Chapter 20
TRIGGER WARNING!
THIS BOOK contains MATURE CONTENTS.
CHILDREN BELOW 18 YEARS OLD IS NOT ALLOWED TO READ THE STORY.
****************
Erin is awake but all she saw is pure darkness. Gaya noon, kadiliman lang ang kanyang nakikita. Ang sakit ng buong katawan ng dalaga. Sinusubukan niyang gisingin ang kanyang diwa ngunit hindi niya magawa marahil dahil hindi maigalaw ng dalaga ang katawan.
Pilit nitong iniisip kung ano ang nangyari. Nang matandaan ng dalaga kung ano ang nangyari ay biglang bumilis ang tibok ang puso nito.
'Alam kong sumuko na ako sa buhay pero bakit buhay pa din ako ngayon? Bakit hindi ko pa kaharap si San Pedro?'
"F*ck, Doctor! What the hell is happening to her? I swear, I'll kill you!" Mas lalo lang kinabahan ang dalaga at ninerbyos nang marinig ang boses ng lalaking siyang naging dahilan ng pagkawala niya sa sarili. Ang taong naging mitsa nang pagkaupos ng kandila ng kanyang buhay. Kung may tao mang nais makalimutan si Erin si Alejandro 'yon.
"Master, please, ang boses n'yo ang nag-ti-trigger sa kanya kaya bumibilis ang tibok ng puso niya." Hindi alam ni Erin kung sino ang nagsasalita pero ang alam niya ay nasa loob siya ng ospital o ng isang klinika alinman doon wala pakialam ang dalaga.
"What are you saying na ako ang nagpapalala ng kalagayan niya?" ani ng boses na kinakatakutan ng dalaga.
'Hindi ba? Nais ko sanang sabihin pero hindi ko maibuka ang aking bibig. Bakit siya nandito? Baki nandito ang bangungot ko? Bakit hindi pa ako namatay? Bakit? Hindi pa ba kontento ang tadhana sa naranasan ko?' Erin cried.
"I'm sorry to say this, Master, pero nanggaling na po mismo sa bibig niyo na kayo po ang nagpapalala ng kalagayan niya. Alam niyo po ang ginawa niyo kung paaalisin niyo man po ako o patayin. Sasabihin ko pong iyon ang totoo," sagot ng isa pang boses.
Katahimikan ang sunod na narinig ng dalaga, hindi na niya alam ang nangyayari dahil halos ang naririnig nalang ay ang pagtibok ng puso niya at katahimikang nangyayari sa paligid.
Nais bumangon ni Erin ngunit tila walang lakas ang kanyang paa at tuhod upang alalayan ang katawan upang makabangon.
"I suppose you're right, Doctor, but please... look after her. I don't want to lose her; she's all I've got. Siya nalang ang natitira sa katinuan ko." Napatawa nang pagak ang dalaga sa kanyang isipan.
'Anong sinasabi ng lalaking ito? Naka-drugs ba siya at parang hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.' Erin laughed bitterly inside her head.
Ang huling natatandaan ng dalaga ay ang mga ginawa ng binata sa kanya na mas ginusto nalang ni Erin na mamatay kaysa tuluyang maging hayop na alipin ng taong ito. Nararamdaman ni Erin ang presensya ni Alejandro sa paligid. Hula ng babae ay ang kasama pa nilang dalawa dito sa loob ay ang doktor. Pinipigilan ng dalaga ang huminga nang malalim para hindi nila mapansing gising na gising na siya.
Ngunit tila binibiro yata si Erin ng tadhana at masyadong tapat ang doktor na ito sa halimaw na kinamumuhian niya. Takot na takot ang dalaga sa halimaw. She's still alive. Ano pa ba ang maaring gawin ng lalaki sa kanya gayong halos lahat ay wala na siyang tinira sa dalaga?
"Sir, I think she's awake," ani nito sa halimaw.
Dahil ramdam ng dalaga nasa kama si Alejandro anuman ang mahawakan ni Erin ay napakapit siya nang mahigpit doon at tila kumuha ng suporta sa kung anuman ang gagawin ng lalaki sa kanya.
Nanginginig ang bibig ni Erin. Gising man siya pero tila nais niyang matulog ulit upang kahit papano ay alam niyang habang tulog siya ay ligtas sa kung anumang sakit na ipararamdam ng lalaki sa kanya.
"Are you sure?" nag-aalala pa nitong tanong sa Doktor.
Muli ay panandaliang katahimikan ang naramdaman ni Erin tila nag-uusap sila ng tahimik. Mga bulungan ang naririnig ni Erin ngunit hindi mapagtanto ng dalaga kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Lumabas ka muna Doktor, ako na ang bahala dito," ani ng lalaki sa doktor.
"B-but, Sir," the doctor paused.
'No! Huwag mo akong iwan kasama ang halimaw! Sasaktan na niya naman ako!' She overheard them conversing once more. After they finished talking, she heard someone sit beside her in a split second.
'Siya ang nasa tabi ko!' Tila nais tumayo at tumakbo ng dalaga upang makaalis muli sa puder ng binata.
Nagtagumpay na ito na tuluyan mawala sa sarili ang dalaga. Napapitlag si Erin nang haplusin nito ang kanyang pisngi at hawakan nito ang kanyang kamay. Nandidiri ang dalaga sa ginagawa ng lalaki.
"Shhh, I know you're awake, mia bella. I know you're afraid of me and –and I sincerely apologized for what I did." Napalunok si Erin sa sinabi ng lalaki.
'No, huwag kang maniwala sa halimaw, Erin!' sigaw sa isipan ng dalaga.
'Maaring nililinlang ka lang ng halimaw upang muli kanyang masaktan. Huwag na huwag kang maniniwala sa taong 'yan dahil lahat ng ginagawa niya ay hindi makatarungan,' dadag ng dalaga sa sarili.
"A simple apology is woefully inadequate, mia bella," he said again, "but please allow me to show to you that I regret everything I've done to you." This time he's leaning in, whispering to Erin.
'A monster is a monster, and it always will be. Don't believe him, Erin. Inuuto ka na naman niya ulit. Ang taong 'yan ay walang pinaniniwalaan at walang kinakawaan.' Hindi napigilan ng dalaga sarili at bumangon na ito kahit hindi pa nakikita ang paligid niya.
"Get away from me!" sigaw ni Erin. Nagmakaawa siya, pilit na niyang sinasalba ang sarili ngunit walang ginawa ang binata kundi ang pahirapan siya.
"Tama na paki-usap, tama na." Paos ang boses ng babae dahil sa ilang araw na pagkakatulog. Nakarinig ng ang dalaga lagabog hindi niya alam kung ano 'yon pero sana hindi siya masaktan dahil pagod na ang dalaga roon.
"Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo, hindi ako naniniwala." Tinakpan ni Erin ang tenga at pilit na binubulong sa sarili na huwag itong paniwalaan.
Mabait siyang tao at madali siyang maniwala sa sinasabi ng iba. Palaging sinasabi ng kanyang ina noon na madali siyang maloloko. Naramdaman ni Erin na lumapit ang binata sa kanya at niyakap siya nang mahigpit ngunit, itinulak niya ang binata. Presensya palang nito ay takot na takot na ang dalaga, ang yakapin pa kaya siya nito?
"G-Get away from me!" sigaw ulit ng dalaga.
Naramdaman ni Erin na natigilan ang lalaki sa ginawa niya at napatayo. Napalunok ang babae at nag-antay nang anumang gagawin nito. Inihanda ng dalaga ang sarili sa anumang pananakit nito sa kanya. Iniharang na ang mga kamay para protektahan ang sarili.
Nagbilang din ang dalaga nang hanggang sampu ngunit walang dumating na kahit na ano kahit na pananakal ay wala. Nagtaka si Erin dahil alam niya na mabigat ang kamay ng binata sa kanya.
She heard him breathing hard, and she's afraid she'll get the same punishment she got before. "Are you afraid I'm going to hurt you again?" His voice trembled as he asked aloud.
'Ano ba ang sinasabi niya? Naguguluhan ako sa taong ito.'
Naramdaman ng babae ang kamay nitong hahawak sana sa kanya. Napatalon ang dalaga sa kama. Natanggal ang mga nakakabit na mga aparato sa dalaga dahil sa kagustuhan makalayo sa binata.
"Sh*t! Don't move, mia bella, or you'll get hurt again!" Sa lahat ng mga halimaw na kinukuwento sa kanya noong bata pa ngayon lang natakot nang ganito ang dalaga at sa isang tao na ugaling halimaw pa.
He is worst than a monster itself. Hindi alam ng dalaga kung saan direksyon napunta basta makalayo lang sa binata ngunit mukhang mas lalo lang itinrap ang sarili niya sa halimaw na kakain sa kanya. Dead end.
Napasiksik nalang si Erin sa pader kung saan siya napunta. Naririnig ng dalaga ang mga bakas ng mga paa ng binata na papalapit sa kanya mas lalo niya lang isiniksik ang sarili roon.
Mas lalo binulag ang dalaga sa marahas na mundong ito, wala nang ibang iniisip si Erin ngayon kundi ang tuluyang lisanin ang buhay na meron siya. She felt useless in this world. Gumawa naman siya ng mabuti noong hindi pa siya bulag pero bakit tila yata mas pinarurusahan siya ngayon?
"N-Nagmamakaawa ako kung parurusahan mo na naman ako ulit pwede bang tuluyan mo nalang ako?" bulong ng dalaga na alam niyang namang naririnig nito.
When she heard him, she came to a halt. He exhaled a sigh. "No, mia bella, I will not punish you again. Hinding-hindi ko na gagawin 'yon. Paki-usap, halika na at nagpapagaling ka pa baka mabinat ka," nakikiusap nitong sabi sa dalaga.
'Wala sa bokabularyo ng taong 'to ang maki-usap, hindi siya ito marahil ay panaginip lamang ito at ang totoo noon ay patay na talaga ako,' sabi pa ni Erin sa isipan.
Niyakap niya ang sarili. Maalam siya sa mga ganitong bagay dahil naging forte niya na rin ang magbasa ng mga medical books noon at alam ni Erin trauma ang nangyayari sa kanya.
Pigilan niya man ang sarili na hindi maramdaman 'yon ngunit pilit ding nagtutulak ang takot na bumalik-balik sa kanyang isipan ang mga ginawa ng binata sa kanya noon. Muli itong humakbang upang makalapit sa dalaga natigilan si Erin at napasigaw muli.
"Huwag kang lumapit! Maawa ka! Paki-usap, ayoko na!" sigaw niya sa binata.
Hindi na ito nangahas pa na humakbang papalapit sa dalaga na siyang ipinagtataka ng babae hindi ito nakinig sa kanya noon sa kahit na anong pagmamakaawa niya pero bakit ngayon?
Alejandro taught Erin that not everyone is good and true; some are the devil in disguise. Mala-anghel nga ang boses pero demonyo naman ang ugali.
Hindi alam ng dalaga kung ano ang nangyayari. Wala siyang makita ngunit ang paghinga nito ay naririnig niya. Tumutulo na rin ang luha at pawis ng dalaga.
She hugged and comforted herself after the traumatic events that had occurred to her.
'Hanggang kailan ba mangyayari ito? Hanggang kailan ba ito matatapos?' Napatalon ang dalaga nang may marinig na mga ingay ng mga nabasag na bagay na naging dahilan upang manginig at mawalan muling ulirat ang dalaga.
"Bullsh*t! You are bullsh*t, Alejandro! What have you've done? Anong kagag*han ang ginawa mo?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro