Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PANIMULA

GRAND BALL

Itong araw na'to ang pinakahihintay ng mga senior highschool, ang kanilang grand ball.

Naka semi-gown ang mga babae at ang mga lalaki ay naka amerikanang suit.

Karamihan sa mga estudyante ay may dalang ibat-ibang uri ng wine.

Si Samson, isa sa kaklase nina Miso ang assistant sa event na ito. Kinukuha niya ang mga bote ng wine.

Dumating si Rhesa kasama ang mga kaibigan nito.

Si Marj at Jack sumunod na dumating, ang sikat na couple sa kanilang batch.

Marami pang dumating na estudyante pero isa lang ang hinihintay ng mga ito, si Miso. Sikat siya dahil nanalo siya sa isang contest na nagbigay ng karangalan sa kanilang school.

Binati siya ng mga schoolmates at classmates niya.

Masaya si Miso dahil tanggap na siya ng kanyang nasa paligid.

Nakikipag-usap siya sa mga kaklase niya nang sumulpot ang kanyang bestfriend.

"Miso, kamusta kana?" sabi ni Marj, niyakap siya nito.

"Okay lang ako, ikaw kamusta ka?" tanong niya, masaya siya na kinausap ulit siya ng nag-iisang bestfriend niya.

"Pwede ba tayo mag-usap?"

Pumayag si Miso kaya nagpaalam siya sa mga kausap na aalis muna. Pumunta sila sa isang sulok kung saan walang estudyante.

"Ang ganda mo sa suot mo'ng dress." puri niya sa kaharap.

"Salamat, ikaw din. Pumogi ka."

Natuwa siya sa sinabi ni Marj, ito lang naman kasi ang nagsasabing pogi siya.

Biglang naging seryoso ang mukha nito. "Miso, yung nangyari satin nung huling kita natin sana kalimutan na natin yun."

Nagtaka siya. "Oo naman." wala siyang ideya kung ano ba ang sinasabi nito pero ngumiti siya at nagpanggap na alam niya kung ano ba ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ang kaibigan niya.

Magsasalita pa sana si Marj nang dumating ang kasintahan nito.

"Love, kanina pa kita hinahanap nandito kalang pala." hinalikan ni Jack ang kasintahan sa harap niya.

"Dito kana pala, kanina pa kita inaantay." baling ni Jack sa kanya, tignan siya nito ulo hanggang paa. "Bagay sayo ang suot mo."

Ngumiti lang siya sa lalaki, ngayon lang kasi siya pinatunguhan ng maayos nito.

"Tara na, love." yaya ni Marj sa kasintahan.

Umalis na ang mag-couple at si Miso ay naiwang mag-isa.

Masaya siyang tanggap na siya ng iba pero wala siyang tatakbuhang kaibigan kesa dati na lahat ng tao ayaw sa kanya pero kahit ganun ay may isa siyang kaibigan na matatakbuhan, palalakasin ang loob niya.

Nawala na talaga sa kanya ang kaibigang si Marj. Hanggang tanaw nalang siya sa babawi na dati ay nahahawakan at nayayakap niya.

"Cruz, buti nakarating ka." nakangiting bati ni Rhesa kasama ang mga kaibigan nito.

"Wow, akala ko ba inis ka dyan sa panget na'yan?" sabi ng kasama ni Rhesa, kinurot naman ito ng isa pang kaibigan nito.

Nagkunwari nalang si Miso na hindi narinig ang sinabi ng babae.

"Kalimutan muna yung mga sinabi ko sayo nung nakaraang buwan, nadala lang ako sa sama ng loob ko." sabi ni Rhesa, ito kasi ang laging ka-kompitensya niya sa mga quiz bee.

"Ayos lang, naiintindihan kita." ngumiti siya sa mga ito.

"Sige alis na kami aa. Btw, gusto mo ba ng wine?" alok ni Rhesa.

"Salamat, pero siguro mamaya nalang baka mahilo agad ako." tanggi niya.

"Sige, hawakan muna kinuha ko talaga ito para sayo." binigay nito ang hawak na wine sa kanya.

"Salamat ulit." sabi niya bago umalis at umupo sa isang bakanteng lamesa.

Tinitigan niya muna ang wine bago maisipan inumin pero dumampi palang sa kanyang labi nang biglang may lalaking sumanggi sa kanyang braso kaya natapon sa lamesa ang hawak na wine.

"Sorry, tol. Papalitan ko nalang, sandali lang." sabi nito bago umalis.

"Wag na..." bago pa siya tumanggi ay pumunta na ang lalaki sa lamesang puro wine.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Jack sa lalaking nakatapon ng wine ni Miso.

"Bibigyan ko si Cruz ng wine natapon ko kasi ee."

"Sige ako na bahala, balik kana sa mga tropa mo hinahanap ka na nila." sabi ni Jack.

"Sige, salamat."

Sinundan ng tingin ni Jack ang lalaking palayo bago binuksan ang wine na hawak nito at sinalin sa baso.

"Love, kanina kapa hinihintay ni Ma'am Uy. Tungkol ata sa scholar mo ang gusto niya sabihin." salubong ni Marj.

"Talaga?" natuwang sabi ni Jack. "Sandali lang, ibibigay ko lang ito kay Miso."

"Ako nalang magbibigay." ngumiti ito.

Nagdalawang-isip si Jack kung ibibigay niya ba ang hawak sa kasintahan pero nagpumilit si Marj at kinuha sa kamay nito ang baso.

"Siguraduhin mong iinumin niya ito dahil natapon ng kaklase ko ang wine niya at hinihintay na niya ang inumin na'to." hinalikan ulit ito si Marj.

"Makakaasa ka, love." sabi ni Marj bago umalis ito.

Umupo ito sa tabi ni Miso.

"Marj, bakit nandito ka baka hinahanap.ka ulit ni Jack." sabi niya.

"Siya nga nagpapunta sakin dito, para sayo daw ito natapos kasi ng kaklase niya ang inumin mo." binigay nito ang hawak sa kanya.

"Hindi kana sana nag-abala pa, ayoko naman talaga uminom ng wine baka mahilo ako."

"May allergic ka nga pala sa alak." tumawa ito. "Pero inumin muna ito, isang shot lang." pilit nito sa kanya.

Wala siya nagawa kundi pagbigyan ang dating kaibigan.

Ininum niya ang wine.

Ilang oras pa ang nakalipas ay nagsasayawan ang lahat.

Si Miso ay nakisayaw din sa gitna ng dance floor hanggang sa mahilo siya at napaluhod.

Hinawakan niya ang kanyang kaliwang dibdib dahil sobrang bilis ng kanyang tibok ng puso. Sumakit din ang kanyang tiyan at doon na nagsimulang magsuka siya ng dugo.

Sumigaw ang isang babae nang makita ang kalagayan ni Miso.

Napalitan ng takot ang kasiyahan sa event ng gabing iyon.

Ano ang nangyari kay Miso?

Sino ang nagtaka sa buhay niya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro