16
Maaga ako sa venue ng shoot. Dito lang naman around Makati Area. Gusto ko kaseng makausap si Alden bago kami magsimula ng shoot namin.
Nakita kong wala pa siya kaya nagpaayos na ako at nagpakuha ng coffee. Di na naman masakit ang puson ko at second day na. Pero ramdam ko na malakas kaya I had to wear tampons na. Kapag malakas, gumagamit na ako noon dahil ayoko naman na magkalat dito.
While I was changing my clothes na isusuot ko sa scene, nakita kong dumating na si Alden. Finally. Kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng relo at dumiretso sa tent niya.
"Hi!" Bati ko.
"Hi, Maine."
"Ano ito?" Abot ko sa kanya ng paper bag. Tinignan muna niya ito at sinenyasan ang make up artist niya pati sila Leysam na iwan muna kami.
"Tell me. Ano ito?"
"Relo."
"I know! Huwag mo nga akong pilosopohin."
"Gift ko sayo."
"Ganito kamahal? Are you kidding? Makakabili ka na ng second hand car dito."
"Wala yan. Maliit lang na bagay lang sa akin yan."
"Pwes, sa akin hindi."
"Bakit, ayaw mo?"
"Hindi sa ganun. Ayoko lang na binibigyan ako ng mga mamahaling bagay. Di naman nabibili ang pagkatao ko."
"Wala naman akong ibig sabihing ganoon. I just want to give you something special like a watch. Para naman makita mo na seryoso ako sa pagbawi sa nawala mong pagtitiwala sa akin."
"Pero di ganito, Alden. Ang mahal nito. Matatanggap ko pa kung TechnoMarine lang yan, kase mura lang kumpara dito. Pero ito, ang mahal nito. Hindi na tama."
"I know it's not appropriate, pero I want you to feel special. I want you to know na espesyal ka sa akin. Hindi dahil kaloveteam kita o katrabaho, pero espesyal ka kase gusto kita."
"Naririnig mo ba yang sarili mo, Alden?"
"What's wrong with that?"
"Jusko! Kakabreak lang ninyo nung Cindy! Imposibleng gusto mo na agad ako."
"Alam ko nakakabigla, pero totoo naman ang sinasabi ko sayo."
"Di ko ito matatanggap."
"Meng, please naman tanggapin mo. Kahit friends lang tayo, basta tanggapin mo lang. Promise, di muna ako manliligaw kung naguguluhan at nagdududa ka sa akin. Basta tanggapin mo iyan."
"Kapag tinanggap ko ito, baka umasa ka na marereciprocate ko yang feelings na sinasabi mo. Kaya ayoko."
"Please naman. I want you to have it. Huwag mong isuot. Pero kapag napatunayan ko na sayo na totoo ako sayo, na hindi kita niloloko, saka mo pagpasyahan kung isusuot mo na. Kapag isinuot mo na yan, ibig sabihin naniniwala ka na sa akin at napatunayan ko na sayo ang tunay kong intensiyon. Pero sa ngayon, tanggapin mo na muna." Pakiusap niya.
"Alden, alam mo nakakatawa ka! Sana naririnig mo yang sarili mo. Tatapatin kita, wala akong tiwala sayo. Marami ka pang papatunayan sa akin bago kita pagkatiwalaan. At kung ipinipilit mong tanggapin ko ito, sige. Pero di ibig sabihin tinatanggap na kita. Tatanggapin ko ito bilang pagtanggap sa patunay na mabuti ang intensiyon mo. Pero hanggang doon lang muna. At sige, kapag nakita mong isinuot ko ang relo ng ito, ibig sabihin, nakuha mo na ang tiwala ko."
"Kailan Meng?"
"Di ko alam."
"Thank you at tinanggap mo. Sapat na sa akin na kinuha mo pa rin yan, ibig sabihin, binigyan mo ako ng pag-asa na tinatanggap mo yun pakikipagkaibigan ko sayo."
"Sige na." Umalis na ako. Bakit ko tinanggap? Di naman ako masamang tao na magtanim ng galit sa taong wala namang ginawang masama sa akin. Siguro nga nag-dududa ako sa kanya, pero di ibig sabihin niyon ay di na ako magtitiwala muli sa kanya. Bibigyan ko siya ng isa pang pagkakataon, para patunayan sa akin na tapat siya sa sinasabi niyang gusto niya akong maging kaibigan at higit pa doon. Pero at the same time, kailangan ko ring alagaan ang sarili ko laban sa posibleng lalong pagkahulog sa kanya. Kase di pa rin malinaw sa akin ang tunay niyang intensiyon. Nakakapagtaka kase ang bilis ng pagmo-move on niya kay Cindy. Bagay na di ko matanggap na kakalimutan niya agad.
A/N So, tinanggap na. Wala tayong chance mahingi ang relo. Anyway, bukas po ulit! Good night!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro