Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14


Alyssa was silent for days. She didn't uttered any words. Basta ba nakatulala lang siya habang pinapanood ang nasa labas ng kanyang bintana. Hindi pa din maka-move-on ang dalaga sa sinabi sa kanya ng binata.

Paulit-ulit itong nag-pe-play sa kanyang isip at pandinig. Inaamin niya naman na hindi siya kagandahan at hindi na kailangang isampal iyon sa kanyang mukha. Napalunok ang dalaga habang iniisip ang bagay na iyon.

Hindi na nga siya kagandahan, ang panget pa ng kanyang katawan. Kung nasabi nito Damien ang bagay na iyon marahil ganoon din ang nasa isipa ng iba? Ang nangyayari sa dalaga ngayon ay isang bagay na pagitan niya at ng kanyang sarili lamang.

It's Alyssa vs. Alyssa. Nilalabanan ng dalaga ang sariling insekyuridad na siyang nagpapababa sa self-esteem ng dalaga. At nanalo ang negatibong Alyssa ngayon dahil sa mga salita ng iisang tao na napakalakas nang impact ng sinabi nito sa kanya.

Alyssa felt she was slapped directly to her face and it's still stinging with pain. Ang hapdi pa din ng pagkakasabi ni Damien ng mga salita nito sa kanya kaya hanggang ngayon ay nakapagkit pa din iyon sa kanyang isipan.

The damage is still in her heart and mind. Hindi ito mabubura ng isang eraser lamang. 'Ano bang mga mali ko sa buhay na ito? Kailan matatapos ang mga sakit na ito?' Tanong niya sa kanyang sarili.

Mabuti pa ang mga ibon malaya at nagagawa ang kanilang mga gusto, siya malaya nga ngunit hindi naman masaya. Tanging si Jask, Leon, Doctor Harvey at Carmela lamang ang nag-aalala sa kanya sa mga taong iyon nakikita siya ng mga kaibigan at pamilya. Isang pitsel ng tubig at crackers lamang ang kinakain ng dalaga.

Determinado siyang 'yon lang ang kainin upang hindi tumaba. She won't let anyone mocked her again. Kahit pa sa tingin ni Alyssa ay tama itong gawin kahit na hindi nitong nakikitang halos wala na itong laman.

She didn't realized because she's too focused on how to be thin. Magmula nang malayo siya sa pamilya wala na siyang ibang natanggap kundi ang panunutya ng iba. The pain she felt is ten times stronger inside.

Mas masakit ang sakit sa loob kaysa sa labas at walang ibang nakakita noon kundi si Alyssa lamang. "Yssa, are you there?" Katok ni Carmela sa pintuan niya, hindi siya sumagot bagkus ay binuksan niya na lang ang pinto.

Ngumiti siya ng peke nang mabungaran si Carmela. Nangunot ang noo ng matandang Mayordoma. Alam niyang peke lamang ito. Alyssa covers her wrist, afraid Carmela will notice and bombard her with questions she can't answer.

"Ang kapal ng eyebags mo, hija, hindi ka ba nakakatulog nang maayos?" Nag-aalalang tanong ng matanda at nilapitan siya at inilagay ang trat ng pagkain na dala nito sa lamesa sa tabi ng kama. Nagdadala pa din siya ng pagkain kahit pa hindi naman ito ginagalaw ni Alyssa. Iginaya siya nito sa higaan at doon sila ay umupo.

Inayos nito ang kanyang buhok at hinagud-hagod. Napapikit ng mata si Alyssa at ninamnam ang sarap nang mainit nitong kamay. "Nag-aalala ako sa'yo, hindi mo kinakain ang mga pagkaing dala ko at hindi ka pa makatulog ng maayos. It's not healthy." Umiling lamang ang dalaga at nahiga.

"Sanay na ako," maikli nitong sagot sa matanda. Malalim na bumuntonghininga ang matanda at niyakap ang dalaga. Naiintindihan niya ito at hindi niya tatanungin pa kung ano ang nararamdaman nito.

"Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Damien, hija. Alam namin kung ano ang nangyari noong nakaraang araw kaya hindi ka namin pa tinanong." Tahimik lang na nakinig si Alyssa.

Hindi lang pala iisa ang nakakaalam ng pagpapahiya niya sa sarili, madami pala sila. Inayos ni Carmela ang ilang hibla ng buhok ni Alyssa at nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi siya dating ganoon, nagbago lang naman siya ng mawala ang kaisa-isang taong minahal siya," dagdag nito.

Alyssa realized she was sulking here when she knows everyone has its own battle to win. Hindi lang siya nag-iisa marahil ang iba sa kanila ay mas malala ang pinagdaanan kaysa sa kanya.

Hindi din siya nagtanong, ayaw niyang masabihan ng pakialamera mas mabuting iyon lamang ang alam niya atleast kahit papano ay naiintindihan niya kung bakit ganoon si Damien. "Huwag kang mag-aalala, andito kami para sa'yo. Ginagawa nila Jask at Leon ang makakaya nila kapag nagtagumpay sila. Makakasama mo na ang totoo mong pamilya. You will be happy again." Carmela kissed her forehead.

Niyakap lamang ng mahigpit ni Alyssa ang matanda. Ganoon lang sila hanggang sa matignan ni Carmela ang orasan. "Oh' siya, babalik muna ako sa mga gawaing bahay. You'll stay here and you should try to eat atleast one bite okay?" Ani ni Carmela na parang nanay na nangangaral sa kanyang anak.

She smiled at Carmela. Ngiting nagpapasalamat sa lahat. Iniwanan siya ng matanda, napahiga ang dalaga sa kama at tinignan ang kisame. Naging marahas si Damien sa kanya ngunit dahil may pinagdadaanan din ito at hindi niya maaring kuwestiyunin ang bagay na iyon o ang binata.

Hindi niya rin maaring utusan ang isang tao na ituring na mabuti ang iba gayong gaya niya ay may pinagdadaanan din ito. Okay na, na alam niyang ganoon ang binata. Wala din namang magbabago pa kahit baguhin mo ang isang tao baka mas magiging malala lang ang lahat.

Napatingin si Alyssa sa pagkaing nasa tray na dala ni Carmela. She's disgusted with the food. Umiwas siya dito, makita niya palang gusto na niyang masuka. Iniiwas niya roon ang atensyon, ayaw niyang makatulog sa pagod mula sa pagsusuka pagkatapos magigising na naman sa bangungot.

Dalawang bagay ang nagpapahirap sa pamumuhay ni Alyssa ngayon. Ang una ay ang kanyang mga bangungot at ang pangalawa ay ang takot niya sa pagtaba. Puro nalang akala ang ginagawa ni Alyssa. Sa pag-aakalang magiging maganda pa ang buhay niya kapag nakatakas na siya.

Ang pag-aakalang magiging maayos pa ang buhay niya ay makakaya niya ang lahat ngunit hindi, nasira pa itong lalo ngayong nakatira siya sa mga taong hindi niya naman mga kaanu-ano pero naging mabuti sa kanya.

Wala siyang mapupuntahan ngayon kaya titiisin niya na muna ang ugali ng binata mas mabuti na ang mainsulto kaysa sa daan matulog mas delikado ang bagay na iyon kaysa dito. Alyssa sighed and closed her eyes.

Hindi lang ang katawan niya ang walang enerhiya dahil maging ang isipan niya ay pagod din. "I think I need a nap." When Alyssa drifted into sleep, Damien arrived at his Estate. Nakahanda na ang towel para sumalubong sa binata.

Puno ng dugo ang kamay nito habang papasok sa kanyang bahay. Si Carmela mismo ang sumalubong sa binata at ang isang katulong na may dalagang maliit na plangganang may tubig.

"Are you alright, Damien?" Tanong agad ni Carmela. Kasunod nito si Jask at Leon na pawisan mula sa pagsama kay Damien. Hinugasan ni Damien ang mga kamay at pinatuyo. Hindi nagsalita ang binata bagkus ay tumango lamang ito at inikot ang mga mata.

He's searching for someone but what he's looking for isn't here. Disappointment lures Damien. Hindi yata naiintindihan ng binata ang ginawa niya kasi hindi niya ito nagawa sa dating kasintahan.

Tanging pagtrato bilang reyna ang nagawa niya dito pero ngayon sa babaeng sinasakop na ang kanyang puso at isipan. Insulto at pambabastos ang palagi niyang ginagawa sa dalaga. He wanted to asked Carmela where Alyssa is but he rather not.

Si Jask na ang nagtanong sa katanungang nais na tanungin ni Damien. "Nasaan si Yssa, Carmela?" Jask asked. Carmela worriedly looked at them. 

"She's still not feeling well. Crackers lang ang kinakain niya at tubig. I think, kailangan niyo na siyang dalhin sa kaibigan niyong Doktor. Harvey is busy with Damien's men here, hindi niya maasikaso si Alyssa dito palagi." She informed them.

"We will brought her today and maybe, we could asked our friend na doon muna si Alyssa para kahit papano ay may makausap siya." Si Leon na ang sumagot.

Hindi na nila tinignan pa ang magiging reaksyon ni Damien wala din namang kuwenta kung aalamin pa nila. He doesn't care with anyone. Ang dalaga pa kaya pakikialaman nito? "Ibabalik niyo pa ba siya dito?" Malungkot na tanong ng matanda.

Umiling si Jask. "It will be better if she won't Carmela, you know why." Makahulugang nagkatinginan ang tatlo na siyang ikinabuntung-hininga ni Carmela. She felt someone takes her daughter away from her.

Noon namang nabubuhay pa si Charmaine ay hindi siya nakaramdam nang kagaanan ng loob dito. She doesn't like that woman. Charmaine is dead but for Carmela it's better that way. Hindi maganda kay Damien ang babaeng 'yon.

Call it woman's instinct. Ilang milyon siguro ang isuhol sa matanda para maging mabuti lang ang tingin niya kay Charmaine ay hinding-hindi mangyayari. "Sige, but let me say goodbye to her first." Nagmamadaling pinuntahan ng matanda ang dalaga. Damien heard it all.

Biglang tumaas ang mainit na temperatura sa kanyang katawan, biglang uminit ang kanyang ulo at malalaki ang kanyang pawis tila itinulos siya sa kanyang kinatatayuan.

Dalawang parte ng kanyang utak ang nagsisigaw na hindi dapat umalis ang dalaga at dito lang ito sa tabi niya pati ang isipan ng binata na siyang natitira niyang katinuan ay umaayon sa kanyang buong katawan at puso.

Alyssa must remain here. The girl is his! He needs to make up his mind or else it everything might ruin him. And worst, by letting go the girl will made him crazy. Sigurado siyang mababaliw siya oras na mawala ang dalaga sa paningin niya.

He will probably confine himself in the nearest mental institution for ignoring the girl and for what he feels. Haharapin na niya sana ang dalawa upang pigilan ang mga ito nang sigaw ni Carmela ang sunod nilang narinig.

"Alyssa! Alyssa! Alyssa!" Nanlaki ang mga mata nila kasabay noon ay ang isa-isa nilang pagtakbo papunta sa silid na inookyupa ng dalaga. Sabay-sabay nilang binuksan ang pintuan ngunit hindi nila nagawa dahil sa taranta nila.

Nag-pa-panic sila kaya hindi nila mabuksan-buksan ng maayos ang pintuan. Si Damien na mismo ang gumawa ng paraan. Sinipa niya ang pintuan dahilan upang mabuksan ito. The door opened and Carmela's voice welcomes them. The old woman is crying. What they saw next made their heartbeats stops.

"Child, what did you do to yourself?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro