Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

TRIGGER WARNING!

THIS BOOK contains MATURE CONTENT.

CHILDREN BELOW 18 YEARS OLD IS NOT ALLOWED TO READ THE STORY.

********
********

Napalunok nalang ang mga tauhan ni Alejandro habang ang tauhan ng mga katransaksyon nila ay halos maihi sa takot. They double-cross Alejandro De Rossi.

Iyon pa naman ang kaisa-isang bagay na ikinagagalit ni Alejandro sa mga kanegosyo niya. [atas siya pero kapag may ginawa silang hindi maganda sa kanya asahan nang makakatikim sila ng kamay na bakal sa kanya.

"I already paid you, but you gave away my guns and ammunition to others?" sigaw ng binata sa katransaksyon niya na isinabit niya ito sa hook ng isang crane.

Bayad na ang mga baril na binili ni Alejandro noong isang araw palang pero minamaliit nila ang lalaki. Binigay nito sa iba ang mga baril at ibinenta sa mas mataas na halaga. Matataas na de kalibreng baril ang binili ni Alejandro ngunit dahil sa kabobohan ng taong 'to pinagsawalang-bahala nito ang magiging reaksyon ng binata.

Tinawanan pa nito ang binata kanina dahil iilang tauhan lang daw ang dala nito hindi katulad ng sa kanya na halos dalawang dosena. Minaliit nito ang De Rossi Mafia, iilan man sila pero lahat sila ay mahuhusay hindi basta-bastang nakakapasok sa teritoryo ng isang De Rossi hangga't hindi dumadaan sa pagsasanay.

"Bloody f*cker!" Galit na galit si Alejandro. Dagdagan pa na may kung ano sa dibdib niya na nais makauwi agad at makaharap ang dalaga. Nais niyang mahawakan ito at samyuin ang amoy nitp.

Alejandro was addicted to her scent. Too bad, his sister interfere.

Sinenyasan ni Alejandro ulit ang tauhan, muling itaas ang lalaki sa hook ng crane. Sigaw nang sigaw ito sa takot. Kinakabahan ang mga tauhan nito dahil na rin alam nilang sila na ang susunod.

They were kneeling behind Alejandro's back as they watched their boss hang from the crane. Anumang oras ay maaring ihulog ng binata ang lalaki ngunit hindi niya ito ginagawa nais nito munang turuan ito ng leksyon bago sumakabilang-buhay.

Napailing nalang ang mga tauhan ni Alejandro. Naalala nila ang ginagawa ni Hellion sa isang grupo ng mga mafia na ninakawan ito noong nakaraang linggo.

Sinunog nito ang mga tauhan ng mafiang boss na 'yon nang buhay at mukhang mauulit na naman ang pangyayaring 'yon.

Hindi yata nagkamali ang pagkakataon na maging magkaibigan si Hellion at Alejandro dahil parehas ng ugali kapag galit. Kaalyado ni Alejandro ang iba pang mafia boss na kapatid ang turing niya.

"Tell me, who bought my guns?!" he asked coldly.

Aalamin niya kung sino ang bumili nito dahil magbabayad ang mga 'yon sa pagkalaban sa kanya hindi yata nila kilala ang mga kinakalaban nila. Hindi nagsalita ang lalaki, tinanguan ulit ni Alejandro ang tauhan na operator ng crane.

Muli nitong inihulog bigla ang lalaki. Napasigaw ito sa takot para itong sumakay ng extreme rides sa ginagawa ni Alejandro dito. Then, the operator swayed the crane's hook.

"You won't answer me again?" Ayaw niya ng paulit-ulit kung hindi niya makukuha ang sagot na nais niya mas mabuti pang mawala ito. Walang pasyensya si Alejandro, kung ano ang gusto niya dapat ay nasa harapan na niya ito agad.

"Well then, I'll finish your useless pathetic life." Hindi man nito sabihin marami siyang paraan para mahanap ang tinatanong niya. He ordered some of his men to bring something.

Tumalikod ang mga ito at pumasok sa isang parte ng gusali. Sampung tauhan ni Alejandro ang may dala ng isang napakalaking drum. Maingat at dahan-dahan nila itong binubuhat. Some of them are hesitating but they can't refuse to follow their boss's command.

Inilagay ito doon mismo sa harapan ni Alejandro habang binubuksan ang takip na may buong pag-ingat. Hindi nila dapat madaliin ito dahil sila ang maaring mapahamak. Puno ng kuryusidad na tinignan ng mga tauhan ng kabilang panig ang drum.

Alejandro coldly smirked. Sa utak niya, alam na niya ang maaring mangyari at nasisiyahan siya na panoorin ito. "Lahat ng sinasabi ko ay nangyayari, Walter. Akala mo ba ay nagbibiro lang ako?" He's mocking this Walter.

Napasinghap ang mga tauhan ni Walter nang mabuksan ang drum. Umuusok pa ito. Ang lumang gusali kung nasaan sila ay isang napabayaang Chemical Laboratory at hindi malayong may mga natirang mga delikadong kemikals dito. Isa na ang drum na ito sa mga delikadong kemikal na iyon.

Napalunok ng laway ang mga tauhan nito habang pinagmamasdan ang umuusok pa na asido. Gamit ang kamay ng binata ay inutusan niyang muli na pahirapan ang tinatawag nilang Walter.

Itinaas-baba ito ng crane pagkatapos ay biglang ibabagsak sa sementadong sahig. Dumugo ang mukha nito. Nag-aantay na ang huling destinasyon ni Walter at manonood si Alejandro na mangyari 'yon.

Bago muna 'yon ay mararanasan muna nito ang lupit ni Alejandro. Maka-ilang ulit na ibinagsak ng operator ang lalaki sa semento bago inilapit ito sa harapan ni Alejandro. Napangisi ang binata. Nahintakutan si Walter dahil parang kaharap niya ang nakakilabot na si Kamatayan.

"I don't care anymore with the guns and money, all I want now is for you to rest in peace," ani ni Alejandro. Gamit ang dos por dos na kahoy na ibinigay ng isa niyang tauhan ay hinampas niya sa kahit saang parte ng katawan ang lalaki.

Sumigaw ito at humingi ng tulong pero hindi pa iyon ang pinale ni Alejandro dahil nasa harapan pa nito ay ang main event.

"Patawad, Mr. De Rossi! Paki-usap, huwag niyo lang po ako patayin! I'll do anything!" Too late for begging, Alejandro won't pity him.

Sa tuwing may nangyayaring ganito kailanman ang isang Alejandro Lucas De Rossi ay hindi nangangamba sa kung anong gagawin niya sa mga tinatraydor siya.

He will do everything just to torture someone. Indeed, a devil in disguise. Sa likod ng maamong mukha ay isang taong kinatatakutan at pinanginginigan.

He smirked and scoffed, as if Alejandro would listen to him. An eye for an eye, blood for blood, and he must definitely pay a double price. Alejandro locked his gaze on him, and Walter appeared to have peed on his pants.

Nakatiwarik na nga ang lalaki, naliligo pa ito sa sarili nitong ihi. Napangiwi ang mga tauhan nito. Kinakatakutan nila ang amo ngunit mas nakakatakot pa pala si Alejandro.

Nabahag ang buntot ng kanilang boss at naihi pa ito sa pantalon tila nagkamali sila ng grupong sinalihan. Ang inaasahan nila ay ang taong paninidigan sila. Taong hindi takot sa kung anong mangyayari sa buhay nito para lang mapanindigan ang pagiging boss nito. At isang daang porsyento, wala ang mga katangiang ito kay Walter.

Hinuhulaan nila kung ano ang susunod na gagawin ni Alejandro na hindi nila magawa. Alejandro is unpredictable. Tinanguan ng binata ang crane operator. Indikasyon na gawin na nito ang pinagagawa niya tila sila lang ang nagkakaintindihan.

Alam na alam ng mga tauhan ni Alejandro ang mga senyas at mga galaw ng kanilang boss kahit pa ang magiging reaksyon niya ay alam nila ganoon nila kakilala ang mga gawain ni Alejandro. Nakuha nga nitong walang awang paslangin ang kanilang kasama dahil lang sa paghawak sa pag-aari daw nito.

Ang parusahan pa kaya ang taong ito? Alejandro motioned with his finger for his men to drop Walter into the acid-filled drum.

Napalunok ang lahat sa mga pangyayari hindi nila inaasahan ang paghulog kay Walter sa drum na puno ng asido. Umalingawngaw ang sigaw ni Walter habang nagpupumiglas sa drum. Nagtalsikan ang kemikal kaya naman lumayo sila rito.

Nahabag ang mga tauhan ni Walter sa kanya hindi makaalis ang lalaki dahil unti-unti ng nasusunog ang katawan nito. Dahan-dahan ay unti-unti ng humupa ang pagwawala nito sa loob ng drum at napalitan nang nakakabinging katahimikan.

Walter's men were gulping. Alam nilang sila na ang susunod. Nakakasukang panoorin ang buong katawan ni Walter. Ang buong katawan nito ay hindi makilala. Alejandro shrugged while staring at Walter's disgusting body.

Kapag hinayaan ang katawan ng lalaki dyan malamang ilang araw din ay walang matitira sa katawan nito. Walang maiiwang bakas na pinatay ito. On that thought, Alejandro won't leave any traces. Hindi pa man niya nababalingan ang mga tauhan ni Walter ay may nagmakaawa na.

"S-Sir please, huwag niyo po akong patayin may anak po akong babae at tanging ang Nanay ko na matanda nalang ang nag-aalaga dito."

Walang reaksyon si Alejandro sa sinabi nito, tuluyang nagtumalikod ang lalaki at iniwan ang kanyang mga tauhan. Alam na ng mga ito ang gagawin, siya naman ay uuwi na. He misses tormenting the woman with his own hands.

Agad na sumakay si Alejandro sa sasakyan at inutusan ang tauhan na magmaneho nang mabilis. Samantala ang mga tauhan ni Alejandro ay naiwan sa loob, isa-isa nilang ipinasok ang mga natirang tauhan ni Walter sa loob ng isang storage room na mayroong napakalamig na temperatura.

Lalaban pa sana ang iba ngunit wala silang nagawa dahil mas mahusay ang mga tauhan ni Alejandro. Isa-isang umalis ang mga tauhan ni Alejandro akma pa sanang tatakas ang ibang tauhan ni Walter ngunit isinara ito ng mga tauhan ni Alejandro sa labas at itinodo ang temperatura sa loob.

Samantala, sa mansyon naman ni Alejandro ay tila batang sabik ang binata nang papasok ang kanyang sinasakyan sa bakuran ng kanyang tinitirhan ngunit tila naging alerto ang binata nang wala siyang makitang ni isang tauhan.

He moves swiftly when the car stop. Imbes na dumiretso at hanapin ang mga tauhan ay sa paborito niyang silid siya nagtungo. Only to discover that no one is present, besides the rope, which is lying coldly on the floor.

Nagtagis ang bagang ng binata tila umakyat ang galit sa kanyang ulo parang umuusok na kumukulong tubig si Alejandro sa kanyang nadatnan. "F*cking sl*t!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro