17
This fanfic is intentionally written in FicMaine's point of view. But as the story goes, we will discover what's behind FicAlden's side of the story. Please understand. Thank you.
After kong ibalik ang relo na hindi naman niya tinanggap, I went back to my tent.
"Saan ka galing?" Tanong ni Ate O.
"Eto." Matipid kong sagot.
"Anong eto? Patingin nga!" Tanong niya.
"Relo? O ano ngayon?" Dagdag pa niya.
"Yan yun binigay kahapon ni Mama Ten nung nagpunta siya."
"Galing kay Alden?"
"Kanino pa ba?"
"O bakit dala-dala mo?"
"Isasauli ko."
"Gaga! Akin na lang kung ayaw mo."
"Ate O, Omega siya. Mahal!"
"As in magkano nga?"
"Kalahating milyon?"
"Talaga? Wow! Bigatin ang Alden ha? Nanliligaw na ba?"
"Ate naman, saan ka ba nakatira? Sa buwan?"
"Oo nga! Di pa nga. Pero mukhang may balak."
"Hindi nakakatuwa."
"Bakit naman?"
"Ate naman, kakabreak lang nila nung Cindy! Isa pa, naniniwala ka?"
"Ewan ko."
"Wala akong matinong makuha sayo."
"Hehehe! Sorry bunso."
"Hayaan ko na muna. Tignan kung seryoso siya sa mga sinasabi niya. Ayokong maniwala agad."
"Tama. Mabuti at naisip mo yan. Pero anong gagawin mo sa relo?"
"Ayaw niyang bawiin. Itago ko daw muna. Kapag napatunayanniya sa akin na totoo sinasabi niya, isuot ko daw."
"Ang cheesy!"
"Siya lang."
Pumasok ang isang crew at sinabing magsimula na daw ang taping.
Tumingin muna ako sa salamin bago lumabas. Aaminin ko, gusto ko siya pero di ibig sabihin non, maniniwala na ako sa sinasabi niya. Babaeng Pilipina pa rin ako. At ang mga tulad ko, nililigawan ng maayos at inaalagaan ng tama. Hindi sinasaktan at lalong di hinahayaang masaktan. I know my worth.
Lumabas na ako. Tinungo ang lugar kung saan kukuhanan ang eksena.
Naroon na siya. Kahit wala pa siya sa eksena, bakit siya manunuood? Ang alam ko, mamaya pa siya pero bakit nandoon siya? Kinabahan na naman ako. Parang baguhan sa larangang ito.
"Ready ka na Meng?" Tanong ni Direk.
"Ready na po."
"At the count of three, all crew members, get ready. 1...2...3... start." Utos ni direk.
I tried to focus. Hindi ko siya tinitignan. Baka mawala ako sa linya ko.
"Then cut! Good take! Next scene na tayo." Sigaw ni Direk.
Lumapit agad ang make up artist ko. Para punasan ang beads of sweat na namuo sa noo ko sa init ng ilaw na nakatutok sa akin sa eksena.
Nagpatuloy ang shooting. Then our scene. Sweet ang eksena. May kissing pero hindi torrid.
Binigyan muna kami ng briefings.
"Light lang ito ha. Alden, alam mo na. Hindi ito pang porn." Sabi ni Direk.
"I know Direk." Sagot niya. Parang casual lang pero ako ay kinakabahan. First kiss ko actually. I've never had any boyfriend simula ng magdalaga ako. So how would I know about kissing?
"Kinakabahan ka?" Tanong niya.
"Medyo."
"Bakit naman?"
"Wala lang."
"Ayaw mo?"
"May magagawa ba ako?"
"Basta humawak ka lang sa akin. I'll lead you."
Tumango ako. Grabeng kaba ang nararamdaman ko. Baka di ko mameet ang expectations ni Direk.
Then nagstart na ang eksena. I was not myself.
"Cut! Meng napaka-stiff mo! May problema ba?" Sigaw ni Direk.
"Sorry Direk. Nahihiya ako. Sandali lang. Five minutes. Magregroup lang ako."
"Sige! Huwag kang kabahan. Kaya mo yan!" Sagot niya. Nakatingin lang sa akin si Alden.
"Okay ka lang ba? Gusto mo ba magbreak muna tayo sandali."
"Hindi na. Kakayanin ko."
"First time mo?"
"What?"
"I mean makipagkiss?"
Hindi ko sinagot. Nahihiya ako.
"Di ka pa nagkaboyfriend? So wala ka pang experience?"
"Ilakas mo pa! Kakahiya!"
Natatawa siya.
"Sorry. I can't help it. Ganito na lang, tumingin ka sa akin, then look at me as if you want to kiss me. Forget about those people around. Kunwari tayong dalawa lang."
"Kaya ko ba iyon?"
"Kaya mo yun!"
"Okay. Try ko."
"O ready na ba kayo? Meng? Alden?" Tanong ni Direk.
"Ready na direk!" Sagot niya.
"Okay, rolling." Sinimulan muli ang eksena. Sinunod ko ang sinabi niya. I just looked into his eyes. Then his lips. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Tapos before I know it, malapit na ito. Pumikit ako, hinintay na lumapat ang labi niya sa labi ko. It was short, but full of longing. It was simply bliss.
"Good take! Sige pahinga nga muna kayo. Well done, Meng, Alden! Kakakilig." Sabi ni Direk.
Di namin alintana ang cut ni Direk. Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Bigla akong nahiya.
"Excuse me. Punta na ako doon."
Yun lang at umalis na ako. Pagpasok ko sa tent ko, napahawak ako sa labi ko. Ganun pala kasarap iyon. Lalo na siguro kung mahal mo ang hahalikan mo. Pero iba kami. Di kami. At wala ring kami.
A/N Hi! Good Afternoon. Feeling better na po. I hope you enjoyed the chapter. Thank you sa get well messages. I've read them kagabi. Salamat ng marami! Appreciated po!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro