12
My two weeks vacation is already nearing it's end. Ayoko man bumalik na sa taping, wala akong magagawa. This is my bread and butter for now. Kaya lang I have decided that I will only give myself three years and then I'll quit or even earlier, depende sa outcome ng mga projects na nakaline up sa akin. I am just taking advantage of the fact na may mga followers na ako and I don't want to disappoint them. I made a mantra not to fall for him kahit na maging fulltime loveteam kami. Kase eversince na magkaroon ng harassment encounter with Cindy Ramos, mas lalong pinag-usapan ang pangalan namin ni Alden. Kahit negative publicity iyon kay Alden, nagtrend pa rin sa Media, sa Twitter, Instagram at even sa Facebook. I know I got a full support system from people, I don't even know. Siya naman ay nabash at the same time natuwa ang fans namin ng malamang wala na sila ni Cindy. Bagay na di ko naman ninais. Yun Cindy rin naman kase ang may kasalanan. And I don't have anything to do with it.
Sa two weeks na bakasyon ko, nagsession din ako sa Psychiatrist. Natrauma talaga ako sa nangyari. Pero now, I've recovered na ng konti. Yun nga lang, as much as possible, marami akong taong nakapaligid dapat sa akin. Natatakot akong mag-isa. Not because natatakot ako kay Cindy but because, I feel so vulnerable lalo na at ulilang lubos na ako. So Ate O and Paolo, and even Mama Ten and Leysam are there to guide and care for me. Which made me realize, may nagmamahal pa rin sa akin.
☆☆☆
Today is my first day being back to our shoot. Sa isang private resort dito sa Zambales. Actually, napakaganda ng lugar kase bago ka makarating sa beach ay napapalibutan ng mga puno ng mangga. Nakasayad na nga sa lupa ang mga mangga kaya namangha ako.
We will be here for two days dahil nga maghahabol ng mga scenes na hindi nakunan dahil sa mga nangyari noong nakaraang dalawang linggo.
"You look happy na, Meng." Bungad ni Paolo. Nakatingin kase ako sa mga mangga na naglalakihan at namimintog.
"Medyo. Nakarecover na ako. Thanks to you and Ate O. Kundi sahil sa inyo, baka nag-iiyak pa rin ako sa condo ko."
"You know I love you diba? You are my sister from another mother."
"Alam ko. Kaya love din kita. Basta huwag mo akong iiwan. Kapag di mo nahanap ang lalaking magmamahal sayo, ako na lang ang asawahin mo."
"Gaga! Kadiri ka! Di tayo talo!"
"Joke lang naman."
"Baka ikaw nga maunang mang-iwan sa akin."
"Di mangyari iyon."
"Good. Tayong tatlo nila Ate O, okay na."
Nagyakap kami. Inakbayan ako ni Paolo pabalik sa resthouse para masimulan na akong ayusan.
Nalaman kong kararating lang ni Alden. Nasa kabilang kwarto siya kasama sila Mama Ten.
Nag-paayos na ako. Nung time na ng shoot, pumunta na ako sa lugar kung saan kukuhanan ang eksena. Nakita kong naroon na si Alden. Kausap niya si Direk Pat.
"Musta."bati niya paglapit ko.
"Ayos lang. Ikaw?"
"Okay lang. Namiss kita." Sabi niya. Di ko na lang sinagot. Tumango ako at ngumiti.
"Okay na ba? Lighting? Yun floor direktor? Ihanda yun music score sa cue ko." Utos ni Direk Pat sa isa sa cameraman.
Ang eksena ay tungkol sa pagpunta namin dito sa resort after ko siyang sagutin. Pag-aari kunwari nila ang resort.
Nakailang take din bago namin nakapalagayan muli ang isa't-isa. Tapos ang mga sumunod na takes ay naging maayos na.
Matapos ang ilang eksena, naglunch muna kami. Iniiwasan kong makaharap siya kaya doon ako tumabi kala Ate O. Siya naman ay kasama sa lamesa nila Direk Pat.
After lunch, pinagpahinga muna kami saglit. Natulog ako kase napagod din ako sa biyahe papunta dito.
Mga alas dos ng hapon ay ginising na nila ako para kuhanan ang eksena sa ilalim ng puno ng mangga. Kunwari, namimitas siya at ako ang taga salo. Madami pa kaming eksenang nagawa. Nag-invest na nga ng madaming eksena si direk para isang puntahan na lang kami dito.
Nag-hapunan kami bandang alas siyete. Tapos tinuloy agad dahil konti na lang naman ang eksena. Bukas na daw ulit yung iba dahil nga dapat ay umaga ito kukuhanan.
Matapos ang shoot, nagkasundo ang lahat na magbonfire sa tabing dagat. At dahil nga mahilig ako sa beach ay pumayag ako. Tutal naman ay di pa ako antok. Alas nueve pa lang naman ng gabi. Kakatapos lang ng aming ilang eksena.
"Pao, Ate O, magshower lang ako. Tapos sunod ako sa inyo. Pakisabi kay Direk Pat." Paalam ko.
"Sige." Sagot ni Pao.
Naligo muna ako. Nagcheck ng Twitter mentions ko. Masaya ang mga fans ko at nagbalik na daw ako sa eksena. May ilang kuha kase ng picture na bumaba ako ng van ko pagdating namin dito. Alam kong kuha iyon ng isa sa crew para maka-attract ng attention. Bawal kaseng pumasok ang mga fans na taga rito. Ang ilang larawan ay nagpapakita na naroon din si Alden kasama sila Mama Ten at Leysam. Kami lang ang artista ngayon dahil date nga ang eksena.
Pagkabihis ko, sumunod na ako. Naroon na sila. Ang mga crew na nagswimming pa, sila Pao at ang grupo nila Alden. Nag-videoke pa sila sa isa sa kubo doon.
"Meng, tara na dito." Yaya ni Pao.
Umupo ako sa tabi niya. Nakatapat ako kay Alden. Umiinom ito ng beer. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nginitian ko rin siya saglit tapos tumingin na sa song book. At dahil wala pa akong lakas ng loob kumanta, siya naman ang kumuha ng mic kay Ate O para siya ang kumanta.
Sayo, ng Silent Sanctuary. Aaminin ko, maganda ang boses niya. Nakikinig lang ako. Kunwari ay nagtitingin ako sa song book. Pero ang totoo, nakikinig ako sa kanya. Dinadama yun awit niya.
Nagtilian ang mga tao doon. Lalo na ng lumapit siya sa akin at kunin ang kamay ko para awitan. Ayoko sana, kaya lang wala akong nagawa kase sinabi ng lahat na kukuhanan ng pic para sa mga fans. Para lalo daw makahakot ng fans. Diba sinabi ko ng ayoko ng makatrabaho siya? Pero sa tingin ko, parang hindi pa mangyayari iyon. Simula kase ng sugurin ako ni Cindy, nakahakot pa lalo ng followers ang aming loveteam. Dahil nga daw free at single na ulit si Alden. Kahit anu pa daw ang nangyari, makikita at makikitang ang lakas ng chemistry namin. Tutol ang isip ko, pero ang puso ko, parang ayaw makicooperate. Di ko alam kung bakit. Kase sa bawat bitaw niya ng lyrics ng kanta, tumatagos ito sa puso ko.
Natatakot ako sa nararamdaman ko. Dapat magalit ako, pero bakit parang hindi ko makita sa sarili ko na galit ako sa kanya?
A/N Will try to update later. May coffee date with cousins tonight. Malamang, puyat na naman ang lola ninyo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro