15-BREAKFAST
Enjoy reading!
...
Jaime
Ang sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana ang siyang gumising sakin. Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko saka sumulyap sa isang maliit na mesa sa kaliwa kung san nakapatong ang isang asul na orasan.
6:37 ng umaga na pala. Marahil napasarap ang tulog ko. Parati akong gumigising ng eksaktong alasais ng umaga mula pagkabata bagay na nakasanayan ko na.
Umupo ako sa kama saka tahimik na nagdasal para sa bagong umagang ito. I always feel thankful, for every morning that i wake up. Kailangan nating laging ipagpasalamat sa poong may kapal ang kung ano mang meron tayo, dahil siya lang ang nagiisang malalapitan natin. Minutes later, i finished praying.
I look at my tummy and smile. "Good morning babies."
Marahan akong bumangon mula sa kama. Sinigurado ko ring maayos ang kwarto. Inayos ko na ang kaunting gusot sa comforter bago tumungo sa banyo.
Malawak na banyo ang sumalubong sakin, hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ito kahapon. Halos kasing laki ito ng dating silid na ginagamit ko sa mansyon. Gawa sa malinis at makikintab na tiles ang sahig, may mga maliliit na patterns din ito. Sa gilid makikita ang salamin kaharap ang puting lababo. Sa isang sulok naman nakapwesto ang banyo at shower na tinatabingan ng makapal at malabong salamin, para hindi makita ang nasa loob.
I splashed a good amount of water on my face and quickly rinse it. I smile, the water seems to lighten my mood together with my soul.
And simpleng paghihilamos ay nauwi sa paliligo. I stayed almost 30 minutes under the shower. Nang makuntento, hinanap ng mga mata ko ang gagamitin kong damit. Naku, hindi nga pala ako nakakuha ng mga damit pamalit, napatampal ako ng noo.
Lumapit ako sa isang kabinet at marahang hinila ito. Bumulaga sa harapan ko ang ilang malilinis na puting bathrobe. Mukang hindi pa ito mga nagagamit man lang. May nakatuping maliit na towel din sa gilid nito.
I started humming my favourite song 'You are my sunshine'.
Mabilis ko itong isinuot at kinuha ang maliit na towel para tuyuin ang buhok ko. I twist the knob at pinihit pabukas ang pinto, habang ang isa kong kamay ay hawak ang puting tuwalya.
"Vixen-"
Namilog ang mga mata ko ng biglang bumukas ang pintuan. I frozed.
Iniluwa ng pinto ang blankong mukha ng may-ari ng unit- si Thunder. Nabitin ang sasabihin nito sa ere. His lips parted a little. Naglakbay ang mga mata niya sa katawan ko. Tumigil ito sa dibdib ko.
"Flat." naginit ang ulo ko. How dare him! Gusto ko siyang murahin. Muling bumaba ang kanyang mata papunta sa nakaumbok kong tiyan. I surpress a smile ng napalunok ito.
An unfamiliar emotion flashed on his unique eyes.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo.
"You look stupid."
Ilang beses na niya akong tinatawag na 'stupid' amp. I want to kick his balls again but, N-nakakahiya!
Nabitawan ko ang towel at agad na hinigpitan ang pagkakabuhol ng bathrobe, baka lumuwang ang pagkakatali, mahirap na. Nagkakarerahan ang puso ko sa pagtibok dahil sa pagkapahiya.
"A-anong ginagawa mo d-dito?" bakit hindi siya kumatok? Kung bakit kasi nakalimutan kong kumuha ng pamalit na damit! Huminga ako ng malalim at pilit pinakaswal ang mukha.
His eyes search for mine, kaya nagkakatitigan kami. "Get dressed. Bumaba ka na lang. I-i'll cook for you- i mean us, a breakfast." his cold voice almost makes me shiver.
His hair is messy. Katulad kahapon nakahubad baro na naman ito. His short also hangs lowly on his hips, almost revealing his v line.
"Ang tenga mo.."
Tumikwas ang kilay ko ng magkulay pink ang kanyang tenga. Umiwas naman ito ng tingin bago tumalikod at tinungo ang pintuan.
Isang naghuhumiyaw na "Shut up!"
ang natanggap ko sa kanya.
Nang makalabas ng pinto si Thunder, napahinga ako ng malalim. I don't know that i have already holding my breath.
Ilang minuto pa akong nakatayo bago ko maisipang magbihis. Isang dilaw na blusa ang napili ko at pinaresan ng brown na cotton short na umaabot sa kalahati ng hita ko. Tuyo na din ang buhok ko. I just let it fall straight on my back.
I made my way into the kitchen while caressing my baby bump. I can't wait to see them! Minsan iniisip ko kung sino kaya ang magiging kamukha nila? Will they inherit Thunder's eyes or mine? Magkukulay rosas din kaya ang tenga nila tulad sa kanya?
Napapailing na narating ko ang bungad ng kusina. Mula dito tanaw ang si Thunder. His hair is messy. Nakasuot ito ng kulay asul na apron habang abala at seryosong seryoso sa pagluluto. Bumaba ang mga mata ko sa kanyang kabuuan. Hindi maitatangging muka siyang nililok ng isang mahusay na skulptor. Ang malalapad niyang likod. Ang mamuscles niyang braso. And his round bu-
"Done fantasizing my butt?" nanguuyam na sabi nito, para akong natuklaw ng ahas. "Don't qorry you can touch it if you want, i won't mind."
Nagiwas ako ng tingin pero dumapo ang mata ko sa nakangising muka si Thunder. I can feel the heat on my cheeks. Why do i have to embarass my self infront of him? Ah!
"H-Hindi ah! Bastos!" napatikhim ako bago pilit na sumimangot at naglakad papunta sa mataas na stool at umupo. Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata niya sa bawat galaw ko. Hindi niya ba naisip na nakakailang iyon? Nagisang linya ang makakapal nitong kilay.
"Yeah, right but you keep on glancing at my ass." napaiwas ako ng tingin. He sighed and walk up to me.
"Ay! oy ibaba mo ko!"halos mapapitlag ako ng lumapat ang mga kamay niya sa magkabila kong baywang. Amoy na amoy ko ang mabagong amoy niya, kahit may kakaunting pawis, nakakadagdag lamang ito ng bango.
"Stay still. Sinong nagsabi sayong umupo ka don sa mataas na stool na yon? Sa liit mong yan, your legs can't even touch the foor. What if you fall? Mapapahamak kayo ng mga anak ko, magisip ka nga!" napapailing na inilapag niya ako sa isang silya kaharap ang mesa.
"Ang OA hindi naman ako mahuhulog dun eh!" nagmamaktol na boses ang lumabas sa bibig ko. Muntik ko ng matampal ang bibig ko. Me and my reckless mouth!
"Tss." muli siyang tumalikod at may inilapag na plato sa harap ko. May kasama din kutsara, tinidor at baso. Sinalinan niya na din ito ng gatas. Halos maglaway ako ng makita ang mga inihanda niya. May sunnyside-up egg, bacon, pritong isda at fried rice na maraming hotdog, yummy."Eat."
Kumunot ang noo ko ng kumuha na ito ng pagkain. Akmang susubo na ito ng galit na tinampal ko ang kanyang kamay.
"What now?!" inis na tinitigan ako nito ng masama.
I close my eyes at nagsimulang magdasal. Ramdam ko ang paninitig nito kaya, binuksan ko ng maliit ang kaliwang mata ko at sinenyasan siya na pumukit. Bumuntong hininga ito bago pumikit.
Matapos magdasal nagumpisa na kaming kumain. Halos ako na ang makaubos ng lahat ng niluto niya.
"Ah, how was it?"
"Ang sarap! Mas masarap pa ito noong una mo kong ipinagluto nung pumunta dito si Caspen!" Ngiting-ngiti na sumulyap ako sa kanya.
Kumunot ang noo nito. "But this was the first time that i cook."
Matiim na tinitigan niya ako.
"Ha? Pero sabi niya ikaw daw nagluto non, ang sarap pa man din non." naguguluhan ako.
"That bastard. Siya ang nagluto non, tss." tsaka ko lang napansin ang maliliit na paso sa kanyang kamay at braso. Namumula ito, at alam kong makirot yon. Nagaalalang tumingin ako sa kanya pero parang baliwala lang iyon rito.
Hindi ko alam pero napangiti na lang ako kahit na madilim ang muka nito at mahigpit na hawak ang kutsara.
He cooked for me! No one has ever done that for me, siya lang. And it's very touching.
Bago ko pa mapigilan ang sarili ko. I leaned into him and lightly kiss his right cheek.
Namimilog ang mga matang nakatulala lang siya sakin. I smile from ear to ear. Nagkukulay rosas na naman ang kaniyang tenga. Hindi ko mapigilang mamangha. He looks so adorable with his red ears!
Titig na titig ako sa cute niyang tenga.
"Fuck why did you kiss me?! You can't just kiss someone specially a male and act like nothing happen! You can acquire freaking diseases, what if it's someone-? Wait, fuck did you also kiss Caspen because your happy? Goddamn it, i swear i will kill that son of a bitch if you do! Shit, shit, shit!"
But why is his ears like that? Bakit namumula ang tenga niya. Pasimple kong hinawakan ang tenga ko at pinisil-pisil ito, hays. Bakit ang tenga ko hindi? That's unfair! Mas cute siguro ako kung ganon din tenga ko, tapos magmamana sila babies sakin iiih. Gusto ko din nu-
"ANSWER ME JAIME DAMN IT!"
Napapitlag ako at naputol ang pagiisip ko. "ha? Bat ka sumisigaw?"
"Fuck I can't believe this."
Frustrated na ilang beses niyang pinasadahan ng kanyang daliri ang buhok niya. Takang napatitig ako sa kanya. Bakit kaya to sumisigaw? May kaaway ba siya? "You're unbelievable." he sighed.
"Ikinuha kita ng appointment sa isang OB. The bastard- i mean Ca-Caspen will accompany you. Mamaya pupunta dito yun."
Nagningning ang mga mata ko. I miss Caspen too! He has this cute chinky eyes i just want to stare at them!
Busangot na naglakad palayo si Thunder but not after something, that made me confuse.
"Please, no fucking Kissing."
...
Salamat sa pagbabasa!
Please do VOTE AND COMMENT IF YOU LIKE IT. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro