Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

55

I opened my eyes to an empty bed. Akala ko uuwi siya kagabi pero it seems na hindi siya dumating. What's happening? Hindi naman ganun kalaki ang pinagtatalunan namin for him to not come home. Nasasaktan ako at naiinis ako.

Hindi ako papasok today sa Bulaga kahit pa wala akong sakit. Hihintayin ko siyang dumating if ever. So I called Direk Mike to say I won't be in Barangay kase I am sick. Eme ko lang naman iyon para payagan niya akong magrest. I also called Ate O para sabihing di kami pupunta sa Bulaga today. She wanted to come to me para siya na mag-alaga sa akin pero sinabi kong hindi na kailangan. Kaya ko naman. Ang totoo naman kase ay ayaw kong malaman niya na wala talaga akong sakit. Ayoko din malaman niya na magkaaway kami ni Alden.

I took a bath early and nireheat ang food na niluto ko kagabi para naman malamanan ang sikmura ko. I wasso hungry kase di nga ako nakakain kagabi when I saw the news about him taking the contract of the TS. Nakakasama lang ng loob na ayaw niya akong kausapin.

After eating, I opened my social media accounts to see where he is. Wala naman siyang maitatago kase lahat ng galawan namin ay kinukuhanan ng picture ng netizens.

Pero walang balita sa whereabouts niya. Ang galing lang niya. Saan kaya siya nagpunta? So I decided to wait. Endless waiting.

Tanghali na at Eat Bulaga na. He was there. So saan siya natulog? Mukhang nakatulog naman siya at mukhang walang problema. Good for him. Bad for me. Ako natataranta kung nasaan siya samantalang siya ay walang pakialam kung ano ang kalagayan ko. I just stayed glued at my television hanggang sa matapos ito. I guess pauwi na siya. Magkakausap na siguro kami.
We need to talk. Hindi pwedeng ganito na lang kami palagi. This is new to me.

•••••

"Where have you been?" This is my immediate question upon seeing him.

"Nagpalipas lang ng sama ng loob."

"So nakaganti ka na? Tinanggap mo yun teleserye na may kasamang ibang babae para pasakitan ako?"

"Diba wala naman tayong pakialaman sa trabaho. As I can remember, yan ang gusto mo diba?"

"Hindi ako nakikipag-away sayo! Huwag mo akong taasan ng boses."

"And what do you think your doing? Mataas din naman ang boses mo diba?"

"Tinatanong kase kita. Saan ka natulog?"

"Sa tabi-tabi lang. O ano? Ayos ka na sa sagot ko? Gusto ko ng magpahinga. Kaya if you'll excuse me, matutulog muna ako at may lakad pa ako mamaya."

"Don't you dare walk out on me! Di pa tayo tapos mag-usap!"

"Nasagot ko na yung tanong mo. O ano pa ba tanong mo? Inaantok ako!"

Hindi na ako nagsalita. Ako na muna ang magpaparaya. Tinalikuran ko siya at pumunta sa kusina. Kumuha ng tubig at doon umupo sa dining. Naiiyak ako pero ayoko. Hindi ko iiyakan ito.

Narinig ko na lang na pumasok siya sa kwarto namin at isinara ito ng medyo malakas. Hindi ko na muna papatulan. Baka lalong lumaki.

I waited till he gets out of our room. Alas otso na ng gabi. Di ba siya kakain ng hapunan?

I was sitting at the couch and watching movie when he came out.

Dire-diretso siyang nilagpasan ako at pumunta sa kusina. Hinihintay ko kung anong gagawin niya pero di siya nagsasalita. I continued watching the movie and at the same time minamanmanan ko ang bawat galaw niya. Bumalik siya sa kwarto. Di ko alam kung anong ginagawa niya. By nine in the evening lumabas ulit siya pero nakabihis na siya ng pang-alis.

"Saan ka na naman pupunta?" Putol ko na sa deadmahang ito.

"Magpapahangin sa labas. Huwag mo na akong hintayin kase di ako uuwi mamaya."

"Kanino ka na naman makikitulog?"

"Hindi mo kilala."

"Ano bang problema mo? Bakit di mo sabihin yang ipinagpuputok ng butse mo!"

"Ano ka tanga? Di mo pa rin ba alam?"

"Ang babaw mo! Ano bang problema mo sa kagustuhan ko sa barangay?"

"Ang simple lang ng pakiusap ko sayo, di mo pa rin magawang tanggapin."

"Ano ba masama sa barangay? Masaya ako sa ginagawa ko. Wala akong problema doon.  Bakit ba hirap kang tanggapin iyon?"

"Ayoko na nasa Barangay ka! Yun lang!"

"My God, Alden iyan lang ang dahilan mo?"

"Kung di ka susunod, gagawin ko rin ang gusto ko."

" So kapag di ako pumayag, tuloy ka pa rin sa ganyan? At kapag pumayag ako, ano balik sa dati?"

"Ayan, nakuha mo na!"

"Bakit handa ka bang bawiin iyong teleseryeng pinirmahan mo?"

"Bakit ko gagawin iyon?"

"Para patas tayo! Di mo kinonsulta sa akin yan, so dapat bawiin mo rin!"

"I won't!"

"E di ako din, hindi ko gagawin!"

"Okay. Then we will still be like this. Gagawin ko ang gusto ko at gawin mo gusto mo!"

Naiinis na ako sa usapang ito. Tumayo ako at pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang maleta niya at inihagis ko sa kanya.

"Ayan ang maleta mo! Umalis ka hangga't gusto mo!" Ibinalibat ko talaga sa harapan niya. Di pa ako nakuntento ay kumuha ako ng ilang damit niya para ihagis sa kanya.

"O ayan pa! Tagalan mo pag-alis ha! Umuwi ka na lang kapag naisip mo na may asawa ka na!" Iyon lang at isinara ko na ang pinto ng kwarto namin. Nilabas ko na ang luha ko. Di ko na napigil. Iyak na matagal ko ng kinikimkim simula ng mag-away kami. Habang umiiyak ako ay nakapag-isip ako. Ako pa talaga nagpalayas. Diba dapat ako ang umalis? Di ko naman pag-aari ang condo niya. Narinig ko mula sa kwarto ang pagsara ng pinto. Umalis siya at iniwan nga ako. Lalo akong napaiyak. Napakalaki nga ba ng away namin at humantong sa ganito? Bahala na. Kung iiwan niya ako dahil lang sa ganyan, aalis na rin ako sa bahay na ito.

Kinuha ko ang mga maleta ko at inilagay ang lahat ng gamit ko. Wala akong iiwan.

Tinawagan ko si Ate O at sinabing ipasundo niya ako sa condo ni Alden dala ang van ko. Marami akong gamit at di kakasya sa kotse ko.

Paglabas ko ng kwarto para sana tignan kung may gamit pa ako, nakita kong maayos ang gamit niyang nakapatong lahat sa mesa sa sala. Wala siya. Di siya aalis? Pwes ako ang aalis. Galit pa rin ako.

Mga ilang minuto lang ay dumating na si Ate O kasama ang driver ko.

"Anong nangyari?" Bungad niya.

"Basta alis na tayo dito ate. Mamaya ko na lang ikuwento sayo."

Pinahila ko na ang mga gamit ko sa driver at kay Ate O. ang bitbit ko ay isang maleta at ang bag ko. Iniwan ko ang susi sa mesa katabi ng mga damit niya. Iyon lang at umalis na ako. Bahala na. Kung talagang eto ang mangyayari, bahala na. Tatanggapin ko na.

Bago ako tuluyang umalis tinignan ko muna ang kabuuan ng bahay. Sana nga ay magkaayos pa kami. Pero di iyon magmumula sa akin. Di ako ang nagpalaki nito, siya. Kaya siya ang humingi ng tawad.

A/N Badtrip Friday ba kamo? Sorry po sa maiinis.

No proofread.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro