5
After ng script reading, dumiretso kami sa isang resto sa malapit sa condo ko.
Gusto ko kaseng mag-palipas muna doon ng oras bago kami umuwi.
Di ko inaasahang ganun kadami ang taong magkakagulo kaya ang ending, nagtake out na lang kami at sa condo ko na lang kumain.
"Magshower muna ako, Pao, Ate Oreo." Sabi ko habang inaayos nila ang pagkaing binili namin.
"Sige, bilisan mo. Baka lumamig." Sabi ni Ate Oreo.
"Mabilis lang ito." Pumasok na ako sa kwarto ko para maligo muna. Nanlalagkit ako sa dami ng ipinagawa sa amin kanina. Pero naiisip ko pa rin yun napag-usapan. Kailangan daw na magkalapit kami ni Alden para daw maging convincing ang loveteam namin. Mahirap iyon. Kung ako tatanungin, okay lang. Pero siya? Siya ang may sabit. At buti kung understanding ang gf niya, ang sabi brutal daw ito sa pagiging manunugod at maninira. Buti na nga lang daw at si Marian Rivera iyon, kundi, baka malamang, mas matindi ang ginawa nung Cindy. Di daw umubra kay Marian ang babae kase mataray din daw ito. Gusto ko tuloy makasama si Ate Marian sa pelikula o kahit na anong project, yun magkapatid kami. Magiging maganda siguro iyon.
Pagkatapos kong maligo, bumalik ako kala Paolo.
"Kain na tayo." Sabi ko.
Kumain kami. Habang kumakain, nag-uusap din.
"Meng, matanong kita, type mo ba si Alden." Tanong ni Paolo.
"Ano ba namang klaseng tanong yan? Siyempre hindi!"
"Charot! Alam ko type mo! Binabalaan kita, aktingan lang iyon. May jowa kaya yun tao kaya pigilin mo na yan feelings mo."
"Alam ko naman iyon. Kaya huwag kang mag-alala." Sagot ko na lang. May katwiran naman talaga si Paolo.
"Isa pa, baka kung anong gawin noon sayo, baka masabunutan ko iyon at ingungudngod ko sa putikan ang pagmumukha noon!" Dagdag naman ni Ate Oreo.
"Shhh. Huwag na lang patulan. Di ko naman hahayaan na ganunin niya ako. Lalaban ako. Isa pa, isaksak niya sa baga niya yun si Alden. Di ako mahilig mang-agaw."
"Very good, sissy!" Sabi ni Paolo.
"Basta, iwasan mo ng kumuha ng project na kasama si Alden. Kung pwede nga lang na huwag na akong madikit sa kanya. Kaya lang nakapirma na tayo sa GMA sa TS na ito." Dagdag ko pa.
"Iyon nga. Trial lang naman ang loveteam ninyo. Pero pagnagclick, wala na tayong magagawa. Kailangang tiisin mo. Pero huwag ka rin mag-alala, kami ni Oreo ang magtanggol sayo. Magmimiting ako ng mga head ng fansclub para may magtatanggol sayo. Kung sisiraan ka niya sa social media, gagawin din natin iyon sa kanya." Sabi pa ni Paolo.
"Tama. Gagawa ako ng fansclub na taga-bash sa kanya." Sabat naman ni Ate Oreo.
"Kuh! Tigilan na siya. Iinit lang ang ulo ninyo. Isa pa, wala pa namang ginagawa iyong tao."
"Okay. Pagbibigyan kita, pero sinasabi ko sayo, di ako papayag na masayang ang lahat ng hirap natin, mula sa pagsali mo sa Talent show." Dagdag pa ni Pao.
"Alam ko naman iyon. Basta iwasan na lang natin yun mga ganung tao. Kapag di pinapansin, mananawa o kaya naman, mamatay ang issue. Basta work lang tayo, ha? Pao, mangako ka! Kaw din ate Oreo."
"Oo!" Sabay pa sila. Natawa ako. Mahal na mahal ako ng mga kaibigan ko. Kaya kapag lalo akong nagtagumpay, kasama sila doon. Pangako iyan.
Matapos ang dinner, nagpaalam na din si Pao na uuwi na. Sa Pasig pa kase ito uuwi.
"Pahinga ka na Meng. Maaga pa tayo bukas. Ako na maglinis dito." Sabi sa akin ni Ate Oreo.
"Ate, tulungan na kita."
"Hindi. Matulog ka na. Baka pumangit pa yang balat mo sa puyat. Bukas magtagal tayo doon sa commercial shoot ng Bench."
"Sige po. Kaya mo na yan ha?"
"Oo naman. Kadadali nito. Pahinga na!"
"Okay, goodnight!" Pumasok na ako sa kwarto ko. Nagpalit ng malaking tshirt at binuksan ang aircon. Magpapahinga nga ako ng maaga para bukas ay may lakas ako.
Pero bago matulog, naisip ko, paano nga kaya kung awayin at pahiyain ako nung Cindy? Papayagan ko ba? Naisip ko na huwag na nga lang siyang pansinin pero kung sakaling gawin niya iyon, andiyan sila Ate Oreo na magtatanggol sa akin. Pero sana nga lang, awatin nung Alden yun jowa niya. Kase kung di niya gagawin iyon ako magtatanggol sa sarili ko. Hindi ko hahayaang apihin ako lalo na at nagmula ako sa daming hirap sa buhay bago ko ito narating. Di lang ang tulad ni Cindy ang magpapabagsak sa akin. Hindi ako natatakot sa kanya.
A/N Goodnight na po. Bukas na lang po ulit! Happy Teacher's Day to me bukas at sa mga gurong bumabasa nito!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro