59
Please listen to the music, while reading. Pandagdag emote. Hehehe!
I got so many compliments during the Bench modeling stint. But I did not get one from him. Madami din ang humihiling na ipartner ako sa movie with my knight in shining armor na si Richard Gutierrez but I don't think that's possible kase magkaiba kami ng network.
Somehow, I gathered my strength and started regrouping. Pinag-aaralan na namin ni Paolo ang offer ng network na gumawa ako ng pelikula opposite Dennis Trillo. I am excited kase we have'nt done any projects together. Open na rin ako sa possibility na maghiwalay kami ni Alden sa mga projects namin. Besides we should grow on our own sa mga career namin. Yun nga lang ang problema di pa rin kami nagkakaayos ni Alden. And sad to say but I missed him. Did he miss me kaya? I don't know. Basta what I know now is masama ang loob ko sa kanya. And he's not doing anything now para maayos. Typical Pinay wife ako. Mas gusto ko na ako ang sinusuyo. Not the other way around. Wala naman sigurong masama na mag-expect, ganun naman talaga dapat dahil he was the one who started this.
•••••
Nasa condo ko ako with Paolo discussing the contract na bago kong pipirmahan when we heard a knock. Ate O is currently in Pampanga for a visit sa kaibigan niya na ang alam ko ay boyfriend niya talaga. Kaya alam kong bukas pa siya makakauwi.
I am not expecting any visitor dahil wala naman talagang dumadalaw sa akin bukod sa kanya. He is the only one who knows about my personal home. Kaya I think I know it's him.
Ako na nagbukas ng pinto and I am not surprised. Si Alden nga.
"Hi. May I come in.." Tumabi ako at pinapasok siya.
"Aw, Alden buhay ka pa pala!" Bungad ni Paolo.
"Pao!" Sita ko.
"Sorry. Meng, I'll go ahead. Bukas na natin pag-usapan yang pelikula ninyo ni Dennis. See you na lang sa contract signing. Bye! Bye Alden!"
"Ingat ka!" And I led Paolo out.
Pagkasara ng pinto, I let him sit sa couch.
"What brought you here?" Tanong ko.
"I just want to see you. May kailangan akong sabihin sayo."
"Sandali ikuha lang kita ng drinks."
"No need. Sandali lang ako. May shoot kase ako."
"Okay. Ano yung sasabihin mo?"
"Gusto ko lang malaman mo na I missed you. Kamusta ka na?"
"Ayos lang naman.Ikaw?"
"Okay naman. Nakita ko yung sa Bench mo. Ang ganda mo doon."
"Salamat."
"Are we still going to be okay? Bakit ganito tayo?"
"Mag-asawa tayo. I guess we can't be this way forever. Kailangan nating mag-usap."
"Tama. What will happen to us? Gusto mo pa ba ito?"
"What do you mean?"
"Eto na magkahiwalay tayo? Ayos lang ba sayo na ganito tayo?"
"Of course not! Pwede bang magsoli ng asawa? As far as I know, kailangan nating ayusin ito."
"What it we realize na it's better this way?"
"Are you breaking up with me?"
"I'm asking you. Okay lang ba sayo na ganito tayo?"
"Diretsahin mo na ako. Wala ng pasakalye! Bakit sa akin mo iyan tinatanong? Hindi mo ba masasagot mag-isa? Ayaw mo na ba?" Sa mga ganitong tanong, isa lang ang naiisip ko. Magpapaalam na ito. Bakit? Pwede naman magkabati kami. Pwede niyang sabihin na bati na kami at sorry na lang. Pero bakit may pagtatanong pa kung ayos na ako sa ganito o ano ang gusto kong mangyari. Naamoy ko na ang hiwalayan.
"I've been thinking, sa mga simpleng bagay, di natin maayos. Paano pa kung mas malaki pang problema? Kakayahanin ba natin?"
"So nakikipaghiwalay ka at gusto mo na sa akin magsimula? Sa tono ng pananalita mo, gusto mo ng makipaghiwalay. Ikaw, anong gusto mo? Tapusin mo na. Sabihin mo na para alam ko kung anong gagawin ko." Naiiyak na ako pero nilalabanan ko. Hindi ganito.
"I'm not insinuating anything. Tinatanong lang kita. Gusto kong maayos ito."
"Huwag mong ibahin ang usapan. You wanted to leave me. Hindi mo lang ako madiretso. It's not about kung kaya ko o hindi. Hindi rin dahil sa kung anong gusto ko. Ang tanong ko sagutin mo! Iiwan mo na ba ako?"Tumayo na ako.
"Please let's be civilized persons here. We both want to make this right. Sana naman intindihin mo rin ang sinasabi ko."
"E ano nga ang sasabihin mo! Ang dami mong pasikut-sikot! Diretsuhin mo na ako!"
"Gusto mong malaman talaga?"
"Ano?!!"
Matagal bago siya magsalita. Randam ko na tumigil ang mundo ko. Inaanticipate ang sasabihin niya. Hindi ko ata kakayanin ang sasabihin niya. Pero dahil masokista ako, kailangan kong marinig. Para matapos na.
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Ano?!!!"
"Meng, ayoko na ng ganito."
"Fine! Get out! Huwag ka ng babalik dito! Alis! Lumayas ka!" Hinila ko siya at kinaladkad palabas. Nilock ko ang pinto. Napaupo na ako sa sahig. Iyak ng iyak. Ang sakit. Ang simpleng di pagkakaunawaan, mauuwi sa tunay na hiwalayan. Lumayo ako dati ng sandali para makapag-isip pero hindi para makipaghiwalay sa kanya ng tuluyan. Umalis ako dati kase gusto kong bigyan siya ng pagkakataon para marealize na bilang mag-asawa, hindi tama ang pagbawalan ang kaligayahang personal. As long as nagmamahalan at may pagtitiwala. Pero dahil doon, eto ang nangyari. Wala sa hinagap ko ang mga bagay na ito dahil alam kong parte ng pagiging bago naming kasal ang problemang ganito. Iniisip kong maaayos din namin ito dahil pride ang nagpalala nito. Pero hindi ang tuluyang paghihiwalay. Hindi ko inexpect ito. Ang sakit. Di ko ata kakayanin na ang buhay may asawa ko ay mauuwi sa wala.
Naririnig ko ang boses niya na nagmamakaawa mula sa kabilang dulo ng pinto. Pero sapat na yung sakit. Ayoko ng saksakin pa ng katotohanan ng maraming beses.
"Di pa ako tapos. Makinig ka naman muna. Please?"
"Ayoko ng makinig! Get away from me! Huwag ka ng magpapakita kahit kailan sa akin! I hate you! Sana di ako nagpa-uto sayo! Ang sama mo! Niloko mo ako! Wala kang kwentang tao!" Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko. Kailangan kong tanggapin ito. Masakit man o hindi. Kailangan. Wala na akong magagawa. Wala na iyung taong pinakamamahal ko. Hindi na niya ako mahal kase iiwan na niya ako.
A/N Huwag po magalit! Alam naman ninyo style ko, bulok! Hehehe!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro