Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27

After our thirty minute break, medyo nagsubside na ang sakit ng pisngi ko. Sabi ni Ate Elvie ireretouch niya ang make up ko. Alden was also there sa tabi ko. Doon na siya nagpamake up sa tent ko. He was holding my hand habang inaayusan kami.

"Pwede naman magbitaw." Sabi ni Kusi, na make up artist ni Alden.

"Hayaan mo na ko." Sagot lang nito. Natatawa ako.

"Alden, di ako mawawala. Bitiwan mo na kamay ko."

"Hindi. Hahawakan ko. Namimiss kita."

"Sus! Makamiss! Magkatabi kayo, Den." Sabi ni Kusi.

"Pagbigyan mo na Kusi. Hayaan mo na lang." Saway ni Ate Elvie.

Nakatingin lang sila Ate O, Paolo, Mama Ten at Leysam sa amin. Natatawa sila.

Matapos kaming ayusan, inalalayan na ako ni Ate O na magpalit ng damit na kakailanganin ko sa susunod na eksena. Si Alden naman ay lumabas na para sa eksenang kukunan sa kanya. Sinamahan siya ni Mama Ten at Leysam. Pati si Paolo ay sumama.

Naiwan muna ako sa tent. Nagbasa-basa ng aking librong dinala para kapag wala akong eksena, makakapagbasa ako.

Maya-maya pumasok na yun isang crew para sabihing magsimula na ako sa aking eksena.

Sumunod na ako.

Bumungad sa akin na patuloy na kinukunan ang eksena ni Alden at noong Maxine. Magkaharap sila at nagtatalo sa eksena. Maya-maya biglang yumakap yun Maxine kay Alden at bigla itong hinalikan ni Max sa labi. Naitulak niya ang babae at mainit ang ulo na  sinabing icut daw ni Direk.

"Direk, ano ba? Wala naman halik sa script ah?" Nagdadabog nitong tanong. Umalis ito at umupo aa malayo. Nanunuod lang ako sa isang sulok.

"Alden, sandali. Maxine, ano ba? May sarili kang script? Wala naman akong sinabing halikan mo si Alden! Sigaw din ni Direk.

"Direk naman. Para maganda yun eksena. Para makita nila na mahal na mahal ko si Alden at di ako papayag na agawin siya sa akin. Kapag walang ganun, walang kalatuy-latoy!" Sagot nung Max. Makapal pala ang mukha ng babaeng ito. Siya nasusunod na akala mo, siya ang direktor.

"Pero wala akong sinabi sayo! Huwag mo akong pangunahan!"

"Pero direk..."

"Tama na Max. Kanina, sinampal mo si Meng, ngayon naman hinalikan mo si Alden? Ano ba? Sumunod ka na lang. Di ikaw ang direktor! Naiinis na ako, papapalitan na kita." Inis na sabi na ni Direk.

"Sorry, Direk. Okay di ko na kayo pangungunahan. Huwag na ninyo ako palitan."

Napapailing ang mga tao doon. Nasa sulok pa rin ako. Mukhang magiging problema namin ang babaeng ito. Maalam pa siya sa direktor. At di ko alam kung bakit siya nagmamahadera. Baka gusto niyang guluhin ang loveteam namin ni Alden.

"Tuloy na ulit. Binabalaan kita, Max ha! Last na ito." Sabi ni Direk.

"Sige po direk." Sagot nung Max.

Itinuloy na ang eksena, sa awa ng Diyos ay di niya na inulit. Pero kita ko ang kakaibang tingin ni Alden. May inis at parang diring-diri doon sa Max.  Lumapit ako sa set para makita ni Alden na nandoon na ako. Mabilis naman natapos ang eksena, lumapit agad si Alden sa akin at inakbayan ako.

Kami naman ni Alden ang may eksena. Ito ay eksena kung saan sasabihin ko na sa karakter ni Alden na makikipaghiwalay na ako sa kanya dahil sa ex niya. Medyo heavy ang emotions sa eksena. Mabilis akong maiyak, isipin ko pa lang na wala na mga magulang ko, ramdam ko agad ang pagtulo ng luha ko. Kaya naging maganda ang eksena. Nakatapos kami ng madaming eksena para sa soap. Sa buong maghapon, di na naman nagmahadera ang Max na iyon.

☆☆☆

Alas nueve na ng gabi.
Nag-aayos na kami ng gamit. Nagtanggal na ako ng make-up. Ayoko kaseng may kolerete pa sa mukha. Di ako sanay. Nilapitan ako ni Mama Ten. Nasa labas na daw si Alden at kinakausap si Direk. May ipinasasabi daw ito sa akin.

"Meng, pinasasabi ni Alden, sabay na daw kayong umuwi. Kami na nila Oreo at Pao ang magsasabay. Doon na ako sasakay sa Van mo."

"Sige po, Mama Ten. Sinabi na po ninyo kay Ate O?"

"Oo alam na nila. Sa kanila nga una nagsabi si Alden."

"Ganun po ba? Sige po."

Lumabas na siya. Nang matapos kong tignan kung ayos na lahat at wala na akong naiwan, binitbit ko na ang bag ko para sumunod sa kanila. Dala ni Ate O ang lahat ng gamit ko kaya wala na akong naiwan. Paglabas ko, magkausap si Alden at si Direk. Maya-maya lumapit yun Max at tumabi kay Alden. Naiirita na ako sa babaeng iyon. Narinig ko sabi nito.

"Direk, Alden invite ko kayo. Mag-late dinner tayo. Treat ko. May masarap na kainan dito sa Antipolo."

"Sorry, Max pagod ako, saka na lang." Sagot ni Direk.

"Eh ikaw, Alden? Sama ka na. Para makabawi ako sa ninakaw kong halik. Hihihi." Ang landi lang niya ha.

"I'm sorry, pero ihahatid ko si Maine sa condo niya. Direk, aalis na ako." Iyon ang cue ko para lumapit sa kanila.

Sinalubong ako ni Alden paglapit ko. Yumakap ako kay Direk at nagpaalam. Naggoodbye din ako sa Max na iyon pero di ko na siya hinunta pa. Naiinis kase ako sa ginagawa niya.

"Direk, una na kami." Paalam ni Alden. Inalalayan na niya ako. Pero di pa nakuntento yun Max.

"Wait, Kuya Alden, pwede bang mahingi ang number mo?" Kanina, Alden lang, ngayon Kuya ulit dahil kaharap ako. Humabol talaga ito sa amin. Ang kapal sobra. Tumingin muna si Alden sa akin bago nagsalita.

"Pasensiya na Max, di ko ipinamimigay ang number ko. Si Leysam ang itext mo kung may kailangan ka sa akin. Sige, nagmamadali na kami." Tinignan ko lang siya. Inalalayan na ako ni Alden at iniwan na siya. Pumunta na kami sa kotse. Sopla ang inabot ng babaeng feeling na iyon. Ayoko lang maging bastos sa kanya pero nakakaubos na siya ng pasensiya.

"Mukhang type ka." Sabi ko.

"Wala akong pakialam sa kanya. Naiirita ako sa kanya."

"Hahaha. Tama na. Iinit lang ang ulo mo."

"Hindi ko gusto yan babaeng yan. Mukhang di gagawa ng matino. Mag-ingat tayo sa kanya."

"Yeah, tama ka. Mukhang may balak siyang masama."

"Mahal, huwag kang mag-alala di ako makukuha sa ganun. Ikaw lang ang mahal ko." Sabi pa niya.

"Alam ko. Basta ingat tayo sa kanya. Mukhang desperada ang babaeng iyon."

"Di ako magpa-agaw. Sayo lang ako."

"Promise?"

"Promise!"

Iyon lang at sumakay na kami sa kotse. Ihahatid niya ako sa condo ko. At malamang, tatambay pa iyon sa bahay. Wala na naman kaming trabaho after ng shoot. Pahinga na. Kinabukasan na naman ulit.

A/N Off to Day 4 In Service Training na nakakapagod dahil nakaupo ka lang sa mainit na covered court.

No more proofread. Maliligo na ako! Ahahaha!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro