Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

56

Today is Saturday. Dapat sa studio ako pero minabuti ko na sa Barangay na lang. Buti naman at di sa Sta Mesa o kaya sa San Juan na malapit lang sa studio. Ibig sabihin kase ay didiretso kami sa Broadway after ng Sugod Bahay. Buti na lang.

When I was told na sa Batangas ang Sugod Bahay, sinabi kong pupunta ako doon instead of sa Studio. Nagtataka si Direk Mike kung bakit sa barangay ako when in fact kapag Sabado, dapat sa studio ako. Sinabi ko na lang na gusto ko kaseng makapunta sa Batangas at may bibilhin ako kahit naman napakababaw na dahilan. Di na lang sila nagtanong. Pero alam ko nakakaramdam sila.

Sa van ko ako. Kasama ko si Ate O at si Pao. Alam na nila ang nangyari. Sinasabi nga nila na tanggapin ko na yun gusto ni Alden para tapos na ang away. Kaya lang pinalaki na niya ng sobra. Tinanggap niya na ang teleserye without my approval. Ibig sabihin he declared war. And kung iyan ang gusto niya, e di go. Tignan ko lang kung hanggang saan niya ito dadalhin kase di ako magpapatalo. Oo mataas ang pride ko. Pareho kami. Kaya lang napakababaw ng dahilan niya. At iyon ang hindi ko maintindihan.

Bago kami sumugod sa winner, nanonood kami muna ng segment sa studio.

Guest ang leading lady niya sa EB. Lalaro daw ng Jackpot and Poy. Nakita ko na siya sa Instagram pero di pa sa personal. Kaya inabangan ko talaga.

Nauna na ang pagpapalabas ng JEP sa JFAAFJ kase nagkakaroon ng technical problems. Nakita ko kung paanong asistihin ni Alden ang babae sa studio. Nagngingitngit talaga ako.

"O bawal ang mambasag ng telebisyon ha!" Pang-aasar ni Kuya Pao.

"Excuse me? Bakit ko naman babasagin?"

"Ikaw ba sinasabi ko?"

"Ay sorry naman. Affected lang." Si Ate O ang sumagot.

"Magkaaway ba kayo?" Tanong ni Kuya Wally sa akin.

"Hindi po."

"Hindi daw. Kaya pala nag-alsabalutan ang isa diyan." Sagot ni Paolo na manager ko.

"Ingay mo Paolo! Sasabunutan kita diyan e!"

"Ay sorry. Di ko alam." Si Paolo.

"Magkaaway kayo?" Nagtanong na si Kuya Wally.

"Maliit lang na away kuya."

"Eh bakit ka lumayas?"

"Di kuya Wally. Nagpapalamig lang. Maayos din namin ito."

"Ikaw ang bahala. Pero kapag di pa ninyo naayos yan, pwede ko naman kayong tulungan."

"Ayos lang kuya. Kami na bahala."

Tumango na lang ito. Ayaw din niya siguro pakialaman ang buhay may asawa ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagpanood ng segment nila. Di naman nanalo ang Rina na iyon pero sa huli ay pinagsalita sila para imbitahin ang mga manonood na panoorin ang nalalapit nilang Teleserye. Magsisimula na daw kase ang script reading. Ang title ng story ay Ikaw Lamang. Masaya pa siyang nagpropromote habang magkatabi sila ng Rina na iyon. Gigil na gigil ako pero di ko na lang pinahalata. Gusto kong sumabog pero pinanindigan ko na lang ang facade kong walang pakialam at di affected.

Kinalabit ako ni Ate O.

"O ano? Baka maagaw ang jowa mo."

"Ate O, nasa kanya yan. Kung papaagaw siya e di bahala siya."

"Kaya mo ba?"

"E kung gusto niya e di kakayanin."

"Mamatay?"

"Dehins. Ako pa. Bahala siya. Pa-annul na niya kasal namin para masaya."

"Ang tapang ah!"

Inirapan ko na lang siya. Pinaghahanda na kase kami at sugod bahay na.  Balik sa happy face muna. Professional dapat. Kaya kahit may dinadala ako, kailangan kong ipagpamamaya na lang.

Game face on ang peg ko.


•••••

We've been separated for four days na. Talagang pinapatagal namin ng ganito? Walang gustong magbaba ng pride.

Di ako pumasok ng Monday kase may endorsement shoot ako sa isang Detergent cleaner. The next day naman, Tuesday kailangan kong pumunta ng Cebu for a one night show with other GMA artist.

Wednesday naman ay magpapahinga ako kase kakagaling ko lang ng Cebu. Salamat at hindi muna kami magkikita. Baka sakaling pagbalik ko ay magkaayos na kami.

So pagkauwi ko ng Wednesday morning, walang Alden na sumalubong sa akin sa airport. Ang driver ko lang ang naroon para sunduin kami nila Ate O. Malamang. May promotion ang teleserye niya. May Mall tour siya with that Rina sa Trinoma para maipromote na agad ang TS kahit malayo pa itong maipalabas sa telebisyon. Kailangan daw kaseng makilala ang Rina Tuazon na ito ng mga tao. Lalo tuloy akong nabubuwisit. So kinalimutan na ata ako. Ganun kadali? Aba teka! Di na nakakatuwa ito. Bukas na bukas kokomprontahin ko siya. Hindi na tama ito. Hindi ko hahayaan na balewalain pa niya ako.





••••

Sa studio ako nagpa-assign today. Di alam ni Alden kase sadyang wala ata siyang alam na sa akin.

Maaga ako sa studio. Mga alas nueve pa lang ay naroon na ako. Ako ang mag-opening number.

Nagrehearsals na kami pero walang Alden na dumadating. Nalaman ko na lang na di siya makakapasok ngayon dahil may Storycon na daw sila ng Teleserye. Ang galing ng timing aba!

Nagpasya na lang akong magrehearse. Kaysa bwisitin ko ang sarili ko.



••••

Opening number ko.

Papasok na ako para dito pero I accidentally slipped. Napaupo ako. Nahilo dahil sa pagkadulas. Marahil sa takot. Nakaramdam na lang ako ng pagdidilim ng paningin. Hindi naman ako hinimatay kaya lang napaupo ako dahil hilung-hilo ako.

"Meng, okay ka lang? Namumutla ka!" Sigaw ni Reeza.

Umiling lang ako.

"Tulong. Medics, namumutla si Meng!" Nagpanic na si Reeza kaya nagtakbuhan na ang mga crew ng EB. Pinahaba na muna nila ang commercial break dahil sa nangyari sa akin. Isinakay ako sa stretcher. Alam ko ang lahat ng nangyayari kaya lang hilung-hilo ako. Ang sabi ng medic ay parang suka daw ang labi ko. Itinakbo agad nila ako sa pinakamalapit na ospital. Isa lang ang nasa isip ko habang itinatakbo ako sa ospital, sana kasama ko ang asawa ko. Pero di niya alam kung anong nangyayari sa akin. At iyon ang lalong nagpapasakit ng damdamin ko.

Ramdam ko na hawak ni Ate O ang kamay ko. Concious naman kase ako talaga. Nahihilo lang ng sobra.

Sana lang nandito siya ngayon. Kase kailangan ko siya sa mga oras na ganito.

A/N Meron pa pong isa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro