33
Sinundo ako ng asawa ko after my shoot, mayroon daw siyang surprise sa akin. Kinakabahan ako kase di ko alam kung anong pakulo ang gagawin nitong asawa ko.
"Mahal I want you to know na you're very important to me. Kaya itong surprise ko sayo, matagal ko ng ginawa ito, bago pa naging tayo, at bago pa kita pinakasalan. Ready ka na ba?"
"Kinakabahan ako lalo. Sa lagay, matagal mo ng inihanda ito? Ano kaya yun?"
"Basta kapag malapit na tayo, pipiringan kita para masurprise ka."
"Okay." Nagsimula na siyang magmaneho. Kinakabahan man, di ko maalis ang excitement. Kinuha niya ang kamay ko habang nagmamaneho siya. Minsan hinahalikan pa niya ang kamay ko.
"Den, bitawan mo na kaya ang kamay ko. Baka maaksidente tayo."
"Let me na lang mahal. Kapag ganito na lang natin nagagawa ang mga ganitong bagay."
"Bahala ka." We were like that hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang malaking subdivision. Parang gets ko na ang sorpresa niya kaya lang hindi ko na lang muna pangungunahan.
"We're here. Lalagyan kita ng piring mahal, I know my idea ka na, pero I still want to do this."
"Okay." Inilagay niya ang piring sa mata ko. And naramdaman ko na ulit na tumatakbo ang kotse niya. Mas kinakabahan ako pero mas nananaig ang excitement sa puso ko.
Tumigil ang sasakyan. Hindi pa rin niya tinantanggal ang piring ko. Inalalayan niya ako sa pagbaba. Naramdaman kong inilakad niya kami. Wala akong maramdaman kundi excitement.
"Mahal, ready ka na?"
"Ready na."
Pumunta siya sa likod ko. Naramdaman kong niyakap niya ako at hinalikan sa ulo bago niya tinanggal ang piring sa aking mga mata. Pagmulat ko ng mata ko matapos ang pagtanggal ng piring ay niyakap niya akong muli mula sa likuran.
I was amazed. Ang ganda.
"Did you like it?"
"Yes! Pero sabi mo bago pa naging tayo mo ito pinagkakaabalahan? Sa akin mo ba ito sorpresa o sa magiging asawa mo dapat kundi ako dumating?"
"Let's just say, na habang ipinapatayo ko yung bahay, ikaw ang iniisip ko. Nobody else. Matagal ko ng binili yun lot, pero yun bahay, kailan ko lang pinatayo simula ng magkakilala tayo. I already want you to be my wife. I am sure of that kaya nga pinatuloy ko na ang pagpapagawa ng bahay na ito. I promised myself na kapag nahanap ko na yung babaeng mamahalin ko, I will build a house na, sa lupang binili ko dati pa. Mahal, this will be our lovenest. I hope magustuhan mo. Di pa ako bumili ng mga gamit kase I wanted you to choose kung anong gusto mong ilagay sa bahay."
"Thank you, Mahal! This is nice. Ang laki ng bahay. Tara, pasok tayo. Gusto ko ng malibot yun loob." Excited na yaya ko sa kanya.
Pumasok na kami sa bahay. Nauuna pa ako. Malaki ang lote ni Alden. It was a 1,500 square meter lot. Yun kabuuang bahay ay malaki. It was a modern day two storey house, then may malalaking glass panels sa harapan kaya halos kita na ang kabuuan ng bahay sa 2nd floor. May maliit na pool area sa likod. Maganda ang ambiance ng kabuuan ng bahay. Ang sarap mamili ng mga gamit. And excited na akong gawin iyon.
For visuals, ctto: Google, Modern House Designs
"Mahal, ang ganda. This is wonderful! I want to live here na."
"Yes mahal. We will buy na the furnitures na gusto mo."
"Pero paano? Baka may makaalam?"
"Mahal, I'll give you my bank account passbooks, my credit cards and my time deposits. Natapos na naman yun bahay nila Daddy, yun naipatayo kong restaurants, and tapos na rin si Riza, I guess it's time na tayo naman. We can order sa abroad and let them deliver it here. Ikaw na bahala sa pera ko, do what you want."
"Mahal, let me pay for the furnitures. May pera na rin ako. And this is conjugal."
"Speaking of that, nakausap ko rin si Judge, I made an affidavit na binibigyan din kita ng karapatan, kaya we will transfer the title sa name natin kapag pwede na natin ipakita sa lahat na mag-asawa na tayo. But for now, let us keep this to ourselves."
"Mahal, thank you! I can't think of anything to repay you. I love you, mahal!"
"And I love you, too! Mahal, wala kang dapat bayaran, obligasyon ko ito sayo bilang asawa mo. Isa lang hihilingin ko sayo, mahal."
"Ano yun?"
"Stay with me. Don't leave me. I love you so much."
"I won't! That's a promise." Hinalikan ko siya.
"Meron pa pala."
"Ano yun?"
"Make love to me mahal. Now na. Binyagan na natin yun bahay natin."
"Sira. Huwag muna, saka na kapag na-bless na yun bahay."
"Okay. Pero later ha. Gutom ka na?"
"Di pa naman. "
"What do you want to do?"
"Mag-ikot pa tayo sa bahay. Then uwi na tayo, I want to change na. Naiinitan na ako sa suot ko. Gusto ko na rin tanggalin yun make up ko." I was still wearing kase my jeans and blouse na suot ko sa shoot. Tapos di pa natatanggal yun make up ko kase nung nagtext si Alden na nasa labas na siya ng venue at naghihintay, hindi ko na natanggal ang make up ko.
Linibot pa namin ang kabuuan ng bahay. Umakyat sa mga kwarto, sa master's bedroom, sa mga walk in closets, sa living room, sa kitchen. Lahat ng nakita ko, maganda. May mga ideas na akong naisip.
"Let's go na. Balik na lang tayo, kapag wala tayong work."
"Okay. Again, salamat mahal ha. I love the house already. Ang ganda!"
"Good you liked it! Let's go!" Pinatay na namin ulit ang ilaw sa bahay. Siniguradong nakasara na ang lahat ng pinto. Then, we went home sa condo ko. Doon na daw muna kami matutulog ulit kase nasa condo niya ang kuya niyang si RD, nagbabakasyon from California, USA.
"Mahal, nga pala, nagsabi na ako sa Daddy ko. He wants to meet you, pati yun mga lola at lolo ko and my siblings. Alam na nilang nagpakasal na tayo. And masaya sila."
"Talaga? Gosh, nahihiya ako."
"Don't be. Matagal ng alam ni Dad na mahal kita and nagpaalam na akong yayayain kitang pakasal kaya don't worry. Sa Church wedding na lang daw natin sila imbitahan."
"So alam na nila na nagpakasal tayo?"
"Yes."
"Nagalit ba?"
"No. They're happy for us. Kaya don't worry."
"Thank you, mahal. Thank you!" We kissed bago kami sumakay sa kotse niya.
I am happy. Beyond happy pa sa pagkakaroon ng asawa at pagtupad ng matagal ko ng pangarap, ang magkaroon ng sariling bahay at panibagong pamilya. Wala na akong mahihiling pa. I just hope, matapos na ang mga kontrata ko para makapamuhay na kami na hindi nagtatago. Isa pa, I wanted to have a baby na rin eventually para makumpleto ang little family namin ni Alden.
A/N No Proofread.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro