54
Sadyang kapag hitik ng bunga, binabato.
We are at the top of our careers. Our married life is doing great din. Kaya lang sadyang di masaya ang iba kapag masaya ka. Laging may nasisilip. Ang tanong lang ay kung papaapekto ka sa mga nakikita at naririnig mo.
Kami naman ni Alden ay nag-uusap palagi. Sa bawat desisyon, pinagtatalunan at pinag-uusapan namin. Hindi magpapasya ang isa kung di sumangayon ang isa. Tama naman diba? Kaya lang minsan hindi maiwasan ang di pagkakasundo lalo na at trabaho namin ang usapan.
Mainstay na ako sa EB kasama sa Barangay. Masaya ako sa piling ng mga kuya ko. Although si Alden ayaw niya na sa barangay ako kase pinagkakaguluhan daw ako. Kaliwa't kanan din kase ang bash sa kanya dahil nagpapasarap siya sa Broadway samantalang ako ay naiinitan doon. Sinabi ko na sa kanya na ayos lang ako pero ayaw pa rin niya. Iyon ang pinag-aawayan namin. Matigas daw ang ulo ko. Gusto ko kase sa barangay. Sa sandaling oras na naroon ako, parang napplapit ako sa mga taong mahihirap na nangangarap na masugod ng JFAAFJ. Nakakarelate ako sa kanila dahil nanggaling din ako sa hirap ng mamatay ang parents ko. Di niya maintindihan iyon. Kaya nag-aaway kami minsan kapag may issue na lumalabas sa Twitter.
Eto ng ang latest. Napipikon ako sa mga tanong niya.
"Bakit ba ayaw mo kase magpalipat sa Broadway?"
"Masaya nga ako doon."
"Bakit? Siguro may itinatago ka sa akin. Yun lang naman siguro ang dahilan."
"Anong sinasabi mo? Gusto ko doon kase masaya ako doon. Ano pang ibang dahilan?"
"You know what, di tayo magkakasundo kapag walang gustong magbigay."
"Tama ka naman diyan. Kaya sana pagbigyan mo na ako. Di ko naman pinapakialaman ang mga projects mo. Kahit may kakissing scene ka, di ko hinaharang. Sana naman maunawaan mo rin ako."
"Trabaho iyon!" Mataas na boses niya.
"Exacly! Trabaho din yun sa akin. May masama ba?"
"Wala pero ayokong napagsasabihan na wala akong kwentang asawa kase ang asawa ko ay nahihirapan sa barangay samantalang ako ay pangiti-ngiti lang sa studio. Nakakalalaki na e!"
"Just don't mind them. As lobg as tayo nagkakaintindihan. Isa pa kasama ko si Ate O doon. Wala kang dapat ipag-alala."
"Di mo kase naiintindihan ang punto ko. Bkit ba ayaw mong lumipat ng Broadway?"
"Mas gusto ko nga sa barangay! Bakit ba ang kulit mo?"
Tinitigan niya ako at tumayo para layasan ako. Hinayaan ko muna siya para lumamig muna ang ulo namin. Napakababaw na usapan lang pero hindi kami magkaintindihan. Eto na ba yun sinasabi nila na nagkakakilanlan na ng tunay na kulay ang mag-asawang bagong kasal? Kung eto nga iyon, di ko alam kung anong gagawin ko. Magpapakumbaba ba ako at ako na lang ang susunod? Siya? Kaya kaya niyang magsakripisyo para sa akin na tanggapin ang gusto ko s buhay ko? Madaming tanong pero nahuguluhan ako. Kailangan muna naming kumalma kaya di ko siya sinundan sa kwarto. Hinayaan ko muna siya.
Nanatili akong nasa sala. Di ako pumasok sa kwarto namin. Di ko namalayan na nakatulog na ako sa couch. Di naman niya ako ginising o binuhat man lang papunta sa kwarto. Nagdamdam ako kase ganun ba kalaki ang away namin?
Nang magmulat ako ng mata, pumasok ako sa kwarto namin. Mga bandang alas siyete na ng umaga. Wala na siya roon. Wala sa bathroom o saan mang parte ng bahay. So iniwan niya ako ng di nagpapaalam. Nagdaramdam ako. Sa totoo lang, ngayon lang niya ginawa iyan sa akin.
Naligo ako at nagpasyang huwag ng magluto ng almusal. Dadaan na lang ako sa fastfood. Marunong naman akong magmaneho kaya magdadala na lang ako ng sasakyan papunta sa barangay. Sa may Cainta area lang naman. Dinaanan ko na rin si Ate O sa dati kong condo.
Pagdating sa barangay, nakipagkwentuhan na muna ako kala kuya Jose. Masya talaga sa barangay kaya ayaw kong umalis doon. Lahat sila ay totoong tao. Malayo sa showbiz. Kaya mas gusto ko dito kase nailalabas ko ang tunay na ako.
"Mukhang puyat ka? Namamaga ang mata mo." Tanong ni Kuya Wally.
"Ayod lang ako. May iniisip lang."
"Nag-away ba kayo ni Alden?"
"Hindi kuya Wally. Iniisip ko lang kase anong negosyo ang pwede kong pasukin. Yun lang."
"Sinabi mo e." Halata talaga niya ako kapag may problema ako. Pero ayokong ipagsabi ang problema naming mag-asawa. Sa amin na lang muna iyon.
Mabilis na dumating ang oras na simula na ng EB. Wala si Alden sa studio. Saan kaya siya nagpunta? Tinawagan ko kaagad si Mama Ten pero di rin ito sumasagot. Nag-aalala ako kase di pa kami ayos. Baka galit pa rin sa akin kaya ayaw pa akong makita. Grabe namang galit yan. Matinde!
Pagkatapos ng EB ay iinihatid ko si Ate O sa condo. Ako naman ay umuwi na rin sa bahay naming mag-asawa. Wala pa rin siya. Saan kaya nagsuot ang lalaking iyon?
Nanood na lang muna ako ng TV. Nagluto ng hapunan para pagdating niya ay makikipagbati na ako sa kanya. Masaya ko pang inihahanda ang hapunan namin ng madako ako sa balita sa TV.
Chika Minute.
Ang Pambansang Bae Alden Richards ay pumirma ng isang Teleserye na pagbibidahan nila ng baguhang artista na si Rina Tuazon. Magsisimula na ang pagshoshooting ng teleseryeng ito na hindi pa pinapangalanan ang titulo sa isang buwan.
Tunghayan natin ang interview ni Audrey Carampel kay Alden.
Ipinakita na sinasagot niya ang mga tanong. Bukas na daw siya sa posibilidad na maipartner sa ibang k
leading lady. Ayos lang daw sa akin bilang asawa niya na tumanggap ng teleserye dahil trabaho lang daw ito. Hindi rin daw issue sa akin na magkaroon siya ng kissing scenes dahil trabaho nga lang.
Di namin napag-usapan ito. Although nabanggit na niya ito sa akin pero di pa namin napag-uusapan kung tatanggapin niya o hindi. Naskatan ako dahil binalewala niya ako bilang asawa niya sa pasya niyang ito. Pero tinanggap na niya kaya hahayaan ko na lang. Kung iyon ang magiging dahilan para di na kami mag-away ay pagbibigyan ko na.
Nawalan ako ng gana kaya itinago ko na ang lahat ng pagkain sa ref. Matutulog na lang ako dahil bukas ay sa Cavite kami magSugod Bahay.
Hindi ko na siya hinintay dahil ayokong mag-away pa kami pagdaying niya. Minabuti ko na lang na itulog ito, baka sakaling mawala yun inis ko.
A/N Be prepared sa mga drama sa mga susunod na update.
No proofread po.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro