko. Why am i waiting for that to happen? Should i go? Tama ba ito? Tahimik na sumunod ako sa kanya papasok sa gusali.

Hindi ko maiwasang ilibot ang mga mata sa paligid. Lahat ng nakakasalubong ni Thunder ay yumuyukod tanda ng pagbati at ang iba naman ay iwas ang tingin. I can see the curiousity in their eyes, kapag dumadako ang paningin nila sa akin, saka tahimik na magbubulungan.

'Sino yang kasama ni Sir Thunder?'

'Bagong babae niya kaya?'

'Imposible hindi pumapatol ng ganyan si Sir no! Mataas ang standard niya uy. Tingnan mo naman oh, may nakapalobo na!'

'Baka nabuntis niya.'

'Siguro isa sa mga desperadang babae na nagpapaako ng anak ng iba, para makakuha ng malaking pera hihi'

'Pathetic.'

Ayakong pakinggan ang sinasabi ng iba. Gusto kong takpan ang mga tenga ko. Napayuko ako. Nagiinit ang paligid ng mata ko. Nanlalabo na din ang paningin ko. Gusto kong sumigaw at ipabawi ang mga sinasabi nila tungkol saakin. Hindi ako ganong klaseng tao! Gusto kong ipagtanggol ang sarili, ngunit hindi ko magawa...deep down i knew, dahil mahina ako.

Sumakay kami sa elevator. Pinindot niya ang '13' button at tahimik na umokupa sa isang sulok.

"Where is he." Ang baritonong boses ng binata ang pumukaw sa atensyon ko. Nakalabas na pala kami ng elevator.

Tiim ang bagang nito. Walang ekspresyon ang mga matang nakatutok sa babaeng nakaupo sa likod ng isang mesa.

Awang ang labi at titig na titig ang babae kay Thunder. He was looking at him like a food she would like to ravish. Nakalarawan sa mukha nito ang paghanga at pagtatakha.. Waring tinatansya kung paano pakitunguhan ang kaharap. Biglang uminit ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit. Irritation filled my system. Ayoko ng paraan ng pagtingin niya sa kasama ko.

"May appointment po ba kayo kay Mister Park, Sir?"

Tumaas ang kaliwang kilay ng binata. "I don't need one."

Sumama ang tingin nito sa babae. Sending shivers to the clueless girl, making the latter shift on her seat. Nakakaintimida ang tindig at paninitig ng binata. Ngiwing napadako ang tingin sa gawi ko ang babae.

"B-bilin ni Mister Park na huwag pong maga-abala sa kanya. Pasensya na. You may come back tomorrow Sir-"

"Let's go."

Dire-diretsong naglakad si Thunder, ng hindi pinatapos ang pagsasalita ng babae. His long muscled legs flex beneath the fabric of his pants. Malalaki ang hakbang na hinabol ko ang binata. Ilang pasikot pasikot pa ang dinaanan namin bago huminto sa harap ng isang---palikuran?

'Magjejebs ba si Thunder? I-ihi?'

Nagtatanong ang matang bumaling ako sa binata. Tumaas ang kaliwang kilay nito bago padaskol na binuksan ang pintuan. Atubiling sumunod ako ng sumenyas siya papasok.

'...hindi naman siguro niya ako sinama para panoorin siyang umihi, hindi ba?' Namumulang, ipinilig ang ulo.

"Give me that you bastard!"

"Ah-ah"

"I will kill you! Hand it out to me now!"

"Give me that damn tissue! I swear I am going to report you to the management! Vous bâtar!"

Bumungad ang sigaw ng galit na boses. Puno ng inis at iritasyon. The voice has thick French accent.

Gilalas na napatitig ako sa isang lalaki na may brown na buhok. He was sitting on his heel, shifting his weight on his legs and foot. Nakatakip ang likod ng kamay nito sa bibig, waring nagpipigil ng tawa.

Heto ba si Mr. Park? Imposible!

Tumikhim si Thunder.

Dagling nangunot ang noo ko ng may hawak itong sinulid. Hinihila nito ang sinulid na parang namimingwit ng isda. Nakatali sa dulo nito ang puting nakarolyong papel na nakapaloob sa isang plastic. Tissue! Tuloy pa rin sa kanyang ginagawa.

Limingon siya samin. Tumutok ang paningin niya sa binatang katabi ko. His eyes lit up in amusement. "Naknamputa Kulog, namiss mo 'ko agad?" He glanced at me then at the tissue. "Ah, hi Miss?"

...

"JAIME this is Attorney Park. He will be the one to act as our clergyman."

"Ang boring mo talaga kups. The name is Kazuo Park, my lady. Half Korean, half pogi, pure gwapito, at your service!"

Sabay kindat ng singkit at mapupungay niyang mata.

"Kups?" he shrugged.

"Kupal yun, Miss. I'm Gideon. Yung may itim na sapatos si Aster, tuli na yan. Payong pogi lang, focus ka lang sa sapatos niya, wag kang susulyap sa mukha, kung ayaw mong pumangit yang maliliit na tiyanak sa tiyan mo."

Maang na napatitig ako sa lalaking may highlight na asul buhok. Mapupungay ang kanyang asul na pares ng mata. Kasing taas ni Thunder, may maangas na awra. Si Aster naman ay may itim na buhok, may kasing itim ng gabi na mga mata.

Seryoso, bakit ang tatangkad nila? Bakit ako hindi man lang biniyayaan? Hay.

"Where is the marriage contract? We'll just sign it. Aalis din kami agad. I have some work to do." Pipirma lang kami ng kontrata, yun na yun? Mapait na gumuhit ang ngiti sa labi ko. Agad nagrebelde ang pagkatao ko.

"Gusto ko sanang h-humiling... This is my first wedding..." and probably my last. Nanginig ang labi ko. "P-pwede bang g-awin natin ang proseso ng seremonyas ng k-kasal? I-i want t-to treassure t-this...Please?" Matagal na timitig sakin si Thunder. Dumagundong sa kaba ang puso ko. Hindi ako sigurado kung pauunlakan niya ang kahilingan ko, kahit ito lang, gusto kong maranasan kung paano ikasal. Matiim ito at tila nanunuot sa buong pagkatao ko. Bumuntong hininga ito bago tipid na tumango.

"Sila ang magsisilbing, witness ng kasal." Bulong ni Thunder na natiling katabi ko. Sumenyas siya, hudyat na simulan na. Nagsimula ng magsalita si Kazuo. Hindi ko mapigilang mag isip.

This is not my dream wedding. Pangarap ko dati na magkaroon ng pang fairytale na lovestory. Maikasal sa isang Prince charming. Pangarap kong magsuot ng napakagandang wedding gown, tipong maiinggit ang lahat ng babae. Enggrandeng kasal kung baga. O kahit walang bonggang kasal...basta nagmamahalan kami ng lalaking maghihintay sa akin sa altar. I know it's too much. Too much to ask for an extravagant wedding. And too much to ask love from another person. Bumigat ang pakiramdam ko.

I should be happy kasi kasal ko to, hindi ba? Lahat ng nakikita kong bride dati, sobrang saya ng mga mukha. They look contented, they feel love. Pero bakit hindi ko magawa? Ang hirap palang maging masaya no? Mahirap pilitin ang sarili mo, mas madaling dayain.

Marriage is a sacred union of two hearts, two soul, a lifetime commitment. With a heart felt vow, to cherish.

Then the exchanging of vow happen... "I Thunder Frost Dimiscus will take your hand Jaime Asuncion Vallarde as my lawfully wedded wife. For this marriage is more or like for convenience. I expect you to respect me, as i will to you. You shall not humiliate my name, as i give it to you. Never expect me to love, nor cherish you. Never ever question me for what i do. Stay out of my business like what i will do. Do not demand attention, affection or trust as days will due. I swear to be faithful, you must too. For as long as, you will be mine. Treat this marriage as pure business. I am your boss, you will be my employee. And i expect this will be, no strings attached. Let this ring be the seal to our agreement. Do you agree, Ms. Vallarde?"

Tumulo ang luha ko. Alam kong napipilitan lang siyang pakiharapan ako. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, na halos mamanhid ang bawat kalamnan ko. For the first time since nakilala ko siya, gusto kong sumigaw sa lahat ng hirap at sakit. Galit ako! Galit ako sa sarili ko, dahil kahit kelan hindi ko magawang tama ang mga pagkakamali ko. At dahil sa pagkakamaling yon, nadadamay ang ibang tao. Napipilitan silang pakisamahan ako. Galit na galit ako, dahil kahit kelan hindi ko magawang magalit sa ibang tao! Dahil alam ko ang pagdurusa ng mga kinagagalitan. Mahirap. At ayokong may makaranas nun.

Tumikhim ako para alisin ang kung ano mang bara sa lalamunan ko.

"I-I Jaime Asuncion Vallarde take y-you T-Thunder Frost Dimiscus as my husband, till the day you pleased... I-I realize that, sometimes plans are useless. Things doesn't flow as how we want it, how we expect it, how we plan it. Just like my dream. Dreams will give us hope, pero hindi ang kasiguraduhan. Hindi mo masisiguro kung ano ang mangyayare mamaya, bukas at sa susunod pa. Thus, I vow to do my part, do my best, no matter how hard. No matter how painful. I will never demand your love to me...but please do pour it to our children as they will be born. Till the day that I die, love them, please?...."tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha ko. Why do life have to be so unfair? "Let this ring be the seal to our agreement."

Mapait akong ngumiti. Hanggang ganito na lang ba? Hindi ko ba deserve maging masaya, kahit sandali lang? Haha Nakakatawa, why? Because my marriage taste like my kind of coffee. Bittersweet. Yet still, i want it.

Third Person's Pov.

"...I now pronounce you man and wife, you may now kiss the bride, Frost." Masayang anunsiyo ni Kazuo. Walang gumalaw sa bagong kasal. Kapwa nagpapakiramdaman. Tinanguan ni Thunder ang asawa, tanda ng pagkilala, kiming ngumiti naman ang babae.

"Congrats, brad, Jaime."

"Magpakarami kayo, Kulog, Jaime."

Natapos ang kasal na tanging ang clergyman lang ang nagsasalita. Si Aster at Gideon ay kapwa tahimik na nagmamasid. Parehas napapaisip kung ano ang kahahantungan ng 'kasal' ng dalawa. Ito ang unang beses na nakita nila ang babae. Maamo ang mukha at may malambing na boses, pino ang kilos nito, bagamat puno ng di matatawarang lungkot ang mga mata. Ni hindi kababakasan ng anumang maipipintas dito, maliban sa kakaunting gasgas sa katawan na galing sa naghihilom na sugat.

Nakita nila kung paano, dumilim ang mukha ni Thunder kapag nababanggit ni Kazuo ang apilyido ni Jaime. Napupuno ng poot ang awra nito. Hindi lingid kanino man ang alitan sa pamilya Vallarde at Dimiscus, mahigpit na magkalaban ang dalawang angkan sa negosyo.

"Let's go." Malamig na utos ni Thunder. Tumalikod ito at tinungo nag pintuan.

Napatungo si Jaime at naunang lumabas.

"Ah, teka, Frost kups! May ibibigay akong regalo sayo!" Hiyaw ng nakangiting, Kazuo.

"Hintayin mo ko sa kotse." Utos ni Thunder sa asawa. Dali-dali din itong umalis sa harapan nila habang nakasunod ang mga mata niya sa likod nito.

'Vallarde, huh? Mrs. Dimiscus sounds better.'

Bago pa tuluyang sumara ang pintuan, tumama ang kamao ni Kazuo sa kanyang panga, bahagyang umikot ang kanyang paningin. Muling may tumamang kamao sa gilid ng labi niya. Pakiramdam niya pumutok ito. Thunder hit the floor, shock for his freind's rage.

"Damn it!"

"Gag* ka Thunder! Did you see her tears? Sana mapagtiisan ka niya!" Inis na sigaw ni Kazuo. Hawak ito nila Gideon, pinipigilang makalapit sa kanya.

Mabilis na nagtataas baba ang dibdib nito, dala ng galit. Pumiksi ito sa hawak ng dalawang lalaki. Muling ngumiti si Kazuo wala na ang galit sa mukha nito. "Ako na ang maghahatid sa asawa mo." Muling bumalik ang pagiging jolly nito at naunang lumabas sa pintuan.

"Damn bipolar." Aster and Gideon chuckled. Blangkong pinahid ng binata ang dugong lumabas sa labi niya.

Muling bumalik sa isip niya ang sinabi ni Kazuo. 'Gag* ka Thunder! Did you see her tears? Sana mapagtiisan ka niya!' Nanariwa sa isip niya ang luhaang mukha ng kanyang asawa. Puno iyon ng lungkot, determinasyon at pagasa, bagay na hindi niya maintindihan.

Maybe because she's planning something wicked to bring him down. She's still a Vallarde after all.

.....

Vous bâtar!- You bastard! (French)

Salamat sa pagbabasa! Don't forget to Vote and comment.

Batukan na ba natin si Kulog?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro