Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23

For a week, iniiwasan kong magkasama kami ni Alden. Buti na lang, may out-of-the country show ako. Kaya hindi ko prinoblema ang pag-iwas sa kanya. Umandar na naman kase ang pagiging paranoid ko sa mga nakikita kong hanash at bash mula sa Twitter at even sa Instagram. Ayoko talaga na makakabasa ng mga ganun kase ang bilis umandar ng utak ko. Mahilig akong magjump into conclusions.

I still do talk to him pero kapag sinasabi niyang dadalaw siya sa bahay, sinasabi ko ng may lakad ako at imi-meet o kaya naman ay magpapahinga ako. Hindi na lang niya ko kinukulit kase ayaw niya  rin daw akong hindi nakakapahinga. Mabuti naman, di pa siya nakakahalata.

Sa set naman, kunwari busy ako sa katetext. O kaya naman nagtutulog-tulugan ako para di niya ako makausap. Parang tanga lang ako diba? Tamang hinala, kaya affected ang aming pagkakaibigan. Yes, we decided to know each other more muna, be friends and then see what happens. Pero sa nangyayari ngayon, parang malabo. Naiinis talaga ako sa kanya at tila hindi niya sinasabihan ang mga fans niya na todo bash sa akin na kesyo di ako maganda, ang laki ng bibig ko, na kesyo malandi ako at kung anu-ano pa. Masakit kaya, imbes na siya ang magprotekta sa akin mula sa mga fans niya, wala man lang ata siyang ginagawa. Araw-araw na ginawa ng Diyos, todo bash sila sa akin. Nasasaktan din ako. Tao lang. Kaya ayun ang ending, kay Richard ako naiinis at iniiwasan kong makausap siya. At alam ko, malapit na siyang makahalata. Okay lang,para masabi ko na sa kanya na kung aktingan lang ito, sabihin niya kase pwede naman akong umakting. Lalo pa na utos ng mga boss na hindi kami pwedeng maging real, kung may pagtingin kami sa isa't-isa. As in sa ngayon ha, habang malakas ang hatak ng loveteam, tuloy kami sa pagtatago.

☆☆☆

Dumating kami ng five in the afternoon dito sa Manila from Hongkong.

Si Paolo na naghatid sa amin sa condo. Pagdating doon ay nagpahinga ako agad. Pagod na pagod ako. Parang magkakasakit pa ata ako. Kaya naisipan kong maligo mga bandang alas otso ng gabi para mawala yun sama ng pakiramdam ko.

Pagkatapos ay nagpatuyo lang ng buhok para makapahinga ako ng lubusan.

Matagal na akong nakakatulog ng makaramdam akong may humahaplos sa buhok ko.

Si Alden. Napaupo ako bigla.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Dinadalaw kita. Namiss na kita."

"Tumawag ka na lang sana."

"Alam kong magdadahilan ka na naman. Kaya nagpunta na ako dito."

"Anong nagdadahilan?"

"Alam ko ang ginagawa mo Meng. Sinusundan kita kapag naghihiwalay tayo sa shoot. At wala kang nilalakad. Umuuwi ka, only to go out again para sumama kala Pao at Ate O."

"Bakit kailangan mong gawin mo iyon?"

"Hindi kita makasama. Iniisip ko kung bakit ka nagagalit."

"Alden naman. Hindi ako galit sayo. Ano ka ba?"

"Hindi ako naniniwala. Alam ko may problema tayo. Sabihin mo na sa akin."

"Anong problema? Walang problema!"

"Huwag ka ng magsinungaling. Alam ko. Please, sabihin mo na. Nababaliw na ako sa kaiisip kung anong nagawa ko." Naiiyak na siya. Ako naman ay hindi malaman kung dapat ko bang sabihin o hayaan na lang. Pero paano ko malalaman ang totoo?

"Please, Meng.. sabihin mo na. Nahihirapan na ako. Di ko alam kung anong nagawa ko, bakit iniiwasan mo ako? Bakit di mo sabihin sa akin? Para naman magawan ko ng paraan. Kung ayaw mo ng pananamit ko, iibahin ko. Kung ayaw mo ng mga nakakasama ko, lalayuan ko, basta sabihin mo lang, kung anong problema. Nahihirapan na ako. Please."

Hinarap ko siya.

"Alden, sa totoo lang oo, iniiwasan kita. Aaminin ko na. Kase, natatakot akong aktingan lang ito. Na pinapasakay mo lang ako dahil iyon ang gusto ng fans natin."

"Hindi totoo yan. Diba sinabi ko na sayo na gusto na kita dati, kahit di ka pa artista."

"Bakit di ko maramdaman? Bakit nagdududa ako sayo?"

"Bakit nga ba?"

"Bakit di mo ako maipagtanggol sa mga solid fans mo? Bakit patuloy pa rin nila akong sinisiraan?"

"Hindi ko alam yan, Meng."

"Anong di mo alam? Kasama ka nila doon sa resto mo sa QC. Iniisip ko, na baka hinahayaan mo silang gawin sa akin iyon kase aktingan lang talaga ito para sayo. Na wala kang pakialam sa akin kahit masaktan ako."

"Hindi totoo yan! Nakasama ko sila kase dumating sila doon para kumain at nagkataon na naroon din ako. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagsuporta nila, nagpapicture ako kasama sila. Sinabihan ko pa silang protektahan ka din. Sinabihan ko sila na huwag kang siraan, dahil ikaw ang nagpapasaya sa akin. Maniwala ka naman sa akin. Kung gusto mo, sasabihin ko ulit sa kanila na tigilan na ang kababash sayo, kase kung di nila ititigil, huwag na nila akong idolohin. Maniwala ka lang sa akin."

"No, huwag mo ng gawin iyan."

"Kung sinasaktan nila ang mahal ko, hindi ako makakapayag ng ganun. Kung sino ang babaeng mahal ko, dapat mahalin din nila. Pero kung di nila kaya, mabuti pang kalimutan na nila ako."

"Alden, please.. hayaan mo na ako."

"Hindi ako aalis dito hangga't di natin ito naaayos."

"Wala tayong aayusin, walang tayo."

"Alam ko. Pero alam ko din na gusto mo rin ako. At nagkakaganyan ka lang dahil sa mga nababasa mo. Hayaan mo naman na ipagtanggol kita. Pangako, simula ngayon, ipapakita ko sa kanila na ikaw ang pinipili ko. Ikaw lang ang mahalaga para sa akin."

"Hindi ko alam."

"Please.."

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Be my girl. I promise you, di kita sasaktan. At di ko rin hahayaan na saktan ka ng kahit na sino. Matagal na rin tayong nagkakasama, alam kong kilala mo na ako. Stick to one ako, Meng, alam mo yan."

"Kahit di tayo pwedeng magkasama dahil ayaw ng mga bosses?"

"Kahit. Basta alam mong sayo lang ako. At ikaw sa akin."

"Pero paano yun mga fans mo? Paano kung lalo nila akong siraan?"

"Diba sinabi ko na sayo, ikaw lang ang mahalaga sa akin. Wala akong pakialam sa kanila. Basta pumayag ka na please. I love you, kung alam mo lang."

Tumango ako. Hinawakan niya ang mukha ko para iharap sa kanya.

"Is that a yes?"

Tumango ulit ako.

"Please say it! Meng?"

"Oo na. Sige na. Matigil ka na lang!" Niyakap niya ako at bumuhos ang mga luha namin sa mga mata.

"Yes! Thank you! I love you! You're mine now! I love you!"

Hindi ko na kayang labanan, sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng nobyo. Nalimutan ang sama ng loob at inis. Basta ang nangingibabaw ngayon ay kaligayahan ng aming mga puso. Na ramdam kong tumitibok lang para sa isa't-isa.

A/N Sa kabila naman po mamaya. Nakatatlo ako today. Thanks for reading.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro