Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Hindi mapigilang ni Erin na hindi sisihin ang mga tao sa paligid niya kaya siya nagkakaganito. She feels threatened and betrayed in this world full of liars.

'Bakit pa nila ako kailangang saktan nang ganito, kulang pa ba ang dinanas kong paghihirap. Ano pa ba ang kailangan kong gawin para lang makuha ko ang pinapangarap kong kasiyahan.'

Now that Erin finally realized who is he and what he is to her. Mas mabuti nalang sana pinabayaan nalang siyang mamatay ng binata. Ano ang pakinabang ng buhay ng dalaga kung lahat naman din ng ito ay parang wala na. 

She promised herself that she shouldn't love any man except for him. Ito lang nais ni Erin na maging kanya pero nang malaman niyang ang lalaking umabuso sa kanya at ang lalaking minahal niya noon ay iisa.

Ang taong nag-iwan ng peklat sa buong katawan niya at ang taong minamahal niya ng lubusan noon at magpasahanggang ngayon. Parang kumuha ng martilyo si Erin at pinokpok sa sariling ulo. 

"Bakit siya pa? Bakit siya pa ang gumawa sa akin nito? Bakit ba nila pinapahirapan ang loob ko?" Ano na naman kaya ang susunod? Ano na naman kaya ang malalaman ni Erin? Pwede kayang mawala nalang siya na parang bula? Iyon bang wala na ni isa mang bakas na makakita o makakahanap sa babae mas mabuti pa noong nag-iisa siya mas mabuti pa noon dahil kahit mag-isa lang siya nakakaya niya pa ang sarili pero ngayon bakit? Bakit hindi na niya kayang mag-isa?

'Kahit noong bulag ako, kaya ko ang sarili ko, kaya kong tumayo gamit ang mga paa kahit na noong nadadapa ako pero bakit ngayon hindi na. Bakit ngayong may mga mata na nga ako hindi ko na kayang mag-isa pa? Is this the price of being a normal person? Kung ganoon, mas pipiliin ko nalang na maging bulag kahit hindi ko nakikita ang mga bagay sa harapan ko atleast alam kong inosente ako sa mga bagay na iyon.' Hinanakit ni Erin.

"Bakit po Lord, bakit ako pa po." Bumigay ang dalawang tuhod ng dalaga kaya napaupo ito sa tabi ng kalsada. Wala namang tao at isa pa malapit na ito sa ilang daan ektarya ng pribadong lupa na wala namang tao. Nanlalabo ang paningin ni Erin dahil sa mga luhang umaagos dito habang tinitignan ang langit.

Yes, she may be blaming him for what is going on in her life, but she still believes in him. She still has faith in God. 'Why does he allow me to live in this miserable life? I don't have the strength, and I don't have the option of continuing to live because everything is a mess.' Ang magtago ang nasa isipan ni Erin pero pakiramdam ng dalaga hindi pa din iyon nararapat dahil kahit na anong gawin niya harapin niya man ito o hindi, ganoon pa naman din ang resulta.

Napayuko si Erin at tahimik na umiiyak nais niyang pumunta ng Flower Shop pero nagkamali ang dalaga ng daang tinahak at dahil bumigay ang mga paa nito ay naupo nalang ito sa tabi at inantay na bumalik muli ang lakas ng mga binti. She rested her head on her knees. She gasped when someone seated beside her.

Hindi na iniangat ng dalaga ang ulo, alam niya kung sino ito. Hindi niya man tignan. Iisang tao lang ang alam niyang makukuha siyang sundan kahit saan yata siya magpunta. Walang ingay na lumabas sa bibig ng dalaga at patuloy lang na sinarili ang pag-iyak. 

Ang taong nasa tabi ni Erin ay bigla nalang siyang niyakap halos magdugo na ang bibig ng dalaga sa madiing pagkakagat dito habang umiiyak. Bakit ganito?

Bakit kahit na anong ginawa nitong kabalastugan, ang init-init pa rin ng katawan ng binata habang nakayakap sa katawan ng dalaga. Despite what he did to her, Alejandro Lucas' body is extremely warm. The tenderness of his touch remains, but she has refused to respond. 

"I –I'm sorry, I'm truly, truly sorry. Ang tanga-tanga ko nang hindi ko makilala agad ang pinakamamahal ko. Ang tanga-tanga ko dahil hindi kita agad nakilala. I'm sorry, mia bella," bulong ng binata.

Walang sagot na sinabi sa kanya ang dalaga, hindi niya babaliin ang mga salitang binitiwan para sa sa sarili at para sa kapakanan niya. Hindi ganoon kadali ang hinihinging kapatawaran ni Alejandro, hindi 'yon katulad ng kapag nakainom ka ng mainit na kape ay iluluwa mo lang ito. 

"Paulit-ulit akong hihingi ng tawad sa ginawa ko sa'yo pero paki-usap, kailangan kitang ligtas kaya hindi ka maaring bumalik sa tinutuluyan ninyo nila Danica." Nagpantig ang tenga ni Erin sa sinabi nito.

'Sino siya para diktahan akong muli? Oo nga at mahal ko siya pero hindi ibig sabihin noon ay magpapadala nalang ako sa lahat ng gustuhin niya gaya noong itinali niya pa ako.' Sigaw ni Erin sa isipan. Itinulak niya si Alejandro. 

"Huwag na huwag mo akong uutusan sa mga bagay na para sa sarili ko. Tapos na ang pagiging alipin ko sa'yo matagal ng bayad ang utang na hindi naman akin!" Maubusan man ng boses si Erin sa pagsigaw, wala siyang pakialam.

Napatayo ang dalaga at ganoon din ang binata, dinuro siya ng dalaga at tinulak. Wala siyang pakialam. Ang binata ang gumawa sa kanya nito kung nagdudusa si Erin kailangang magdusa din si Alejandro. Nakita sa mga mata ni Erin sa mga mata ng binata ang unti-unti nitong paglamlam puno din ito ng kalungkutan.

"Gabi-gabi akong binabangungot dahil sa ginawa mo. Gabi-gabi akong hindi makatulog ng maayos dahil sa naalala ko ang mga pinaggagawa mo." Tinatanggap ni Alejandro lang lahat ng mga sinasabi ni Erin at wala itong ginagawa.

Himala yata at pumapayag lang ang binata na sigaw-sigawan ni Erin dahil alam na alam naman ng dalaga na hindi ito pumapayag na gawin ito ng kahit na sino sa binata. "Nagdusa ba kamo? Saan? Kailan? Wala akong makita." Nanunuyang tanong ng dalaga sa binata kahit na halos na dinudurog na ang puso ni Erin kakapilit sa sarili na kalimutan lahat ng ito. She noticed his lips twitching; he was about to say something, but she kept interrupting him.

"Huwag na huwag mong sasabihin na pati ikaw ay nagdudusa dahil lahat naman ng ginawa mo ay para sa pagiging makasarili mo." Nasaan ang sinasabi nitong nagdusa siya? He seems fine. 

Ang sa dalaga, hindi nakikita, hindi nahahawakan dahil narito lang ito dito sa dibdib niya, dito nanahan ang sakit sa kanyang puso. Kulang pa ang sakit na nababasa ni Erin sa mga mata ni Alejandro sa sakit na dinanas niya mula rito.

Ma-pride na tao ang Alejandro Lucas De Rossi na nakilala ng dalaga. Ayaw nitong makisalamuha sa iba. Ayaw nitong inaayawan siya ng iba. Ayaw na ayaw nitong sinusuway siya ng iba at ayaw na ayaw hindi siya sinusunod ng iba ngunit ano nga ba ito nakikita ni Erin ngayon. 

Mismong dalawang mata ng dalaga ang nakikitang dahang-dahang lumuhod sa kanyang harapan si Alejandro habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. He stared at her. Ang mga salitang dapat lumabas sa mga bibig nito kanina ay idinaan nito lahat sa pagluhod sa dalaga. 

"I – I can't take away all the pain I've caused you. I can't get rid of all the scars in one go. I can't bear all the memories and wrongdoings I've committed against you, mia bella... All I can do is beg your forgiveness and suffer through all of this as a punishment for ruining your life." While kneeling, he said to Erin.

She can't believe the alleged demon is crying and kneeling in front of her. Erin must be dreaming, and it must be a false dream. "I know you won't believe me, mia bella, but please... one chance, just one chance to prove that I regret what I've done to you." Nagmamakaawa nitong turan sa dalaga ngunit tinignan siya ni Erin na walang emosyon sa mukha.

Erin is trying to be a b*tch here but she can't really copied what's not her. Ang ginawa nalang ng dalaga ay ang mawalan ng emosyon ang mukha. "Tumayo kana dyan, wala akong gagawin o sasabihin sa'yo. Magdusa ka ng tahimik at huwag mo akong guluhin." Nag-umpisa nang maglakad ang dalaga pabalik ng dinaanan kanina, mabilis at mahahabang hakbang ang ginawa nito.

Pinahidan ni Erin ang mga luhang tumulo sa mga mata. Ilang hakbang pa lamang ay nakaramdam ang dalaga nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Hihiklasin ko na sana iyon nang nakarinig ako ng ungol mula rito. Sisinghalan na sana ni Erin muli ang binata nang lingunin niya ito ay napasigaw siya sa gulat. 

"Holy sh*t!" Bigla na lang lumabas iyon sa bibig ni Erin.

Six men were standing behind her. Alejandro is hugging her and protecting Erin from harm. Nakita ng dalaga na sapo-sapo nito ang likod ng tagilaran na basa ng dugo.

Nanlaki ang mga mata ni Erin ng naglabas ang isa ng kutsilyo at sinasaksak muli sa may tagiliran ng tiyan ang binata. "Tumigil kayo!" She saw him. He protected Erin. May saksak ito sa tagiliran at napagtanto ni Erin na sana ang puntirya nila ay ang dalaga pero sinagga ito ni Alejandro.

Yes, she wanted him to suffer but not like this. Kilala ni Erin ang mga lalaki 'yon, pamilyar na pamilyar ang mga mukha nila dahil nasa iisang Unibersidad lang sila ng pinapasukan. Saan sila nanggaling?

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Nagsisigaw na sabi ng dalaga dahil hindi pa rin sila umaalis at pinagsisipa nila si Alejandro. Bakit hindi siya lumaban kanina?

Nakita nila si Erin. Nanlaki ang mga mata nila at isa-isa silang tumakbo paalis. Akala niya ay takot sila sa dalaga, ang mga lalaki pala na nasa likod ni Erin ang kinatakutan nila. "Boss!" Mga tauhan sila ni Alejandro.

Lumapit ang dalaga sa binata, kinakabahan siya pakiramdam niya kasanalan niya ito. Kinuha ni Erin ang panyo sa bulsa ng makalapit ang dalaga sa binata at inilagay 'yon sa tagiliran ni Alejandro na dumudugo.

Inilagay ni Erin ang ulo ni Alejandro sa kanyang kandungan habang ang mga tauhan nito ay nagsisigawan sa gagawin nila. "Don't close your eyes! Kailangan gising ka! Hindi ka mamatay sa simpleng saksak lang!" Singhal ni Erin. 

Napalunok ang dalaga habang nakikitang unti-unti nitong pinipikit ang mga mata ng binata ngunit nilalabanan ito ni Alejandro. Pilit na tinatapik ni Erin ang pisngi ng binata upang hindi ito mawalan ng malay.

Galit nga si Erin pero hindi niya naman hinihiling na mamatay ang isang tao. "Mia bella." He spoke into Erin's ear. She looked at him as he touched her cheeks. "Wait a minute, don't close your eyes!" Nakaramdam ng takot ang dalaga dahil sa reaksyon ng mukha ni Alejandro. She remembers him as a strong man, but what she's seeing now is a frail Alejandro.

"Y –you are beautiful, my love." Pinahidan nitp ang luha ni Erin habang nanghihina. "You can't die, Alejandro! Kailangan mo pang pagdusahan ang kasalanan mo sa akin!" Sigaw ni Erin sa binata at niyugyog ang balikat nito parang hindi mag-Dodoktor si Erin sa ginagawa imbis na kumalma siya yata ang mas nenerbiyos sa nangyayari.

She cannot let him die horribly! Erin does not want another person to die in front of her eyes. Namatay ang mga magulang niya habang nakikita silang nilalagyan ang dalaga ng kaiisa-isang life vest na natira sa loob ng eroplano na magka-crash sa dagat habang nakikita ni Erin si Alejandro. Nakikita niya rin ang mga magulang na sinasabing mahal siya ng mga na sinasabi nilang alagaan ng dalaga ang sarili niya.

"Please don't die..." She muttered something. When she saw him, he opened his eyes slightly and wiped her tears away. 

"I'm not going to die, my love; I have sins against you, right? I'll have to pay three times the price."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro