Chapter 59
DAMIEN was hugging his wife while staring at the three idiots who are drinking beer. Pinagbigyan silang uminom ni Damien pero hindi sobra dahil ayaw niyang mangamoy alak ang asawa niya. They were celebrating for saving Alyssa who's laughing right now at his arms.
Naiwan ang mga tauhan ni Damien roon upang siguraduhing walang natirang mga miyembro ng Feren Mafia. Iniwanan nilang abo nalang ang natira sa Mansyon na iyon kasama ang mga tauhan ni Adam at sila mismo ng asawa niya.
Binendahan na rin ni Karlos ang saksak ni Damien ngunit ayaw nang magpadala ng lalaki sa ospital mas mabuti na raw na sa bahay niya siya magpagaling baka lalo lang siyang magkasakit habang naroon siya sa ospital lalo pa at halos isang linggo din sila roon ng asawa nang nakaraang linggo.
Alyssa was leaning on her husband's chest. Malapit siya sa tatlo kaya naman masaya siyang nakauwi din ang mga nang ligtas at wala ni isang galos. Eksperto ata ang tatlong ito dahil kahit na anong butas ay nalulusutan.
"We've already returned those girls to their homes," Jask said. He clapped for Leon. "They were thanking you, Alyssa," dagdag ni Leon.
Indeed, marahil kung hindi iniligtas ni Damien si Alyssa hanggang ngayon ay naroon pa din ang mga dalaga doon at paglalaruan ng mga walanghiya ang mga babae. Alyssa smiled at them.
She can't let go of her husband. She's afraid, she might lose him again.
"And, you know what we found, Ambrose?" Nakangising sabi ni Leon. Napataas naman ng kilay si Damien.
Ayaw niyang maging bastos sa tatlong ito na tumulong sa kanya pero nais niyang masolo ang asawa pagkatapos ng mga nangyari. "What?!" Damien asked raising his eyebrows.
Napakamot naman ng ulo si Leon at tinaguan nalang si Jask. Napaka-highblood masyado ni Damien ngayon bagay talagang maging kapatid niya sina Hellion. Tumayo si Jask at lumabas sandali. Si Leon naman ang nagpaliwanag kung ano ang mga nakita nila.
"We found those things at the Master's bedroom. May sekretong kuwarto pa sa loob ng kuwatong iyon at ang mga bagay na ipapakita namin ang laman ng sekretong silid na iyon," ani ni Leon tila naging interesado naman si Alyssa sa sinabi nito lalo pa at ilang taon din siyang nakulong sa Mansyon na ito na inaakala niyang maliit lang.
"Ipasok muna 'yan, bro!" Sigaw ni Leon kay Jask. Nang sabihin iyon ni Leon ay napailing lang si Karlos alam niya kung ano ang mga bagay na sinasabi nito. Jask entered with some of Damien's men.
May mga dala ang mga itong naglalakihang mga sako. Binilang ni Alyssa kung ilan sila. They were all thirty Damien men who stopped in front of their boss and placed the sack before leaving.
"Did you bring garbage to my house, Sokolov?" Damien questioned Leon, who rolled his eyes. Si Leon na mismo ang tumayo at nilapitan ang isang sako.
Itinabi pa nito ang coffee table upang sa mismong harapan ni Damien ibuhos ang laman ng sako. Sabay pang napasinghap ang mag-asawa nang makita kung ano ang laman ng sako. "F*cking hell!" Bulalas ni Damien.
It was gold bars. Freaking gold bars. Nag-apiran pa sina Karlos at Leon nang makita ang reaksyon ng mag-asawa.
Nang una nilang makita 'yan hindi nila inaakala na mayroon niyan sa loob ng Mansyon nang Feren Mafia gayong lahat ng kayamanan ng mga ito ay pawang pangagantso, pagbenta ng aliw at human-trafficking lamang.
"Looking at your reactions Ambrose, that's what our reactions too." Naaliw na wika ni Leon kay Damien kahit alam niyang ang lahat ng dala nila ay hindi man lang nakaabot ng kalahati sa kayamanan nito.
"Imagine our jaw-dropping with what we saw. Konti pa nga lang 'yan, ang iba ay nasa ibang mga sako pa." Parang tindero lang si Leon na ipinagmamalaki ang mga produkto niya. Damien sighed and holds his wife on his lap tightly.
"I guess, they are not only human-traffickers. They were thief too." Ilang mga tao na ba ang ginamit ni Adam Grant Feren para makakuha nang ganitong kayamanan? "I think, he used his niece/wife to get that too," Jask said.
Sabay pa silang napatangong lahat. Knowing those incestuous couple, they will do anything to get the riches they want. Marahil ay ginamit ng matanda ang asawa-asawa nito na pamangkin din nito upang mang-akit at manguha ng kayamanan ng iba.
"I think, it came from Charmaine's fake husbands." Jask muli ang nagsalita. Minsan lang maging tsismoso ang isang ito kaya marahil tama ang mga sinasabi nito.
Napangiwi si Damien at napatawa naman si Alyssa nang mahina ng sabihin ni Jask ang salitang fake husbands dahil alam niyang muntikan na din siyang mabiktima kung hindi lang siya masyadong nag-ingat.
"Muntik kana asawa ko," bulong ni Alyssa na ikinailing nalang ni Damien. Ginulo niya ang buhok ni Alyssa at hinalikan ito sa noo.
"Muntikan na nga, mabuti nalang at ikaw talaga ang itinadhana sa akin kung hindi baka naging alipin na ako ng baliw na iyon," bulong din pabalik ni Damien kay Alyssa. They were cuddling while Leon is saying something.
Wala naman silang pakialam sa mga sinasabi ng baliw na iyan, hindi naman kasi tatahimik ang isang yan kahit na isang minuto. "Ambrose!" The couple snapped their attention back at Leon who is rolling his eyes.
Kanina pa ito nagsasalita at panay ang tawag kay Damien pero dahil nagtitigan ang mag-asawa nagmukha siya pa ang istorbo sa dalawa. "Geh, tuloy niyo nalang 'yan. Nang-iinggit pa kayo 'eh, akala niyo naman wala din kaming mga asawa." Nakangising sabi ni Leon.
Alyssa laughed and Damien glared at him. Alam ni Damien kung ano ang iniisip nito at sigurado siya na hindi maganda iyon lalo pa at nasa harapan ng inosenteng si Alyssa. "What are you saying, Sokolov?" Damien asked dryly at Leon.
Nagkamot nalang ng ulo si Leon, wala talaga siyang panama ni isa sa mga magkakapatid na ito gayong sabay-sabay naman silang lumaki pati nga paliligo noon nakasabay siya ng apat pero bakit parang palagi siya ang kawawa kapag nagagalit ang mga ito?
"Are you saying something, Sokolov?" Damien repeated his questions while others are laughing. Ang gago pabulung-bulong pa, mukha siyang bubuyog na kinalang sa pulot.
"Wala, sabi ko anong gagawin namin sa mga 'yan?" Nguso ni Leon sa mga sakong nakalinya sa harapan ni Damien.
Tumayo si Damien pero bago noon ay inayos niya muna ang asawa sa pagkakaupo at nilibot at tinignan niya ang bawat laman ng mga sako. Ang laman halos lahat ng sako ay mga dolyares mula sa iba't-ibang mayayamang bansa.
Iilan lamang ang may mga gold bars. Dalawang sako ang nakakuha ng pansin ni Damien. The sack was full of different expensive jewelries that were now owned by his wife. Hinarap ni Damien ang tatlo at nameywang.
"Kunin niyo kung ano ang gusto niyo dyan 'yong iba ibenta niyo at ipamigay doon sa mga babaeng naging biktima ng mag-asawang baliw. The two sacks were Alyssa's property and don't touched it." Turo ni Damien sa dalawang sako.
Nagtataka naman si Alyssa kung anong laman ng mga sinasabing sako ni Damien ngunit hindi na siya nagsalita at hinayaan ang asawang gawin ang nais nito. The three nodded, they didn't expect that was Damien's decision.
"Kami na ang bahala dito." Sagot ni Leon. Damien knows what to do now. Malalim na ang gabi at pagod pa sila ng asawa. Damien went to his wife and lifted Alyssa into his arms. "We are tired dove, we should go to bed." Sabi ni Damien sa asawa.
Tumango naman si Alyssa at binalingan ang tatlo. "Goodnight brothers, thank you so much." Pagpapasalamat ni Alyssa sa mga ito. The three raised their thumbs-up saying, you are welcome.
Napailing nalang si Alyssa at hinawakan si Damien sa balikat nito at ibinaon ang mukha niya doon. "Thank you as well." She spoke softly into his ears. Damien responded by kissing her temples as he walked upstairs. The couple felt at ease.
Ngayong wala na silang aalalahanin pa tila nabunutan ng mga tinik ang dibdib nila. They can sleep peacefully starting at this night. Damien opened his room with his other hand, Alyssa is very much sleepy.
Hindi na nito maibuka ang mga mata sa antok. Pagod na pagod ito at halos hindi na makalakad kanina pa. She stayed late at night to thanks those three who helped them although it's fine with them.
"I'm sleepy, asawa ko." Dalawang beses na itong binanggit ni Alyssa ngayong gabi at ang puso ni Damien ay tila lumulutang sa alapaap. Alyssa's endearment was comforting to Damien, and it energized him even though he was tired.
Siya na mismo ang nagbihis sa asawa dahil sa mga nangyari alam niyang katulad niya ay wala na din itong lakas. Kahit sino pa man ang haharapin niya kung asawa ang dahilan ay wala nang pag-uusapan pa.
Si Alyssa lang ay sapat na, wala ng iba. Damien remained by her side, holding her hand tightly, as Alyssa's eyes slowly closed. Damien had been staring at her for far too long. He was confident that everything was fine.
He had a good feeling. He believed that his love for his wife was unconditional, and that all he desired was her. Whatever happens now, he will always love and prioritize his wife.
The happiness he felt will not fade as long as he is with Alyssa... as long as they are together...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro