6
Start na ng shooting.
Sa isang unibersidad sa Maynila. Sa FEU. Wala pa si Alden pagdating ko.
Kokonti lang ang mga estudyante dahil nga sa bakasyon. Isa pa, maaga pa. Sinimulan ng ayusan ako. Maya-maya lang ay dumating na rin si Alden kasama ang Manager/handler niyang si Leysam at Mama Ten na PA niya.
"Hi!" Bati niya sa akin. Nagbabasa kase ako ng script ko.
"Hi." Matipid kong sagot.
Inayusan na rin siya. Ilang minuto na lang, magstart na ang taping.
Iniwasan kong mapalapit sa kanya dahil mahirap na. Buti na lang at bago pa lang ang loveteam namin kaya di pa expected na meron ng something sa amin. Nanatili lang akong nagbabasa ng script. Ayoko kaseng magkamali mamaya. Kapag isang take lang, mabilis matatapos ang aming shooting.
Nagsimula na kami. Unang scene, magkakakilala kami dahil isa siya ang magiging Speaker sa isang symposium sa school kung saan ang karakter ko ay nag-aaral. Doon na magsisimula ang pagkakakilala namin at pagliligawan.
Maganda ang flow ng story kase mayaman sa kilig kaya lang ay may hahadlang, ang Mommy niya. Ang gusto kase nito ay pakasalan niya ang kababata at kaklase niya na gagampanan ni Julie Ann San Jose. Actually, kami pa lang ang artista sa unang taping. Nakuhanan na kase ang preview ng story.
Habang nagpapahinga pagkatapos ng mga unang eksena, nagstay lang ako sa lugar ko. Ayokong makipaglapit sa kanya.
Maya-maya ay pumasok siya sa tent ko para kausapin ako.
"Maine, hi." Bungad niya. Nagtitingin kase ako ng magazine habang nireretouch ang make up ko.
"Ow, hi! May kailangan ka?" Tanong ko.
"Wala naman. Kakamustahin lang kita. Kamusta yun first scene? Ayos ka lang ba?"
"Oo naman. Ang galing mo nga e. Nahiya ako." Habang sinasabi iyon ay nakatingin ako sa kanya mula sa salamin."
"Good! Sabihan mo ako kung naiilang ka ha."
"Ayos lang ako."
"Sure ka?"
"Oo naman."
"Nga pala, pwede ka bang imbitahan na kumain sa labas."
"Ha? Kelan?"
"Kung kelan ka free?"
"Baka ano.. baka magalit ang girlfriend mo."
"Wala siya ngayon. Nasa Davao. May show siya doon."
"Ah okay. Pero paano kung makita niya sa Social Media?"
"Wala namang masama. Ano sama ka? Kasama sila Mama Ten. Sama mo sila Paolo at Ate Oreo."
"Ganun ba? O sige. Kala ko kase ako lang. Sige sama ko."
"Good. Sa Concha's Garden sa Quezon City na lang tayo."
"Diba sayo yun?"
"Oo. Okay lang naman, isipin nila Treat ko sa inyo."
"Kunsabagay. Sige. Kelan ba?"
"Kelan ka pwede?"
"Mamaya? Wala na naman akong taping o shoot later."
"Shoot! Wala na rin akong gagawin after dito. Convoy na lang tayo."
"Sige." Bumeso muna siya sa akin bago siya tuluyang lumabas ng tent ko.
Pagkalabas niya, bumulong yun make up artist ko.
"Meng, ingat ka. Baka giyerahin ka nung jowa. Kilala ko iyon. Napaka-arte at palingkera. Kundi ko pa alam, ang daming retoke ng mukha niya. Kaya nga ingat na ingat ako sa ilong, naka-ilang opera sa ilong niya, makuha lang yun tangos na gusto niya."
"Ganun ba?"
"Basta, maglagay ka ng pagitan sa totoo at hindi. Mabait ka kaya ako alam ko na hindi ka dapat walanghiyain ng mg ganung tao."
"Si Alden po ba? Anong masabi ninyo sa kanya?"
"Mabait naman talaga si Alden. Kaya lang maling-mali ang sinamahan niya. Ewan ko ba kung anong nagustuhan niya dun. Ang sama ng ugali!"
"Ganun ata talaga kapag mahal mo. Bulag ka sa mga flaws ng mahal mo."
"Pero naman, ang sama talaga ng ugali. Kung alam mo lang. Di mo va yun kilala?"
"Hindi po e. Puro aral ako noong college tapos trabaho paea mabuhay."
"Bakit? Asan ang parents mo? Mukha ka kayang mayaman."
"Naku, di po! Ulila na kase akong lubos. Namatay na sila Nanay at Tatay dahil sa car accident. Yun naiwan nila, yun ginamit kong pangpaaral sa sarili ko. Yun nga lang, pinanindigan kong sa De La Salle Saint Benilde magtapos kahit nahihirapan ako. Kase nga nasimulan ko na doon. Ayoko ng lumipat. Binenta ko ang bahay namin makatapos lang."
"Wow! Nakakabilib ka!"
"Importante kase sa akin ang makatapos. Iyon ang gusto nila Nanay at Tatay."
"Malayo mararating mo. Mabuti yan! Yun iba kase pagnag-artista, umaayaw ng mag-aral. At least ikaw, nakatapos ka na bago ka mag-artista. May fallback kapag wala na yun kinang."
"Iyon nga po nasa isip ko. Kaya nag-iipon ako. Lahat ng talent fee, itinatago ko sa bangko para naman kung mawala na ako sa showbiz, may pera at pangnegosyo ako."
"Ang galing! Gusto na kita lalo."
"Salamat Ate Elvie."
"Ako na maging permanent make up artist mo. Gusto kita. Hindi ka pa retokada."
"Hahaha. Salamat po."
Matapos iyon ay nagpatuloy ang taping. Natapos ito ng bandang alas singko.
Ayaw sanang tumuloy ni Paolo pero pinilit ko. Hindi daw kase maganda ang vibes niya sa gagawin namin. Pero sabi, try lang. Pumayag din pero sabi niya, pagkakain, alis din kami agad. Isa pa, babakuran daw nila kami ni Ate Oreo. Okay iyon sa akin tutal naman, tama lang. Mahirap na, baka masugod ako.
A/N Later na po ako makapag-update. Baka gabi na kase may Teacher's Day Celebration sa buong Antipolo sa Ynares Center. Hanggang gabi na iyon. Basta mamaya, meron po! Promise yan. Kahit pipikit na mata ko, gagawa ako ng update.
No proofread po! Pasensiya na.
Thanks for the Reads and Votes!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro