Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

37

Christmas vacation is over, but I still feel like wanting to extend my vacation. Our vacation, actually. Mas gusto ko yun walang kamerang nakasunod or walang paparazzi na nakaabang. Hanggang ngayon kase, hinala pa rin ang lahat tungkol sa relationship namin ni Alden. I know, naiinip na ang lahat para maging kami, kaya lang, it's too early pa. As in hilaw pa nga. Kaming dalawang mag-asawa lang ang nagpilit. Hinog man sa pilit, masarap pa rin sa pakiramdam. Yun nga lang, di dapat malaman ng iba kase nga, may management in between this relationship. Di pa kami pwedeng umamin just like JaDine.

Anyway, as of now, mabuti na rin ito. Habang may thrill sa pagtatago, mas exciting kase nga we are not always seen together hindi rin kami physically near each other, thus, making our relationship stronger. Laging excited sa bawat pag-uwi sa kabila ng magkaibang project. And kapag magkasama kami, maraming nagwawala at naloloka kase nga, extra clingy and showy kami.

☆☆☆

Today, we will go to the Spanish Embassy for our visa for Spain. May on-the-side pang trip sa iba pang European countries. Para naman masulit namin ang aming honeymoon.

Hindi kami magkasabay pupunta dahil nga nagtatago. Isa pa, galing ako sa isang taping kung saan guest ako sa The Lola's Show ng JoWaPao.

Nagtext siya na he is already near the Embassy. Actually ang traffic, pero buti na lang, Paolo found a better route going to the embassy.

Papasok, sinalubong kami ni Mama Ten dahil nasa loob na daw si Alden. Di kase pwedeng siya sumalubong sa akin dahil nga may mga kamera na nakaabang.

Pagdating sa loob ng office ng consul, nakita ko ang asawa ko na may hawak na cellphone.

"Finally, you're here." Bati niya.

"Hi, Alden." Alden muna, di pwedeng mahal. Napapailing siya at nangingiti.

"Please take a seat. Hihintayin lang natin si Maxine kase kasama siya sa shoot. Siya yun third party." Sabi ni Sir Rams.

"Ah okay." Sabi ni Pao. Sabay irap na akala mo ay nandoon na si Maxine.

Tumaas na ang kilay ko, pero buti na lang, di nila nahalata. Magkatabi kami ni Alden kaya ramdam ko na binunggo niya ako ng bahagya, tanda na naiinis siya.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Later."

Paimportante ang babaeng iyon. Porke napuri dahil sa magaling na akting sa teleserye namin, ayun nagmamaganda na naman. Hahayaan ko na pero di uubra panglalandi niya sa asawa ko, babakuran ko ng bongga si Alden.

"Sorry, I'm late." Humahangos na sabi niya.

"Sa wakas. Dumating ka din..next time, punctuality should be observed, Miss Perez. Hindi ka pa masyadong sikat." Sita ni Sir Rams. Nangiti si Ate Oreo na akala mo nanalo sa pageant. Ganun din si Mama Ten at si Paolo. Pero kami ni Alden, tahimik lang. Siya, kunwari na nagtetext, ako naman, nagscroll ng mga tags ko sa IG.

Dumating na yun consul. Sandali lang at binigyan na kami ng visa, pati sila Ate O at Mama Ten kasama, si Paolo at Leysam, and ang mga  crews sa pelikula. Si Direk Mike Tuviera ang direktor.

"Matagal pa ang ipinaghintay natin kaysa sa interview. Kakatawa!" Sabi ni Ate O.

"What did you say?" Tanong nung Maxine.

"Ang sabi ko, ang ganda mo!" Sagot ni Ate O.

Nagtawanan na ang lahat pati ang mga crew pwera sa amin ni Alden.

"Wait, Sir Rams, bakit may mga PA's na kasama sila? Bakit ako wala. Unfair naman ata?" Sabi ni Max habang palabas kami na hindi nakaligtas sa pandinig namin.

"Konti lang ang eksena mo. Actually, one week ka lang doon, so bakit kailangan mo pa ng PA? Cost cutting na tayo sa tao, and dahil si Meng at Alden ang pinakabida, sila lang ang may PA na kasama, isa pa, three weeks sila doon. Naintindihan mo?" Sagot ni Ateng Rams.

Nainis ata ang Maxine kaya padabog na umalis.

"Fine. Uuna na ako!" Sabi pa niya. Nagkatawanan ang lahat habang palayo ito. Feeling talaga siya.

"Grabe Ateng,  bakit naman iyon ang kinuha mo? Bakit di na lang iba?  Nakakainis sa kaartehan ha?" Si Paolo.

"Eh wala tayong magagawa. Siya kinuha ng producers, may anghang at angas daw, bagay na bagay na kontrabida." Sagot ni Sir Rams.

"Baka mamaya, sampalin na naman niya si Meng, naku, ako maghuhurumentado na! Baka di ko mapigil sarili ko, ingu-ngudngod ko na mukha niya sa semento!" Banta ni Paolo.

"Shhh.. Pao. Di na niya ulitin iyon." Sabi ko.

"Anong hindi? Kanina nga nag-iinarte na. Baka doon pa iyon gumanon! Ay purbahan niya, krompal at jabunot!" Si Ate O naman.

"Tama na! Tara na, let's go home na. Napagod ako sa taping. Uuna na kami, Sir Rams, Alden, Mama Ten, Sam.." paalam ko. Pero ang totoo, lilipat ako sa kotse ni Alden, kapag wala na ang mga tauhan ng GMA. Dating gawi, kumbaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro