Chapter 30
Walang paalam na pumasok si Danica sa loob ng Mansyon. Erin is doing well two months after her operation, and she is gradually adjusting to her new surroundings. Danica obeyed his brother's orders. Araw-araw ay para siyang reporter na panay ang pagpapahayag nga mga impormasyon kay Erin sa kanyang kapatid.
Araw-araw ay hawak niya palagi ang kanyang cellphone para lang ibalita dito ang nangyayari kay Erin na ginagawa bilang parte nang pagpapalaya kay Erin pero kahit hindi naman sumang-ayon si Danica roon may mga paraan naman si Alejandro.
Tahimik na pumasok si Danica sa loob kahit naman parang magnanakaw ang galaw niya hindi naman siya mapagbibintangan nang ganito dahil mahigpit ang seguridad sa loob nitong teritoryo ni Alejandro.
Papasok ka palang ilang security na agad ang napasukan mo. Ibang-iba sa dati nitong Mansyon. After what happened to Erin, pinagiba ni Alejandro ang dating Mansyon na 'yon at hindi na niya pinatayuan pang muli ng panibagong gusali.
May bad omen yata ang lugar na iyon at lahat ng masasamang alaala at pangyayari ay nangyari roon kaya ayaw nang balikan ni Alejandro ang lugar na iyon.
Danica is unfamiliar with this location because it is new to her. After two months, she is still looking for her brother ngayon lang muli silang magkikita at kailangan niyang makausap ito. Erin, on the other hand, is preoccupied with her studies and the Flower Shop.
Mabuti na ring ma-divert ang atensyon ng dalaga sa ibang bagay upang hindi nito isipin palagi ang nangyari sa kanya. "D*rn, wala bang tao sa bahay na ito at parang abandonado," bulong ni Danica sa sarili.
She checked all the room here at the first floor but no one's around. Mukhang talagang walang tao rito sa loob kahit saan man siya magpunta. She was about to go home and just call her brother when she heard something outside.
Naririnig niya ito mula sa likuran nitong Mansyon may daanan sa kusina papunta sa labas nitong kabahayan. She stepped outside but then she was taken aback of what she saw. I –It's her brother. Nasa harapan niya ngayon at kitang-kita niya ang kapatid niya na nakahawak sa isang kahoy at nilalatigo ng sarili nitong tauhan.
And looks like his men doesn't want this but he was obliged to do so. "Kuya!" Napasigaw siya dahil puno na ng dugo ang likuran ng kapatid. Napatakbo siya roon ngunit pinatigil siya ni Alejandro.
"Dyan ka lang sa puwesto mo hangga't hindi natatapos ito!" Sigaw pabalik ni Alejandro kay Danica. Napatakip ng bibig ang dalaga, anong kalokohan ang ginagawa ng kapatid niya?
Lahat ng tauhan ni Alejandro ay narito at nanonood. Ang iba sa kanila ay napaiwas nalang ng tingin. Masakit panoorin ang ginagawa ni Alejandro bawat lagapak ng latigo ay napapikit ang mga babaeng nanonood. Bawat lapat ng latigo sa kanyang balat ay napapaaray ang mga babaeng kawaksi.
Lahat sila ay bilib na bilib sa Master ang iba naman ay napapikit nalang. Tumabi si Danica sa mga katulong na nakahilera at umiiwas ng tingin sa direksyon ni Alejandro.
"Anong ginagawa niya?"Tanong ng dalaga sa mga katulong. "Lady, araw-araw po na ginagawa ni Master ito at kailangang panoorin namin ang pagpaparusa," sagot nit okay Danica. "Pagpaparusa?" Naguguluhan niyang tanong sa mga katulong.
Nawala lang siya nang dalawang buwan heto na agad ang pinagkakaabalahan ng kanyang kapatid? At anong pagpaparusa ang sinasabi nito. "Parusa daw po sa dahil sa kanya muntik ng mamatay si Lady Erin." Napasinghap si Danica sa sinagot ng mga katulong. And this is for Erin afterall.
She looked at her brother, he's enduring this punishment just for Erin. "Araw-araw po ang pagpaparusa Miss at kailangan naroon din kami araw-araw upang mapanood ito dahil hindi lang daw po ang sarili niya ang parurusahan niya oras na may isa sa amin na hindi ginampanan ang pag-aalaga kay Lady Erin,"dagdag pa ng mga ito.
Naluluhang tinignan ni Danica ang kapatid. Sobra-sobrang mahal ng kanyang kapatid si Erin na tanging ito nalang ang natitirang katinuan sa kapatid niya. She was proud of her brother.
She just hope that whatever he is doing, nothing bad will happen to him. Nakikita ni Danica ang sakit mula sa reaksyon ng kapatid pero sa pagkakatitig nito sa kanya, sinasabi na huwag siyang makialam at kailangan nito itong pagdaanan.
Bakit naman kasi hindi nito nakilala agad si Erin noon palang? Bakit hindi nito inalam agad kung ano ang pagkatao ng dalaga mas inuna pa nito ang damdamin ngayon naman nag-sisi na ito. Ganito ba ka kumplikado ang nagagawa ng mga taong umiibig kung ganoon napakahirap naman ispelingin ng pag-ibig.
"He wants everyone to watch because he wants to feel what he did to Erin," Danica muttered as she stared at her brother. Walang siyang magawa kundi suportahan nalang ito dahil kung anuman ang nais nito para sa sarili at para sa babaeng mahal nito. Susuportahan nalang nito ito...
"I'm telling you this hindi para kaawaan ang aking kapatid pero bagkus ikonsidera mo ang pagpapatawad sa kanya." Hindi makapagsalita si Erin.
Sa loob nang anim na buwan, sa loob nang isang daan at walampung araw, pinaparusahan ni Alejandro ang sarili para lamang sa kanya? Sa loob nang mga araw na iyon mas mahirap ang pinagdaanan ng binata kaysa sa kanya.
"Pinoprotektahan ka niya kahit pa palaging nanghihina ang katawan niya dahil sa ginagawa niya dahil sa paulit-ulit na gusto niyang maranasan kung ano ang naranasan mo noon sa poder niya." Erin was shocked. She can't believe na may tao pa palang nais na pahirapan ang sarili bilang paghingi ng tawad.
Gulat at inis sa sarili ang nararamdaman niya dahil nagawa ito ni Alejandro para sa kanya. "Hindi niya na dapat ginawa 'yon pwede naman siyang humingi ng tawad sa akin," mahina niyang sagot kay Danica.
"Yes, he can do it, but my brother's perception differs from ours." He believes that if he wants someone to forgive him, he must first forgive himself kailangan niya munang pagdaanan ang pinagdaanan ng tao kung saan siya nagkasala." Napalunok si Erin ng laway tila nanunuyo ang lalamanunan niya sa sinasabi ni Danica.
Tinignan niya si Abby at tumango-tango ito. Now, she realized siya lang pala ang walang alam sa nangyayari kay Alejandro at sa kanya. "Believe me and Danica, I saw it with my own eyes as well." She stated. Napakataas ng pride niya at simpleng pakikipag-usap lang sana noon sa binata ay ginawa niya. Kinuwestyon ni Erin ngayon ang sarili. She is asking if what she's doing is right.
Dahil pakiramdam niya lahat ng mga desisyon niya mali at pakiramdam niya walang katuturan ang mga desisyon sa mga ginawa niya. She rested her head against the wall, as she was having difficulty processing everything. She assumed that now that she could see, life would be simple, but it isn't.
Mas naging mahirap pa ang buhay sa kanya kaysa noong hindi pa siya nakakita. Hindi sa gusto niyang mabulag ulit pero naisip niya lang niya na noon hindi kumplikado.
Nakakita nga siya ngunit parang nakakulong naman siya dahil sa mga bigat na mga dinadala niya mas lalo lang itong dumoble at bumigat. She expected it to be as simple as 1, 2, and 3, but it was as difficult as x, y, and z.
Nagpa-flash sa utak niya ang mukha ni Alejandro habang nakikiusap ito sa kanya na pakinggan niya ito. Nasa isipan niya ang mukha ni Alejandro habang sinasabi nitong mahal siya nito pero hindi pinaniwalaan at hindi niya pinakinggan.
She closed her eyes to think, to figure out where she went wrong. In life, we can't do everything perfectly, and we're bound to make mistakes. We'd always make mistakes, but we'd always have the chance to fix them.
Pagkatataon lang naman ang kailangan nilang dalawa pero mukhang hindi ito naibigay nang maaga minsan mapaglaro din kasi ang tadhana dahil kung sino pa ang may kailangan nito 'yon pa ang palaging hindi napagbibigyan 'yon pa ang mga taong hindi nagagawa ang dapat nilang gawin para maiayos ang lahat.
Fate is a tyrant, and it will not give you the opportunity abruptly. Fate will make us suffer before we can commit to our desires. It's a natural law. When Erin heard a noise, she opened her again.
Napatingin siya sa mga kaibigan, napatingin din pala ang mga ito sa kanya. Napatayo siya para tignan kung ano ang kumusyong nangyayari pero pinigilan siya ni Leon.
"Stay here Erin, I feel something is not right. Mapapatay kami ni De Rossi kapag may nangyari sa'yo," Leon said sternly. Erin nodded.
"Stay here babe, if something happens. Tumakbo o magtago kayo," anito pa kay Danica.
Hinalikan nito si Danica sa labi, hindi na nakapag-react pa ang dalaga at tumakbo na ang lalaki papaalis. Pinasunod pa nito ang ibang mga tauhan ni Alejandro at ang iba ay naiwan at binabantayan ang mga babae sa kanila.
Napalunok si Erin nang mawala si Leon at nakarinig agad ng mga putok ng baril. Bilang instinct ay napatakip ng tenga ang dalaga. Napatayo siya agad sa sobrang kaba pero hinila ni Danica ang kamay niya at umiling.
"Huwag kang lumabas doon, Erin. Kuya will kill us. Stay here," wika ni Danica at hinila siya pabalik ng upuan ngunit hindi mapalagay ang dalaga lalo pa at mga putok ng baril ang naririnig niya.
"I told you Erin, stay where you are!" Napaigtad siya ng sigawan siya ni Danica ngayon lang nagawa ito ng dalaga sa kanya. Napalunok siya at naupo ng tahimik, nakikita niyang aligaga si Danica at panay ang tingin sa kung saan naroroon ang mga putok ng baril.
"D*mn! Ang bilis naman nilang makasagap ng balita?!" She muttered while her knees are shaking. Ito naman ang napatayo at nagpabalik-balik ng lakad sa kinatatayuan.
Alertong-alerto naman ang mga tauhan ni Alejandro na nakabantay sa kanila tila alam na alam ng mga ito ang nangyayari. Walang alam si Abby at Erin sa nangyayari kaya naman nakatingin lang sila kay Danica.
"Bullsh*t! Those mafias are getting into my brother's nerves!" Hindi napansin ni Danica na nasabi na niya ang trabaho ng kapatid niya. Ikinalaki ito ng mata ni Erin bigla siyang napatayo.
Ang tanging alam niya ay armado lang ang mga tauhan ni Alejandro dahil mayaman ito at kailangan ng bantay. She believes Alejandro has a large credit company, which is why her Uncle owes him money. "M –Mafia?" she stutteringly asked Danica. Danica stared at her, her eyes wide open. "W –what? I –I did not say Mafia," she insisted.
"Yes, you said Mafia, Danica. We heard it," segunda ni Abby.
Walang takas si Danica at wala siyang mairarason dahil dalawang tao ang nakarinig noon pero talagang binigyan siya nang pagkakataon na hindi siya ang magpaliwanag dahil isa-isa silang nagsigawan. Umabot na dito ang nagliliparang mga bala ng baril.
Nagsisigawan na ang mga Nars, pasyente at mga Doktor. Erin was scared. Maging siya ay takot na takot dahil nagtatakbuhan na ang lahat. Rinig na rinig niya pa ang mga sigawan ng mga bumabaril.
She ran somewhere, her instinct tells her to hide. Ang una-unang pumasok sa isipan niya para pagtaguan ay ang silid na nasa harapan niya.
"Find Alejandro's weakness!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro