58
I have been in hiatus for almost two weeks now. Nagsisimula na rin si Alden sa Teleserye niya na I heard ay maganda ang feedback ng mga tao. Afterall gusto naman niya iyon dahil doon siya magaling.
I avoided projects na kasama siya kaya nagkakagulo ang netizens at di kami nakikita na magkasama. Marami ang nagsasabi na baka buntis na ako kaya ako umalis sa Eat Bulaga at di nakikita sa anumang showbiz functions o kaya naman sa mga tv endorsements.
I just want to take a break after ng away namin.
I discreetly went to Ilocos kasama si Ate O para doon magbakasyon at magpalipas ng sama ng loob.
Nakaramdam ako ng peace of mind talaga. The place I stayed in Ilocos is a secluded place. Ang ganda lang ng lugar.
I found serenity. The peace I've been looking for. Nakapagrecharge talaga ako sa pagpunta dito. And I guess kapag dumating ang panahon na kailangan ko ng bumalik sa Maynila, I will be okay.
Upon thinking and thinking pa, narealize ko na kaya ko na uling humarap sa mga tao. Kaya I called Paolo to say na pwede na akong tumanggap ng projects. Mapa-endorsements or movies. Gusto ko na rin bumalik sa trabaho. Enough with the self-pity. Wala naman mangyayari sa pagpapa-awa ko sa sarili ko.
I am ready, finally! Armed with a new strength, I need to go back. I am really going back.
••••••
Pagbalik ko, may kontrata ng hawak si Paolo. Kasama daw ako sa rarampa sa Bench Under the Stars Parade. Tamang-tama toned ang body ko dahil na rin sa pagbabakasyon ko ay nakapag-gym ako at nakapahinga.
Excited akong pumirma. Marami daw artista ang kasali doon. Sikat na mga artista. At mapalad ako na makasama doon.
Naisip ko na magpaalam na ng personal sa mga kuya ko. Pinuntahan ko sila Sa Barangay at nagsabi na hindi na ako magbarangay dahil nagkakasakit ako sa trabaho namin. Pero sinabi ko rin na mahal ko ang barangay, at kung sakaling maayos na ako, bukas sa akin ang bumalik doon.
Pumunta rin ako sa bahay mismo nila Tito Vic, Tito Joey at Tito Sen. Sa kanila na ako mismo nagsabi. Ayoko ng pumunta sa EB kase ayoko munang magpakita sa kanya. Saka na. Mukhang maayos naman siya sa setup namin.
•••••
Bench Under the Stars.
Kinakabahan ako. First time sa akin ang rumampa. Lalo pa at maraming artista mula sa mga networks ang kasama ko. Di ko maalis ang kabahan.
Tinanong ko si Paolo kung alam ni Alden ang tungkol dito, ang sabi niya ay hindi. Hindi naman daw niya sinabi kay Leysam. Mabuti naman. Ayoko rin naman malaman niya. Ang trabaho ko ngayon ay dahil sa sarili kong kagustuhan. Ang sa kanya ay sa kanya. Sa ngayon kanya-kanya muna kami.
Nagpaaayos na ako. Si Sir Juan Sarte ang nagmake up sa akin at si Mam Celeste ang nag-ayos ng buhok ko. Upon looking at may image sa salamin, feeling ko ibang tao ang kaharap ko. Marilyn Monroe inspired ang make up ko. So thankful talaga ako kala Sir Juan at Mam Celeste, maganda ang kinalabasan.
I will be the second from the last na rarampa. Pagkatapos ni Wynwyn Marquez at Richard Gutierrez.
Kinakabahan ako pero keri naman. Di naman super skimpy, kaya ko naman ang suot ko. Unlike the other models and artist na naka-undergarments lang talaga. Di ko pa kaya iyon. Strictly for myself at for my husband lang talaga iyon. Speaking of husband, ano kaya ang sasabihin ni Alden kapag nakita niya ang gagawin ko? Baka lalo lang kaming mag-away dahil di niya talaga gusto ang nagpapasexy ako sa maraming tao. Conservative ang asawa ko. Feeling ko iisipin niyang ginagalit ko siya at baka ginagawa ko ito para asarin siya. Bahala siya sa buhay niya. Hiwalay kami ngayon kaya walang pakialaman. Nga pala, di pa nagsink in sa utak ko ang makipaghiwalay ng tuluyan. May pag-asa pa naman. Hindi lang muna ngayon kase mainit pa. Saka na kapag natanggap na namin ang dapat tanggapin.
Eto na.. Ako na ang lalakad. Nakakalula ang dami ng tao. Dinaig pa nung nanalo ako sa Millenial talent show na sinalihan ko kaya ako naging artista.
Matapos marining ang palakpak at sigawan ng mga tao, tuluyan ng nawala ang kaba ko. And tumaas ang tiwala ko sa sarili ko. Kinaya ko ang unang pagrampang ito.
Sana makita rin niya. Ano kayang sasabihin niya? Malamang magkakaroon kami ng komprontasyon. Tiyak na di niya magugustuhan ang ginawa ko.
A/N Ganado na po ako magsulat ulit. Lots of update today.No proofread.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro