Chapter 21
This Chapter is dedicated to:
mahalko_mahalnyaiba
Madilim ang mukha ni Lorenzo habang binabagtas ang pasilyo ng Casino kung nasaan siya ngayon. Ito ang sentro nang lahat ng mga Casino at Hotel ng binata. He was furious. Dagdagan pa na wala sa mood ang binata talagang may hindi magandang mangyayari ngayon.
Bawat pasilyong madaanan, ang mga empleyado ay takot na makipagtitigan sa binata kaya naman lahat iniiwasan nila ito at napapayuko nalang.
Tila kay tagal makarating ng binata sa opisina nito sa pinakatuktok ng gusali at tila pinapahirapan pa ang mga tauhan nito sa nerbyos at kaba.
Sino nga ba ang hindi kakabahan kung ang nagmamay-ari ng gusaling iyong pinagtatarabahuhan ay galit at walang emosyon ang mukha. Even the casino and hotel security warned everyone not to do anything wrong in front of him.
Kung ayaw nilang lumabas dito sa gusali na sa bintana dadaan huwag na huwag lang nilang susubukang galitin si Lorenzo ngayon. Tahimik lang si Traverse na sumusunod sa Boss niya kilala niya ito kapag tahimik imbis na magsalita ay mas kailangan mong piliin na manahimik.
They already knew who was behind this shambles, and one man is already waiting for them at Lorenzo's office. Malaking magpasweldo ang binata at walang mairereklamo ang mga empleyado niya roon bukod sa takot sila sa presensiya nito.
Talagang may mga malilikot lang ang kamay na nais ng sobra-sobra pang kaginhawaan kahit pa sobra na ang meron sila. Traverse is behind Lorenzo's back as he rides the elevator.
Imbis na nasa Mansyon siya ngayon at inaalo ang kanyang Heronisa. Narito siya at nag-aasikaso ng mga walang kuwentang tao. He needs to boost his woman's confidence, but these jerks were out to get him.
They intended to ruin his already bad mood. Mas pinalala nila ang inis ng binata sa sarili dahil sa nangyari kanina sa dalagang kanyang tinatangi. Lorenzo is now wondering if his girl is crying or not.
Ayaw na ayaw niyang makita itong tumutulo ang luha dahil tila binabagsakan siya ng ilang libong bato sa ulo kapag nakikita ito.
"Sh*t." He whispered to himself.
Mura nang mura si Lorenzo sa isipan niya habang iniisip na umiiyak ang dalaga dahil sa kanya kung sana lang hindi nangyari ang bagay na ito malamang nasa tabi siya ni Heronisa ngayon at niyayakap ang dalaga.
Ilang babae man ang iharap sa kanya kahit pa nakahubad silang ipagalandakan ang mga katawan nila. Si Heronisa at si Heronisa pa rin ang para sa binata. That's the fact that won't be ever changed.
Marahil ay tila iisang dugo lang ang nanalaytay kina Lorenzo at iba pa kahit hindi naman sila totoong magkakapatid dahil kahit na sinong babae ang iharap sa kanila kapag nakita na nila talaga ang para sa kanila walang makakapigil sa kanila.
"Tell security not to let anyone on this floor," utos ni Lorenzo kay Traverse matapos bumukas ang elevator at naglakad ang binata papasok ng kanyang opisina.
Tanging naglilinis lamang ang nakakapunta sa floor na ito ng gusali at wala ng iba at tanging opisina lang ni Lorenzo ang silid na narito.
The man doesn't want anyone to roam in this area. Ayaw na ayaw nitong may nangingialam ng gamit niya kaya nga wala itong sekretarya bukod kay Traverse na siyang gumagawa ng ibang mga bagay para kay Lorenzo.
Lorenzo opened his office door, emotionless and cold, staring directly at the traitor's back. "Hmm, hindi kaba kontento sa sweldo mo?" He abruptly stated. Lorenzo noticed the traitor stiffen. Ramdam nito ang presensiya ni Satanas sa likuran nito.
"Trav, I'm bored, can I play with this one?" Lorenzo queried as Traverse yawned. Napailing lang si Traverse at lumabas ng opisina ni Lorezno.
"You know, Nero. Isa ka pa naman sana sa paborito kung tauhan," ani ni Lorenzo na bigla na namang nawala ang pagiging mapaglaro at muling nagseryoso. Nero is one of his favorite men. Hindi niya inaakalang tatraydurin siya nito.
Mabuti na lamang at wala siyang mga tiwala sa mga tauhan niya dahil sa mga ganitong pangyayari na iniiwasan niya. Nilapitan niya si Nero na nakatali sa upuan habang nakablindfold at may takip na panyo sa bibig.
Hinila ni Lorenzo ang mahabang buhok ni Nero at sinunog iyon ng lighter. Nagliyab ang buhok ni Nero sa ginawa ng binata. Lorenzo pulled his swivel chair in front of Nero. Naupo si Lorenzo roon habang nagpupumiglas ang binata dahil sa umaapoy nitong buhok.
Nero wanted to shout but he can't. "Sayang ka Nero, sayang na sayang ka." Nanghihinayang si Lorenzo habang tinitignan ang binatang natutupok ang buhok. Nero is one of his skillful men.
Mahusay ito sa pang-ha-hack at pagkuha ng mga solidong impormasyon pero mukhang hindi ito pwedeng maging solidong tauhan nila.
Marahil dahil din sa panghahack nito kaya napababa nito ang security ng floor na ito kung saan nakatago ang kaha para sa Casino.
Nero nearly stole half a billion dollars from Lorenzo's cash vault. That, however, was taken care of. Naibalik na ang perang 'yon at nalaman pa kung sino ang traydor. Lorenzo has no qualms about burning this man alive.
What's the use of this private office kung hindi man lang din gagamitin para mapakinabangan pero hindi na muna gagawin iyon ni Lorenzo dahil mukhang may malalaman pa siyang impormasyon sa dating tauhan.
"Tell me, Nero, why did you do this?" Kalmado lang si Lorenzo ngunit sa loob-loob niyan ay sabog na sabog na ang binata.
But he kept his cool for the time being. Napayuko si Nero, may alam itong kailangang malaman ni Lorenzo ngunit tila nais na manahimik ng taong ito mula kay Lorenzo.
Inalis ni Lorenzo ang takip sa bibig nito at nag-antay na magsalita si Nero ngunit ni pagbuka ng bibig ay wala itong ginawa. Lorenzo laughed loudly.
Ilang minuto muna itong tumawa na siyang ipinagtaka ni Nero dahil walang nakakatawa. Hindi nito alam na siya ang pinagtatawanan ni Lorenzo, mamatay na nga lang ito may pinagtatakpan pa siya.
"I'm not afraid to kill you, Nero. Sabihin mo man o hindi wala pa ring magbabago. Malilibing at malilibing ka sa araw na ito," nakangising sabi ni Lorenzo. Whatever he said, it will be true.
Swerte lang ni Nero dahil mismong ang dating boss ang gagawa ng paraan para malibing siya ng tuluyan. Nero shivered in fear. Naihi na ito sa pantalon dahil alam na alam nito at napanood nito ng maka-ilang beses na kung paano pinaparusahan ni Lorenzo ang mga tumatraydor sa kanya.
Why did he put himself in this situation when he's already in heaven working for Lorenzo? Ah' binubulungan nga pala siya ng mga demonyo na gawin 'yon para naman magalit ang tunay na demonyo.
Mas tamang sabihin na sinunod niya ang utos ng mga demonyo kapalit ng perang nanakawin niya kay Lorenzo. Isang malaking kamangmangan ang traydurin si Lorenzo.
"B -Boss." Takot nitong wika habang nauutal. Kitang-kita niya ang mukha ni Lorenzo, madilim ang mukha nito.
Ang mga mata ay tila itim na itim kahit hindi naman. Hindi alam ni Nero kung pakiramdam niya lang ba iyon o talagang nangyayari iyon. Takot na takot siya, takot na takot na kahit na sumigaw siya ay walang makakarinig sa kanya habang sinasakop ng demonyo ang buo niyang kaluluwa. While watching Nero's trembling body, Lorenzo appears to be a demon ready to devour his prey.
"I already told everyone, once you enter on my businesses, handa kang kainin ng demonyo oras na tinraydor niyo ako." Tila nasaniban ng demonyo ang binata habang sinasabi ito at tila mas lalo lang dumilim ang mukha nito ng banggitin ni Nero ang hindi dapat banggitin.
"T -They wanted me to be their ears and eyes, B -Boss. I can't do anything. Hawak nila ako sa leeg. Alam nila ang lahat. Alam nila pati ang kung anong meron kay Heronisa Blythe Sakal." Maling-mali ang banggitin ang pangalan ng babaeng pagmamay-ari ni Lorenzo habang nasa ganitong sitwasyon.
His woman made him feel threatened. Ito ang nais nilang gamitin sa kanya upang pabagsakin siya. He gave Nero an evil grin. When his baby doll is involved, he can do things his enemies cannot imagine. They'd be better off hiding than harming his baby doll.
Kanina lang ay nakita ni Nero na nasa harapan niya lang si Lorenzo ngayon ay sakal-sakal na siya nito. Lorenzo was choking him tightly.
"Let me tell you, Nero, I know who they are. The devil himself is Lorenzo Giovanni Dizionario. This devil will devour your entire being." He sneered at Nero.
Tila wala lang sa binata ang bigat ng lalaki habang nakaupo ito at sakal na sakal pa ni Lorenzo. "B -Boss, nagmamakaawa ako. P -paki-usap, inipit lang nila ako." Lorenzo doesn't like people like Nero.
Kung kailan pa na oras na ito na mamatay doon pa lamang nito kinukumpisal ang mga kasalanan nito. No matter how much he begged Lorenzo, the man had already shut his ears. Wala itong naririnig na kahit na anong pagmamakawa. Pinili ni Nero ang talikuran siya.
Lorenzo never tolerates a person who betrayed him. Once is enough. Dahil kapag pinabayaan niya ang mga ito at pinatawad, alam niyang uulit-ulitin lang nito ang kasalanan.
May kasabihan ngang mahirap iwasan kung ano na ang nakasanayan ni minsan ay hindi nagbigay nang pagkakataon ang binata sa kahit na sinong tumalikod sa kanya.
He won't. He never will. Ito ang pinili nilang landas, paninidigan nila 'yon. "You know, I never give second chances, Nero. If one sorry is enough, wala sana tayong mga pulis ngayon. But too bad for you, hawak ko sa leeg ang mga pulis kaya naman hindi ako hihingi nang tawad sa gagawin ko sa'yo." Naglalaro sa isipan ng binata ang mangyayari kay Nero.
He's lucky. Sa natitirang minuto ng buhay niya ay binigyan siya ni Lorenzo ng tyansang makita ang mangyayari sa kanya. Nero has turned pale and is unable to speak. He notices it in Lorenzo's eyes. He predicts what will happen to him.
He tried to beg for his life until the very last second. "Please, B-boss... please. Nagmamakaawa ako." Lorenzo scoffed. Umiling lamang ang binata. Tinanggal niya sa pagkakatali sa upuan si Nero at hinagis ang buong katawan ng binata sa salaming pader ng gusali.
How pity. Nero fell into the twentieth floor of Lorenzo's Casino and Hotel. Kahabag-habag ang ginawa ni Lorenzo sa dating tauhan. He saw how Nero's brain splattered in front of his building.
Kitang-kita kung paano nagkalasug-lasog ang katawan ng binata at kung diniligan ng dugo nito ang harapan ng gusali habang pinapanood 'yon si Lorenzo naman ay nakangisi lang at enjoy na enjoy sa pinanonood. Pinagkaguluhan sa baba ang katawan nito.
"You're saying that I am cruel but the truth is you are worse than me," ani ni Traverse na nasa likuran niya at naninigarilyo. Lorenzo raised his brows at him and walked away. Iniwanan na naman siya ng Boss niya. Laglag ang balikat ni Traverse at napabulong sa sarili.
"Ako na naman ang taga-linis ng kalat niya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro