Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

47

As soon as we got to our condo, nag-usap kaming mag-asawa about our plan after coming out in the open. Whatever happens, we will stay strong. Walang bagyo o lindol ang makakapaghiwalay sa amin.

Batid namin na baka magkaroon na rin kami ng kanya-kanyang project. Tutal naman ay mag-asawa na kami. Parang ang Dongyan na may kanya-kanya ng palabas dahil kasal na sila. Ayos lang na paghiwalayin na muna kami sa mga projects. Basta di na kami magtatago.

Napagpasyahan din namin na ganapin na yung dream wedding namin tutal naman ay sasabihin na namin ang katotohanan. Pero napagpasyahan din namin na huwag na muna mag-anak dahil legal na naman kami. Sana nga lang ay di mabigat ang parusa ng management dahil sa nilabag ko. Ako lang naman kase ang may kontrata na hindi pwedeng magkaroon ng jowa.

"Don't overthink na mahal. Malalagpasan natin ito. Nandito lang ako sa tabi mo."

"I know naman iyon. Sana mahal maayos na ang lahat."

"You'll see maayos din ito. Trust the Lord."

Nagdasal kaming mag-asawa bago matulog. Magkayakap lang kami buong magdamag para iparamdam na narito kami para sa isa't-isa.


••••

Nagising ako na mag-isa na lang sa kwarto. Wala na ang asawa ko. Maaga ata siyang bumangon. Lumabas ako at nadatnan ko siyang nag-eexercise.

"Good Morning mahal." Bati ko sa kanya.

"Good Morning. Magbreakfast ka na. Nakapagluto na ako. Hinintay lang kitang magising para sabay na tayo kumain." Lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Magaan ang pakiramdam ko ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit. Pero pakiramdam ko ay matatanggap ko kung anuman ang kahihinatnan ng interview na ito.

"Mahal, tumawag na si Leysam, mgready na daw tayo kase by nine, darating na daw sila. Aayusan ka pa ni Ate Elvie. Nagprisinta siya na siya na daw magmake up sayo. Mahal na mahal ka talaga nun."

"Kaya nga kakayanin natin ito mahal. May awa ang Diyos. Isa pa narealize ko,di naman masama ang magmahal diba? Aaminin natin ito dahil mahal natin ang isa't-isa."

"I love you my wife. Thankful ako kase ikaw ang pinakasalan ko."

"And thankful ako kase ako ang napili mong pakasalan. I love you, too."

"Kumain na tayo para makapaligo na. Para pagdating nila Pao, ready na tayo."

We ate our breakfast with the positive outlook sa mga magaganap mamaya.

By nine in the morning, dumating na sila Paolo. Niyakap ako agad ng bestfriend ko. Pati si Ate O ay emotional.

"Sa wakas di na kayo magtatago. On the brighter side, matutupad na ang pangarap ng mga fans ninyo. Itsura na lang ng may HD sa jowa mo! Mamatay sila sa inggit. Ikaw ang wagi, day." Si Ate O.

"Plangak! Tignan ko lang ang mukha ng babaitang Maxine na yan. Baka magpatiwakal at tapos na pantasya niya kay Alden." Si Mama Ten. Natatawa kami sa mga sinasabi nila. In a way, lalong lumakas ang loob ko.

Nagsimula na akong magpaayos kay Ate Elvie. Si Alden ay nagpalagay lang ng konting foundation at lip and cheek tint para naman magkaroon ng kulay sa kamera.

"Ate Elvie, light lang ha. Ayoko naman na makapal tutal umaga naman."

"Of course. Papagandahin kita kahit simple pero pamatay. Itsura lang ng mga talunan. Congrats mga pala ha! Kasal na ala kayo ni A."

"Naku salamat po. Sino po nagsabi?"

"Si Pao at Ate O. Sabi nila magpainterview kayo dahil diyan. Kaya masaya ako para sayo. Ngayon matitigil na may hidden desire kay Alden."

"Ate Elvie, kinakabahan ako pero dahil sa inyo kakayanin ko ito."

"Suportado kita,Meng. Basta sabihin mo lang ang totoo. Ang mahalaga, di na kayo magtatago. Isa pa mabuti na rin yan para naman matigil na yun chismis."

"Salamat po talaga."

"O ayan tapos na. Ang ganda mo talaga." Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Satisfied with what I see. Bumuntong-hininga ako para mailabas ang  tensyong nararamdaman ko.

Eto na.

••••

"Totoo ba ang balita na lumabas, na doon ka natulog sa kwarto ni Meng, Alden?" Pambungad na tanong ni Miss Jessica.

"Opo Miss Jessica. Totoo po iyon. Wala naman pong masama kung gawin ko iyon."

"Bakit walang masama? Totoo ba ang balita na may relasyon kayo?"

"Miss Jessica, opo. Meron po kaming relasyon.At hindi po ito basta relasyon lang, mag-asawa po kami ni Meng."

"Talaga? Kailan?"

"October 24 po last year. Nagpakasal kami sa isang judge. Doon po sa condo ni Meng kami nagpakasal. Mga PA's at Manager namin lang ang nakakaalam."

"Asan ang parents ninyo?"

"Ulilang lubos na po ako Miss Jessica. Si Alden po ay nagsabi din sa Daddy niya matapos yung kasal namin. Tanggap naman po nila ako."

"Wow! Exclusive pala sa Jessica Soho ang rebelasyon ninyo. Salamat at pinagkatiwalaan ninyo ako at ang programa ko."

"Welcome po." Kaming mag-asawa.

"Pwede bang makita yung mga pictures ng kasal ninyo. At saka saan ba kayo naghoneymoon?"

"Sige po Miss Jessica. About the honeymoon, di po namin nagawa iyan dahil secret nga po ang wedding namin pero dahil it's out in the open, aalis
po kami ni Meng para sa real honeymoon namin after ng aming church wedding." Kwento pa ni Alden.

Madami pa siyang mga tinanong sa amin na sinagot namin ng buong katotohanan.

"Ang gaganda ng mga kuha ng litrato.Ang ganda din ng love story ninyo. Congrats sa inyo! Tatanungin din namin ang mga kaibigan ninyo mamaya. Salamat sa pagpapaunlak ng interview na ito. Tunay ngang nananaig ang Pagmamahal at Pag-ibig."

Sila Ate O naman ang ininterview. Kanya-kanya sila ng kwento.

Sa wakas natapos na rin ang interview. Nagpasalamat kami kay Miss Jessica kase nailabas na rin ang katotohanan.

Naglabas agad ng preview
sa TV ng araw na iyon tungkol sa interview namin with Miss Jessica. Hindi muna sinabi na kasal kami para sa promotion ng episode. Pero nag-iwan ito ng tanong sa mga viewers.

Kasal na nga ba si Pambansang Bae Alden Richards kay Millenial Star Maine Mendoza. Abangan sa darating na linggo.

May blurd na picture na kasama ng ipinakita ang preview. Iyon ang actual na kuha ng kasal namin ni Alden.

As soon as lumabas iyon sa TV, sumabog ang Twitter sa mga katanungan.

Maraming reaksiyon. Iba-iba. Pero isa lang ang nakalalamang, marami ang natutuwa na mukhang nagkatoo na ang pangarap ng AlMaine Nation.

A/N Goodnight na po. Bukas ko na walangyain si Maxine. Ahahaha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro