1
Opening my eyes to a new surrounding sa bagong condo unit ko is Bliss! Ang saya lang ng pakiramdam na sa wakas, may sarili na akong matitirahan, di tulad noong nagbed space pa ako sa Manila noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo. Kailangan ko kaseng magmadaling bumangon para mauna sa bathroom para maligo. Madami kase kaming nakapila. Kaya ngayon, kung gugustuhin kong maghiga pa ng konting minuto ay pwedeng-pwede. Sarili ko na ito at wala na akong kaagaw.
I graduated sa De La Salle - Saint Benilde a year ago. Bago ako sumali sa Talent show, nanirahan pa rin ako sa boarding house na iyon, matipid ko lang ang perang napagbentahan ng bahay namin sa Bulacan. Actually, may kaya ang pamilya ko, pero maagang kinuha ang mga magulang ko. Kaya lahat ng naipon nila ay nauwi sa pag-aaral ko pati na sa aking pang-araw-araw na pangangailangan. Minabuti kong ituloy ang pag-aaral ko sa paaralan kung saan ko nasimulan. Ayoko na kaseng lumipat. Noong una, struggle sa akin ang pagpasok sa pag-aaral dahil nga hindi ko matanggap ang pagkamatay ng mga magulang ko. Pero kailangan kong ituloy ang buhay ko dahil wala na akong aasahan. Ako na lang. Ang mga kamag-anak nila Nanay at Tatay ay hanggang pagsuportang moral lang ang kayang gawin dahil may kanya-kanya rin silang pamilya. Ako lang mag-isa ang nagtaguyod sa sarili ko. Nauunawaan ko naman na mahirap nga ang buhay kaya hindi ako nagdamdam sa kanila.
At ngayon, dahil na rin sa makulit kong kaibigan na hindi ako tinantanan na sumali sa Talent Show, ay tinatamasa ko ang tagumpay na ninanais ng ilang kabataang tulad ko.
At 21, may sarili na akong bahay at sasakyan. Actually, meron din akong sariling kotse dati, yun nga lang ay kinailangan ko ding ibenta para naman mapandagdag sa pang-araw-araw kong gastusin dati. Nagtratrabaho rin naman ako sa paaralan bilang student assistant kaya lang hindi sapat iyon para mabuhay ko ang sarili ko. Mahal kase ang tuition fee sa paaralang pinasukan ko at kasabay pa noon ang gastos sa pag-aaral, tulad ng libro, projects at OJT.
Pero ngayon, hindi ko na iyon problema. Mayroon na akong matatawag na sarili ko. Ngunit di ko pa rin nalilimutan ang pinanggalingan ko, pati na ang mga taong naging bahagi ng tagumpay ko. Tunay ngang may naghihintay na magandang bukas sa mga tulad kong nagsusumikap. Gaya na lang ng nangyari sa akin. Maswerte nga akong matatawag. Sa kabila ng trahedya sa buhay ko, mayroon pa rin palang mabuting mangyayari sa akin. Sayang nga lang at wala na sila Nanay at Tatay para masaksihan ang tagumpay ko. Kung di lang sila maaga kinuha ng Diyos. E di sinsana ay kasama sila sa tumatamasa ng mga ito ngayon.
☆☆☆
I guested in different shows sa GMA. may talent fee pa rin. Tinatanggap ko naman ito lahat dahil ayoko na ngang danasin ang hirap ng buhay.
Sa maikling panahon mula ng manalo ako sa talent show ay nakatanggap ako ng mas malaking break. Ito ay nakuha ko ng maging guest ako sa isang Noontime show bilang isang player ng Jack En Poy. Ako ang pinalad na makapasok sa jackpot. Doon ko nakita ang pinakagwapong nilalang sa balat ng lupa sa paningin ko, si Alden Richards. Pambansang Bae ng Pilipinas. Isa siya sa pagpipiliang makakalaban ko sa Jack en Poy sa jackpot round.
Kilig na kilig ako pero di ko ipinapahalata. Ngunit kahit anong tago ang gawin ko, kapag nakapokus ang kamera sa kanya, di ko maiwasang mangiti at magpacute.
Doon na nagsimula ang tuksuhan. Pati ang mga host ng show na sila Joey De Leon, Tito Sotto at Vic Sotto ay nakitukso na rin. Si Miss Allan K kase ang nangunguna at landing-landi sa panunukso sa akin at kay Alden. Kita daw kase ang kilig sa mata ko.
Magmula noon, palagi na akong gineguest sa show bilang judge at kung anu-ano pa. Ganun pa rin ang reaksiyon ko, kita ang kilig lalo na kapag nakikita kong nakamasid siya kasama ng audience. Iyon ang simula kaya nagkaroon kami ng mga followers sa Twitter at Instagram na humiling sa pagsasama namin sa isang Teleserye. At ang unang pagbibidahan naming teleserye ay ang My Destiny. Ito rin ang kauna-unahang acting role na gagawin ko bukod sa mga guestings at commercials na nagawa ko na.
Pinapirma na kami ng kontrata, hindi na kami nagdalawang-isip ni Paolo, malaki kase ang talent fee na matatanggap ko sa proyektong ito. Isang siguradong pagkakakitaan.
A/N I hope may na-establish na po ako kahit papaano sa dalawa kong bagong FanFic. Just wait for my updates.
Thank you and Godbless, dear readers!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro