Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

21

As soon as makapasok kami sa unit ko, pinaupo ko muna siya sa couch.

"Upo ka muna. Aayusin ko lang yun binili ni Ate O."

"Tulungan na kita."

"Okay."

Tinulungan niya akong iayos sa kitchen yun mga pinamili ni Ate O. Tinawag ko si Ate O at ang driver ko para maglate night dinner with us. Pero sila Ate O, kumuha lang ng food at iniwan din kami. Kaya kami lang ang natira sa dining.

"Kamusta yun show mo sa Davao?" Tanong niya just to engage me sa conversation.

"Okay naman. Ang daming tao. Akala ko magkaroon ng stampede."

"Nasaktan ka ba? I mean naalagaan ka ba ng security mo?"

"Naayos naman. Kaya lang ang hirap din makalakad dahil nagkakagulo ang mga tao. Buti na lang di  ako nahipuan o kung ano. Magaling din ang security ko."

"Mabuti naman. Kase kung hindi, magrereklamo tayo. Babae ka pa naman. Ang mga fans walang sinasanto yan. Kung saan makahawak at makakurot, gagawin."

"Don't worry, okay naman ako. Medyo nasasanay na rin ako."

"Kung wala akong shoot, sasamahan kita."

"Hindi pwede. Diba sinabi sa atin na hindi tayo pwedeng magkasama para may aabangan ang fans sa atin. Kaya ko naman. Don't worry."

"Nag-aalala kase ako sayo. Ako, kaya kong protektahan ang sarili ko, e ikaw? Baka masaktan ka. Hindi ko mapapatawad yung mga taong yan na mananakit sayo. I care so much about you."

"Salamat, pero huwag kang mag-alala, andiyan si Pao at si Ate O para alagaan ako."

"Andito rin ako para alagaan ka."

Tumahimik ako. Yumuko. Hindi ko kase alam kung anong isasagot ko doon sa sinabi niya.

"Just remember, I care about you. Gusto kitang alagaan."

"Thank you. Kainin na natin ito. Lumalamig."

We ate in silence. Alam kong nakatingin siya sa akin habang kumakain ako kaya nakaramdam ako ng pagkahiya. Inoobserbahan ako ng lalaking ito.

"Kanina mo pa ako tinitignan. Kainin mo yan." Sabi ko.

"Sarap mo kaseng tignan, habang kumakain ka."

"Gusto ko ito e."

"Talaga?"

"Oo,gusto kong magkaroon ng sariling fastfood  ng McDo. Para pwede akong kumain nito everytime gusto ko."

"E di araw-araw kumain tayo sa McDo. And good idea yan. Mawala ka man sa showbiz, may kita ka pa rin."

"Yeah true. Pero you know kung bakit paborito ko itong McDo?"

"Why?" Humarap siya sa akin kahit magkatabi ang upuan namin.

"Nung mamatay sila Nanay at Tatay, may naiwan sila sa akin na konting pera pati yun bahay at lupa sa Bulacan. I was still in first year college noon sa De La Salle-Saint Benilde. Naisip kong lumipat ng school, pero yun mga kapatid nila Nanay told me na ituloy ko na. Sapat na siguro yun naiwan nila sa akin para makatapos ako sa kolehiyo sa magandang eskwelahan. So I stayed sa Saint Benilde, kahit struggle yun finances ko. Hindi ako pwedeng gumastos beyond my needs, kailangang magtipid dahil ang mahal ng tuition fee ko. Even yun pagkain sa fastfood na dati ay gawi ko, kailangan kong iwasan. Kaya whenever madadaan ako sa McDo o kahit sa Jollibee, naamoy ko yun chicken nila, I crave. Kaya lang di ko magawa kase mas importante yun mga bayarin sa school. Sa dami kong pinapaxerox at kung ano, hindi ko ma-afford yun. Naibenta ko pa ang bahay at lupa namin sa Bulacan dahil kailangan ko sa tuition fee ko. Kaya ayun, ipinangako ko sa sarili ko, kapag nakatapos ako at nagtratrabaho, I will eat sa McDo kung kailan ko gusto. And Thank God, I survived. Nakagraduate ako on time. Ang babaw ano?" Naluluha kase ako habang ikinukuwento ko sa kanya iyon.

Niyakap niya ako. Hinaplos ang likod ko.

"Okay na. Kain na tayo. Drama ko lang ito." Umalis na ako sa pagkakayakap niya.

"You're an amazing person. Lalo akong humanga sayo."

"Salamat. Pero tapos na iyon. May kita na ako and kaya ko ng gawin yun mga hindi ko nagagawa dati. Basta, I promised myself, mag-iipon lang ako ng sapat para maipatayo yun fastfood na pangarap ko, then titigil na ako. Gusto ko kase, kapag nag-asawa ako, full ang attention ko sa magiging pamilya ko. Life is short, tulad nila Nanay, buti na lang maganda ang foundation ng values ang naituro nila sa akin. Kundi siguro, baka kung saan na ako damputin ngayon."

"I'm so proud of you."

"Kain na. Di mo na binawasan yang food mo. Sayang, daming di nakakakain, tapos sasayangin mo lang. Eat!" Utos ko sa kanya.

"Opo. Kakainin ko na po. Simula ngayon, bawal mag-aksaya. Tatandaan ko yang kwento mo."

"Loko. Kain na."

We continued eating. Di ko alam kung bakit naikuwento ko sa kanya ang isang parte ng buhay ko. Maybe,I'm beginning to trust him. Nakita ko kase ang sincerity sa kanya when I was narrating my story. Maybe, ako lang ang may trust issues. Dahil ayokong kinakaawaan ako. Ayokong maging pabigat sa kahit na kanino, kaya I tried to be strong. So strong, ang taas ng wall ko bago ako magtiwala sa ibang tao. Si Pao at si Ate O lang kase ang nakakakilala sa akin ng buo. And letting Alden in, I guess medyo mababawasan na yun burden, na mag-isa ako at wala ng magulang.

I guess I'll let him in. Tutal, magtatagal kaming magkatrabaho. For now, get to know him and later decide, kung he's worth loving.

A/N Good Morning!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro