Chapter 31
Hindi alam ni Erin kung bakit siya pumasok sa loob ng Emergency Room ang nasa isipan niya lang habang nasa tabi siya ni Alejandro alam niyang magiging ligtas siya.
Rinig na rinig niya ang sigaw ng mga nanggugulo sa loob ng ospital na hanapin ang kahinaan ni Alejandro. Sa isipan niya, alam niyang siya ang tinutukoy ng mga ito ayon na rin sa mga kuwento at sinasabi ng iba pero kailangan pa din niyang malinawan sa lahat lalo pa sa nangyayari ngayon.
Nang pumasok siya ay nakita niya si Alejandro na nakahiga sa kama at natutulog. Kitang-kita niya din ang dibdib nito na pumapaitaas at pumapaibaba indikasyon na humihinga ito. No one's here in the Emergency room maybe they all ran when they heard all those gunshots.
Nagpilinga-linga si Erin at naghanap ng mga bagay na maaring maging pabigat sa pintuan upang walang makapasok. All she saw are medical equipments and stuffs. May mga upuan, mesa at ilang cabinet din roon. Kinakabahang iniurong niya ang isang cabinet na malapit sa pintuan.
Buong pwersa niyang ginamit ang kanyang lakas marahil dahil din sa kaba ay nagawa niyang maiurong ito. She heard footsteps outside. Mga nagtatakbuhan hindi din maalis na hindi pa tapos ang mga nagbabarilan sa labas.
Inilagay din ng dalaga ang ilang mga upuan roon at mesa pagkatapos ay lumapit siya kay Alejandro sa uluhan nito. He looks peaceful while sleeping but the ruggedness of his face is still there.
"D*rn, Alejandro Lucas! Ano ba itong gulong pinapasok mo sa akin?!" Bulong ko sa kanya.
Erin knows he heard the woman because a sleeping patient can hear whatever sounds are around him. "Wake-up! You promised to look after me! Someone is yelling outside that they must discover Alejandro's weakness!" She screamed at the man in the hospital bed.
Nagpalakad-lakad pa ang dalaga habang aligaga ito sa kaba hindi niya masyadong alam kung ano ang kahulugan ng Mafia pero alam na alam niya noong nasa Italya pa siya na mga halang ang mga kaluluwa ng mga ito at nais lang ng mga ito ay ang pansarili nilang interes. And she just found-out that the man she loves is one of them.
Hindi lang 'yon isa pa itong Mafia Boss! Kaya pala na marami itong tauhan at maraming nagbabantay sa kanya dahil dito. For she knows, everyone is panicking outside. Ang mga tauhan ni Alejandro at ang mga kaibigan niya sa labas malamang ay hinahanap siya ngunit ang sarili niya nag-uudyok sa kanya na dito mas ligtas siya.
"Search everywhere, she is here! Nandito din si De Rossi malamang proprotektahan niya ang kahinaan niya!" Napatakip ng bibig si Erin.
Nasaan na ang mga tauhan ni Alejandro? Nasaan na ang mga kaibigan niya? Bakit wala sila sa labas?!
Kung may nais man na gawin si Erin ngayon yon ay ang gisingin ang natutulog na si Alejandro ngunit alam din niya na ang taong naturukan ng gamot ay gigising ayon sa kagustuhan ng katawan nito. But, nothing's wrong in hoping right? Muli siyang lumapit sa tabi ng binata at tinapik ang pisngi nito.
"Wake-up, Alejandro Lucas! Protektahan mo ako! Binibigyan na kita ng pagkakataon ngayon na protektahan ako yon diba ang gusto mo?" Gusto na ng dalaga na sigawan si Alejandro ngunit binabaan niya lang ang boses niya, tamang-tama lang upang marinig nito.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari o kung ano ang ginagawa mo sa buhay o ang kabuhayan mo. I don't care with that things, all I care for now is for you to wake-up and protect me!" Paulit-ulit mang gawin ni Erin ang pagtapik sa pisngi ng binata at paggising dito.
It's pointless. She sighed and said one last thing before hiding under Alejandro's bed. "Tuparin mo ang pangako mong protektahan ako." She whispered into his ears. Naupo ang dalaga sa ilalim ng kama ni Alejandro at doon tahimik na nagdasal na sana ay hindi siya makita sa liit ng dalaga napagkasya niya ang sarili roon.
Samantala, sinenyasan ni Leon si Danica na maging maingat. Magkahawak sila ng kamay ng isa pang kaibigan nito.
"It's your brother's enemy. Ang bilis nilang natunugan na naopsital ang kapatid mo," ani ni Leon at patuloy na nakikipagbarilin.
In just thirty minutes, the hospital was isolated. Except for them and the other enemy Mafias, everyone has fled.
"I don't care with them! Ang importante mahanap natin si Erin dahil baka tayo ang mapatay ni Kuya!" Pare-pareho pa silang namutla oras na malaman ni Alejandro na nawawala si Erin or worst baka makuha ito ng kalaban sigurado silang babaliktarin ng binata ang buong mundo para lang makita ulit ang dalaga.
When it comes to Erin, his brother may be at ease, but when the woman is hurt, the worst is to come. Those responsible for sending Alejandro to the hospital are already in their hands, waiting for the Boss to awaken and murder them.
"Bakit naman kasi inalis ninyo ang mata niyo kay Pandak?" Pandak ang tawag ni Leon kay Erin, iyon ang pang-asar nito sa dalaga. Danica glared at him.
"Anong tingin mo sa akin bobo? Kulang na nga lang itali ko ang babaeng 'yon sa akin," singhal ni Danica kay Leon.
Natameme ang lalaki at bumuntonghininga hindi niya kayang mag-isa ito lalo pa at mukhang walang natira sa mga tauhan ni Alejandro. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang makakatulong sa kanila.
"Boss, De Rossi needs your help. I'll send you the address." Hindi narinig ng mga babae kung anong isinagot ng tao sa kabilang linya pero sana naman makatulong ito sa kanila hindi nila alam kung sino ang tinawagan ni Leon pero pakiramdam nila malaki ang maitutulong nito. Ibinaba ni Leon ang tawag sakto naman na lumitaw ang isang kalaban sa likod nila Danica. Nagdilim ang mga mata ni Leon muntik na si Danica.
"G*go ka! Hindi pa kami nagkakabalikan niyan sasaktan mo na! Tarant*do!" Walang oras si Leon na buhayin ang mga kalaban ni Alejandro lalo pa at muntik ng mamatay si Danica dahil sa mga ito. Leon made sure that the man was shoot in his head. Danica blushed and Abby frowned.
"Goodness, nakaka-bitter dito." Ani ni Abby.
Leon smirked and went back to work. "Shut up, Abby," Danica muttered. Abby rolled her eyes and pressed her lips together. It's a Mafia War, for God's sake! And they were now a part of it.
Hindi lang siya ang kasali pati na rin ang inosenteng si Erin. They were hiding inside the nurse station. Ang hindi nila alam may sariling pinagtataguan si Erin at naroon siya sa mismong silid kung nasaan si Alejandro.
Ilang Santo na yata ang natawag ni Erin habang nagtatago habang may yabag siyang naririnig mas lalo lang siyang kinakabahan. Napatingin pa siya sa pintuan ng ER ng may pwersang nanggaling dito at tinutulak ang pintuan.
"May tao sa loob!" Sabi nito na ikinalaki ng mata ni Erin.
"Lord, ilang kapahamakan pa ba ang kakaharapin ko?" Bulong na sabi ni Erin.
Kung minamalas nga naman ang dalaga, siya yata ang target ng mga Mafia ngayon dahil kay Alejandro para saktan ito kailangang unahin ang kahinaan nito at siya yon.
"Lakasan niyo pa ang pagkakatulak!" Wala ang mga kasamahan niya sa labas malamang hindi talaga sila ang mga ito hindi lang siya ang mapapahamak oras na makapasok ang mga ito pati na si Alejandro na walang malay ay mapapahamak. Muling lumabas ang dalaga sa pinagtataguan niya at hinalughog ang buong silid.
Naghanap siya ng mga bagay na makakatulong sa kanya atleast kung mamatay man siya alam niya namang lumaban siya kahit na papano. Ang liit niyang babae hindi pa siya pwersado, inilalagay niya nalang sa pagkakataon ang magiging kapalaran niya. Mas lalong lumalakas ang mga lagabog galing sa labas ng ER, siya naman lumipat nang taguan sa tabi ng isang cabinet hawak-hawak ang mga gunting at injection na nakita niya.
Ang tibok ng puso niya ay pumapantay yata sa lakas ng pagkakatulak ng mga tao sa labas. Ang mga bagay na inilagay niya roon ay isa-isang natutumba hanggang sa tuluyan ng umurong ang lahat.
Isa-isang pumasok ang mga ito, lima silang lahat sa pagpasok nila ay pikit matang sinugod ni Erin ang mga ito at isinaksak sa kanila ang injection na may mga lamang gamot hindi niya alam kung ano ang epekto ng mga yon ang importante ay mailigtas niya ang sarili niya at si Alejandro.
Gunting nalang ang hawak ni Erin ngunit may dalawa pang natitira sa harapan niya na nakangisi. So the injection was very effective, but it wasn't very helpful because two of them are still here, smirking and staring at her.
Napaatras ang dalaga at hinawakan ng mahigpit ang gunting. "Ang sinuswerte nga naman tayo hindi lang ang kahinaan ni De Rossi ang nandito. The demon itself is here!" They laughed maniacally while staring at Alejandro.
Napalakad ang dalaga roon at itinago sa mga mata nila si Alejandro. "Alejandro's b*tch is one hell feisty!" Sabi pa nito ulit sabay tawa kasama ang kaibigan.
Erin is pretending to be brave but she is really scared. Papalapit na ang mga lalaki sa kanya kaya mas lalo lang siyang nenerbiyos, wala na siyang mapuntahan dahil nacorner na siya dito sa tabi ni Alejandro. They have guns, while she only has a medical scissor.
She hopes it will help, but she knows that with two men in front of him, only one of them will be hurt. As she struggled to defend herself, they smirked at her.
Lunok-laway ang ginawa ni Erin at ang unang lumapit sa kanya ay sinaksak niya ng gunting. Napasigaw ito at napaluhod sa sahig bumaon sa dibdib nito ang gunting ngunit hindi ito malalim. Kinuha nito ang gunting na parang walang nangyari.
"You, b*tch! You'll pay for this!" Akmang tatakbo ang dalaga papalabas nang hilahin ng kasama nito ang buhok ni Erin.
Napasigaw si Erin sa ginawa nito at natumba sa sahig. Lumapit dito ang sinaksak ni Erin at sinampal ang dalaga. Lumagapak ang palad nito sa pingi ng dalaga. Napaiyak si Erin sa sakit sa loob ng anim na buwan ngayon lang siyang muli nakalasap ng sakit.
Erin tried to kick them, but it was pointless because she was a girl and didn't know how to deal with the Mafias. "Are you trying to fight, b*tch?" Nanunuya nilang tanong kay Erin. Ang hindi nila alam may nagbabagang mga mata ang nakatingin sa kanila at handa na silang lapain nito. He is furious.
Walang taong nakakatakas kapag sinaktan nito ang kanyang Empress. Wala kahit na sinuman. Those men were about to hurt Erin again when Alejandro rose like a dead man. Tila wala lang sa lalaki kung nasaksak man ito o kung nawalan man ito ng dugo dahil para itong buhay na buhay at napakasigla nang makitang sinasaktan ang kanyang tala.
Naramdaman ng dalawa ang maitim na awra sa likod nila nang mapalingon sila nawalan ang mga ito ng kulay sa takot.
"You dare to inflict harm on what is mine?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro