Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19

Pagkaalis ni Alden, nagtoothbrush lang ako then I decided to go to sleep na. Kahit mahirap ng dalawin ng antok, pinilit kong ipikit ang mga mata ko. Gusto kong magpahinga. Pero it seems mahirap talaga, ang taas pa kase ng emosyon ko sa mga sinabi niya sa akin.

Biglang nagbeep ang phone ko, tinignan ko, si Alden.

I'm happy to see you.  Thank you for being nice to me today. See you tomorrow. Goodnight.

Gusto ko sanang magreply kaya lang baka nagdrive na siya pauwi. Isa pa, baka malaman niyang excited ako kaya di pa rin ako nakakatulog. Bukas ko na lang siya rereplyan.

Another hour pa bago nakatulog. I really need to sleep, ayokong magmukhang unggoy na puyat sa aming roadtrip. Kailangan maganda ako at fresh mamaya.

☆☆☆

At eight thirty, nagising ako. Napag-isipan kong magcoffee muna. May mga 3-in-1 naman akong kape. Ten ng umaga daw kase niya ako susunduin.

By nine in the morning, naligo na ako. After, nagbihis lang ng simpleng long skirt tapos spaghetti strap white cotton top. Gusto kong maging kumportable. Magdadala na lang ako ng cardigan para if in case malamig, may magagamit ako. Naglagay ng foundation, konting blush on and mascara tapos lip gloss. As in no make up look. Di naman ako sasabak sa beautycon. By quarter to ten, ready na ako.

Habang hinihintay ko si Alden, nagising na si Ate O.

"Saan ang gala mo? Sinong kasama mo?"

"Ate, susunduin ako ni Alden. Magroadtrip kami."

"Wow! Nawala lang ako kagabi, sasama ka na sa kanya."

"Dumalaw siya kagabi dito. Kinuwento niya yun tungkol kay Cindy. Matagal na pala talaga silang wala ni Cindy."

"Naniwala ka naman?"

"Hindi naman. Pero nakita ko yun sincerity niya sa sinasabi niya."

"Hay bata ka. Di kita pipigilan, pero mag-ingat ka ha! Alam mong di papayag si Ate na masaktan ka."

"Alam ko, Ate Oreo. Kaya nga love kita."

"O sige, basta uwian mo ko mamaya. Ayan na nagdoorbell na."

"Sure." Binuksan na ni Ate O ang pinto. Nanakbo ako sa kwarto ko.

"Menggay, eto na sundo mo."

"Ate sige. Paupuin mo muna siya sandali. Iaayos ko lang yun bag ko."

Matapos mailagay ang mga kailangan at gamit ko sa bag, nagpabango lang ako tapos lumabas na rin.

"Good morning."

"Good morning."

"Ready ka na? Taralets!"

"Okay."

Kinuha niya ang bag ko. Hinayaan ko na lang.

"Ingatan mo yang alaga ko Alden, kundi hahuntingin ko kayo ni Tenten!"

"Opo, Ate O." Sagot niya.

"Good. Sige larga na! Para makarami kayo."

"Salamat Ate O. Ikaw na bahala dito. Uwian kita. Love you."

"Love you, bunso."

Inalalayan niya ako hanggang makarating kami sa basement parking kung saan naroon ang kotse niya. Ang dala niya ay yun Jaguar niya.

Pinagbukas niya ako ng pinto tapos ay umikot na siya sa driver's seat ng makasigurong nakasakay na ako.

"Where to?" Tanong ko.

"Sa Batangas tayo. May private villa ako doon." Kinabahan ako. Napansin naman niya.

"Don't worry, wala akong balak gawing masama sayo. Basta date lang ito, promise." Tumango ako.

Nagdrive na siya. Pagdating sa may SLEX, nagdrive-thru lang kami. Nagkagulo pa ang mga crew ng McDo dahil nga si Alden at ako ang bumungad. May nagpapicture pa.

"Sir Alden, Mam Maine,papicture po." Sabi ng Manager.

Ayaw ko man na maipost iyon sa social media pero pumayag na rin ako kase nga ayoko namang isipin nila na snob ako. Pinakiusapan na lang namin na huwag ng ipost dahil baka pagsimulan ng hanash.

"No problem po. Di ko po ipost." Kinikilig sila at natutuwa.

Pagkatapos ay umalis na kami.

"Kainin mo na muna yun burger mo. Itigil mo muna sa parking. Para makain mo ito."

"Tanghali na. Gusto kong makarating tayo doon ng lunch. Subuan mo na lang ako."

"Okay." Sinusubuan ko siya ng fries at burger. Tapos pinapa-sip ng juice niya.

Nakarating kami sa Batangas ng 12:30 ng tangahali. Tunay na maganda ang lugar.

"Sayang wala akong dalang swimwear. Mukhang masarap magswimming."

"Don't worry, meron akong mga pinabili kay Rizza na mga bathing suit. Mamili ka na lang."

"Di ka ready ano?"

"Hindi." Nagtawanan kami.

Tunay nga. May mga ilang bathing suits, undergarments at damit na nasa  dalawang paper bags. Pinabili niya sa kapatid niya.

"Mag-lunch na muna tayo. Nagpaluto ako sa caretaker ng pagkain."

"Sige."

Isinama niya ako sa isang kubo malapit sa dagat. May tatlo siyang tauhan doon na nagbabantay na sa mga pagkain na inihanda para sa amin.

May sinigang na sugpo, steamed alimango, inihaw na bangus at baboy. Mangga't alamang at kung anu-ano pa.

"Mapapadami kain ko nito."

"Okay lang. Para sa iyo naman lahat ng hinanda nila."

"Naku Manang, salamat po dito." Sabi ko sa matandang caretaker.

"Nanay Ising na lang, anak. Kumain na kayo at baka lumamig ang pagkain." Sabi ng matanda.

"Kayo po?"

"Sige lang anak. Nakakain na kami kanina bago kayo dumating."

"Sige po, salamat po."

"Kain na." Yaya ni Alden. Tumango ako.

Sinimulan ko muna sa tuyong pagkain. Masarap lahat ng niluto nila. Nabusog ako.

"Nag-enjoy ka?"

"Sa food? Oo. Masarap. Salamat ha."

"No problem. Mamaya tayo magswimming, medyo mainit pa."

"Okay. Pahinga muna, nakakapagod din sa biyahe."

"Anong gusto mong gawin?"

"Dito lang muna tayo. Tignan yun alon. Masarap sa pakiramdam kapag nasa beach talaga. Soothing at nakakawala ng stress."

"Gusto mo ang beach?"

"Yep! Actually, kapag umayaw na akong mag-artista, sa tabing dagat na lang ako titira. Gusto ko yun tahimik, may serenity ganun."

"Ako naman sa bundok."

"Di tayo bagay. Sa bundok ka, ako sa dagat."

"E di ilalapit ko yun bundok sa dagat, para magkalapit pa rin tayo."

"Sira. Kahit si Superman, di niya mabuhat ang bundok."

"E di ako magsa-sacrifice. Ako ang mag-aadjust."

"Let's not talk about that. Nu ka ba? Matagal pa iyon. Mga twenty four years?"

"Tagal naman. Pwede naman in two years time na."

"Nice Joke."

"Hindi ako nagbibiro."

Tumawa na lang ako. Pero seryoso siya. May kalokohan din ang lalaking ito. Bigla akong nagjump sa future. Nice idea, pero maraming mangyayari. Bago pa lang kami nagkakakilala. Ngayon pa lang siya nanliligaw. Di naman pwedeng ganun kabilis. Pero I'm already entertaining the idea. What if nga, kami magkatuluyan? Anyway, malalaman natin iyon sa mga susunod na araw. Basta ngayon, ieenjoy ko ito, pati ang company niya. Mukha namang mabait siya talaga. Kaya di ko masisisi si Cindy kung bakit siya nahulog sa taong ito. Madali kase siyang mahalin kase full attention siya sa nililigawan niya. I just hope ma-maintain niya yun effort, kase ako yun taong hindi madaling mahulog. At kahit gusto ko pa siya, madami pa ring issue na dapat kong isipin like, baka pang-showbiz lang ito. Kaya ang mantra ko, better be safe than sorry.

A/N Good Morning po! Early update para masaya.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro