44
We were in my room. Inihatid muna niya ako sa kwarto ko kase nga gusto munang humarot ng lalaking ito. And dahil gusto ko munang maligo bago kami mahiga sa kama. I asked him to go get his sleeping clothes sa room niya. Pinilit ko pa talaga na kunin niya kase di mo nga maistorbo sa kahahalik ang loko.
"Mahal naman masarap maggaganyan kapag nakaligo na tayo. Kunin mo na muna yun damit mo sa room mo tapos bumalik ka na lang dito."Pamimilit ko sa kanya.
"Nakakainis. Maligo na tayo tapos di na ako magsuot ng damit." Makulit talagang lalaki ito.
"Lalamigin ka mamaya. Sige na,huwag ng matigas ang ulo ng asawa ko. Bilisan mo na at baka umakyat na sila lahat. Makikita ka pa na lumalabas ng kwarto ko."
"Sige na nga. Bibilisan ko na. Painitin mo na yun shower at sabay tayo maligo."
"Opo. Go na mahal. Dalhin mo na lang yun key card ko para di ka na kakatok."
Humalik muna bago siya lumabas. Ako naman ay nagsimula ng ayusin ang mga pantulog ko. Gusto ko na rin kaseng magpahinga. Mga ilang minuto lang ay bumalik na din si Alden. As usual hinila na ako sa bathroom para makapaligo na kami. Nagsuot ako ng Shower cap kase ayoko ng basain pa ang buhok ko. Mahirap ng magpatuyo.
So ayun na nga. Alam na ang mga sumunod na ganap. Di talaga makakaalpas ang harutan at landian kapag kasabay ko siyang maligo. Normal na naming gawain mag-asawa ito.
After sa bathroom may continuation pa sa bedroom. Unsatiable talaga ang lalaking ito. Kaya pagud na pagod ako. Nakatulog nga ako ng mabilis ng tantanan ako ng asawa ko.
Kinabukasan wala naman problema sa paglabas niya. Maingat kami na baka may makakita kaya ako muna ang lumalabas bago siya. That was our everday scenario simula ng narito kami sa Barcelona.
••••
Last shooting day ni Maxine. Sa wakas uuwi na siya kinabukasan. Isang linggo lang naman talaga siya dito. Di talaga siya makaporma sa asawa ko. Tablado siya. Ang bruha walang pakiramdam. Ilang beses na kaya siyang tinabla ni Alden pero tuloy pa rin sa pagpapansin. Gusto ko na nga talagang soplahin para magising sa katotohanan pero sadyang tabla sa kapal ang mukha. Di ko naman masopla dahil di pa namin sinasabi ang status namin dahil bawal pa nga sa kontrata. Gusto ko na nga talagang makawala sa kontrata na ito at pumirma ng panibago na walang maraming bawal. Di ko magawa ang gusto ko. Nakakainis. Konting tiis na lang.
Naputol ang pag-mumuni ko ng lapitan ako ni Alden.
"Mahal, mamaya mamasyal tayo. Konti lang daw ang scene na kukuhanan today. "
"Gusto ko yan. Saan?"
"Punta tayo sa simbahan. Doon sa Sagrada Familia. Maganda yun structure nun. Then tuloy tayo sa Palau Guell. Nakita ko sa map, maganda siya."
"Sige mahal. Gusto ko yan. Isama ba natin sila Ate O?"
"Hindi na mahal. Tayo na lang. Hindi naman siguro masama na gumala tayo dito. Hayaan nating isipin nila na nagdate tayo para maihanda na sila sa katotohanan na mag-asawa na tayo. Isa pa, iyan naman din ang gusto ng mga fans, ewan ko ba kung bakit ayaw ng management na ipaalam na nagliligawan tayo."
"Alam mo naman iyon. Mas matagal kang artista sa akin. Siyempre para may aabangan pa ang mga tao. Kase kapag sinabi natin na tayo na, baka magsawa."
"Kunsabagay. Pero kahit na. Yun ibang artista may asawa na pero hindi naman nalalaos. Sa atin nga ipinapanalangin ng buong AlMaine Nation na magpakasal na tayo pero ang management lang ang tutol. Nakakainis. Kahit gusto kitang yakapin at halikan, hindi ko magawa kase magagalit ang management. Nakakainis talaga."
"Konting tiis na lang. Pakiramdam ko malapit na natin maipagsigawan yan. For the mean time, enjoy natin itong privacy natin. Masaya naman tayo pareho kaya okay lang."
"Ayaw ko lang itago yun pagmamahal ko sayo. Gusto kong isigaw sa buong mundo."
"Darating tayo diyan. Konting tiis. Malapit na iyon. Mabilis naman ang panahon."
"Ganun na nga mahal. Pero tandaan mo kahit di natin ito maisigaw sa lahat, mahal na mahal kita. Tandaan mo yan."
"Ako din. Mahal na mahal kita,asawa ko. Ikaw lang."
A/N Last update tonight. No proofread.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro