28
After our shoot, dumiretso kami sa condo ko. I feel so tired. I know siya rin.
"Den, baka gusto mo ng magpahinga, pwede ka ng umuwi. Andiyan na naman si Ate O."
"No, I'll stay here. Pwede ba? Gusto ko pang makasama ka. Di tayo masyado nakapag-usap doon, ang daming swebo."
"Okay. Iniisip ko lang pagod ka na. May shoot ka pa bukas."
"Okay lang. Isa pa tanghali na naman yun. Dito muna ako. Maaga pa naman. Pagod ka na alam ko pero gusto mo, matulog ka na, babantayan kita."
"Ano ka ba! Lalo akong di makakatulog sa gagawin mo."
"Bakit? Gusto lang naman kita makita. Namimiss kita pag-umuuwi ako sa bahay."
"Para kang sira. Araw-araw na halos tayo magkasama. May shoots and tapings ka pero dumadaan ka pa dito bago ka umuwi. Di ka ba napapagod?"
"Hindi. Basta para sayo. Di ako mapapagod kahit kailan."
"Bolero!"
"Seryoso ako. Kung pwede lang dito na ako tumira o kaya doon ka na tumira sa condo ko."
"You know, ayoko ng live in. Unless I get married, doon lang ako sasama sa magiging asawa ko."
"E di magpakasal na tayo?"
"Nagpapatawa ka ano?"
"Hindi. Seryoso ako. I've never been so sure."
"Paano yun career natin?"
"Pwede naman na itago muna natin. Tutal naman, doon din pupunta iyon."
"Are you ready for that?"
"You? Ready ka na ba? Ako kase ready na ako. May ipon na ako, isa pa, sigurado na ako sayo."
"Ilang araw pa lang tayo nagiging tayo, kasal agad nasa isip mo. Diba pwedeng magkakilalanan muna tayo as boyfriend, girlfriend?"
"Okay. Pero if ready ka na, I want to marry you."
"Uwi ka na, Den. Pagod ka na."
"Pwede ba akong dito matulog. Tabi lang tayo. Walang iba."
"Wala kang damit."
"Meron. Madami. Lagi akong ready kase iniisip ko kapag gusto kong kasama ka, nakahanda ako."
"Ang galing mo! Ikaw na!"
"Siyempre. Ano payag ka na?"
"Sige na nga. Baka umiyak ka na naman." Nagtawanan kami. Mas okay na itong ganito na kami lang ang nakakaalam na kami na. Mahirap kapag alam ng marami, madaming nakikialam. Isa pa, ayaw ng management na malaman ng fans na kami, baka daw bumitaw ang mga ito kapag alam na nilang kami na. Baka magsawa daw kase. Kaya ayun, okay na kami sa ganito. Pero itong lalaking ito, nagpropropose na ng kasal, pag-iisipan ko muna.
☆☆☆
Nagshower ako habang kinukuha niya ang mga damit niya sa kotse. Matapos akong maligo, lumabas ako sa kwarto ko. Inabutan kong naguusap sila ni Ate Oreo.
"Den, ikaw naman." Sabi ko.
"Hoy kayo ha! Baka mamaya magkalaman na yang tiyan mo, Meng. Ano't magtatabi na kayo matulog. Di pa kayo mag-asawa." Paalala ni Ate O.
"Ate, niyayaya ko na nga siya e." Sabi niya.
"Den, maligo ka na! Ate O, tabi lang. Wala pang ganun. Malayo pa sa isip ko yan." Sumunod naman si Den at pumasok na sa kwarto ko para maligo. Natatawa ito.
"Weh? Ikaw babae ka, mamaya mabuntis ka. Nagpapatabi ka na sa Alden na yan."
"Ate naman, don't call him Alden na yan, di naman siya bagay."
"Ang arte. Pero seriously, kasal muna, bago tihaya!"
"Oo naman. Di naman ako maharot. Maingat pa rin ako sa sarili ko. Tulog lang, promise."
"Kakatukin ko kayo kapag may maingay diyan sa kwarto mo. O siya, pagod na ako. Matulog na ako." Paalam niya.
"Okay. Iinom lang ako ng water tapos pahinga na rin kami." Nagyakap kami ni Ate O na palagi namin ginagawa bago matulog. Pumasok na siya samantalang ako ay kumuha ng isang pitsel ng tubig at isang baso para ipasok sa kwarto.
Pagpasok ko, timing na palabas na siya ng bathroom.
"Mahal, ginamit ko yun sabon mo para maamoy kita sa akin." Sabi niya.
"No problem. Tulog na ka na."
"Later." Lumapit siya sa akin at inagaw ang brush at siya ng nagbrush ng buhok ko. Para akong batang sinusuklayan ng Nanay niya.
"Naiinis ako doon sa Maxine. Kapag kaharap ako, tinatawag kang Kuya,pero kapag kayo lang, Alden lang tawag sayo. Nakakainis siya ha."
"Don't mind her. Naiinis din ako sa mga ginawa niya. Masyadong mahadera. Akala niya magugustuhan ko siya, never!"
"Pero seriously, type ka. Kinukuha pa number mo. Mamaya, i-add ka na sa IG at sa Twitter niyan, tapos kukulitin ka na magdate kayo tapos susunod, iblackmail ka na para samahan siya dahil may emergency. Naku, nakikita ko na yun scenario na ganun."
"Di ako papayag. Iiwasan ko na siya lalo. Alam ko mga ganun, madami na akong na-encounter na ganun sa fans, pero buti na lang sila Mama Ten, nandiyan para bantayan ako."
"E yun si Cindy, parang ganun din siya sayo."
"Iba naman siya. Nawalan na lang ako kase ng gana sa kanya at iba na ikinikilos niya. Isa pa, naging kami naman, yun nga lang, parang sinasaltik na siya sa utak."
"Kung bumalik siya, babalikan mo? I mean kapag matino na siya, at maayos na, babalikan mo pa rin ba siya?"
"Bakit naman? E tayo na. Isa pa, diba niyayaya na kitang pakasal? Alam ko na sa sarili ko na ikaw ang end game ko. Kung papayag ka nga ngayon, bukas magpasecret marriage na tayo."
"What if pumayag ako?"
"Good! Payag ka na?"
"Huy, hindi!"
"Nakakainis. Pero sana sa mga susunod na araw, pumayag ka na. Sa ibang bansa tayo magpakasal."
"Speaking of, may shoot daw tayo sa Amerika, may scene daw kase na kailangan kunan doon. Kanina ko lang nalaman."
"Sinabi nga ni Direk. So doon na kaya tayo magpakasal?"
"Hay, ayaw magpatalo. Sige, pag-iisipan ko na. Sa ngayon, tulog na tayo. Antok na ako."
Inalalayan niya ako at humiga na kami sa kama. Pinatay na rin niya ang ilaw at iniwan lang bukas ang lampshade sa gilid niya. Magkaharap kami at nakatingin sa isa't-isa. Basta magkayakap lang kami. Masaya na ako.
Pero bago ako natulog, naisip ko yun sinabi niya. Pumayag na kaya ako sa secret marriage, para di na ako mag-isip ng kung ano kapag magkahiwalay kami ng trabaho, at para na rin ako na ang wagi sa puso niya at sa akin, siya.
Basta bahala na. Mahal ko siya at yun ang importante.
Lumapit pa ako ng maige sa katawan niya. Niyakap siya ng mahigpit, at naramdaman kong mas hinigpitan din niya ang pagyakap sa akin.
"Love you, mahal." Sabi niya habang nakapikit.
"Mahal din kita.." iyon lang at natulog kami na may ngiti sa labi.
A/N Ngayon lang ako magbabakasyon pero may pasok pa kami sa Lunes. Kaya expect more from me today.
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro