Chapter 40
Hindi pa nagkakamalay si Erin mula sa pagkakahimatay nito marahil ay pagod na pagod ang dalaga sa nangyari sa kanya. Nagdugo ang ilong at tenga nito nang dalhin ni Donnaville sa ospital ang dalaga sa takot nito sa mga dugong umagos sa ilong at tenga nito.
When Alejandro arrives at the hospital with two of Hellion's trusted men, he insists on getting Erin out.
Natatakot siya na maaring maulit ang nangyari noong nasa ospital sila kaya naman dinischarge niya ang dalaga at dinala dito sa Mansyon upang dito makapagpahinga.
"Sir, I suggest that the Lady must not feel any stress. Ang dahilan ng pagdugo ng ilong at tenga niya ay dahil sa mabigat na emosyong lumabas sa katawan ng Lady. And these past days, the Doctor from the hospital told me that the Lady didn't eat properly. Ang laman po ng tiyan niya ay halos instant lahat," paliwanag ng residence Doctor ni Alejandro. They were inside the Master's bedroom while everyone is outside.
Hindi niya pinapasok ang mga bantay ni Erin dahil magtutuos pa sila ng mga ito. Binigyan sila nang nag-iisang trabaho pero yon lang hindi pa nila magawa. Mabigat na mabigat na ang dinadalang guilt ni Alejandro lalo pa sa nangyari sa dalaga.
"She must eat healthy foods Sir, wala munang heavy meal. I suggest mas damihan ang prutas at tubig na iintake ng pasyente para madaling panumbalik ang lakas niya." Ang kaliwang tenga ni Alejandro ay nakikinig sa Doktor ang kabila naman ay nakikinig sa paghinga ng dalaga. Sinisigurado niya lang na nandito sa tabi niya ang dalaga at nagpapahinga.
He misses her terribly. Two weeks is far too long for him to bear the agony of losing her. When they are apart, he misses her scent and her sarcastic demeanor. He can't even sleep when she's not there.
Ang tanging ginawa niya lang sa loob ng dalawang linggong wala sa tabi niya ang dalaga ay ang magpalipat-lipat ng puwesto sa kama na hindi naman naging epektibo mas lalo lang siyang hindi nakatulog.
"Did you get what I have said, Sir?" Napatingin ang binata sa Doktor ng marinig niyang magsalita ito kahit ang huli niya lang narinig ay ang pagkaing dapat ipakain sa dalaga.
Tumango pa rin siya at muling ibinalik ang tingin kay Erin. He wished he won't see her like this again. Sa tuwing nakikita niya itong nawawalan ng malay at nakahiga sa kama, galit na galit siya sa sarili.
If only he chooses her over his bestfriend and if only he believes her. Hindi sila mag-aaway ng ganito. Tama naman ang dalaga, pagkakatiwalaan mo pa ba ang taong ilang taon mo ng hindi nakita? Hindi ba dapat magtaka ka dahil sa ilang taon na 'yon ngayon lang siyang muling nagkita gayong ang dami namang pagkakataon.
If Erin doubts Bridgette, he must believe it. Sabi nga nila ang taong galing sa isang kapansanan mas malakas ang pakiramdam mas nararamdaman nila ang mga bagay na hindi nararamdaman ng isang normal na tao.
Tinignan nalang ng Doktor si Alejandro, ilang ulit na ba siya nitong hindi pinansin pagkatapos ng paggamot niya sa dalaga. Dapat masanay na siya, napailing nalang ito nang lumabas nang walang paalam sa Boss nila.
Alejandro is taking the situation seriously because he does not want to see his Empress unconscious or in the hospital again. It was extremely difficult for him to see her every time she was like this.
Natatakot na siya dahil muntikan na itong mamatay noon at sa tuwing nakikita niyang nakahiga ito at walang malay bumabalik sa kanya ang mga ginawa niya.
He can't change what happened but he can protect his girl from anyone and even for himself. Maraming beses na siyang binigyan nang pagkakataon ng tadhana na protektahan at alagaan ang dalaga pero sinisira ito ng mga taong nasa paligid niya. This time, he promise himself he won't fail again.
Paulit-ulit lang din naman ang ginagawa niya, humihingi siya nang tawad tapos sasaktan niya ulit ang dalaga kaya mas mabuting sa kilos nalang niya gagawin ang lahat hindi na siya mangangako na palagi namang napapako dahil sa mga maling desisyon ginagawa niya. This time, he won't decision by his own. Gagawa na siya ng desisyon hindi lamang para sa sarili niya kundi pa na rin sa kapakanan ang dalaga.
He will seek her suggestions on every decision he makes. Iyon naman ang dapat hindi ba kailangang hingin ang bawat opinion ng isa't-isa para sa kapakanan ng masayang pagsasama kung gagawa siya ng desisyon para sa sarili niya ibig sabihin lang noon hindi niya kayang papasukin ang dalaga sa buhay niya dahil sarili pa rin niya ang iniisip niya.
He's not going to be selfish this time. Hindi siya magiging selfish kung ang dalaga lang naman ang pag-uusapan. Erin Graciella Santos is his property. He is a self-centered jerk because no one can take the girl away from him.
Inayos niya muna ang dalaga bago lumabas sa silid nila dahil may mga tao pa siyang kakaharapin lalo na ang mga naturingang bantay ni Erin. Bumaba na parang Hari si Alejandro sa unang palapag ng Mansyon niya naroon ang mga tauhan niya.
They were beaten up. Ang iba sa kanila ay may mga black eye pa gayong wala pa naman siyang ginagawa sa mga ito. Others are limping, and some are unable to stand. What the hell happened? Who the hell beats up his men when he is the one who punishes them?! Siya ang magpaparusa sa kanila pero may nauna pa pala siya at sino ang nangahas na unahan siya?
"Mas marami palang mabubugbog dito sa Mansyon ni De Rossi." Alejandro heard a voice. Nagmadali siyang puntahan ang kusina niya at doon nakita niya ang mga salarin. Nasaan na ba ang kapatid niya at tila pinabayaan lang nito na makawala ang mga aso nito?
They should be on leashed! Hindi dapat nakakawala ang mga ganitong tao dahil siguradong magkakalat ang mga ito. Next time, magpapalagay na siya ng karatola sa labas ng Mansyon niya na bawal na ang mg aso ni Hellion dito! They were really getting into his nerves! Akala niya umalis na ang mga ito mukhang nagustuhan pa yata nila dito sa bahay ni Alejandro.
Jask and Leon were eating while making Alejandro's men their maids do chores! Bugbog sarado na nga, kinawawa pa ang dalawa.
"Maswerte pa nga sila ito lang natanggap nila sa hindi pagbabantay ng mabuti sa babae ni Alejandro kay Boss nga hindi pa nakakahingi ng tawad ayon nakabaon na ang bala sa noo. Ayaw na ayaw pa naman noon na umiiyak si Alyona." They are discussing as if no one is here and nothing happened.
"Ayokong pangunahan si Alejandro pero dapat yatang mas higpitan niya ang seguridad ng buong Mansyon niya at dapat yatang hindi siya maging mapagpatawad lalo na sa mga tauhan niya. After what I found out, Miss Erin should be protected 24/7, or else it's too late for her." Walang halong pagbibiro sa sinabi ni Jask. Nakuha ni Jask ang atensyon ni Alejandro lalo na sa sinabi nitong nalaman nito. They are maybe Hellion's men but in terms of protecting a woman.
Maasahan ang mga ito kahit mga walang kuwenta minsan ang pinag-uusapan nila.That is why he does not require loyal men because he already has them. Hellion's men are his men as well. Mas pinagkakatiwalaan niya ang mga tauhan ng kapatid niya kaysa sa kanya.
"What did you found out, Jask?" Sabay pang napalingon ang dalawa ng magsalita si Alejandro. Natigilan ang dalawa at huminto sa pagkain.
Napaayos ng tayo ang dalawa, mga loko-loko ginawa pa nilang tambayan ang teritoryo ni Alejandro. Nagkatinginan si Leon at Jask, tinanguan ni Leon si Jask. Inilabas ng lalaki ang laptop niya na kanina pa niya dala-dala. Knowing Alejandro won't leave his woman unattended. Kinausap niya ang babaeng nagdala kay Erin sa ospital at nagpasabay dito na bumalik sa Shop. He's right about the CCTV's.
Ang buong paligid ng Flower Shop ay napapalibutan ng CCTV kaya agad niyang nakuha ang mga kopya ng laman nito at itiransfer sa laptop niya. "I know you installed CCTV's in the whole ground of it so, ito kinuha ko at may nakita akong kakaiba." Paliwanag ni Jask at kinalikot ang laptop. Pinlay niya ang unang gusto niyang makita ni Alejandro.
He saw his Empress terrified at sh*ts while screaming for his name, and she begged something to stop.
May itinuro si Jask sa mga salamin ng Green House, nanlaki ang mata niya nang makita kung ano ito. Ang buong Green House ay napapalibutan ng mga hindi kilalang tao at gumagawa ng mga ngay upang takutin ang dalaga, kitang-kita kung gaano katakot si Erin habang naririnig ang tunog. Kanina akala niya nag-ha-hallucinate lang ang dalaga ngunit ng makita niyang totoo ang mga 'yon naikuyom niya ang mga kamao niya.
"Your girl seems have a Phonophobia. It is distinguished by an overwhelming fear of loud noise. A person with this condition may be deeply distressed by both a loud noise they expect and an unexpected loud noise. Tell me De Rossi, bukod sa mga tauhan mo at sa'yo sino pa ba ang nakakaalam na may may takot na ganito si Miss Erin?" Jask asked. Maraming alam ang binata dahil na rin kay Hellion kaya marahil pinagkakatiwalaan ng kapatid niya ang dalawang ito.
Marahil dahil sa paninigaw, mga ingay at mga pagwawala ni Alejandro noon ay na-develop ang phobia na ito ni Erin.
"Someone is trying to scare your Lady by making her crazy." Hindi na nag-antay pa si Jask ng sagot mula kay Alejandro at tinapos na niya ang sagot sa sarili niyang katanungan.
Then, he played the last video. While Erin is screaming for help there are people outside the Green House laughing and making noises. Erin can't see it outside especially when they are hiding themselves while doing it. Hindi na natapos ni Alejandro ang video, napamura naman si Jask at Leon dahil nabutas ang monitor ng laptop ni Jask ng bala ni Alejandro.
"Babayaran mo 'yan, De Rossi!" Sigaw ni Jask sa binata pero hindi siya pinansin ng lalaki dahil lumabas ito sa kusina, hindi yata mapanindigan na walang dadanak na dugo dito sa loob ng Mansyon lalo pa at dahil sa mga tauhan niya hindi nangyari ang nangyari kanina.
He noticed them knelt. He didn't give them the opportunity to explain. He killed his own men inside his house one by one with his own gun. Because of what happened, Alejandro is unstoppable. Wala ding nangahas na pigilan siya dahil baka sila ang pagbuntungan ng binata nang galit nito.
They're attempting to intimidate Alejandro by frightening his brightest star. They're scaring him because they want him to be frightened. Everything they've done to his mia bella will sting him for the rest of his life. Alejandro will conquer the world and hunt down the bloodthirsty jerk who tried to kill him with his Empress.
Lahat ng mga tauhan ni Alejandro mapababae man o lalaki na makikita niya bigla nalang bumabagsak ng wala ng hininga. Walang emosyon ang mukha ni Alejandro tanging panlilisik ng mata ang makikita dito.
"No one will be able to touch my Empress as long as this demon lives!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro