48
After two days of rest and the big reveal sa program ni Miss Jessica Soho na hindi pa naipapalabas sa television, we were required to finish the shoot. Di ko malaman kung paano ko haharapin yung Maxine without strangling her. Keep it cool sabi ni Alden.
Paglabas ng pag-amin namin, pwede ko na siyang komprontahin. But for the mean time, make it seem na mukhang bothered kami sa mga nangyari.
By the way, the management of GMA asked for my statement and answer regarding the matter. Ang sabi ng big bosses, they have watched the entire interview and based sa feedbacks ng fans sa teaser, mukhang lalong nakahatak ng audience, pati ang The Jessica Soho Reports ay umani ng maraming followers. Indeed, maganda ang reception. Wait daw namin ang full showing ng episode. And if it turns out na maganda ang outcome, they will have to review my contract and abolish the part na bawal akong magkaboyfriend. Otherwise, tuloy ang parusa. Pero sabi nila based on the recent development, mas natuwa ang fans sa mga nakita. Thank You kay Maxine kahit buwisit ako sa kanya kase pinalaya na niya kami sa pagtatago. Everything's going into place.
Kaya kahit bwisit ako kay Maxine na makikita ko ngayong shoot, kiber muna. Umayos siya dahil matitikman na niya ang galit ko if ever na gumawa na naman siya ng ikapapahamak niya sa amin.
••••••
We deliberately came in late. Iinisin namin ang landing Maxine na ito.
Sa sobrang kapal ng mukha, nakuha pang magpakita ng mukha niya sa set. Walang nag-inform sa kanya na alam na namin na sa kanya nagmula yun video. Let her think na iniisip namin na isa sa crew ng hotel o ng pelikula ang source ng malicious video na iyon. She's dead paglumabas na iyong interview.
Pagdating sa set, sabay na kami ni Alden. Sa isang sasakyan lang kami sumakay dahil mag-asawa naman talaga kami.
Nagulat ang mga fans na naroon ng bumaba si Alden sa Van ko at inalalayan niya akong makababa.
Naririnig ko pa ang mga bulungan.
"Totoo yata na mag-asawa na sila. Pero imposible, kailan lang sila nagkasama tapos kakabreak lang ni Alden doon kay Cindy. Ano sa tingin ninyo?"
"Baka. Malalaman natin yan sa Sunday. Pero sa tingin ko parang magboyfriend lang. Pero ang sweet ni Alden ha, siya nagbibitbit ng gamit ni Meng. #RelationshipGoals talaga."
"Excited na ako for Sunday, sana true na mag-asawa nga sila para happy ang AlMaine Nation."
Natatawa kami sa mga bulungan ng mga nanonood na fans sa shoot. Aabangan talaga nila yun Revelation sa Sunday.
"Well, well.. Hi Alden. Kamusta ang Barcelona? Namiss kita." Kapal talaga ng mukhang bungad ng talipandas na Maxine na ito.
Di siya inintindi ni Alden. Diretso lang kami sa paglakad papasok sa tent namin.
••••
Third Person's
"Wow! Suplado naman. Sa gandang kong ito, di ako pinansin. Di hamak na mas maganda ako sa bida ng pelikulang ito. Mas bagay sa akin yung role." Tuluy-tuloy na salita niya kahit walang pumapansin.
Di nakapagpigil si Mama Ten siya ang sumagot.
"Manahimik ka nga, Maxine. Hindi bagay ang bida sayo. Dapat sayo, yun role na maldita. Bagay na bagay."
"Mama Ten naman. Akala ko close na tayo? Bakit naman ganyan?"
"Ang tabil kase ng bunganga mo, gaga!" Si Ate O.
"Manahimik ka negro! Inggit lang kayo niyang Amo mo kase mas maganda ako sa kanya."
"Talaga? E bakit di ikaw ang bida? Bakit parang extra ka lang sa pelikula? Nakakaawa ka day!"
"I swear, malalaos din yang alaga mo, and ako na ang magiging kaloveteam ni Alden. Tutal bagay kami."
"Ewan ko sayo! Bumili ka ng kausap. Ilusyunada ka! Paretoke mo muna yang nguso mo at busagra! Itsura nito!" Sagot ni Ate O.
"Malapit na kayong mawala. Kase alam mo, mapaparusahan na yang amo mo. Malandi kase."
"Ah Talaga? Saan mo nalaman? Ikaw ba ang nagpadala ng mga pictures sa internet? Hala ka! Pwede kang kasuhan sa ginawa mo! Illegal kumuha ng picture ng walang paalam sa subject. Yari ka, bruha kinukulong ang mga ganun!"Pang-aasar ni Ate O.
"Wala akong alam diyan. Malay ko ba kung merong may galit diyan sa alaga mo o kaya naiinggit."
"E sino lang ba ang naiinggit kay Meng? Ikaw lang naman diba?"
"Di ako naiinggit! Mapaggawa ka ng kwento bakla ka!"
"Okay, sinabi mo e. Diyan ka na. Ten, tara na. Baka nagmimilagro na naman yun dalawa sa loob ng tent. Baka masabunutan ko na yang alaga mo, Patay na patay sa Menggay ko." Pang-aasar pa lalo ni Ate O. Tinaasan lang sila ng kilay ng Maxine pero kita dito ang takot at pagkabalisa sa sinabi ni Ate O na ipapakulong siya kapag napatunayan na siya ng kumuha ng litrato ng walang paalam.
A/N Segue to the Big Reveal.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro