39
We have all the time for ourselves today. After the long travel going here in Barcelona, nakapagrelax kami paglapag ng mga gamit namin sa hotel room na inupahan ng GMA.
Kailangan na naman ng Ninja moves. We were given separate bedrooms dahil nga di naman nila alam na mag-asawa kami. Magkatapat lang ang rooms namin ng asawa ko. Sa other rooms ay sina Ate O at Paolo, and then sa isa pa ay sina Mama Ten at Leysam. Talagang napapalibutan kami ng mga kaibigang bakla.
"Mahal, ayusin ko lang yun gamit ko sa room ko. Later na lang tayo magkita." Paalam ko sa kanya.
"Sasama na lang ako sayo. Si Mama Ten na mag-ayos ng gamit ko. Doon ako matutulog muna sa bed mo."
"Andun si Ate O, baka maistorbo ka namin sa pagtulog."
"Okay lang. Bilisan na lang kamo niya at ng makapahinga tayo bago lumabas mamaya."
"Bahala ka. Di mo man lang silipin muna yun kwarto mo."
"Di na mahalaga yun. Kahit sa papag makakatulog ako, basta ang importante, magkasama tayo. Bukas dadating na sila Sir Rams at yun babaeng yun, pati yun mga crew sa pelikula. Mababawasan na ang sweet moments natin."
"Pwede naman tayong maging sweet, hindi nga lang pwede yun kissing kase di pa nila alam."
"Kaya nga gusto ko ng isigaw."
"Dadating din tayo diyan. Tara na. Gusto ko maayos na yun gamit ko."
Dumiretso kami sa kwarto ko at si Alden wala siyang nagawa, pumasok muna sa room niya para magpalit ng shorts at Tshirt.
Kami nila Ate O, nag-ayos muna ng gamit ko tutal three weeks kaming titira sa hotel, kailangan parang nasa bahay pa rin.
Maya-maya dumating na asawa ko. He kissed my head and proceeded sa kama para matulog muna.
"Mahal, Ate O, matulog muna ako ha. Napagod ako sa biyahe." Paalam niya.
Tumango lang kami ni Ate at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko.
"Yang asawa mo, sabihan mo. Mamaya mabuking kayo. Mag-ingat, baka makahalata si Ateng Rams, patay tayo diyan." Bilin ni Ate O.
"Oo naman ate. Ako bahala. Isa pa, alam naman niya na di pwedeng magPDA, kaya tiwala ako na alam din niya ginagawa niya."
"E minsan nakakalimot kaya iyan. Akala niya nasa bahay lang siya kung makapulupot sayo."
"Ako bahala. Napipigil ko naman."
"Good. O ayan, tapos na natin mag-ayos. Ako naman mag-ayos ng gamit ko. Malamang si Paolo tulog din."
"Salamat Ate. Mamaya na lang sa Dinner ha. Papahinga muna kami."
"Sige. Samantalahin na ninyo, bukas dadating na ang mga guwardya sibil. Ahahaha!"
"Sinabi mo pa." Inihatid ko na si Ate O sa pinto. Siniguradong nakalock na ang pinto.
Kumuha ako ng pamalit na damit dahil ang suot ko ay yung suot ko pa sa biyahe. Nagshower ng maligamgam para makatulog ako. Mababago kase ang bodyclock ko at di sabay ang oras dito at sa Pilipinas.
Nang makapaligo, pinatuyo ko muna ang buhok ko sa vanity mirror. Tumabi na ako sa asawa ko matapos matuyo ng buhok ko. As usual, himbing na himbing ang tulog ni kulas. Humihilik pa ng mahina. Napagod nga siguro ito sa biyahe. Humiga ako ng dahan-dahan para di ko siya magising. And then nakatulog ako ng mabilis bunga ng masarap na pagligo at pagod.
☆☆☆
Nagising ako na may humahalik sa leeg ko.
"Alden!" Sita ko.
"Mahal, namiss kita. Bakit di mo ako ginising?"
"Pagod ka nga kase."
"Kahit na. Paisa, bago tayo bumaba."
"Hindi ka ba napapagod?"
"Hindi. Bakit pagod ka na sa akin?" Tumingin pa ang loko na akala mo nagpapaawa.
"Loko! Di ko sinasabing pagod na ako sayo! Baka pagod ka pa sa biyahe! Yun yon!"
"Akala ko di mo na ako love e.. paisa na muna. Sige na."
"Mamaya ng gabi. Kain na muna tayo sa baba. Please, mahal gutom na ako."
"Sige. Pero mamaya ha."
"Oo nga. Ang landi talaga!"
"Sayo lang, mahal."
"Teka, palit muna ako ng damit, medyo malamig ang panahon."
"Ako din magpalit. Pero hintayin na kita tapos lipat tayo sa kwarto ko para makita mo."
"Sige."
Nagbihis ako ng pangginaw, malamig pa ang panahon dahil nga sa Enero pa. Pagtapos ay sa kwarto naman kami ni Alden para makapagsuot din siya ng panglamig.
Bumaba na kami sa Cafe ng hotel. Nandoon na sila Ate O. Pati si Direk Mike naroon na. Naghiwalay kami ng kamay at baka makita ni Direk na magkaholding-hands kami.
"Mamaya na mahal. Baka makita tayo ni direk."
"Okay. Mamaya akin na naman ulit yun kamay mo ha!" Sagot niya. Nauuna akong maglakad. Nasa likod ko si Alden.
"Kain na." Bungad ni Direk.
"Salamat po."
"Bagay kayo, Alden, Maine." Dagdag pa nito.
"Talaga, direk? Liligawan ko na nga e." Sagot ng mokong na asawa ko.
"Good. Bagay kayo talaga." Sagot pa ni Direk. Natatawa ako. Ito ba yung way para mabawasan ang mga taong tinataguan namin? I hope, kase gusto ko na rin naman mabuhay na walang pinagtataguan. Yun buhay na malaya naming maipapakita na kami na, na nagmamahalan kami.
A/N I will try to update later, pero meron po kase akong few important errands to attend to. Promise, malapit ko na ito matapos and next na yun My Wallflower Girl. Kinukulit na kase ako ng mga students ko na part ng story na mag-update. Anyway, Thanks for staying on in reading my stories! Love you, guys!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro