Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8

I tried to distance myself from Alden after our dinner dahil ayoko nga ng gulo. Based kase sa mga nabasa ko sa old news items, talaga daw talamak sa kawalanghiyaan ang Cindy na iyon. Hindi daw nito pinapatawad kahit na fan. Pinapatulan talaga basta madikit kay Alden. Napakalaki ng insecurities ng babaeng iyon kahit kailan. So ang tulad niyang babae ay hindi mapagkakatiwalaang gagawa ng mabuti. Kaya nag-iingat lang ako.
Most of the time during shoots, I stay at my tent.

I was reading my notifications in Twitter ng biglang may makita akong tags sa akin.

@charitoP05
They really look good together. Sana sila na. @mainecapili03 @AldenRichard02

@DyDen24
Saan banda @charito05? @mainecapili03 asa ka pa. Di ka magustuhan ni Alden, si Cindy lang ang bagay sa kanya.

@aldemaine777
Hoy, @DyDen24, yan Cindy mo ang panira sa career ni Alden. Masama pa ugali.

Ayoko ng patulan iyong mga diehard fans nila Cindy. It's not worth my time. Pero thankful ako sa mga tagasuporta ko at tagapagtanggol. Basta ang gusto ko lang ay magkaroon ng magandang buhay makapagtrabaho at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Hinayaan ko na lang. Nagscroll lang ako pababa sa Twitter ko. Pero di ko iniintindi ang mga bashers at hanashers. Basta masaya ako sa tinatamasa ko ngayon. Kaliwa't kanan kase ang mga endorsement shoots and commercials sabay may Teleserye pa ako. That's what's important.

☆☆☆

We were in shoot ng TS for the showing sa coming week. Ang eksena ay magaganap sa isang bahay dito sa may Pasig area.

Nagpapamake up na ako kase nga sasalang na ako sa kamera ng biglang may magkagulo sa labas ng tent ko.

"Ate Elvie, ano iyon?" Tanong ko sa makeup artist ko.

"Di ko alam. Teka diyan ka lang, tignan ko lang."

Lumabas siya. Sandali lang pero bumalik din agad.

"Maine, si Cindy nasa labas. Nag-aaway ata na naman sila ni Alden. Hindi talaga nahihiya. Dito pa siya dumayo ng ganyan."

"Bakit daw nag-aaway?"

"Di ko alam e. Hintayin nating bumalik si Oreo at si Paolo kase nasa labas sila."

Napaisip ako. Di naman ako natatakot if in case pasukin niya ako sa tent ko. Pero wala naman. Maya-maya ay dumating si Ate Oreo at kasunod si Paolo. Nakasimangot ang dalawa.

"Anong meron sa labas?" Tanong ko sa dalawa.

"Hay naku! Sinagot lang naman niyang si Paolo yun babaeng mukhang palaka na iyon!" Sagot ni Ate O.

"Bakit? Nagkasagutan kayo? Ano yan?" Tanong ko. Tumigil muna si Ate Elvie sa pagmemake up sa akin.

"Kase girl, alam mo ba dumating yun Cindy na iyon tapos dumiretso kay Alden. Nandoon kase kami ni Ate O at kausap namin si Leysam. Aba bigla ba namang sinabi na Asan yun pangit na kaloveteam mo? Makita ko pagmumukha kung dapat ko bang pagselosan. Nakikita ko kase yun nga Tweets. Naiirita ako, Alden ha! Iyon ang sabi! Nagpanting ang tenga ko, kaya sinagot ko siya."

"Si Paolo nagbeastmode na. Nakakatawa kase di siya piniit ni Leysam. Sinabihan niyan ni Paolo si Cindy na bakit maganda ba daw siya? E idinaan lang naman niya sa pagpapa-Belo ang ilong niyang kita lahat pati utak niya sa sobrang nose lift! Ahahaha!" Kwento ni Ate O.

"Totoo naman. Kala niya ha! Kundi ko pa alam, ang dami ng retoke sa mukha niya. Mukha na nga siyang zombie dahil sa dami ng retoke niya. Ewan ko ba diyan kay Alden. Napakatanga!"

"Naku naman, pinatulan pa ninyo? Dapat di na lang. Huwag kayong bumaba sa ganoong level." Sabi ko.

"Pero di talaga ako papayag! Di hamak na mas maganda ka sa kanya at lalo ng di hamak na may utak ka kaysa babaeng utak talangka na yun!"

"E ano, nagsagutan kayo?"

"Oo! Siya naman napalayas. Sinamahan ni Alden papunta sa kotse niya. Tapos pinahatid na sa kung saang impiyerno."

"Next time huwag ng patulan ha! Di iyon tama. Isa pa, hayaan mo na lang siya." Sabi ko pa.

"Hindi ka makakapagpigil sa kanya. Kahit magpasensiya ka pa. Nakakairita talaga."

"Paolo naman, di naman tayo nag-aral at nakatapos para lang patulan ang mga ganung klase ng tao. Hayaan mo na at ikaw pa ang magmukhang masama. Isa pa, edukado ka, hindi mo siya ka-level."

"Oo na. Try ko pero hindi ko maipangako."

"Bahala ka na nga. Pero ano, tuloy pa ba yun shooting?"

"Oo. Nandiyan si Alden. Inihatid lang sa sasakyan yun bruhang jowa niya. Di siya pwedeng magcause of delay, papalitan siya agad."

"Shhh. Tama na. Ate Elvie, tuloy na natin ang pag-aayos. Para matapos na. Mainit ang ulo ng lahat ng tao dito kaya malamang magtatagal ang shoot." Sabi ko na lang.

So sumugod na pala ang Cindy na iyon? Ano kayang sinabi ni Alden at napauwi niya ang syota niya? Sana lang di na sya bumalik. Ayoko ng gulo.

A/N Later po ulit dahil may lakad ako. Pero rest assured, mag-update ako mamaya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro