Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

34

Today, wala kami parehong trabaho. Tapos na kase ang shoot at tapings para sa aming soap. Next month after the Christmas vacation, tutulak kami papunta sa Spain para sa aming pelikula. Excited ako kase magkakasama kami ng tatlong linggo doon ng asawa ko. At least makakakilos kami ng normal ng konti.

We decided to pay a visit to his family sa Laguna.

"Are you ready, mahal?"

"Ready na. Ayos na ba yun suot ko? Baka kase nakakahiya sa pamilya mo."

"Pamilya mo na rin sila. Asawa na kita." Inakbayan pa niya ako.

"Okay, tara na para maaga tayo makarating sa Laguna."

Umalis na kami. Naiwan si Ate O dahil nga magpapahinga daw siya sa dami ng trabaho na ginawa namin ng dalawang linggo. Hinapit din kaseng matapos ang shoots sa soap para daw makapahinga kami ng mas maaga.

"Mahal, I hope magustuhan nila ako."

"I don't think di ka nila magugustuhan. They already like you. Stop overthinking."

"Kinakabahan kase ako."

"Don't be. You're beautiful and mahal kita. That's more important."

Inalalayan na niya ako pasakay sa kotse niya. We we're already at the basement parking and naisipan niyang gamitin ang kanyang Jaguar para daw makarating kami agad sa Laguna.

Habang nasa biyahe, nakatulog ako. Medyo pagod pa rin kase ako. Hinayaan naman niya ako kase alam niya na mahirap talaga ang trabaho namin na inaabot ng madaling araw kung minsan.

Nagising na lang ako ng malapit na kami sa kanila.

"Mahal, we're almost here." Sabi niya.

Inayos ko ang sarili ko. Tinignan sa salamin kung may dumi ba ako sa mukha. Ayos naman kaya di ko na kailangang mag-ayos pa.

Sa tapat ng bahay nila, nagsimula na yun kaba ko. First time kong makikilala ang pamilya ng asawa ko. Kase simula ng magpakasal kami, isa't kalahating buwan na nakakalipas, di ko pa rin sila nakikilala dahil nga madami kaming trabaho pareho.

Ng makapasok ang kotse niya sa garahe, inalalayan niya akong bumaba. Sinalubong kami ng Daddy niya na nakaabang sa may pintuan.

"Good morning po, Tito." Nagbless ako sa kanya.

"Good morning din iha. Daddy na rin. Asawa ka na ng anak ko. Anak na rin kita." Sabi nito. Ngumiti ako at nagpasalamat.

"Halina kayo sa loob. Nandoon na ang mga kapatid mo, pati Lola mo Alden. Hinihintay na nila kayo."

Pumasok na kami. Nakaakbay si Alden sa akin. Bumungad sa akin ang pamilya niya na lahat ay nakangiti. Nagalak ang puso ko dahil naramdaman ko ang pagtanggap nila. Niyakap nila ako isa-isa. Pwera na lang sa kapatid niyang si Riza.

"Riza, salabungin mo ang Ate Meng mo." Utos ni Alden. Hesitant pa ito pero lumapit din sa akin at bumeso. Pakiramdam ko hindi niya gusto pero hinayaan ko na lang. Kahit naman ayaw niya sa akin, wala na siyang magagawa.

"Hi, Riza."

"Hi." Tipid niyang sabi.

"Let's go. May inihanda kami para sa inyo." Aya ni Lola Linda.

"Salamat po. Bag-abala pa kayo."

"Wala iyon, iha. Para sa apo ko, gusto ka namin makasama. Kayo ni Alden."

"Naku, salamat Lola. Mahal, tara na." Yaya ni Alden sa akin at inalalayan na niya ako papuntsa komedor.

Madami silang inihandang pagkain.

"Kumain na tayo." Yaya ni Tito.

Umupo na kami. Nagsimula muna si Angel ng dasal bago kami kumain.

Nagsimula na kaming kumain. Masarap magluto ang pamilya ng asawa ko. And I feel happy na part na ako ng pamilya nila.

"Paano yan, Meng di pa kayo pwede magkaanak ano? Sayang, sana magkaroon na ako ng apo sa tuhod." Sabi ng Lola niya.

"Oo nga po e. Bawal pa po sa kontrata ko. Di pa po kase pwedeng ipagsabi na kasal na kami, kaya hindi pa po namin pinagsasabi ni Alden. Pero kapag natapos na yun contract ko, we will come out of the open na."

"Lola, dadating tayo diyan. Pero sa ngayon, gusto ko munang masolo ang asawa ko." Si Alden. Hinawakan pa niya ang mga kamay ko at hinalikan ito sa harap ng lahat.

"Ang sweet! Bagay na bagay kayo!" Sabi ni Ate April na pinsan niya.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Nakikita ko sa peripherals ko na di  masyadong kumakain at nagsasalita yun kapatid niyang si Riza.

"Riza, kamusta trabaho mo?" Tanong ni Alden dito.

"Ayos lang ako kuya. Bakit? Nagsasawa ka na ba na tulungan kami?"

"Riza! Bakit ganyan ka?" Sita ng lola niya.

"Hindi sa ganun. Tinatanong ko lang kung kamusta trabaho mo. Ano bang sinasabi mo?" Sagot ni Alden na medyo napataas ang boses. Hinawakan ko ang braso niya at pinisil iyon. Di ako nagsalita kase ayokong lumaki pa ang away.

"Kumain na lang tayo. Riza, di tama yang ginagawa mo. Pasensiya na Meng ha. Nakita mo pa ito." Paumanhin ng daddy ni Alden.

"Okay lang po. Wala po iyon."

"Wala na akong gana. Mamaya na ako kakain." Tumayo bigla si Riza. Nakita ko na naiinis na si Alden.

"Riza! Umupo ka! Hiwag mong painitin ang ulo ko! Di ka na marunong gumalang!" Sabi ni Lola.

Umupo ito pero padabog. Nakita ko na galit na rin si Alden.

"Anong problema mo? Bakit nagkakaganyan ka?" Mataas na boses ni Alden na pinipigilan ko.

"Shhh.. mahal tama na. Mamaya na ninyo pag-usapan yan." Sabi ko.

"Hindi! Anong problema mo? Dahil nagpakasal ako? Bakit? Wala na ba akong karapatan na maging masaya? Inuna ko na kayo. Napatapos na kita. Anong problema mo?" Nakatayo na si Alden. Yumuko na lang ako. Natahimik na sila.

"Mahal, lalabas lang ako. Mag-usap muna kayo. Dad, Lola Linda, lalabas po muna ako. Pasensiya na." Tumayo ako. Hindi na hinintay ang sagot nila. Lumabas ako para di ko marinig ang pinag-uusapan nila. Naririnig kong mataas ang boses ni Alden, pati ang Daddy niya at Lola. Nakisali na rin sila Ate April.

"Anong problema mo? Bakit mo binabastos ang asawa ko?"

"Nag-asawa ka agad. Di mo man lang sinabihan ang pamilya mo! Hindi na kami importante sayo! Bakit? Pagod ka ng buhayin kami?" Sigaw din nung Riza.

"Riza! Napatapos ka na ng Kuya mo! Ano pang problema mo?" Sabat ng Daddy niya.

"Ayoko sa asawa mo! Ayoko sa kanya! Si Ate Cindy ang gusto ko! Iniwan mo si Ate dahil sa kanya? Kuya, di mo nga kilala ang babaeng yan!"

"Wala kang pakialam kung sino ang gustuhin ko! Kapatid lang kita. Dad, aalis na kami ng asawa ko. Pagsabihan ninyo yang anak ninyo! Hindi nahihiya sa asawa ko!"

"Alden, apo huwag na kayo umalis. Riza, ikaw ang umalis. Nakakahiya ka! Mamaya mag-uusap tayo!" Si lola.

"Ako na tatawag kay Meng. Riza, umalis ka muna. Di ngayon ang oras para sa problema mo. Di ikaw ang masusunod sa buhay ng kuya mo. Imbes na matuwa ka para sa kanya, ikaw pa sumisira. Mag-isip ka! Kundi dahil sa kuya mo, di ka makakatapos. Jusko kang bata ka! Hindi ka nag-iisip!" Si Ate April.

Narinig kong lahat ang usapan nila. Naglakad ako dahil susunduin daw ako ni Ate April. Nag-upo ako kunwari sa labas, sa may gate para malayo sa kanila. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin.

"Mahal, I'm sorry." Si Alden.

"Ayos lang mahal. Okay na kayo?"

"Hindi mahal. Pasensiya ka na. Nakakahiya si Riza."

"Ayos lang. Baka naiisip niya na iiwan mo na yun responsibilidad mo sa kanila."

"Tapos na siya. Napagawan ko na sila ng bahay. Ano pa ang gusto niya? Ako na nagsakrispisyo para sa kanila, di pa ba sapat iyon?"

"Shhhhh... tama na. Huwag ka ng magalit."

"Nakakainis kase."

"Oo na. Pero hayaan mo na. Naiintindihan ko naman siya."

"Please forgive me mahal. Di ko alam na gagawin ni Riza iyon."

"Okay lang. So anong gagawin natin?"

"Tara na. Pinapatawag ka na nila Lola. Umalis na si Riza. Umakyat sa kwarto niya."

"Ayos lang ba?"

"Oo naman. Tara na."

Inalalayan na niya ako. Pero kahit sabihin kong okay ako, nabother ako sa kapatid niya. Di pa kase niya ako tanggap. And I need to do something about it.

A/N No Proofread po.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro