Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

24

I am on my way to our taping sa Antipolo. Habang nasa biyahe, nagbasa-basa muna ako ng Twitter Mentions ko.

As usual, may mga naka-tag sa akin na intriga. Hindi nila talaga ako tinitigilan. Kung anu-anong masakit na salita ang naririnig mula sa mga fans niya. Di ko alam kung  bakit ganun sila, parang pag-aari nila ang iniidolo nilang artista sa mga sinasabi nila at idinidikta. Nakakalungkot na parang sila ang gustong masunod sa gagawin ng idolo nila. Pero don't get me wrong, hindi ko nilalahat. I just mean, yun iba na halos hindi na ata nagtratrabaho at puro pagfafangirling lang ang inaatupag. Naisip ko na lang, di na  ako dapat magpadala sa mga ito, sinabihan na rin ako nila Ate O at ni Pao na iwasan na magbasa ng Twitter. Mas masakit kase mga nakikita ko doon kaysa sa Instagram. Huwag ko na daw intindihin ang mga sinasabi ng mga fans na walang magawa sa buhay, dahil di naman sila ang masusunod sa buhay ko, isa pa, mas kilala ko daw ang sarili ko kaya ang pakinggan ko ay ang sinasabi ng isip ko. I think they're right. Kaya makikinig ako kala Ate O.

"Meng, ano kayo na ni Alden?" Tanong ni Ate O.

"Ate O naman ang tsismosa mo."

"Aba naman, hanggang alas-tres ng madaling araw naroon yun si A sa kwarto mo. Anong ginawa ninyo?"

"Ate O ha! Hindi ako ganung klase ng babae. Nag-usap lang kami. Nagkaintindihan. Tapos nun, ayun, parang ganun na nga."

"Kala ko ba, di ka makukuha sa dimple?"

"Ate O naman, kita mo naman si Alden. Kilala mo na rin siya."

"So kaya ba suot mo na yang Omega na bigay niya? Kayo na talaga!"

Tinignan ko ang braso ko, oo suot ko na yun regalo niyang relo. Napangiti ako.

"Ang landi mo!" Sigaw ni Ate O.

Tumawa lang ako.

"On the good side bunso, suportado kita. Alam ko naman na nahulog ka na dati pa kaya lang natatakot ka, pero ngayon, hayaan mo naman na lumigaya ang sarili mo. Kaya lang, tandaan mo, di ninyo iyan pwede ilabas. Bawal. Sinabi ng management na magpretend na walang kayo, hayaan ninyong mabaliw ang fans ninyo sa kaiisip kung kayo." Bilin pa ni Ate O.

"Alam ko naman iyon, te. Hindi ko nalilimutan."

"Good. Magpahinga ka muna. Amina yang phone mo. Puyat ka na naman pala kagabi."

"Natulog ako kagabi."

"E anong ginagawa ni Alden sa kwarto?"

"Tulog din." Sagot ko.

"Ayun! Ang galing! Huwag ka muna titihaya! Masasampal kita!"

"Ate! Hindi no!" Hindi pa ako handa sa ganun. Madami pa akong gustong gawin sa buhay ko. And ayokong magkaroon ng problema. Isa pa, mahaba pa ang oras para makuha ni Alden ang buong tiwala ko. Kaya yun intimacy, malayo pa iyon sa relasyon namin. Hindi pa ako handa.

"Oo na. Babantayan kita." Hinawakan niya ang kamay ko, tanda na nandito siya sa tabi ko. Tinignan ko siya at sinabing salamat.

Pasalamat ako kase mayroong mga taong sumusuporta sa akin kahit naman ulila na ako. Kaya iginagalang ko ang opinyon nila Ate O at Pao. Kase sila yun nandiyan nung mga panahong lugmok ako.

A/N Filler chapter. Off to our In-Service Seminar.

No proofread po.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro