Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

20

That beach getaway was great. Nagenjoy talaga ako. Kahit sandali lang, nakapagrelax ako with Alden of course.

As soon as we got back to Manila, napag-usapan namin to take time para makilala ang isa't-isa. Anyway, I guess I'm beginning to trust him, slowly. Afterall, he was a nice person pala.

The next day, wala pa rin kaming shoot kase kinailangang pumunta ako sa Davao for the promotion ng aking cover magazine na Rank. Buong araw lang naman siya, and I am to go back to Manila kinagabihan. Ng makabalik kami sa Manila, nagulat ako kase he was with my driver na sumundo sa amin ni Pao at Ate O.

"Oh, you're here. Kakagulat ka naman Alden."

"For you." Abot niya ng bulaklak.

"Salamat. Diba may event ka today para sa Neozep?"

"Yes. Pero tapos na. Kinausap ko yun driver mo na sasama akong sunduin ka ngayong gabi."

"Nagpahinga ka na lang sana."

"I don't mind."

"Hoy, kayong dalawa, ang sweet ninyo." Sita ni Ate O. Umuna na kase ng alis si Pao, yun kotse niya kase ay nakapark din sa airport.

Umupo kami na magkatabi. Si Ate O ay tumabi sa driver.

"Asan ang kotse mo, Alden?" Tanong ni Ate O.

"Nasa condo ni Meng."

"Baka mamaya may makakita sa iyo na pumupunta ka doon. Alam mo naman na ayaw muna ng management na makita kayong magkasama, lalo na ngayon, sikat na sikat na loveteam ninyo." Sabi ni Ate O.

"Don't worry, Ate wala naman nakakaalam. Si Mama Ten lang."

"Good. O sige, tulog muna ako. Huwag maingay magharutan ha!" Banta ni Ate.

"Ate O, ano ka ba! Nakakahiya kay Alden! Di naman kami."

"Shhhh... inaantok na ako. Huwag kang maingay, Meng."

Napailing na lang ako.

"Alden, sana kapag pahinga, magpahinga ka. Nakakahiya sayo, sinundo mo pa ako dito sa airport." Mahinang sabi ko.

"Ayos lang. Gusto naman kitang makita talaga, miss na kase kita." Bulong din niya.

"Seryoso ka talaga?"

"Oo. Mukha ba akong nagbibiro?"

"Mamaya, uwi ka na agad. Pahinga ka na. Maaga pa ang calltime natin."

"Yep. Basta makita lang kita, masaya na ako."

"Hmmm... ewan ko sayo!"

"Tulog ka na muna. Sandal ka sa akin." Sabi niya.

"Hindi, okay lang ako."

"Please. Ang mga mata mo,kitang-kita na pagod na. Sandal ka na." Kinuha niya ang ulo ko at inilagay sa balikat niya. At dahil sa pagod, di ko na naresist kase nga nakumprente ako sa lugar ko. Inantok akong bigla. Nagising na lang ako na malapit na sa condo ko.

"Ate O, ate.."

"Bakit, bunso?"

"Daan tayo ng drive-thru. Gusto ko ng Chicken sa McDo."

"Sige. Manong, idaan mo nga sa drive-thru, di yan makakatulog kapag gutom. Alden, ikaw anong gusto mo?"

"Ate, same na lang kay Meng."

"Sige." Sagot ni Ate.

Nagdrive-thru kami. At dahil nga rice meal siya, napilitan akong paakyatin din si Alden sa condo.

"Dito mo na yan kainin." Sabi ko.

"Talaga? Di mo muna ako pauwiin?"

"Di masayang kumain mag-isa."

"Thank you!" Yumakap siya sa akin. Nalimutang hindi pa kami.

"Oops! Anong kaganapan ito?" Sita ni Ate O.

"Ay sorry, Ate, Meng.. Nakalimot ako."

"Okay lang." sagot ko.

"Oo. Kinikilig ka e!" Sabat ni Ate O.

"Ate naman! Nakakahiya kay, Alden!"

"Charot!" Sagot na lang ni Ate. Nagpauna na siya papunta ng elevator.

"Sorry ha. Si Ate lagi na lang tayong tinutukso, pasensiya na."

"Gusto ko naman yun e. Masaya ako kase maextend ang pagsasama natin ngayon."

"Sinamantala mo naman."

"Siyempre. Gusto kitang kasama. Masaya ako kapag kasama kita." Napahawak ako sa buhok ko. Ang haba, aba!

"Hoy, tatanga na lang kayo diyan? Sasara na yun pinto ng elevator!" Sigaw ni Ate.

Nanakbo kami na magkahawak kamay.
Nagtatawanan. Hindi ko maipaliwanag yun sayang nararamdaman ko now. I just find this thing going on between us, funny and exciting. Sana ganito na lang lagi.

A/N No proofread po. Pasensiya na sa wrong grammar and spellings. Kamamadali ko, di ko napapansin yun mga mali.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro