Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3


Nagsisimula na kami ng pagbabasa ng script ng biglang pumasok si Alden sa conference room. Humahangos ito. Huli na kase siya ng thirty minutes.

"Bakit late ka?" Tanong ng executive na naghahawak sa aming TS.

"May dinaanan lang po ako, Kuya Rams."

"Alam ko kung sino yan. Tigilan mo na muna sila. Di sila maganda para sa career mo." Sabi pa nung Sir Rams.

Hindi na sumagot si Alden. Ngumiti na lang ito. Kami naman na nakakarinig ay nanatiling tikom ang bibig at tuloy sa pag-babasa ng aming script.

"Alden, doon ka tumabi kay Maine. Para magkakilala kayo at maging pamilyar kayo sa isa't-isa." Utos ni Sir Rams.

Umupo ito sa tabi ko. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Ganun din siya. Pagkatapos ay balik ako sa pagbabasa ng aking script.

Gwapo siya, hindi maikakaila. Wala man lang pores sa mukha. Pero kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya.

"Kanina ka pa?" Sabi niya bago siya umupo.

"Hindi naman. Sakto lang." Matipid kong sagot. Pilit kong iniintindi ang ginagawa ko, pero di ko maiwasang kiligin. Sa sobrang kagwapuhan ng lalaking ito, ang hirap hindi magkagusto. Anyway, wala namang masama kung magka-crush, lilipas din siguro iyon kapag tumagal-tagal. Kapag sanay na ako sa pagmumukha niya.

Naging maayos naman ang aming batuhan ng dialogue. Kailangan mainternalize talaga ang karakter.

Gaganap akong isang struggling Accounting Student na makikilala ang binansagang playboy na mayaman  sa katauhan ni Alden. Ma-iinlove sa isa't-isa ngunit hahadlangan ng ina ni Alden na ginagampanan ni Miss Gina Alajar. Magkakalayo at magkakatagpo ng ilang beses. Iyon ang flow ng aming istorya.

Matapos ang script reading ay pinag-wrokshop muna kami about drama scenes. Eto yun forte ko dahil sa galing ako sa mga trahedya kaya madaling matrigger ang sad emotion ko. Madali rin akong umiyak.

Medyo nahihiya pa ako sa kanya. Actually, whole day akong nahihiya sa kanya kaya kapag break time, nandoon lang ako kala Ate Oreo at Paolo.

"Girl, ang galing mong umiyak. Kaya mong makipagsabayan kay Alden." Sabi ni Paolo, sabay abot sa akin ng tubig. Si Ate Oreo naman ay lumapit sa likod ko at minasahe ang ulo ko.

"Ayos ka lang? Huwag mong dalhin yun iniyak mo kanina." Payo ni Ate Oreo.

"Okay ako. Madali lang talaga akong umiyak."

"Malayo ang mararating mo, day! Baka talunin mo pa si Nora Aunor sa iyakan."

"Di naman. Magagaling na iyon. Baguhan ako."

"Meng, may shoot tayo bukas. Pinaschedule ko na lang bukas kase alam kong drained ka mamaya dahil sa workshop na ito." Sabi ni Paolo.

"Salamat. Ayoko na munang lumabas mamaya. Diretso na tayo sa condo. Isa pa, Pao, as much as possible yun schedules, di nag-overlap. Ayoko namang patayin ang katawan ko dahil diyan."

"Alam ko. Pinipili ko ang mga endorsement na tatanggapin natin. Pero halos lahat gusto kang kunin kase nga tumatabo sila ng pera dahil sayo. Yun McDo, lumakas daw ang sales, ultimo yun Modess, lalong lumakas. Iba ka girl! Daming kontrata na nakahain sayo."

"Kaya nga nagpapasalamat ako. Di ko alam kung anong swerte ang dumapo sa akin."

"Malakas ka kase sa mga matatanda at may edad. Hindi lang kabataan ang umiidolo sayo, madami pa."

"Hay, di ko naman iniintindi yun kasikatan. Ang mahalaga sa akin, hindi na ako naghihirap at may matutuluyan na akong sarili. Di tulad nung dati na kapag wala akong maipambayad ng tuition fee ko, kung anong pwedeng raket, pinapatulan ko."

"Kaya nga believe kami sayo. Talagang pinanindigan mong makatapos ng pag-aaral. Sa maganda pang eskwelahan. Kaya nga tignan mo, yun personality mo, di mo masasabing, galing ka sa hirap." Litanya pa ng bff Paolo ko.

"O siya, tama na. Tapos na break ng bata, Pao." Awat ni Ate Oreo.

"Masaya na ako. Basta kayong dalawa, kasama ko kayo sa tagumpay."

"O doon ka na. Simula na daw ulit. Galingan mo ha!"

Masaya na nga ako. Pero kahit na ganun, itinatak ko sa isip ko na hindi ako lalamunin ng kasikatan. Mananatiling nakalapag ang aking paa sa lupa. Ayoko kaseng mabago ang pakikitungo sa mga tao, dahil minsan sa buhay ko, naghirap din ako.

☆☆☆

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro