Chapter 41
"Are you okay, baby doll? Hindi na ba masyadong masakit?" Lorenzo touched Heronisa's neck. Nagkapasa ito mula sa pagkakasakal ni Hayes kahapon sa dalaga. Ang dalawa ay nasa Dizionario Estate na magmula kahapon halos hindi na binitiwan ng binata ang dalaga at doon nalang nag-focus muna kay Heronisa.
Inaya din ng dalaga ang binata na mag-ehersisyo na siyang pinaunlakan ni Lorenzo dahil maging ito ay nangangalawang na rin sa paggalaw-galaw. They were resting at Lorenzo's car. Pick-up ang dala ng binata kaya narito sila sa likuran nito at nagpapahinga habang umiinom ng mineral water.
Nilagyan ito ng cream ng binata kanina bago sila umalis para makapag-unwind din sandali pagkatapos ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Heronisa nodded at Lorenzo. Nakasandal ang dalaga sa pagitan ng mga hita ni Lorenzo.
Nakayakap naman ang binata sa likod ng dalaga. Tila isang simpleng pares ang makikitang nag-bo-bonding lang sa isa't-isa kahit na nasa paligid lang ang mga tauhan ni Lorenzo.
Ilang beses na siyang nagkamali sa seguridad ng dalaga, uulitin niya pa ba 'yon? Ilang beses din humingi si Erin ng pasensya kahapon dahil tila naging magaan ang security nila na siyang ikinagalit ni Alejandro dahil maaring hindi lang si Heronisa ang nasaktan kapag nagkaganoon.
"I –I'm okay," sagot ng dalaga sa binata habang pinaglalaruan ang kamay nitong malaki pa yata kaysa sa dalaga. "Don't worry," dagdag pa nito na napanguso nang sukatin ang kamay niya sa kamay ni Lorenzo. Lorenzo grinned.
Iniharap niya ang dalaga sa kanya at hinalikan sa labi. "One pout, one kiss." Pag-uulit nito sa sinabi noon na siyang mas lalong ikinanguso ng dalaga. Napatawa si Lorenzo at piningot ang ilong ng dalaga.
"Ang baby doll ko, gusto lang yata ng maraming halik." Naiiling na wika ng binata sabay ilang beses na hinalikan ang dalaga sa labi. Smack lang naman ito kaya nagagawa ni Lorenzo ang halik sa dalaga.
"Don't ever say, 'don't worry' baby doll because I will be always worrying at you." Ani pa ng binata at inayos ang puting sando ng dalaga, lumilitaw kasi ang straps ng bra nito. Ang cleavage ng dalaga ay kitang-kita ni Lorenzo sa puwesto niya. Iiniiwas niya ang mga mata dahil baka magawa siya ng eskandalo dito sa pick-up niya na suntok sa buwan lang yata niyang ginagamit.
"Don't look this." Hinawakan ni Heronisa ang mukha ng binata upang sa mukha lang nito ito titingin. Maraming tao sa park kung nasaan sila at may mga bata rin. Ang panget naman ng imahe nila kung dito pa sila sa publiko gagawa nang himala. Ang halik ay okay pa dahil hindi naman make-out ang ginagawa nila.
"I can't help myself, especially since you have those delectable boobs," nakangising turan nito sa dalaga na siyang ikinaikot lang ng mata ni Heronisa. Looks like his baby doll learned some things from Alerina.
Madami yatang mga ugali ang ituro ng pamangkin ni Lorenzo at sigurado ang binatang kapag araw-araw na bumisita ang bata sa bahay nila baka matuto na ring magmura si Heronisa.
Habang iniisip 'yon, napangiwi si Lorenzo mas gusto niya ang inosenteng baby doll niya. Minamasahe ng binata ang balikat ni Heronisa. "I don't want to –" Tumigil muna sandali ang dalaga sa pagsasalita at inisip muna ang sasabihin.
"Go with Oto." Huminto si Lorenzo sa pagmamasahe sa dalaga. He looked at her eyes if she's serious. Ayaw nitong sumama sa ama kung saka-sakaling kukunin siya nito. She had a life, her life now is with Lorenzo.
Anuman ang kinalaman niya sa Clan nila labas na siya roon. Ayaw nang makisali pa ni Heronisa sa mga ginagawa nila, kontento na siyang kasama si Lorenzo.Knowing her father is just a bonus for her, even though her happiness has no effect on her.
"Are you certain, baby doll? You can't change your mind now; what matters to me is that you're happy." Bukal sa loob ni Lorenzo ang ginagawa niya kung anuman ang nais ng dalaga, susundin niya ito. Heronisa nodded.
"My happ –ness is with Ren," sagot ng dalaga.
Napahawak ang binata sa dibdib niya sa bilis ng pagpintig nito. Nagtatalon ang puso ng binata sa sinasabi ni Heronisa kahit hindi masyadong matatas ang mga salitang lumalabas sa bibig nito.
"My life is with, Ren." Dagdag pa ng dalaga. "I won't leave, Ren." Kung may sakit sa puso lang ang binata malamang ay inatake na ito sa pagpapakilig ni Heronisa sa kanya. Si Lorenzo lang yata ang Mafia Boss na ipinapakita ang kilig niya.
Namumula ang mukha ng binata nang hinila niya ang dalaga at niyakap ito ng mahigpit. "I feel the same way, baby doll. I feel the same way." Masuyong wika ni Lorenzo at hinalikan sa noo ang dalaga. Kinikilig na pinapanood ng mga tao ang dalawa at hindi iyon alintana ni Lorenzo at Heronisa na abala sa pagbibigay ng oras sa isa't-isa.
They were also doing this to have time with each other. Ilang araw din silang walang oras sa isa't-isa kaya heto ngayon at tila hindi sila mapaghiwalay. In the meantime, habang naglalambingan ang dalawa isang batang babae ang lumapit sa kanila.
"Ate, Kuya, penge po ng pagkain. Gutom na po kasi ako," the couple snapped their attention at the girl. Nasa anim na taong gulang ata ang bata at tila mas maliit ito sa mga kaedad nito. Madumi ang bata at tila ilang araw ng hindi naliligo.
Nahabag si Heronisa didto at agad na ibinigay ang sandwich nito pati ang tubig. She saw herself at the girl. "Here." Nilantakan agad ng bata ang ibinigay ni Heronisa. Lorenzo's heart swells with what he's seeing right now.
Napakabuti ng puso ni Heronisa. Walang ugaling nabibili katulad ng sa dalaga. Lumuhod ang dalaga sa harapan ng bata. Lumapit ang bata kay Heronisa. Lalapit na sana ang mga tauhan ni Lorenzo upang paalisin ang bata ngunit sinenyasan ito ng binata na pabayaan lang.
Simple lang ang suot ng dalawa ngunit masasabi pa ring hindi sila ordinaryong tao lamang. Si Lorenzo nakasuot ng itim na sando at blue na short na pinaresan ng sapatos. Ang dalaga naman ay puting sando at legging kasama din ang sapatos.
"Saan magulang mo?" Kahit kulang ang mga pangungusap na sinasabi ng dalaga mas malakas naman ang loob nito ngayon kaysa dati.
Alam kasi ng dalaga nasa likod niya lang si Lorenzo at sinusuportahan siya. "Wala na po," sagot ng bata habang ngumunguya. "Saan ka nakatira?" Si Lorenzo ang nagtanong naman ngayon, tinutulungan niya ang dalaga na gawin ito.
Napatingin sa binata ang bata at napayuko. "Kahit saan lang po," mahinang sagot nito. Napakagat ng labi ang dalaga. She felt sad for the girl. Napa-cute nito kahit hindi masyadong kita ang mukha nito dahil sa dumi.
Marahil ang bata ay anak ng isang foreigner na iniwanan ang nanay nito ganoon naman palagi ang senaryo sa mga batang katulad nito. "Wala ka pamilya?" Tanong na naman ulit ng dalaga. Umiling muli ang bata.
Kitang-kita ni Heronisa ang luhang tumulo mula sa mga mata nito. Without a doubt, Heronisa hugged the girl. Naawa siya rito, ganitong-ganito siya noon kaya lang nasa ampunan siya pero ang batang ito nasa lansangan at walang inaasahan.
Maswerte kahit papano ang mga bata sa ampunan dahil atleast may mauuwian sila samantalang ang mga katulad ng batang ito. Nabubuhay sila lansangang napakadelikado. Lorenzo sighed.
Ito ang isa sa pinakamalaking problema ng gobyernong hindi nila nakikita. Walang pakialam si Heronisa kung madumihan man siya ng bata basta ay niyakap niya ito at sinasabi sa yakap niyang magiging maayos din ang lahat.
Ihihiwalay na ni Heronisa sana ang katawan mula sa katawan ng bata nang nanlaki ang mata ni Heronisa. "F*cking hell! Baby!" Umuulan ng bala ng baril mula sa iisang direksyon lamang.
Hindi nakagalaw agad ang dalaga dahil yakap pa niya ang bata. Hihiwalay na niya sana ang katawan dito para makatakbo sila ngunit niyakap siya ng bata imbis na siya ang tamaan ng balang lumilipad ang likod ng bata ang natamaan nito.
Heronisa was horrified by what she saw. Duguan ang batang hawak-hawak niya. Rinig na rinig ang pakikipagbarilan ng mga tauhan ni Lorenzo. She heard them shouting. She also heard screaming from the park.
Natulala ang dalaga at hindi pa nakahulma sa puwesto niya. Alam niyang sila ang puntirya ng mga kung sinuman ito. She's looking at the girl in her hand. Wala na itong malay habang tinitignan ni Heronisa ang mukha nito.
Kung hindi siya niyakap ng bata, siya sana ang nasa kalagayan nito ngayon. Siya sana ang walang malay at may sugat ngayon. Lorenzo's keep on screaming at his baby doll. Hindi yata siya naririnig nito kaya siya na mismo ang lumapit sa dalaga at binuhat ito.
Buhat-buhat din ni Heronisa ang dalaga. Nagtago sila sa gilid ng sasakyan at inantay na maisa-isa ng mga tauhan niya ang mga umaatake sa kanila. "Ren... the girl..." Nanginginig ang boses ng dalaga habang pinagmamasdan ang bata.
"She protected me..." Heronisa explained. Lorenzo gave a nod. He recognizes what her baby doll is saying. "I assure you, baby, the girl will live." He said this seriously and returned his attention to the f*ckers who ruined his time with his baby doll.
Ang mga kalaban ay nagtatago sa mga puno pero hindi malayong maubos din sila. Hindi lang maliit na bilang ng mga tauhan ang dinala ni Lorenzo sinigurado niyang bago maubos ang mga tauhan, mauubos muna ang mga kalaban nila. Lorenzo spotted one enemy.
Binaril niya ito sa mismong ulo, natumba ito at hindi na inantay pa ng binata kung ano pa ang susunod na mangyayari dito. He shifts his gaze away from his enemies and back to Heronisa, who sobs while staring at the girl.
Malaki ang utang na loob niya sa bata, sinagip nito ang buhay niya kaya hindi niya ito hahayaang mamatay nalang. "Ren, she's dying," naiiyak na sabi ng dalaga habang nagtatago sa likod ng binata na hawak ang kamay niya.
Ayaw bumitaw ni Heronisa, natatakot siya na mamatay ang bata sa kamay niya. "Shh, baby doll... We will save her." He's assuring his woman. Kitang-kita dito na nag-aalala ito sa bata. Sa lahat talaga ng oras, dito pa pinili ng mga bwisit na ito na makisali.
Hinalikan niya ang ulo ng dalaga bago tinulungang muli ang mga tauhan. Sinenyasan niya ang mga ito na magtira ng isa para sa interogasyon. He won't just leave it there. May munting batang pinrotektahan ang kanyang baby doll dahil sa mga gagong ito.
Tumango ang mga tauhan ni Lorenzo, binuksan din ng binata ang pintuan ng sasakyan upang makapasok ang kanyang baby doll roon. "Get in baby, yumuko ka lang sa pagpasok hangga't hindi tayo nakakaalis dito," utos ng binata sa dalaga.
Wala nang tanong-tanong pang sinunod ni Heronisa ang utos ni Lorenzo. When Lorenzo's woman settled in, gumapang ang binata papuntang kabila. Nagtatalsikan pa din ng mga bala ng baril habang iniistart ng binata ang sasakyan.
Alam na ng mga tauhan nito ang gagawin. Kailangang maipagamot ang bata kaagad dahil baka sisihin ng kanyang Heronisa ang sarili kapag may nangyaring masama dito. Hilam ang mga mata nito ng luha habang tinitignan ang batang namumutla.
"Ren, bilis, please!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro